Share

CHAPTER 4

Author: Kaye Elle
last update Last Updated: 2025-03-26 18:08:46

NAGING kontento na ako sa buhay na mayroon ako. Unti-unti kong natutunan na tanggapin ang bagong takbo ng buhay namin. Masaya ako kasama si Ate Ophelia, si baby Quila, at si Mommy. Masaya ako sa mga bago kong kaibigan sa public school na sina Grace, Crystal at Jessa. Masaya ako kahit na simpleng ulam lang ang nakahain sa hapag-kainan, dahil buo kaming magkakasama.

Pero ang akala ko ay maayos na ang lahat, pero hindi pa pala.

Napapansin ko ang pagiging matamlay ni Mommy kahit na pilit niyang itinatago sa akin. Madalas siyang tulala kapag akala niya'y walang nakatingin. Kung dati ay laging puno ng enerhiya ang mga kilos niya, ngayon ay tila mabagal na, parang mabigat ang dinadala. Kapag kinakausap ko siya, ngumiti siya nang pilit — ngiti na hindi umaabot sa mga mata niya.

“Okay ka lang ba, 'My?” Tanong ko habang naghuhugas ako ng pinggan.

“Okay naman ako, anak. Pagod lang siguro,” sagot niya, sabay abot ng basang plato na akala niya’y nahugasan na.

Nagtama ang tingin namin. Alam kong pagod siya — mula sa trabaho, mula sa pag-aalaga kay baby Quila, mula sa pagsasakripisyo para sa amin ni Ate. Pero may iba pa akong nararamdaman. Parang may bumabagabag sa kanya, isang bagay na hindi niya sinasabi.

Sinubukan kong pagsabihan si Ate Ophelia, pero ang sabi lang niya ay huwag akong mag-alala. “Alam mo naman si Mommy, palaging nag-aalala para sa atin. Pero malalampasan din niya 'yan. Huwag kang masyadong mag-isip.”

Gusto kong maniwala kay Ate, pero hindi ko maalis sa isip ko ang mga nakikita kong pagbabago kay Mommy. Hindi ko alam kung iniisip niya ang mga bayarin, ang mga gastusin namin, o kung may iba pang bumabagabag sa kanya. Kung minsan, naririnig ko siyang naglalakad sa sala nang dis-oras ng gabi, tila nagmumuni-muni. Gusto ko siyang lapitan, pero natatakot ako at baka masaktan siya kung malaman niyang alam ko na may pinagdaraanan niya.

Isang araw, umuwi si Mommy mula sa trabaho na halos hindi na makatayo. Namumutla siya at tila nawalan ng lakas. Mabilis na tumakbo si Ate Ophelia para saluhin siya. Halos patakbo kaming nagdala kay Mommy sa pinakamalapit na health center. Pinilit ni Mommy na ngumiti, pero kita ang hirap sa kanyang mga mata.

Pagkatapos ng mga pagsusuri, nilapitan kami ng doktor. Nakatayo si Ate sa tabi ko, hawak ang kamay ni baby Quila. Ako, tahimik lang — pero bawat tibok ng puso ko ay parang sasabog na.

"May kailangan tayong pag-usapan," sabi ng doktor, seryoso ang boses. "May sakit ang nanay niyo. Isang uri ng cancer na huli na nang ma-diagnose."

Para akong nabingi. Parang huminto ang mundo ko. Si Ate, tahimik na napaluha, habang si baby Quila ay walang kamalay-malay na patuloy lang na naglalaro habang karga-karga ni ate. Si Mommy, nakatingin sa amin, pilit na ngumiti kahit kitang-kita kong namumuo na ang luha sa kanyang mga mata.

"Pasensya na, mga anak," mahina niyang sabi. "Akala ko kaya ko. Akala ko lilipas lang."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Ang mga braso niyang dati'y malakas at kayang-kayang buhatin kami ni Ate ay ngayon tila nanghihina na. Nang gabing iyon, umiiyak kami nang tahimik habang yakap-yakap si Mommy. Ramdam ko ang bigat ng bawat hikbi niya, ang pangamba, ang takot, at ang pagsisisi.

Sumunod na mga araw, nagsimula ang chemotherapy ni Mommy. Ang ginagamit naming pambayad ay ang perang naipon niya. Ito ang mga panahong halos hindi ko na siya makilala. Ang dating malakas at masayahing Mommy ay unti-unting nanghina. Minsan, tulog siya buong araw dahil sa gamot. Minsan naman, nagsusuka siya at hirap kumain. Nakikita ko rin si Ate, pilit na nagpapakatatag kahit na kitang-kita ko ang pagod at lungkot niya.

Ako, natutunan kong maging mas responsable. Kapag wala si Ate, ako ang nag-aalaga kay baby Quila. Ako ang nagluluto kahit pa madalas ay nasusunog ang kanin. Tinutulungan ko si Mommy kapag kailangan niyang uminom ng gamot. Kahit mahirap, pilit kong pinapakita kay Mommy na kaya namin — na kaya ko.

