Share

Chapter 5

last update Huling Na-update: 2025-01-16 02:19:37

Mabilis na gumalaw si Bona at umiwas sa gilid, pero tumalsik pa rin ang mainit na kape sa kanyang paa.

Napasinghap siya sa sakit.

Habang magpapaliwanag sana siya kay Elena, napansin niyang natumba ito patungo sa glass cabinet sa likuran niya.

Dahil sa instinct, agad siyang nag-abot ng kamay para hilahin ito.

Pero kumawala si Elena.

"Ah!” sigaw nito. 

Nabasag ang salamin, at nasugatan ang braso ni Elena. Ang dugo ay dumaloy mula sa kanyang braso pababa sa sahig.

Sa sandaling iyon, narinig niya ang malamig na boses ni Sean mula sa likuran.

"Bona, ano ang ginagawa mo!?"

Mabilis na lumapit si Sean kay Elena, ang matikas niyang tindig ay puno ng tensyon habang ang malalim niyang mga mata ay nagdilim nang husto.

"Ano nangyari?"

May dalawang linya ng mainit na luha sa maputlang mukha ni Elena, at nanginginig ang kanyang bibig.

“Sean, kasalanan ko ‘to. Hindi ko sinasadya na matapon ang kape kay Secretary Bona, pero inakala niyang sinadya ko kaya itinulak niya ako. Huwag mo na siyang sisihin, okay?"

Pagkarinig ng mga salitang ‘yon, agad na nanlaki ang mga mata ni Bona.

Hindi niya inasahan na gagamitin ni Elena ang ganitong taktika para ilagay siya sa alanganing sitwasyon.

Agad siyang nagpaliwanag: "Hindi ko siya itinulak! Kusa siyang natumba!"

Tiningnan siya nang malamig ni Sean. Saglit niyang tiningnan ang paso sa likod ng paa ni Bona, ngunit agad din itong binalewala.

"Babalikan kita mamaya,” pagsasalita niya gamit ang malamig na boses.

Pagkasabi nito, dali-dali niyang inakay si Elena palabas.

Tinitigan ni Bona ang papalayong mga likuran nila, at isang hindi maipaliwanag na kirot ang naramdaman niya sa kanyang dibdib.

Ito ang lalaking minahal niya nang pitong taon.

Sa pagitan niya at ni Elena, hindi kailanman siya ang pinipiling paniwalaan nito.

Agad na kumalma si Bona at nagpasya na hindi niya hahayaang magtagumpay ang plano ni Elena.

Kahit naghiwalay na sila ni Sean at wala na siyang pakialam sa pagtrato nito sa kanya, hindi niya matitiis ang ganitong klaseng paninira.

Kapag pinabayaan niya ito ngayon, tiyak na mauulit pa ito mga susunod na panahon.

Agad niyang hinanap ang kasamahan niyang si Lia at pinakiusapan ito na ipakiusap siya sa boyfriend nito na nasa IT department na kumuha ng kopya ng CCTV footage.

Gusto niyang patunayan ang kanyang pagiging inosente.

Matapos ayusin ang lahat, mabilis na binalikan ni Bona ang trabaho.

Wala sina Sean at Robbie, kaya siya ang kailangang mamuno sa umagang pulong.

Maayos niyang naitala ang mga ulat ng bawat departamento, diniscuss rin niya ang ilang mahihirap na proyekto ngayong linggo.

At dahil wala rin si Sean sa meeting room, naging mas magaan ang pakiramdam ng lahat.

Pinuri si Bona ng mga senior executive dahil sa kanyang kakayahan. May mga nagbiro pa na dahil napakahusay ng kanilang teamwork ni Sean, baka maaari na siyang maging "boss lady" ng kumpanya.

Bahagyang ngumiti si Bona at magalang na sumagot: "Magkasama lang kami bilang mga katrabaho. Huwag kayong mag-isip ng kung anu-ano. Bukod pa diyan, malapit na rin akong..." bumitiw sa trabaho.

Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, biglang bumukas ng malakas ang pinto ng meeting room.

Nakatayo si Sean sa pintuan, nakasuot ng itim na suit. Ang kanyang presensya ay malamig at nakakatakot, para siyang demonyong nagmula sa impiyerno.

Tinitigan niya si Bona gamit ang malamig niyang mga mata.

Ang maaliwalas na atmospera sa meeting room kanina ay biglang naging mabigat at nakakapanlumo.

Sabay-sabay na tumayo ang lahat at binati siya: "Mr. Fernandez!"

Hindi sumagot si Sean, ngunit naglakad siya papunta kay Bona gamit ang mahahaba niyang mga paa.

Isang malamig na kamay ang humawak sa pulso ni Bona, at ang kanyang boses ay nakakakilabot.

"Sumama ka sa akin!"

Hinatak ni Sean si Bona palabas ng meeting room.

Habang nakayuko, napansin niya ang halatang pamumula at pamamaga sa makinis at maputing mga paa nito.

Galit niyang sinabi: "Ang tanga mo talaga!"

Pagkasabi nito, yumuko siya at binuhat si Bona sa kanyang mga bisig.

Pagdating nila sa parking lot, maingat niyang inilagay si Bona sa shotgun seat.

Kumuha siya ng isang hindi pa nabubuksan na kahon ng gamot para sa paso mula sa compartment.

Ang kanyang mga pilikmata ay bahagyang bumaba, at ang maninipis niyang labi ay mahigpit na nakatikom. May madilim na emosyon na bumalot sa kanyang malalim na mga mata na hindi mo basta-basta madaling mahulaan.

Binuksan ni Sean ang kahon ng gamot at pinisil ang mala-gatas na pamahid gamit ang mapuputi at mahahaba niyang daliri.

Pagkatapos ay marahan niyang ipinahid ang ointment sa namamagang bahagi ng paa ni Bona.

Ang kilay niya ay bahagyang nakakunot habang ginagawa ito.

Napansin niya ang mahigpit na pagkunot ng kilay ni Bona dahil sa sakit, at ang maputla nitong mga labi na mariing kagat-kagat.

Ang mga daliri ni Bona ay mahigpit na nakabaluktot.

Dahil dito, dinahan-dahan ni Sean ang kanyang paghagod at naging mas maingat sa pagdampi ng cotton.

Matapos niyang lagyan ng ointment ang namamagang bahagi, tumingin siya kay Bona gamit ang hindi maipaliwanag na ekspresyon.

Bahagya siyang ngumiti ng may halong panunuya: "Napakatanga mo talaga. Sigurado ka bang kakayanin mo nang wala ako?"

Tumayo siya at itinapon ang ointment sa kandungan ni Bona.

"Gamitin mo ito tuwing umaga at gabi. Huwag mong babasain ang paa mo sa loob ng dalawang araw, kung hindi magkakaroon ng peklat. Huwag kang umiyak sa akin pagkatapos."

Nakangusong tumingin si Bona sa kanyang paa at malamig ang tono ng sumagot: "Malalaman natin kung kaya ko kung susubukan ko."

Tinitigan ni Sean ang matigas na mukha ni Bona at napabuntong-hininga.

"Bona, kung galit ka, sabihin mo ng diretso. Pero bakit kailangang idamay si Elena? Hindi mo ba alam na may depresyon siya? Sinabi ko na sa’yo, hindi ka niya kayang saktan. Bakit hindi mo magawang maniwala?"

Ang kaunting pasasalamat na naramdaman ni Bona kanina ay biglang naglaho. Tiningnan niya si Sean nang malamig, at isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.

"Sean, uulitin ko, hindi ko siya ginalaw. Siya mismo ang nagtumba sa sarili nya para sisihin ako. Kung hindi mo ako pinaniniwalaan, tingnan mo ang CCTV."

