Share

CHAPTER 19.2: BEFORE I LET YOU GO

Tinawag na sila ni Joe para kumain. Nakita niya si Brent na nakaupo sa sulok at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Naiilang tuloy siyang kumilos. Tumabi siya uli kina Katrina at Eunice. Nang makakuha na ang lahat ay saka tumayo si Brent para kumuha ng pagkain nito.

Buti na lang at wala ni isang nagtanong uli ng tungkol sa kanila ni Brent. Napupuno na naman ng tawanan habang kumakain sila dahil sa mga pinagkukwento ni Joe. Sila lang ni Brent ang parehong tahimik. Kapag nagsasalubong ang mga tingin nila ay agad siyang umiiwas.

Pagkakain ay nagkanya-kanya na sila ng ligpit ng mga gamit nila. Pupunta na sana siya sa kotse ni Joe nang magsalita si Brent.

" Sumabay ka sa akin, Zy, wala akong kasama. Baka makatulog ako sa biyahe," parang walang anumang sabi nito.

Hindi iyon tunog pakiusap kundi pautos ang pagkakasabi nu'n. Kita niya ang nanunudyong tinginan ng lahat kahit wala ni isang nagsalita. Nang lumingon siya rito ay nakabukas na ang passenger's seat nito at hinihintay siyang pumasok s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status