Share

CHAPTER 6

Author: Kaye Elle
last update Last Updated: 2025-03-27 20:43:16

ANG buhay ko ay isang gulo na hindi ko na alam kung paano aayusin.

Dahil sa utang na iniwan ni Ate Ophelia, ngayon, nakatayo ako sa harapan niya… hinihintay ang desisyong babago sa buhay ko.

At sa pagitan namin, isang kasunduan ang nakalatag sa mesa.

“Pakakasalan mo ako.”

Akala ko nagkamali lang ako ng dinig.

Pero hindi.

Nanatili siyang nakatitig sa akin, ang malamig niyang mga mata ay parang kutsilyong unti-unting sumasaksak sa pagkatao ko.

Hindi siya nagbibiro.

Napakurap ako, pilit na nilalamon ang katotohanang ito. Kasal? Sa isang lalaking halos hindi ko kilala?

“H-hindi magandang biro ito.” Mahina kong sabi.

Nag-angat siya ng kilay, halatang nababasa ang takot sa mukha ko.

“Sa tingin mo ba, nagbibiro ako?” malamig niyang tugon.

Hindi ko na nagawang sumagot. Ang kaba sa dibdib ko ay parang sasabog.

“Wala kang ibang pagpipilian, Phoebe.”

Napakuyom ako ng palad. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Walang natira sa akin.

Ang natitira kong pera? Hindi na aabot para sa susunod na buwan. Pero hindi ko hahayaan na sundin ang kagustohan ng isang lalaking ngayon ko lang nakilala. Walang sinuman ang pwedeng mag-utos sa aking kung ano ang dapat kong gawin!

“Bigyan mo lang ako ng panahon,” pakiusap ko. “Babayaran kita, gagawa ako ng paraan—”

“Sa tingin mo ba may panahon pa ako para hintayin kang makapagbayad?”

Parang bumagsak ang isang mabigat na pader sa balikat ko.

Hindi ko na alam kung paano pipigilan ang sakit sa lalamunan ko. Tila isa itong tinik na humarang sa aking lalamunan. Ang hirap lumunok ng laway kahit na napakasimple lang nitong gawin.

“Bakit ako?” Bulong ko kahit na natanong ko na ito kanina, halos hindi lumalabas ang boses ko. “Sigurado akong maraming babae na gustong pakasalan ka. Bakit ako pa?”

Alam kong maraming babae ang nagkandarapa sa kanya dahil sa porma at ayos ay pang-mayaman talaga. At saka may sasakyan pa. 

Nagtagal ang katahimikan. Naririnig ko ang mga tinig ng kuliglig kahit na wala naman ito roon. Tinitigan niya ako, at kahit hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, alam kong may dahilan siya kung bakit niya ginawa ito.

Maya-maya ay nagsalita siya.

“Dahil kailangan ko ng asawa. Isang babaeng hindi ako gugustuhin.”

Nalaglag ang panga ko. Bakit ganoon niya lang ito kadaling banggitin? Sa bagay, mayaman siya, kaya iniisip niyang kaya niyang gawi o bilhin ang lahat ng walang pag-alinlangan. 

“A-ano?”

Napangisi siya. Hindi ito ngiti ng tuwa o saya. Ngunit isang mapait na ngiti.

“Wala akong oras sa mga babaeng habol lang ang pangalan ko o pera ko,” sagot niya. “Alam kong hindi mo ako gusto lalo na at ngayon lang tayo nagkakilala. Alam kong hindi mo rin ako mapapakialaman.”

Gusto kong magsalita, pero walang lumalabas sa aking bibig. Tila natuyuan ako ng laway sa lalamunan.

Parang ang kasal na ito ay hindi lang isang kasunduan—parang isa itong bitag.

Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa bintana.

Sa kabilang bahagi ng lugsod Nasa bahay lang ngayon si Quila—mahimbing na natutulog sa maliit kwarto, walang kaalam-alam sa labanang pinagdadaanan ko.

Si Quila ang dahilan kung bakit hindi ako bumibitaw.

Kung tatanggihan ko si Darius… ano ang mangyayari sa kanya? Ano ang mangyayari sa amin?