Bahagyang tiningnan siya ni Sean at sinabing: “Hindi naman ako tanga. Pero si Elena ay may problema sa blood clotting at AB+ pa ang dugo niya. Malaki ang nawala niyang dugo at wala nang stock sa blood bank. Mag-donate ka ng dugo sa kanya. Pinapangako ko, hindi gagalawin ng pamilya Alvarez ang mga Sobrevega. Tapusin na natin ito dito."

Ang kaunting sakit na nararamdaman ni Bona sa kanyang puso ay biglang naging mas masakit, parang tinutusok na ito ngayon.

Hindi niya halos makayanan ang sakit, kaya’t halos nalimutan na niyang huminga.

Hiniling ni Sean na mag-donate siya ng dugo kay Elena.

Kahit na kamakailan lang siyang nagpalaglag, kung saan nawalan siya ng maraming dugo at nagkaroon ng anemia. Hanggang ngayon, umiinom pa siya ng medisina para makabawi.

Tinitigan ni Bona si Sean gamit ang malamig na mga mata. Ang boses niya ay puno ng matigas na tono.

"Sean, paano kung sabihin kong hindi ako puwedeng mag-donate ng dugo ngayon? Ano ang gagawin mo? Pipilitin mo ba ako?"

Tiningnan siya ni Sean at sinabing: "Wala namang problema sa medical report mo. Ang 400cc na dugo ay walang magiging malaking epekto sa katawan mo. At saka, si Elena ang pinakamamahal ni Leo Alvarez. Kahit hindi mo kasalanan, kapag gumanti siya sa pamilya mo, wala akong magagawa."

Napangiti si Bona ng mapait.

Ang iniisip lang ni Sean ay si Elena ang mahal ng kanyang ama. Pero paano siya?

Noong nalaglag ang anak niya at nawalan siya ng maraming dugo, hindi man lang sinagot ni Sean ang tawag niya.

Samantalang si Elena, isang maliit na sugat lang, pero todo ang pag-aalala ni Sean at tinatakot pa siya gamit ang pamilya niya.

Talagang walang pagkukumpara ang pagtrato.

Tinitigan ni Bona si Sean nang may lungkot sa mga mata. "Ang 400cc ay hindi makakasama sa katawan mo. Pero paano kung 2000cc?"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • He Rejected My Marriage Proposal   Chapter 73

    Nanlilisik ang mata ni Madam Fernandez sa pagkainis.Mula nang malaman niya na si Elena ang nagplano ng bitag para linlangin sila, hindi na naging maganda ang tingin niya dito.Ayaw sana niyang papuntahin ito, pero hindi niya inasahan na isasama pa nito ang lola niya, si Madam Torrevillas.Matagal nang magkaibigan ang pamilya Torrevillas at Fernandez.Kaya nang personal na dumating si Madam Fernandez, wala na siyang nagawa kundi papasukin sila.Tumayo agad si Madam Fernandez. “Sige, sasalubungin ko na sila.”Paglabas niya, nakita niyang naka-light blue dress si Elena, magkahawak-bisig silang pumasok ni Madam Torrevillas.Nakangiti pa ang inosente niyang mukha, parang walang ginawang masama.“Lola, nandito po kami ng lola ko para batiin kayo sa kaarawan niyo. Sana’y maging kasing lawak ng West Philippine Sea ang pagpapala at mas mahaba pa sa San Juanico Bridge ang buhay niyo.”Nakangiting sinalubong ni Madam Fernandez si Madam Torrevillas at hinawakan ang kamay nito. “Naku, Sister-in-l

