Habang nag-aayos ako ng mga naiwang gamit ni mommy, nakita ko ang isang kahon kung saan nakalagay ang maraming sulat. May mga litrato kung saan nakangiti lang kami pati na si daddy. Gusto ko itong panatilihin dito pero kailangan ko rin siyang sunugin. Dahil ‘yun daw ang habilin niya kay ate bago siya nawala.
Pagkalipas ng ilang buwan, pinilit naming magpakatatag. Nahihirapan kami pero kinaya namin. Nanatili pa rin ang sakit pero tiniis namin. Kailangan naming magpatuloy sa buhay. Si Ate Ophelia at si Quila na lang ang naging lakas ko.
Si Ate rin ang nagpaka-ina at ama sa amin. Kumakayod siya kahit na alam kong nahihirapan na siya. Tulad ni mommy, hindi niya rin ipinapakita kung gaano siya nahihirapan.
Habang lumilipas ang araw, mas lalo ko lang natanto na hindi pala madali kapag walang ina. Nasabi ko sa sarili ko na mas okay pala na wala si daddy kaysa kay mommy. Sa bawat galaw ko, naaalala ko si mommy.
Naalala ko araw-araw na kanyang pinapakita kahit na nahihirapan na siya.
Noong nawala siya, hindi ko alam ang gagawin. Siya ang nagsisilbing ilaw ng tahanan namin. Kitang-kita kong pagod na pagod na siya pero nagsumikap pa rin siya para lang mabuhay kami.
Sa totoo lang, nahihirapan na ako sa sitwasyon namin. Gusto ko na rin na maghanap ng trabaho, pero sino ang nagbabantay kay Quila kung wala si Ate?
Wala akong ibang choice kundi ang manatili para may makabantay kay Quila.
Mabuti na lang at naiintindihan dinnsi ate ng mga professors niya.
Ngunit isang gabi, isang masamang balita ang bumati sa akin. Pinapatulog ko si Quila sa mga oras na ito nang marinig ko ang tawag ng aming kapitbahay.
“Naaksidente ang ate mo. Dinala na siya sa hospital ngayon,”
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na aking nararamdaman. Hiniling ko na sana panaginip ang lahat at hindi totoo ang aking narinig.
Mahal ang magpapa-hospital at wala kaming sapat na pera para roon.
Malamig ang gabi ngunit binalot ko ng makapal na kumot si Quila para puntahan ang sinasabing hospital. Ipinagwalang-bahala ko na lang ang gastusin. Bahala na lang talaga.
Nakausap ko ang mga kapitbahay na nagdala sa kanya roon. Ang sabi nila ay nasagasaan daw ito habang naglalakad pauwi. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa nalaman ko.
Dead on arrival.
Hindi ko alam kung paano tanggapin ang mga salitang ‘yun.
Unang tumatak sa isip ko ay kung paano ako magsimula ngayong wala na si ate?
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Paano ako magsisimula?
“Neng, magpahinga ka muna. Kanina ka pa rito. May klase ka pa bukas,” sabi ng kapitbahay namin.
Nagmamalasakit sa amin ang mga kapitbahay na hindi man lang namin ganun kakilala. Tinulungan nila ako rito sa munting bahay namin. Hindi nila kami pinapabayaan.
Nakakamangha lang… dahil kung sino pa ang hindi mo kadugo ay siya pang may malasakit sa’yo.
Hindi ko pa ‘yan sila masyadong kilala.
“Oo nga neng, kami na muna rito. Magpahinga ka muna. Kami na rin ang bahala sa kapatid mo.” Sabi nito.
Tumango lang ako.
Wala akong makalap na pera pambayad sa kabaong pero ginagamit ko ang konting naipon ni mommy at ang perang naiwan ni ate saka nagtulong-tulong din ang mga kapitbahay namin.
Nagpapasalamat ako sa mga kapitbahay namin na hindi kami iniwan.
Sa totoo lang nag-aalala rin ako para sa aming dalawa ni Quila. Si Quila–ang bunso kong kapatid na walang kaalam-alam sa mga nangyari sa kanyang paligid at sa hirap na akong dinaranas ngayon.
Nagdaan ang mga araw at nakatulala lang ako. Ang hirap mag-simula ngayong wala na akong kinuhanan ng lakas.
Dalawang importanteng tao ang magkasunod na nawala sa akin.
Sobrang sakit.
Hindi ko na ata ‘to kakayanin.
Ni isang kamag-anak ay wala man lang lumapit sa amin. Walang nakakaalam sa mga nangyayari bukod sa akin at sa mga kapitbahay namin dito. Ang nakasagasa kay ate hinarap na rin ang kanyang parusa. Naroon na siya sa loob ng kulungan pero hindi ko man lang kayang magpakasaya.