Minsan, kapag tulog na sina Ate at baby Quila, umuupo ako sa tabi ni Mommy. Doon ko siya nakikitang nakatulala, nakatingin sa labas ng bintana. Parang may inaabot na hindi ko makita.

"Anak, kapag nawala ako..." mahina niyang simula isang gabi.

"Huwag mong sabihin 'yan, 'My. Lalaban ka, di ba?" Pigil kong sagot. Ramdam ko ang pangangatal ng boses ko.

Ngumiti siya, pero bakas ang lungkot. "Lalaban ako, anak. Para sa inyo. Pero kung sakali man... gusto ko lang malaman niyo na mahal na mahal ko kayo."

Hindi ko na napigilang humikbi. Mahigpit ko siyang niyakap, parang ayokong bumitaw.

Dumating ang araw na ayaw naming mangyari. Isang madaling araw iyon — tahimik, malamig, tila walang anumang senyales na ang lahat ay magbabago nang tuluyan. Nakaupo kami ni Ate sa tabi ng kama ni Mommy. Si Ate, hawak ang kamay ni Mommy, tila pinipilit na ipadama na nariyan pa rin kami. Ako naman, tahimik na nakatingin, nagdarasal na sana ay humaba pa ang oras na kasama namin siya.

Matagal-tagal na rin mula nang magsimulang lumala ang kalagayan ni Mommy. Sa bawat araw na nagdaraan, unti-unti siyang humihina. Ang mga ngiting dati'y puno ng sigla ay napalitan ng mga pilit na ngiti, mga ngiting alam kong ginawa niya para hindi kami mag-alala. Kahit pagod, kahit nasasaktan, palagi siyang nagpapakatatag — para sa amin.

Naaalala ko pa ang gabing nag-usap kami ni Mommy. Hindi ko makakalimutan ang bigat ng mga salitang binitiwan niya.

Nang gabing iyon, para akong nabiyak. Sa murang edad ko, hindi ko pa kayang tanggapin ang ideya na maaaring mawala si Mommy. Ang ideya na maaaring magpatuloy ang mundo nang wala siya sa tabi namin.

Nang madaling araw na iyon, bigla kong naramdaman ang bigat ng hangin. Bumibigat ang paghinga ni Mommy — mabagal, mahina. Tinawag siya ni Ate, halos pabulong, nanginginig ang boses.

"Mommy... 'My, nandito kami," sabi niya, luhaang nakatingin sa kanya.

Pinilit kong gisingin siya, nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang kamay niya. "Mommy, nandito kami."

Pero hindi na siya nagmulat. Hindi na niya narinig ang tinig namin. Kasabay ng pagbagsak ng mga luha ni Ate ang unti-unting pagtigil ng tibok ng puso ni Mommy. Napuno ng katahimikan ang buong kwarto — katahimikang tila sumisigaw ng sakit, ng pagkawala, ng pamamaalam.

Wala na si mommy.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 38

    “Samahan mo muna ako sa study room, doon tayo mag-uusap.” Sabi niya sa seryosong boses. Nagpunta kami sa study room niya. Kami lang dalawa ang naroon. Nakatayo lang ako habang siya naman ay umupo sa upuan niya. Hinihintay kong siya ang unang magsalita.“Magkano ang kailangan mo?”Pumantig ang tainga ko dahil sa klase ng tanong niya. “Hindi ko kailangan ng pera mo!” Sabi ko sa kanya.“Bakit ka pa bumalik dito kung ganun?” Inikot ko ang aking mga mata. “Gusto kong matahimik ang buhay ko! Pakisabihan ang anak mo na tigilan na niya ang paninira sa buhay ko. Wala naman siyang makukuha sa akin,” sabi ko sa kanya. “Gusto kong mamuhay ng tahimik at payapa.”Saglit siyang natahimik. Siguro hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.“Kung ayaw niyo akong paniwaalan, eh di huwag. Nasa inyo na ‘yun. Tutal, sa simula pa lang, mas pinpanigan niyo naman siya kaysa sa akin. Nasanay na ako, pero umaasa pa rin ako na sa pagpunta ko rito ay ititigil na niya ang mga kabaliwang ginawa niya para masira ako

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 37

    “Ano ang ginagawa natin dito?” Nagtataka na tanong ni Myla. Nasa harap kami ng mansyon—mala-impyerno na mansyon nila ni daddy. “May kakausapin lang ako.”Lumapit ako roon sa may gate at may nakita akong guard.“Good morning ma’am, ano po ang kailangan nila?” tanong nito. Mukhang bago lang siya rito. Siguro kakasimula niya pa lang sa trabaho.“Nariyan ba si Felix Concepcion?” tanong ko sa kanya.Tumango ito. “Nasa loob po,” sabi nito. May kinakausap ito sa radyo na dala-dala nito bago ‘yun ibinaba. “Pasok daw po kayo.” Sabi niya.“Dito ka lang sa labas.” Sabi ko kay Myla. Hindi ko siya papasukin at baka ano pa ang mangyari sa kanya sa loob kasama ako. Ako ang sumugod, alam kong hindi nila palalampasin ang pagpunta ko rito, lalong-lalo na si tita Rochelle. “Pooh,” kalabit ni Myla sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa damit na suot ko. Nang tingnan ko siya sa mata ay umiling-iling pa siya. Wala akong balak manggulo. Gusto ko lang silang kausapin lahat na tigilan na nila ako at ang p

