Share

CHAPTER 3

Author: Kaye Elle
last update Last Updated: 2025-03-26 17:38:13

ISANG umaga, habang pinapakain ni Ate Ophelia si baby Quila, dumating si Mommy mula sa labas. Bitbit niya ang ilang papel at folder, pawisan pero nakangiti. Agad niyang inilapag ang mga iyon sa mesa, halatang puno ng excitement.

"Mga anak, may magandang balita ako!" Masayang sabi ni Mommy, bakas ang saya sa mukha niya.

Napatingin kami ni Ate Ophelia — halatang nagtataka pero may halong pananabik. "Ano 'yon, 'My?" Tanong ko.

"Nakahanap na ako ng eskwelahan para sa inyo! Dito lang sa malapit, sa public school. Nag-inquire ako kanina, at sabi nila na pwedeng mag-transfer kahit gitna na ng taon. Kailangan lang nating kumpletuhin ang mga requirements na 'to," paliwanag ni Mommy, sabay turo sa mga papel.

Agad kong sinilip ang mga dokumento. Listahan ng requirements, enrollment form, at ilang guidelines. Iba ito sa nakasanayan namin na private school dahil wala itong striktong uniporme at mas simple ang mga patakaran.

"Okay lang ba sa inyo, mga anak?" Tanong ni Mommy, bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Alam kong ibang-iba ito sa dati ninyong eskwelahan, pero ito lang ang kaya ko ngayon."

Pumagitna ang sandaling katahimikan.

Alam kong iniisip din ni Ate Ophelia ang mga bagong kakaharapin namin — mga bagong kaklase, bagong sistema, at ang mga pagbabagong hatid ng buhay sa public school. Iniisip ko rin sina Glyzza at Glydel, mga laging mapanghusga, baka malaman nilang lumipat kami sa public school at magpakalat ng tsismis. Pero alam kong mas mahalaga ang patuloy naming pag-aaral kaysa sa opinyon nila.

Nagkatinginan kami ni Ate Ophelia. Kita ko ang tapang sa mga mata niya kahit may kaunting alinlangan.

"Okay lang, 'My," sabi ni Ate Ophelia nang may tapang. "Kahit saan, basta makapagpatuloy kaming mag-aral."

Huminga ako nang malalim at ngumiti rin. "Oo nga, 'My. Kakayanin namin."

Ngumiti lamang si mommy dahil sa naging sagot namin. 

Kinabukasan, pumasok kami ni Ate sa bagong eskwelahan. Mainit ang panahon, at ramdam ko ang kaba habang naglalakad kami sa maalikabok na daan papunta sa gate. Hindi tulad ng dati naming eskwelahan na may mga guwardiya at malinis na pasilyo, mas simple ang itsura ng public school — mga luma at sira-sirang upuan, mga nakaukit na pangalan sa mesa, at mga pader na tila ilang beses nang napinturahan ngunit natutuklap na.

Nakahanap ako ng upuan sa pinakadulo ng classroom, malapit sa bintana. Si Ate Ophelia, ay pumasok na rin sa klase niya. Maya-maya'y lumapit ang isang babaeng may mahabang buhok na nakatali sa likod.

"Bagong lipat kayo, 'no?" Tanong niya, nakangiti.

Tumango ako, medyo alanganin. "Oo, from... another school."

"Okay lang 'yan," sabi niya, simpleng ngiti. "Ako nga pala si Grace. Dito, basta magpakabait ka lang, may makakasundo ka rin."

Parang nabunutan ako ng tinik. Hindi ko akalaing may magiging mabait agad sa amin. Sa dati naming eskwelahan, sanay akong nag-iingat sa mga tulad nina Glyzza na laging mapanghusga. Pero si Grace, iba — simple, walang halong panlalamang.

Habang tumatagal, mas nakikilala ko si Grace. Madaldal siya kapag nakakausap nang matagal, pero tahimik kapag maraming tao. Ipinakilala niya kami sa mga kaibigan niyang sina Crystal at Jessa. Mabait din ang dalawa — si Cystal ay palatawa, habang si Jessa naman ay seryoso pero kalog din kapag nakikilala na.

At dahil magkakasama kami araw-araw dahil iisa lang ang classroom namin, naging kaibigan na rin nila si Ate Ophelia. 

"Bagong lipat din ako dati," sabi ni Crystal habang kumakain kami ng baon sa ilalim ng puno ng mangga. "Nakakatakot nung una, pero masasanay ka rin."

Tumango si Ate Ophelia, halatang gumagaan na rin ang loob. Sa bawat kwentuhan, ramdam kong unti-unti nang nawawala ang takot ko sa mga magiging reaksyon ng iba. Nagkakapalitan na kami ng mga kuwento — tungkol sa mga paborito naming palabas, mga guro na nakakatakot, at mga pangarap namin sa buhay.

Pakiramdam ko, sa simpleng lugar na ito, mas totoo ang bawat tawanan, mas malaya kaming magpakatotoo.