Marami sa mga kapitbahay ang naki-libing. Hinding-hindi ko sila makakalimutan. Ang iba ay halos wala nang makain pero nagbibigay pa rin ng limos.
Sila Grace, Jessa at Crystal naman ay nakikiramay rin.
Pagkatapos ilibing si Ate Ophelia ay pinilit ko ang sariling magpatuloy. Na kaming dalawa lang ni Quila.
Ako na ang nag-aalaga kay Quila. Ang ginawa kong baon ay ang konting pera. Konti na lang. Hindi ko alam kung aabot pa ba ito ng isang buwan.
Pagbalik ko ng eskwelahan ay nagbibigay rin ng perang limos ang mga kaklase ni Ate Ophelia na dinala ko naman pauwi. Walang-sawang pagpasalamat ang ginawa ko. Pero mauubos din ito.
Gustong-gusto kong magtrabaho.
Habang pumapasok ako sa eskwelahan, sii Quila naman ay iniwan ko sa kapitbahay na nag-boluntaryong magbantay rito.
Isang hapon nang makauwi ako ng bahay. Napansin ko ang isang magarang kotse na nasa tapat ng aming maliit na bahay. Habang papalapit ako ay buglang bumukas ang pinto at bumaba mula roon ang isang lalaking naka-itim na suit.
Matangkat siya at nakakatakot ang aura niya. Mas nakakatakot pa kaysa kay Daddy. Ang mga titig niya ay malamig na para bang hindi ito marunong magpakita ng kahit na anong emosyon.
“Are you Phoebe Concepcion? Sister of Ophelia Concepcion?” Tanong nito.
“Oo,” sagot ko. “Sino ka?”
“I’m Darius Villarosa.” Sagot niya.
“Ano ang kailangan mo?”
Inabot niya ang isang envelope sa akin. Nagtataka naman ako habang tinanggap ko ito.
Ano naman kaya ‘to?
Laking gulat ko na lang dahil iba’t-ibang klase ng mga dokumento ang naroon. Mayroon ding mga kasulatan ng utang. Halos kalahating milyon ang nakalagay na kabuuan.
Diyos ko!
Dito ba siya kumuha ng pera pang-chemotheraphy ni mommy?
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kapatid ko.
“Nangungutang ang ate mo sa kompanya namin. At nabalitaan naming pumanaw na siya. Ikaw at ang bunso mong kapatid na nagngangalang Quila na lang ang natira. Dahil doon… ikaw ang magiging tagapagmana ng kanyang utang. Ibig sabihin, kailangan mo itong mabayaran. Sa lalong madaling panahon.” Sabi nito. “Kung hindi, pasensyahan na lang tayo dahil sa kulungan ang bagsak mo.” Malamig niyang sabi.
Ako?
Hindi ko naman ‘yun utang.
Gusto kong umiyak dahil gulong-gulo na ako. Hindi ko nga alam kung saan maghahanap ng pera para sa amin ni Quila… ang magbabayad pa kaya ng kalahating milyon? Saan ko naman pupulutin ‘yun?
“S–Sir. Estudyante pa po kasi ako. Wala akong ganyang kalaking pera. Tsaka kakalibing lang ng kapatid ko. Paubos na ang konting perang naiwan niya kaya paano ko pa po kayo mababayaran?” mahinang tanong ko.
Pipi akong nagdasal na sana maiintindihan niya ang sitwasyon namin.
Nakatitig lamang siya sa akin. Nababalot ng lamig ang kanyang mga mata. Ramdam na ramdam ko rin ang panginginig ng tuhod ko.
“May isang paraan…” Sabi nito. “Kailangan mong magpakasal sa akin nang sa ganoon at mawalan ng bisa ang nga utang niya sa amin. Sa loob lamang ng isang taon ay kailangan natin panindigan ang pagiging mag-asawa.” Sabi nito.
Kasal?
Nahihibang ba siya?
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Buong buhay ko, hindi ko kailanman pinangarap na maikasal.
Tsaka, kadarating niya lang. Hindi ko siya kilala. Hindi ako sigurado kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o kung totoo ba itong mga dokumentong pinakita niya sa akin.
Tapos ngayon, aalukin niya ako ng kasal?
“Pasensya na pero hindi ko po kayo kilala. Makakaalis na po kayo,” sabi ko.
“I already told you who I am. I'm Darius Villarosa. All I want you to know is that I can make your life miserable and at the same time, I can make your life better… in just a snap of a hand. So choose wisely, Miss Concepcion.” Sabi nito habang naglalaro ang nakakatakot na ngiti sa kanyang mga labi. “I can make you free of debt right away. Just be my wife and obey my command.” Dagdag niya.