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 36

    Paglipas ng maraming araw, wala pa ring pagbabago sa buhay ko. Hindi rin ako tinigilan ni Glyzza at ni Glydel. Pinapahiya pa rin nila ako. Sinikap ko rin na aliwin ang sarili ko sa ibang bagay at baka ano pa ang magagawa ko sa manyakis na Campus Director na ‘yun. Baka mapatay ko siya nang wala sa oras.Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho para magkaroon din ako ng sarili kong pera. Kasama ko ngayon si Myla.Gusto niya sana akong tulungan na makapasok sa kumpanya nila pero ayaw ko.“Teka lang Pooh, kain muna tayo.” Reklamo nito. “Gutom na gutom na ako.” Dagdag pa nito.Bakit pa kasi sumama? Hayst!Napailing na lang ako. Ang sabi ko sa kanya ay ako na mag-isa ang maghahanap dahil kaya ko naman, pero ang tigas ng ulo niya. Gusto niya talaga akong samahan, kaya hinayaan ko na lang.At least, may nakakausap ako. Huminto muna kami sa isang restaurant para kumain doon. “Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin ang tulong na alok ko? Kung sa kumpanya ka namin magtrabaho, hindi ka mahihi

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 35

    WALA akong balak pumunta sa campus ngayon. Pagod na pagod ang katawan ko, pero maaga akong ginising ni Manang Lita.Hinahanap daw ako ni Darius. Bumaba na ako at sinabayan siya sa pagkain. “Bakit hindi ka pa nagbihis? Wala ka bang balak pumunta sa eskwelahan?” Tanong niya.“Pwede bang humingi ng pabor?”“Answer my damn question!”“Ayaw ko nang bumalik sa unibersidad na ‘yun!” Sabi ko. Pinipigilan ko ang sarili ko, na huwag magalit pero hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinignan ng maigi. Parang pinag-aralan ang bawat galaw at reaksyon ko.“Ibalik mo na lang ako roon sa pampublikong unibersidad, gusto kong doon na lang ako magtatapos ng pag-aaral.” Sabi ko sa kanya.Nakikita ko kung paano gumalaw ang panga niya. Mukhang hindi niya magugustuhan ang sinabi ko. “Wala akong pera pambayad sa—”“You’re my wife. You weren't bad at all, so I guess that's the only thing I could do for you. Ang bigyan ka ng magandang kurso para magkaroon ka ng magan

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 34

    HABOL ko ang hininga ko nang makalabas ako at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Myla. “Bes,” tawag niya pero hinila ko siya palabas doon. “Okay ka lang?” Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa nangyari. Kung hindi dumating ang babaeng professor, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin.Hindi ko kayang isipin ang pwedeng mangyari sa akin. Nagpapasalamat ako dahil walang nangyari pero… paano kung walang dumating? Paano kung… paano kung hindi ko siya kayang labanan talaga? Ano’ng mangyayari sa akin?Muntik na niya akong magahas. Muntik na.Hindi ko namalayan na bumigay na pala ang mga tuhod ko, mabuti na langa t mabilis akong nahawakan ni Myla. “Hey, hey, anyare sayo?” tanong niya. Nakalabas na pala kami ng campus.Hindi ako makapagsalita agad dahil sa gulat ng mga nangyari kanina. Parang panaginip lang ang lahat pero alam ko sa sarili kong totoo ‘yun. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Uuwi na ako, bes.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit ka naman uuwi? May klase

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 33

    Nang pumasok ako sa eskwelahan isang umaga, isang magandang balita ang ibinalita ni Myla sa akin. Isa ako sa mga napabilang sa Dean’s List, ika-lima ako. Hindi ako makapaniwala.“Yey! Hindi nasasayang ang lahat ng efforts mo.” Sabi nito.Masaya ako. Masayang-masaya ako.Mommy, Ate Ophelia at Quila, para sa inyo ito. “Number 13 ang evil fake sister mo.” Hindi nakaligtas sa akin ang pag-ikot ng kanyang mata. “Pwede mo bang pakikuhanan ng picture ‘yan? Gusto ko lang ipa-print at laminate para dalhin sa puntod nila mommy at Ate Ophelia.” Sabi ko.“Sure. teka lang.” Sabi nito. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para kunan ng litrato ang resulta ng exams. Ang laki ng porsyento ng agwat namin ni Glyzza.Thank you, Lord. Masaya ako sa araw na ‘yun. Ngunit ang saya na aking naramdaman ay agad na napalitan ng isang delubyo paglipas ng ilang araw, nang ipinatawag ako sa opisina ng Campus Director namin. “Ano kaya ang kailangan sa’yo ng Campus Director, ano?” tanong nito. Hindi ko r

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status