Humugot ako ng malalim na hininga. Gusto kong umiyak dahil alam kong wala akong pagpipilian. Hindi ito ang buhay na inaasahan ko. Hindi ko ito gusto. Ngunit paano ang kapatid ko at ang kinabukasan niya? Ang mga pangarap ni Ate Ophelia para sa amin, mapupunta na lang ba iyon sa wala?

Alam kong ito na ang katapusan ng kalayaan ko. 

Dahan-dahan akong tumingin kay Darius. Napagtanto ko na ito ang pinakamasakit na desisyong ginawa ko sa buong buhay ko.

"S-Sige."

Mahina ang boses ko, pero sapat na iyon para marinig niya.

Napangiti si Darius—isang ngiting ng lalaking nagtagumpay sa gusto niya. Walang awa ang kanyang ngiti. Ngumiti siya dahil alam niyang siya ang panalo sa aming dalawa. Tuluyan akong napayuko dahil sa nagawa kong katangahan.

Patawad mommy, patawad Ate Ophelia. Ngunit ginagawa ko ito para matuloy ko ang ang mga pangarap na ating nasimulan. Kasama ko si Quila para tuparin ang pangarap na iyon. At tanging si Darius lang ang tanging paraan para makamit ko ang mga pangarap na iyon. Siya lang,

Balang araw ay babalik din ako sa mansyon upang singilin ang mga taong naging dahilan ng pagkawasak ng ating pamilya. 

Sa isang iglap, tuluyan nang nawala ang natitira kong kalayaan.

Tahimik kong pinagmamasdan ang maliit na crib kung saan mahimbing na natutulog si Quila.

Siya ang tanging pamilya ko na natitira.

Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon—kung bakit ako pumayag sa kasunduang ito.

Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang maliit na kamay. Napakaliit. Napakainosente. Wala siyang kamalay-malay sa hirap ng mundo. Sana ay mananatili na lang siyang bata upang hindi niya maranasan ang kaguluhan at kung gaano kahirap ang mabuhay sa mundo. 

At gagawin ko ang lahat para mapanatili siyang ligtas. Kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong kalayaan.

Ako ang magiging ama, ina, kuya, at ate niya. Hinding-hindi ko siya papabayaan dahil ako na lang ang mayroon siya. 

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago lumabas ng kwarto. Alam kong hindi magtatagal, magigising na naman siya para sa gatas niya.

Ang desisyong iyon ang bumura sa lahat ng natitira kong pag-asa.

Darius didn’t waste any time. Isang araw lang matapos kong tanggapin ang kasunduan, dumating ang mga abogado niya dala ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. Isang kasunduan sa kasal at ni wala man lang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha niya.

Nakasaad doon ang lahat ng kondisyon;

✔️Walang pagmamahalan.

✔️Walang pakikialamanan sa personal na buhay ng isa’t isa.

✔️ Walang pag-aari niya na mapupunta sa akin, at ganoon din siya sa akin. At higit sa lahat;

✔️Sa oras na magpakasal kami, bayad na ang lahat ng utang ni Ophelia Concepcion.

Mapait akong ngumiti. Ito dapat ang gusto ko, ‘di ba?

Ito ang paraan para mapanatili ko si Quila sa tabi ko, para hindi kami tuluyang maghirap.

Hindi ko mapigilan ang umiyak. Hindi kailanman dumaan sa isip ko ang pangyayaring tulad nito.

Ang tanging iniisip ko ay ang makapagtapos ng pag-aaral at ipakita kay daddy na kaya kong tuparin ang mga pangarap ko kahit na wala siya sa tabi namin.

Pangarap na magkasabay naming binuo ni ate Ophelia. Ngunit bakit habang pumipirma ako, pakiramdam ko’y ibinenta ko ang sarili ko sa isang halimaw?

Walang anumang engrandeng selebrasyon ang kasal namin ni Darius. Wala akong suot na mamahaling gown, walang malalaking bulaklak, at higit sa lahat ay hindi ako masaya. Nababalot ng lungkot ang buong puso ko.

Ito ay isang pirmahan lang ng papeles, isang tahimik na seremonyang may kaunting saksi. Isang kasunduang hindi nabuo sa pagmamahal, kundi sa pangangailangan.