Mas lalo siyang lumapit sa akin. Amoy na amoy ko pa nga ang mabangong amoy ng kanyang pabango.
“A–Ano pa ang kailangan kong gawin?” Sabi ko.
“I already told you, just be my wife and obey my command. And ohh, before I forget, you have to bear my child.”
Ano raw?
Anak? Gusto niyang magkaanak kami?
“A–Anak?”
“Yes, Phoebe. I wanted to have a child… with you.”
Ilang sandali akong hindi nakahinga. I feel suffocated.
“B–Bakit ako?” hindi ko maiwasang tanong.
“Dahil ikaw lang ang babaeng sa tingin koy karapat-dapat doon.” Sabi nito. “Wala kang masasandalan sa ngayon. Mauubos din ang perang naiwan ng ate mo. Ikaw na nga ang nagsabi na estudyante ka pa. Kung sa akin ka tutuloy, mabibigyan kita ng kung anong gusto mo. Pagkain, damit, at matitirhan… pwera na lang sa pera. Isang anak sa loob ng isang taon at maging mabait kang asawa. ‘Yun lang, Phoebe.” Sabi niya.
Hindi ko alam kung ano’ng trip niya.
Nanghihina ako sa narinig ko sa kanya. Nakakatukso ang sinasabi niya pero hindi ‘yun ang tamang gawin. Pinalaki ako ni mommy na ‘wag magpapatalo sa mga pagsubok.
Napailing ako. Ayoko.
“Hindi ako isang gamit na kung gusto mong makuha ay pwede mong idaan sa pera.” Matigas na sabi ko sa kanya.
“Ngunit wala ka nang pagpipilian pa. Gagawin ko ang lahat para makulong ka dahil sa utang ng ate mo. Kung makukulong ka ngayon, sino ang mag-aalaga sa kapatid mo? Mas gugustuhin mo ba siyang alagaan ng iba? Mas gugustuhin mo bang mawalay siya sa’yo?”
Hindi ako makapagsalita. Mabigat ang dibdib ko.
Diyos ko! Ano ang gagawin ko?
Darius’ POVKasalukuyan kaming nasa presinto ngayon. Kasama ko ang asawa ko at si Quila. Ang anak namin ay iniwan na muna namin doon sa bahay. Binabantayan naman siya ni yaya Lita.“Ito na ba si Quila?” naririnig kong tanong ng daddy niya.Kinapa ko ang puso ko kung may galit pa ba akong nararamdaman sa kanya. Aaminin kong naroon pa rin ang sakit pero wala na ang galit. As much as possible, I don’t want to worry Phoebe. My grandma didn’t talk to me… even my dad and my cousins. They still didn’t like her. But they can’t touch her because I am here. They know that I will go berserk once they touch the woman I loved the most. Phoebe’s my only sanity. I’d kill whenever they do something bad against her or even if they’ll take her away from me.They hate her and they made me choose.Pero pipiliin ko ba sila kaysa sa taong mahal ko?Phoebe is my only source of happiness after my last heartbreak. Staying away from her would only burden myself. Being away from her will be a huge burden. Besi
“WALA na pala si Glyzza at Glydel sa school campus.” Sabi ni Myla sa akin.Kasalukuyan itong nasa bahay ngayon, karga nito si Quila.“Wala akong pakialam kung saan sila. Malaking problema ang dulot nila sa pamilya ko.”Sila pa ang mga naging favorite apo nila lolo at lola. Ayaw nila kay mommy kaya ayaw rin nila sa amin. Napa-buntong-hininga ako.“Saksi ako sa mga paghihirap mo, Pooh. Hindi naging madali ang buhay mo pero heto ka ngayon, nasa itaas ka na.” Sabi nito.“Wala pa ako sa itaas, bes. Pero hindi ko bibiguin ang mommy at ate ko. Magsisikap ako para balang araw ay wala nang tumapak sa pagkatao ko.” Sabi ko. Hindi ko man nagawang ipagtanggol ang sarili ko noon, nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga taong naniwala sa akin at nagtatanggol sa akin. Binigyan nila ako ng pag-asang magpatuloy. Binigyan nila ako ng pag-asang maniwala na hindi ako ang laging mali. Naniwala sila sa akin kaya hindi ko sila bibiguin. Wala sa vocabulary ko ang manakit ng tao pero siguro kapag napupun