Hindi maiiwasan, minsan may mga matang nakatingin sa amin. Minsan may mga bulung-bulungan kapag dumadaan kami ni Ate. Hindi ko alam kung dahil ba bago kami o dahil may narinig sila tungkol sa amin.

Naiisip ko sina Glyzza at Glydel, kung ano ang iisipin nila kung makita nila kami rito. Baka pagtawanan nila kami, pero hindi na iyon mahalaga ngayon.

"Huwag mong pansinin 'yan," sabi ni Grace nang minsang napansin niyang nag-aalangan ako. "Ganyan lang talaga sa umpisa, pero kapag nakilala ka na nila, magiging maayos din lahat."

Nakakatulong ang mga salita ni Grace. Sa kabila ng mga pag-aalinlangan, alam kong mas marami ang handang tumanggap kaysa humusga.

Habang nililingon ko ang lahat ng nangyari, napagtanto kong ang mga pagbabago ay hindi palaging masama. Oo, mahirap noong una, pero nagdala rin ito ng mga bagay na mas totoo — mas malalim na pagkakaibigan, mas buo at malayang pamilya, at mga pangarap na mas nakikita ko nang malinaw.

Ang public school ay hindi lang basta isang lugar ng pag-aaral. Isa itong tahanan na nagturo sa akin ng tunay na halaga ng pagtanggap, pagkakaibigan, at katatagan. 

Dito ko nakilala sina Grace, Crystal at Jessa. Sa kanila ko nakita ang sinserong pagkakaibigan — hindi batay sa kung ano ang mayroon ka, kundi sa kung sino ka bilang tao. Kapag recess, nagkukuwentuhan kami ng mga simpleng bagay — tungkol sa mga crush, sa mga nakakatawang pangyayari sa klase, o minsan ay mga pangarap na tila imposible pero masayang isipin.

Nakikita ko rin kung gaano ka-determinado si Ate Ophelia kahit na may trabaho siya. Sa aming dalawa, siya ang mas nakakatanda, pero minsan pakiramdam ko ay para na rin siyang pangalawang ina. Tuwing gabi, nag-aaral siya ng mabuti habang pinapatulog si baby Quila. Nakikita ko siyang nagpupuyat, nagbabasa ng mga libro, at nagsusulat ng notes kahit na pagod na pagod mula sa pagtulong kay Mommy. Alam kong mahirap para sa kanya pero hindi siya sumusuko. Inspirasyon ko siya para magpatuloy upang makapagtapos ng pag-aaral.

Si Mommy, mas madalas na ang ngiti niya ngayon. Kahit pagod mula sa pagtatrabaho, ramdam kong mas buo kami ngayon bilang pamilya. Nakahanap siya ng trabaho bilang tindera sa isang maliit na grocery store malapit sa amin. Hindi kalakihan ang kita, pero malaki na itong tulong para sa amin. Minsan, kapag may sobrang gulay o tinapay na hindi naibenta, iniuuwi niya para idagdag sa hapunan namin. Mas madalas na kaming magkakasama sa hapag-kainan, at kahit pagod si Mommy mula sa trabaho, laging may oras siya para sa amin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 73

    Phoebe’s POVKarga ko si Quila ngayon. Alas otso na nang makaalis ang barko. Nakahinga ako ng maluwag, pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa. Hindi ko rin alam kung bakit. Kasalukuyang natutulog si Quila sa mga bisig ko. Matapos na akong kumain habang si Quila naman ay pinadede ko na rin ng gatas. Ayaw kasing kumain ng kanin. Sinubukan kong subuan pero ayaw niya. Pagod na pagod ang buong katawan ko. Gusto kong matulog muna pero hindi pwede dahil walang magbabantay kay Quila.Kumusta na kaya si Darius ngayon?Siguro hinahanap na niya kami ngayon sa bahay. Hay, bakit ko ba siya iniisip ngayon?Mabuti na lang at hindi siya nagising kanina pag-alis ko ng kama. Mabuti na rin at walang nakapansin pag-alis namin ni Myla kanina. Mabuti at hindi rin nagdududa si Kael sa kanya, o baka sinabihan niya sa plano ko. Basta, siya lang ang naghatid sa akin kanina.Hindi na ako babalik sa lugar na ‘yun. Which means, hindi na rin ako mag-aaral doon. Siguro maghahanap na lang ako ng trabah

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 72

    Darius' POV“MAN, you have to calm down!” Sabi sa akin ni Kael. “Baka may binili lang sila.” Sabi ni Kael. I’ve been telling that to myself too. I’ve been comforting myself with those words. Na baka may binili lang sila. Na baka may pinuntahan lang. Pero ang totoo, iba na rin ang iniisip ko. For the few months that I lived with Phoebe, I learned a lot about her. She’s not the kind of person who walks out at a time like this. I shook my head. “No! They’re leaving me! Bakit ang aga nilang umalis at hindi man lang ako pinagsabihan? Hindi man lang nila ako ginising. Kung kailangan nilang lumabas, pwede ko naman silang samahan lalo na at sa ganitong oras. But no, they just went out without me. What do you think that means?” I asked. Minsan ay hindi ‘yun nagpapaalam sa akin, pero ‘yun ay kung bibisitahin lang niya si Myla. Wala rin akong ibang maisip na lugar na pwede niyang mapuntahan sa mga oras na ito. And now, she’s not only gone. She also brought Quila with her. Ano ba ang dapat

