Share

CHAPTER 2

Penulis: Kaye Elle
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-26 16:11:04

HINDI namin nakita ang mga "alagad ni satanas" — sina lola, lolo, Rochelle, Glyzza, at Glydel. Mas mabuti na rin siguro. Kung nakita nila kami, baka lalo lang nilang pahirapan si Mommy, baka pigilan pa kami, pero hindi dahil mahal nila kami — kundi dahil gusto lang nilang kontrolin ang buhay namin.

"Girls, tara na," mahina pero matatag na sabi ni Mommy. Her voice was soft but firm, though her eyes were red and tired. Sa kabila ng pagod niya, mahigpit pa rin ang hawak niya kay Quila, na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig.

Si Ate Ophelia tahimik lang, bitbit ang maleta niya, pero kita ko ang tensyon sa mga mata niya. Wala siyang masyadong sinabi mula kagabi, mula nang mangyari ang sigawan, mga paratang, at mga banta na parang mga bala na tumama sa amin. Alam kong nasasaktan din siya, marahil higit pa sa akin, pero si Ate laging magaling magtago ng emosyon.

Ako? Pakiramdam ko may nakadagan sa dibdib ko — mabigat, nakakasakal. Naririnig ko pa rin ang mga boses ni Lola, ang mga insulto niya, ang tono ng boses niya na parang kutsilyong tumatama sa puso ko. At ang tingin ni Lolo — malamig, puno ng pagkadismaya, parang gusto niya na lang na mawala kami.

Habang naglalakad kami papunta sa gate, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. Pero bago kami tuluyang makalayo, huminto ako. Hindi ko napigilan. I had to look back.

The mansion loomed behind us, mataas, malamig, at tila walang buhay. Dati, ito ang bahay namin pero ngayon, isa na lang itong palasyo ng mga taong walang puso. Ang mga bintana, na dati'y maliwanag at puno ng buhay, ngayon ay parang mga matang nanlilisik at nanonood sa aming pag-alis.

May anino akong nakita sa may bintana, isang silweta na parang si Daddy Felix. My heart skipped a beat. For a second, gusto kong maniwala na siya 'yon, na kahit papaano, nagmamalasakit siya.

Pero alam kong imposible. Daddy left us a long time ago — hindi physically, pero in every way that mattered. He chose their side. The side that made us feel like we didn't belong.

"Darating din ang araw," bulong ko, halos pabulong pero puno ng galit, "darating ang araw na kami naman ang nasa itaas. Lahat ng sakit na binigay niyo sa amin ay mararamdaman niyo rin. Sisikapin kong magsisisi kayong lahat sa mga pinaggagawa niyo sa amin lalo na sa mommy ko."

Ramdam ko ang mga luha na pilit kong pinipigil mula pa kanina. I let them fall, hot and stinging. Gusto kong maramdaman nila ang nararamdaman ko kahit hindi nila ako naririnig — na balang araw, pagsisisihan nila ang lahat.

Narinig kong huminga nang malalim si Mommy bago marahang inilagay ang kamay niya sa balikat ko. "Anak, let's go."

Tumingin ako kay Mommy — sa mga mata niyang pagod pero puno pa rin ng pagmamahal. Nakita ko ang sakit na pilit niyang tinatago, pero nakita ko rin ang lakas niya. Siya lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon kaya pa naming magpatuloy. 

Tumango ako, mabilis na pinahid ang mga luha ko. Nagpatuloy kami sa paglakad, bawat hakbang palayo sa bahay na iyon ay parang unti-unting pagputol ng lahat ng sakit at alaala.

Tumuloy kami sa isang maliit at siksik na paupahan na kwarto. Manipis ang mga dingding, at amoy sigarilyo at lumang kahoy ang hangin. Hindi ito maganda, pero sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay makahinga kami.

Walang mga matang nakabantay, walang mga bibig na handang manghusga.

Alam kong mahirap ang magiging buhay namin mula ngayon, pero mas pipiliin ko na 'to kaysa muling bumalik doon.

Si Quila, tulog na tulog sa kandungan ni Mommy, mahigpit ang hawak sa kanya. Ako at si Ate Ophelia, magkasama sa maliit at matigas na kama. Tahimik ang gabi, pero ang bigat ng katahimikan ay naroon pa rin.

"Ate," bulong ko, hindi sigurado kung gising pa siya.

"Hmm?" mahina niyang sagot.

"Do you think... we'll be okay?" nanginginig ang boses ko.

Matagal bago siya sumagot. "I don't know, Phoebe. Pero... mas okay na 'to kaysa doon."