Kasalukuyan kaming nasa labas ng eskwelahan ngayon. Hinatid ako ni Darius hanggang sa classroom ko. Sabi ko naman na okay lang ako, ayaw niya mag-paawat. Kitang-kita ko kung paano ako tingnan ng iba pang mga estudyante at ng mga kaklase ko sa may hallway.Nang nasa labas na ako ng pintuan ng classroom ay tumingin siya sa akin.“I’ll go ahead. Please, take care of yourself and… our baby.” Bulong nito. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. “I’ll fetch you after your class… same spot.”Isang tango lang ang ginawa ko bilang sagot ko sa kanya.Dinampian niya ng halik ang aking noo at pisngi bago siya umalis. Naririnig ko pa ang mga pagsinghap nila dahil sa ginawa niya sa akin. Ang mga estudyanteng babae ay kinikilig habang nakatingin sa likod niyang papaalis na. At nang hindi na ito matanaw pa ay bumaling sila sa akin… ngumiti. Pumasok na ako sa loob at naabutan si Myla roon na nakaupo. Ang mga mata nito ay parang nanunukso. “Ano ‘yun? Bakit ka niya hinatid hanggang dito? Nagul
“Phoebe,” tawag nito sa pangalan ko. Bigla akong napabalik sa reyalidad. “Oo,.”“What’s the result?” tanong ulit nito. Huminga ako ng malalim bago ako nakapag-desisyon na sabihin sa kanya ang totoo.“Positive.” Sabi ko sa kanya. Isang malapad na ngiti ang kanyang pinakawalan. Nararapat ba ang ngiting ‘yan?Mabilis naman na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nagtataka kung ano ang nangyari. “Hindi ako gusto ng pamilya mo.” Sabi ko sa kanya.“And so?” Sagot niya lang.Napailing ako.Big deal para sa akin ang bagay na ‘yun.“Paano kung darating ang araw at biglang magbago ang pagtingin mo sa akin? Ang pamilya mo… katulad na katulad sila ng lolo at lola ko. Kinamumuhian kami noon pa man. Ayaw kong umabot sa punto na kailangan kong umalis… gaya ng ginawa ni mommy. Kaya, habang mas maaga pa. Mas mabuting–”“Are you planning on aborting our child?”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Saan naman siya kumuha ng ideyang ‘yun?Kahit k
Dalawang linya. Buntis ako!Nanghihina ako nang matingnan ang resulta ng pregnancy test. Hindi ako mapakali at kanina palakad-lakad sa loob ng kwarto.Hindi alam ni Darius na nag-test ako ngayon. Si Myla pa ang inutusan kong bumili nito. Ilang araw na ang lumipas noong nagpunta sila lola rito. Si Quila ay kasama ko ngayon sa kwarto, mahimbing na natutulog. Dito na siya matulog mula ngayon.Si Darius ay kasalukuyang nasa opisina niya, nagtatrabaho. Hindi na rin muna ako pumasok sa eskwelahan dahil tinamad ako. Bigla na lang akong nakakaramdam ng pagod. Ayaw kong lumabas. Gusto ko na lang manatili muna rito sa bahay. Biglang bumukas ang pinto at niluwa no’n si manang.“Anak, okay ka lang?” tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.“Masama lang ang pakiramdam ko manang.” Sabi ko sa kanya. May dala siyang tray ng pagkain pero wala man lang akong ganang kumain. Hindi kapani-paniwala! Nilagay niya ‘yun sa maliit na mesa.“Sige na, kumain ka na muna. Kanina ka pa hindi bumaba.” sabi ni
Papasok na kami ng gate nang may madatnan kaming sasakyan sa labas ng bahay. Kilalang-kilala ko ang sasakyang ‘yan. Kung hindi ako nagkakamali, kay daddy ang sasakyan na ‘yan. Pero nakulong na si daddy, nasa police station na siya. Hindi kaya ay sina lolo at lola ang nariyan?Sino ang nagmamaneho niyan ngayon? “T–Teka lang, bababa lang ako. Hintayin mo ako rito Darius.” Sabi ko sa kanya. Dali-dali akong bumaba at dumiretso agad sa sasakyan. Bumukas ito at bumungad nga sa akin ang mukha ng dalawang matanda. “Bakit kayo nandito?” Hindi ko maiwasang tanong. Nanlilisik ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. Para bang gusto nila akong kainin ng buhay.“Walang hiya kang bruhita ka! Ano’ng ginawa mo sa daddy mo?! Bakit mo siya pinakulong? Kahit kailan wala ka talagang respeto! Katulad ka ng ina at kapatid mo. Mga wala kayong pinag-aralan.” Sigaw ni lola. Pait akong napangiti. Hanggang dito ba baman? At least man lang, bigyan nila ng katahimikan ang ate at mommy ko. “Hindi ko siy