Isang simpleng pirmahan lang sa City Hall, ilang litrato para sa dokumentasyon, at isang matamlay na pagbati mula sa mga abogadong saksi sa kasal.

“Congratulations,” sabi ng isa, pero halata sa tono niyang wala siyang pakialam.

Hindi ko nga alam kung dapat ba talaga akong batiin.

Sa tabi ko, si Darius—suot ang isang itim na three-piece suit, mukhang perpektong asawa sa panlabas na anyo… pero walang kahit anong damdaming nakikita sa kanya.

Para kaming dalawang estrangherong itinulak sa isang kwadradong papel—isang kontrata, isang kasunduang wala ni isang bahid ng pagmamahal.

“Tapusin na natin ito.” Malamig na boses ni Darius ang bumasag sa katahimikan.

Napatingin ako sa kanya.

“Tapusin?”

“Para makauwi na tayo sa bahay.”

Nanatili akong nakatulala sa kanya.

Ang bahay niya! Dahil opisyal na akong asawa niya, kailangan kong lumipat sa bahay niya.

Ang tahanang itinatayo niya sa labas ng lungsod—isang bahay na mas malaki pa sa buong dating buhay ko, pero mas malamig pa sa kahit anong lugar na napuntahan ko.

Napakagat ako ng labi. Diyos ko! Kaya ko ba talaga ito?

Ngunit bago pa ako makasagot, hinawakan niya ang aking kamay.

Nag-init ang buong katawan ko sa gulat.

Hindi dahil sa saya kundi ahil sa takot.

Dahil ang haplos niya ay isang paalala—wala na akong takas.

Isa na akong ganap na pag-aari ni Darius Villarosa!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 75

    Papasok na kami ng gate nang may madatnan kaming sasakyan sa labas ng bahay. Kilalang-kilala ko ang sasakyang ‘yan. Kung hindi ako nagkakamali, kay daddy ang sasakyan na ‘yan. Pero nakulong na si daddy, nasa police station na siya. Hindi kaya ay sina lolo at lola ang nariyan?Sino ang nagmamaneho niyan ngayon? “T–Teka lang, bababa lang ako. Hintayin mo ako rito Darius.” Sabi ko sa kanya. Dali-dali akong bumaba at dumiretso agad sa sasakyan. Bumukas ito at bumungad nga sa akin ang mukha ng dalawang matanda. “Bakit kayo nandito?” Hindi ko maiwasang tanong. Nanlilisik ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. Para bang gusto nila akong kainin ng buhay.“Walang hiya kang bruhita ka! Ano’ng ginawa mo sa daddy mo?! Bakit mo siya pinakulong? Kahit kailan wala ka talagang respeto! Katulad ka ng ina at kapatid mo. Mga wala kayong pinag-aralan.” Sigaw ni lola. Pait akong napangiti. Hanggang dito ba baman? At least man lang, bigyan nila ng katahimikan ang ate at mommy ko. “Hindi ko siy

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 74

    Mahal niya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na mahal ako ni Darius. Sigurado akong hindi ako nanaginip dahil narito siya sa harap ko ngayon. Totoong-totoo siya. “Let’s end the contract here, kitten. And spend the rest of your life with me.” Sabi niya. Hindi ako makapagsalita dahil naguguluhan pa rin ako sa nangyari. Tama ba ito? Hindi niya ba ako jino-joke?Pero siya si Darius, hindi siya mahilig sa jokes kaya may pakiramdam din ako na nagsasabi rin siya ng totoo. Hindi siya nagpapatawa. Hindi siya nagbibiro. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Tanong ko. Gusto kong siyang paniwalaan pero ang hirap maniwala. “Hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinabi ko? Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka sa akin? I chase you and I’m here. Isn’t it enough?” tanong niya. Pwede pala na magmahalan ang dalawang nagsisimula sa isang magulong kabanata gaya namin. Noong una, ang akala ko ay asawa lang ang gagampanan ko sa buhay niya at ibigay ang physical na pangangailangan