Nakatingin ako sa kisame, sinusundan ang mga bitak sa lumang plaster. Gusto kong maniwala kay Ate, pero hindi ko alam kung ano pa ang ibig sabihin ng "okay."

Si baby Quila, nakahiga sa kama, naglalaro ng mga daliri niya. Napangiti ako, kahit papaano. Sa kabila ng lahat, buo pa rin kami. At para kay Quila, gagawin ko ang lahat para protektahan siya — protektahan sila.

Habang si Mommy naghahanap ng trabaho, kami ni Ate sinusubukang mag-adjust sa bagong buhay na mayroon kami. Wala nang mga taong humuhusga batay sa apelyido namin. Pero kahit na walang nakakaalam ng kwento namin, dala-dala pa rin namin ang mga sugat.

Every time I saw a car like Daddy Felix’s, natutunaw ang loob ko. Every time may matandang sumisigaw, bigla akong nanginginig, akala ko si Lola na.

Ate Ophelia got a part-time job sa isang bookstore. Sinusubukan niyang tumulong kay Mommy kahit pagod ito galing sa school. Oo nag-aaral pa rin siya sa pribadong unibersidad na yun, ako lang ang nag-drop. 

"Mommy, okay ka lang ba?" tanong ko isang gabi habang nagluluto kami ng sardinas at kanin. Pilit kasi niyang inayos ang mga dala naming gamit, eh, gabi na. 

"Okay lang, anak," sagot niya, pilit na ngumiti. "Basta kasama ko kayo, okay na ako."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan, iniiwasan niya talaga na mag-alala kami. Alam kong nahihirapan na rin siya lalo na at wala si daddy sa tabi namin pero kinakaya niya.

That night, tahimik pero magaan ang hapunan. The wounds weren't gone, but it felt like a chapter had finally closed. Maybe we weren't fully healed, pero kasama ko si Mommy, si Ate Ophelia, at si Quila. Sapat na sila para maging kontento ako sa buhay. I felt a ray of hope, for the first time in a long time. 

At kahit gaano pa kahirap ang simula namin ngayon, naniniwala akong kaya naming bumangon. Dahil sa bawat sakit at pagkatalo, may pag-asang naghihintay.

At balang araw, magiging posible ang mga bagay na dati'y imposibleng abutin. Pangako ko 'yan — para kay Mommy, kay Ate, kay Quila, at higit sa lahat, para sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 75

    Papasok na kami ng gate nang may madatnan kaming sasakyan sa labas ng bahay. Kilalang-kilala ko ang sasakyang ‘yan. Kung hindi ako nagkakamali, kay daddy ang sasakyan na ‘yan. Pero nakulong na si daddy, nasa police station na siya. Hindi kaya ay sina lolo at lola ang nariyan?Sino ang nagmamaneho niyan ngayon? “T–Teka lang, bababa lang ako. Hintayin mo ako rito Darius.” Sabi ko sa kanya. Dali-dali akong bumaba at dumiretso agad sa sasakyan. Bumukas ito at bumungad nga sa akin ang mukha ng dalawang matanda. “Bakit kayo nandito?” Hindi ko maiwasang tanong. Nanlilisik ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. Para bang gusto nila akong kainin ng buhay.“Walang hiya kang bruhita ka! Ano’ng ginawa mo sa daddy mo?! Bakit mo siya pinakulong? Kahit kailan wala ka talagang respeto! Katulad ka ng ina at kapatid mo. Mga wala kayong pinag-aralan.” Sigaw ni lola. Pait akong napangiti. Hanggang dito ba baman? At least man lang, bigyan nila ng katahimikan ang ate at mommy ko. “Hindi ko siy

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 74

    Mahal niya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na mahal ako ni Darius. Sigurado akong hindi ako nanaginip dahil narito siya sa harap ko ngayon. Totoong-totoo siya. “Let’s end the contract here, kitten. And spend the rest of your life with me.” Sabi niya. Hindi ako makapagsalita dahil naguguluhan pa rin ako sa nangyari. Tama ba ito? Hindi niya ba ako jino-joke?Pero siya si Darius, hindi siya mahilig sa jokes kaya may pakiramdam din ako na nagsasabi rin siya ng totoo. Hindi siya nagpapatawa. Hindi siya nagbibiro. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Tanong ko. Gusto kong siyang paniwalaan pero ang hirap maniwala. “Hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinabi ko? Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin? I chase you and I’m here. Isn’t it enough?” tanong niya. Pwede pala na magmahalan ang dalawang nagsisimula sa isang magulong kabanata gaya namin. Noong una, ang akala ko ay asawa lang ang gagampanan ko sa buhay niya at ibigay ang physical na pangangailangan