  • He Rejected My Marriage Proposal   Chapter 72

    Yung video, kuha ‘yon sa isang hotel sa isang syudad, kung saan nangyari mismo sa gabing na-frame si Sean.Kahit sobrang lasing na siya at halos walang malay sa kama, tuwing lalapit si Helena, umiiwas pa rin siya.Hanggang sa matapos ang video, ni hindi man lang sila nagkadikit ng balat.Lahat ng yun, palabas lang na si Helena ang gumawa at bida.Tama pala si Bona, yung kaso ni Sean ang nag-angat ulit sa kanya mula sa pagkakalugmok.Pero kapalit nun, nawalan si Sean ng halaga na inabot ng daan-daang milyon.Sanay siya sa maginhawang buhay, pero napunta pa rin siya sa madilim at basang kulungan nang mahigit sampung araw. Inapi pa siya ng pinuno ng selda.Tiniis niya lahat ‘yon para lang maibalik siya sa taas.Aminado siyang kung hindi dahil sa kaso ni Sean, aabutin pa siguro ng kalahating taon bago siya makabawi, o baka tuluyan na siyang makalimutan sa mundo nila.Pagkabasa ni Bona sa parteng ‘yon, tumulo na yung luha niya.Pinatay niya agad ang laptop at mabilis na lumabas.Pakiramdam

  • He Rejected My Marriage Proposal   Chapter 71

    Naalala niyang malinaw na malinaw—may guhit ng kwintas na iyon sa drawer ng kanyang ina.Mula sa disenyo, hugis, at dami ng diamante, eksaktong-eksakto.Noon, humanga siya sa kwintas.“Ang ganda nito. Bagay na bagay kay Bona,” naisip niya.Nakita ng kanyang ina ang pagkabilib niya, kaya hinaplos nito ang kanyang ulo at ngumiti.“Para ito sa anak ni Aunt Mei. Isang regalo mula sa’yo. Gusto mo ba?”Nahihiya man, tumango siya.Pero pagkatapos ng aksidente ni Aunt Mei, hindi na ito muling nabanggit.

  • He Rejected My Marriage Proposal   Chapter 70

    Nakatali ng mga pampasabog sina Arthur at Xia.Si Xia, itinago ang buong katawan sa likod ni Arthur, kaya’t imposibleng barilin siya nang hindi tinatamaan si Arthur.Ang planong ito—masyadong perpekto para kay Xia lang.Naisip ni Sean, "Hindi siya ang utak nito."Kung kaya niyang makapang-impluwensya sa loob ng kulungan, at gumawa ng ganitong matinding plano ng pagtakas, hindi siya ordinaryong kriminal.May mas malaki pang taong nasa likod niya.Habang lumalalim ang hinala ni Sean, mas lalong lumalim ang kanyang mga mata—puno ng panganib.Nang makita

  • He Rejected My Marriage Proposal   Chapter 69

    Sa mismong utos ni Sean, bumukas ang pinto ng silid.Pumasok si Secretary Robbie, kasama ang ilang dayuhang eksperto.Nakatingin siya kay Elena nang may magalang na ngiti:“Miss Alvarez, ito ang mga eksperto mula sa ibang bansa na dinala ni Mr. Fernandez. Hindi nila hahayaang mawala ka—pero kailangan muna nilang magsagawa ng pagsusuri bago ka gamutin.”Nabigla ang lahat sa loob ng silid.Agad na sumigaw si Leo:“Ano’ng balak n’yong gawin? Ganyan na nga ang kalagayan ni Elena—anong pagsusuri pa ang kailangan?”Ngunit kalmado pa rin si Secretary Robbie.

  • He Rejected My Marriage Proposal   Chapter 68

    Biglang lumubog ang dibdib ni Sean.Ang ginang na ito…Pakiramdam niya, nakita na niya ito dati.Lalo na ang mga mata—maganda, kalmado, at may ngiting banayad. Parang isang alaala mula sa napakatagal na panahon.Isang alaala na hindi niya matukoy kung kailan o saan niya nakita.Agad niyang inayos ang sarili. Tila nawalan siya ng kontrol sa sarili kahit isang saglit.“Kung hindi po kayo komportable, lilipat na lang ako sa ibang mesa.”Ngunit mabilis ding nagsalita si Mrs. Fu, pinipigilan ang sariling pagtataka.&ld

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status