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 73

    Phoebe’s POVKarga ko si Quila ngayon. Alas otso na nang makaalis ang barko. Nakahinga ako ng maluwag, pero ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa. Hindi ko rin alam kung bakit. Kasalukuyang natutulog si Quila sa mga bisig ko. Matapos na akong kumain habang si Quila naman ay pinadede ko na rin ng gatas. Ayaw kasing kumain ng kanin. Sinubukan kong subuan pero ayaw niya. Pagod na pagod ang buong katawan ko. Gusto kong matulog muna pero hindi pwede dahil walang magbabantay kay Quila.Kumusta na kaya si Darius ngayon?Siguro hinahanap na niya kami ngayon sa bahay. Hay, bakit ko ba siya iniisip ngayon?Mabuti na lang at hindi siya nagising kanina pag-alis ko ng kama. Mabuti na rin at walang nakapansin pag-alis namin ni Myla kanina. Mabuti at hindi rin nagdududa si Kael sa kanya, o baka sinabihan niya sa plano ko. Basta, siya lang ang naghatid sa akin kanina.Hindi na ako babalik sa lugar na ‘yun. Which means, hindi na rin ako mag-aaral doon. Siguro maghahanap na lang ako ng trabah

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 72

    Darius' POV“MAN, you have to calm down!” Sabi sa akin ni Kael. “Baka may binili lang sila.” Sabi ni Kael. I’ve been telling that to myself too. I’ve been comforting myself with those words. Na baka may binili lang sila. Na baka may pinuntahan lang. Pero ang totoo, iba na rin ang iniisip ko. For the few months that I lived with Phoebe, I learned a lot about her. She’s not the kind of person who walks out at a time like this. I shook my head. “No! They’re leaving me! Bakit ang aga nilang umalis at hindi man lang ako pinagsabihan? Hindi man lang nila ako ginising. Kung kailangan nilang lumabas, pwede ko naman silang samahan lalo na at sa ganitong oras. But no, they just went out without me. What do you think that means?” I asked. Minsan ay hindi ‘yun nagpapaalam sa akin, pero ‘yun ay kung bibisitahin lang niya si Myla. Wala rin akong ibang maisip na lugar na pwede niyang mapuntahan sa mga oras na ito. And now, she’s not only gone. She also brought Quila with her. Ano ba ang dapat

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 71

    Darius’ POV“If you can’t accept what you felt yet then just go on a vacation so you’ll find out what you really feel towards your contract wife.” Sabi ni kael.Nag-usap kami tungkol sa nararamdaman ko para sa asawa ko. Nitong mga nakaraang araw, nararamdaman ko ang mga pagbabago. Actually, hindi bago sa akin ang mga pagbabagong ito. It happened once she entered my dark and messy life. “I’ll just go with this feeling. Whatever it wants, I’ll go with it.” Sabi ko sa kanya. “And then what? What if you realize your feelings for her, too late?” tanong nito. Honestly, I already know what this feeling is. I can’t just accept it. Not now that everything around us is still messy. Her father just surrendered and I need to clean that one up. I need to talk to my family about that matter so that I can focus on my life with her.I can’t even believe myself right now!I can’t let her go. I wanted to keep her under my care. I closed my eyes and massage my head. “It’s totally giving me a heada

  • Hearts Under Contract   CHAPTER 70

    “POOH! It’s not a good idea. Akala mo ba, hindi ka hahanapin ng asawa mo?” tanong nito.Bakit naman ako hahanapin ni Darius?‘Syempre, dahil asawa ka niya!’ sagot ng kabilang bahagi ng isipan ko. Sa bagay, tama naman. Hahanapin niya ako lalo na at hindi pa tapos ang kontrata naming dalawa. Dahil may obligasyon pa ako sa kanya. Pero kung hahayaan kong manatili ako ng matgal rito, masasaktan at masasaktan lang ako. Sana hindi ko na lang inamin sa sarili ko na gusto ko siya.Sana hindi ko na lang tinanggap na mahal ko na pala siya.Kung pinigilan ko lang ang sarili ko na huwag mahulog, baka hindi ako aabot sa ganitong klase ng desisyon.“Hindi naman ako magpapakita. Basta ay tulungan mo akong makapagtago mula sa kanya.” Buong loob na sabi ko sa kanya. “He’s powerful and has a lot of sources all over the world. Akala mo ba, ganoon lang kadali ang pag-taguan siya? He will search for you in every place… including the tiniest hole where only a rat can hide.” Sabi nito.“Lilipat ako ng lu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status