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 73

    Phoebe’s POVKarga ko si Quila ngayon. Alas otso na nang makaalis ang barko. Nakahinga ako ng maluwag, pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa. Hindi ko rin alam kung bakit. Kasalukuyang natutulog si Quila sa mga bisig ko. Matapos na akong kumain habang si Quila naman ay pinadede ko na rin ng gatas. Ayaw kasing kumain ng kanin. Sinubukan kong subuan pero ayaw niya. Pagod na pagod ang buong katawan ko. Gusto kong matulog muna pero hindi pwede dahil walang magbabantay kay Quila.Kumusta na kaya si Darius ngayon?Siguro hinahanap na niya kami ngayon sa bahay. Hay, bakit ko ba siya iniisip ngayon?Mabuti na lang at hindi siya nagising kanina pag-alis ko ng kama. Mabuti na rin at walang nakapansin pag-alis namin ni Myla kanina. Mabuti at hindi rin nagdududa si Kael sa kanya, o baka sinabihan niya sa plano ko. Basta, siya lang ang naghatid sa akin kanina.Hindi na ako babalik sa lugar na ‘yun. Which means, hindi na rin ako mag-aaral doon. Siguro maghahanap na lang ako ng trabah

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 72

    Darius' POV“MAN, you have to calm down!” Sabi sa akin ni Kael. “Baka may binili lang sila.” Sabi ni Kael. I’ve been telling that to myself too. I’ve been comforting myself with those words. Na baka may binili lang sila. Na baka may pinuntahan lang. Pero ang totoo, iba na rin ang iniisip ko. For the few months that I lived with Phoebe, I learned a lot about her. She’s not the kind of person who walks out at a time like this. I shook my head. “No! They’re leaving me! Bakit ang aga nilang umalis at hindi man lang ako pinagsabihan? Hindi man lang nila ako ginising. Kung kailangan nilang lumabas, pwede ko naman silang samahan lalo na at sa ganitong oras. But no, they just went out without me. What do you think that means?” I asked. Minsan ay hindi ‘yun nagpapaalam sa akin, pero ‘yun ay kung bibisitahin lang niya si Myla. Wala rin akong ibang maisip na lugar na pwede niyang mapuntahan sa mga oras na ito. And now, she’s not only gone. She also brought Quila with her. Ano ba ang dapat

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 71

    Darius’ POV“If you can’t accept what you felt yet then just go on a vacation so you’ll find out what you really feel towards your contract wife.” Sabi ni kael.Nag-usap kami tungkol sa nararamdaman ko para sa asawa ko. Nitong mga nakaraang araw, nararamdaman ko ang mga pagbabago. Actually, hindi bago sa akin ang mga pagbabagong ito. It happened once she entered my dark and messy life. “I’ll just go with this feeling. Whatever it wants, I’ll go with it.” Sabi ko sa kanya. “And then what? What if you realize your feelings for her, too late?” tanong nito. Honestly, I already know what this feeling is. I can’t just accept it. Not now that everything around us is still messy. Her father just surrendered and I need to clean that one up. I need to talk to my family about that matter so that I can focus on my life with her.I can’t even believe myself right now!I can’t let her go. I wanted to keep her under my care. I closed my eyes and massage my head. “It’s totally giving me a heada

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 70

    “POOH! It’s not a good idea. Akala mo ba, hindi ka hahanapin ng asawa mo?” tanong nito.Bakit naman ako hahanapin ni Darius?‘Syempre, dahil asawa ka niya!’ sagot ng kabilang bahagi ng isipan ko. Sa bagay, tama naman. Hahanapin niya ako lalo na at hindi pa tapos ang kontrata naming dalawa. Dahil may obligasyon pa ako sa kanya. Pero kung hahayaan kong manatili ako ng matgal rito, masasaktan at masasaktan lang ako. Sana hindi ko na lang inamin sa sarili ko na gusto ko siya.Sana hindi ko na lang tinanggap na mahal ko na pala siya.Kung pinigilan ko lang ang sarili ko na huwag mahulog, baka hindi ako aabot sa ganitong klase ng desisyon.“Hindi naman ako magpapakita. Basta ay tulungan mo akong makapagtago mula sa kanya.” Buong loob na sabi ko sa kanya. “He’s powerful and has a lot of sources all over the world. Akala mo ba, ganoon lang kadali ang pag-taguan siya? He will search for you in every place… including the tiniest hole where only a rat can hide.” Sabi nito.“Lilipat ako ng lu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status