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 71

    Darius’ POV“If you can’t accept what you felt yet then just go on a vacation so you’ll find out what you really feel towards your contract wife.” Sabi ni kael.Nag-usap kami tungkol sa nararamdaman ko para sa asawa ko. Nitong mga nakaraang araw, nararamdaman ko ang mga pagbabago. Actually, hindi bago sa akin ang mga pagbabagong ito. It happened once she entered my dark and messy life. “I’ll just go with this feeling. Whatever it wants, I’ll go with it.” Sabi ko sa kanya. “And then what? What if you realize your feelings for her, too late?” tanong nito. Honestly, I already know what this feeling is. I can’t just accept it. Not now that everything around us is still messy. Her father just surrendered and I need to clean that one up. I need to talk to my family about that matter so that I can focus on my life with her.I can’t even believe myself right now!I can’t let her go. I wanted to keep her under my care. I closed my eyes and massage my head. “It’s totally giving me a heada

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 70

    “POOH! It’s not a good idea. Akala mo ba, hindi ka hahanapin ng asawa mo?” tanong nito.Bakit naman ako hahanapin ni Darius?‘Syempre, dahil asawa ka niya!’ sagot ng kabilang bahagi ng isipan ko. Sa bagay, tama naman. Hahanapin niya ako lalo na at hindi pa tapos ang kontrata naming dalawa. Dahil may obligasyon pa ako sa kanya. Pero kung hahayaan kong manatili ako ng matgal rito, masasaktan at masasaktan lang ako. Sana hindi ko na lang inamin sa sarili ko na gusto ko siya.Sana hindi ko na lang tinanggap na mahal ko na pala siya.Kung pinigilan ko lang ang sarili ko na huwag mahulog, baka hindi ako aabot sa ganitong klase ng desisyon.“Hindi naman ako magpapakita. Basta ay tulungan mo akong makapagtago mula sa kanya.” Buong loob na sabi ko sa kanya. “He’s powerful and has a lot of sources all over the world. Akala mo ba, ganoon lang kadali ang pag-taguan siya? He will search for you in every place… including the tiniest hole where only a rat can hide.” Sabi nito.“Lilipat ako ng lu

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 69

    Hindi natapos doon ang kasiyahan dahil pinaligo pa namin sila sa pool. Gusto ko sanang maligo pero maya-maya na lang kapag wala nang maraming tao. “Phoebe,” tawag sa akin ni Darius. Mabilis ko naman siyang nilingon. “Ano ‘yun?”“Don't you want to go swimming?” “Ah, mamaya na.” Sabi ko. “U–Uh, salamat pala at hinayaan mo silang maligo sa pool mo.” Sabi ko. “Nah. We want Quila’s birthday to be memorable, right? They can use the swimming pool as long as they want.” Sinulit ng mga kapitbahay namin noon ang oras sa pakikipag-saya at pagligo.Nang dumating ang gabi, hindi nagtagal ay umuwi rin sila. Pinahatid sila ni Darius gamit ang isang sasakyan nito. Si Martin ang naghatid. Nang gabi ring ‘yun ay siyang pagdating ni Myla kasama si Kael. Magkasabay silang pumunta rito ngayong gabi.Ang akala ko ay mamaya pa sila darating dahil magkausap lang kami sa cellphone kanina. Marami itong dalang damit at laruan para kay Quila. Si Quila naman ay pinatulog ko na. Oo, ako ang nagpatuloy lalo na

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 68

    Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw na pinakahihintay namin. Ang kaarawan ni Quila. Abala kaming lahat dahil sa paghahanda lalo na at nariyan na ang mga bisita. Hindi ko akalain na magkakaroon kami ng maraming bisita. Syempre inimbitahan ko ang mga kapitbahay namin dati. Ang mga kaibigan ko na sina Grace, Crystal at Jessa ay narito rin. Ang saya-saya kong makita na may maraming mga bata na nakikipagdiwang sa amin ngayon. Walang paglalagyan ng sobrang kaligayahan na nararamdaman ko. Ang dami ring nakahanda sa mesa. May iba’t-ibang klase ng putahe tsaka may lechon pa. At ang cake, sobrang laki. Ewan ko lang kung mauubos namin itong lahat. May marami ring laruan para sa mga bata. Basta, ang daming handa. Si Quila ay maganda at cute tingnan sa magandang dress na napili ko at binili naman ni Darius. Maraming mga bata ang nakipaglaro sa kanya. Nakakatuwa lang tingnan. “Grabe, ang ganda naman dito! Hindi ka na pala nagtatrabaho sa amo mo? Hindi ka na ba nagbabantay ng aso?” Bi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status