**Yeon Na**
“The court grants the dissolution of marriage between Yeon Na Elise Hajjimara and Henry Yair. No further claims will be pursued. This divorce is now finalized,” pinal na hatol ng judge, habang mariing ibinaba ang kanyang wooden gavel sa mesa. Mariin kong naipikit ang aking mga mata, pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak dahil sa naging hatol ng judge kahit ginusto ko naman ang diborsyong ito. I look at my husband... now, my ex-husband. Ang saya niya, dahil sa wakas ay diborsyado na siya at maipagpapatuloy na niya ang relasyon niya sa nakababata kong kapatid. Just like that, years of marriage discarded like yesterday’s news. All the sacrifices, the silent cries, the broken expectations ay binalewala niya. And now, he's starting a new life... with my own sister. Ilang beses akong napabuntong-hininga. That was a week ago. I am now single, after five years of marriage. Muli akong humugot ng lakas ng loob habang nasa harapan ng pinto ng opisina ni Mr. Vemeer. Nasa dalawampu’t anim na palapag ako ng Vemeer Enterprises Main Building. Lexus Sire Vemeer is the CEO of this company. I have been working under his company for 6 months. I started as an executive assistant under his direct supervision. And I know, everyone knows of my struggles to get back here. Lahat ng empleyado rito, alam ang pinagdaanan ko. I had my divorce last week, naka-absent na ako ng tatlong araw ngayong linggo, bukod pa sa two weeks leave ko dahil sa divorce process ng kasal namin ni Henry. And despite that, I still showed up. Pumasok ako kahit wasak ang emosyon ko. Tila parang kahapon lamang ang naging final verdict ng diborsyo namin ni Henry. Ang bigat pa rin. Ang pait at ang sakit pa rin sa puso. Hindi ko akalain na sa limang taong pagsasama namin, limang taon ng pag-aaruga, pagtitiis, at pagmamahal ay pagtataksilan niya ako. At ang sarili ko pang kapatid ang naging kabit niya for more than fúcking three years. Mahigit tatlong taon akong ginawang tanga. Tatlong taon akong pinaniwala sa kasinungalingan habang masaya silang dalawa sa likod ng pagkukunwari. Ngayon, he is happy, alongside his parents, announcing my sister's pregnancy. May pa-baby shower pa silang gaganapin mamayang gabi, isang exclusive private party sa isang mamahaling hotel. And my parents? They don't care kung masasaktan ba ako o hindi. They even gave me the invitation to attend, dahil kapatid raw ako ni Elaine. As if that justifies everything. Napaka-insensitive nilang lahat. Parang gusto ko na lamang maiyak sa naiisip ko ang mga natanggap kong salita mula sa kanila. Hindi lamang nila piniling kampihan si Elaine kaysa sa akin, pinamukha rin nila sa akin na wala akong halaga sa buhay nila. Na tila isa akong outsider. Na hindi ako kabilang sa pamilyang Hajjimara. When the door slid open, I stepped inside the office, my red stiletto heels clicking against the polished marble. Naabutan ko ang boss ko na abalang nakatutok ang mga mata sa mga papeles na hawak niya. His office was neat, masculine, minimalist. Black leather chairs, dark wood shelves, floor-to-ceiling glass windows that overlooked the busy city below. He is wearing just a long-sleeved polo shirt with three unbuttoned buttons, na parang naiinitan siya, revealing a bit of his toned chest. Nakasablay naman ng maayos ang coat niya sa sandalan ng swivel chair. He is wearing eyeglasses, a Rolex watch on his wrist, and a sign pen in his other hand. Tahimik ang buong silid maliban sa tunog ng air conditioning. Pero nang marinig niya ang tunog ng takong ko sa marmol, bahagya siyang napatigil sa pagbabasa. Noong tuluyan na akong nakalapit sa mesa niya. Bahagyang napatingala siya sa akin, seryoso ang mukha. Napatitig ako sa asul niyang mga mata, kaya hindi niya naiwasan na mapakunot-noo. Halatang nabigla siya sa presensya ko, lalo’t bihira akong personal na pumunta sa opisina niya nang walang appointment o urgent na agenda. “What do you need, Mrs. Yair—I mean... Miss Hajjimara? May sasabihin ka ba? Sabihin mo na. I am busy. Marami pa akong gagawin,” aniya sa malamig na tinig, hindi inaalis ang tingin sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa hawak kong invitation card, halos malukot na iyon sa palad ko dahil sa tensyon at kaba. Hindi ko naman napigilang maibaba ang tingin sa nakasilay niyang malapad na dibdib. Muli akong napalunok ng laway, pilit pinapakalma ang sarili kong naghahalo na ang hiya, galit, at desperasyon. “I know it's weird to ask you this, Mr. Vemeer. Pero kakapalan ko na ang mukha ko,” panimula ko. Mas lalo siyang nagseryoso, inilapag ang ballpen sa ibabaw ng folder. “C-Can we have sex, Mr. Vemeer?” nanginginig ang boses kong saad sa kanya, halos pabulong pero malinaw. Sandali siyang natulala sa sinabi ko, waring hindi agad makapaniwala sa narinig. “I know you are rich. But I am ready to pay you for sex. I want to get pregnant as soon as possible. Will you get me pregnant? Will you be my babymaker?” walang halong birong saad ko, tuwid na tuwid ang tingin ko sa kanya. Desperada na ako. Gusto ko nang mabuntis. Gusto kong ipakita kay Henry na hindi ako baog. Na hindi ako ang may problema. I did a lot of tests and check-ups a year ago para malaman kung may problema ba sa akin, kung may diperensya ba sa matres ko kaya hindi ako mabuntis-buntis pero lahat ng results ay normal. At ngayon, gusto kong patunayan ’yon. Gusto kong ipakita sa kanila. Kay Henry. Kay Elaine. Sa buong pamilya ko. Na hindi ako ang kulang. Na hindi ako baog. Tuluyan siyang tumayo, umikot sa gilid ng mesa, at hinarap ako. Madiin ang lakad niya, waring pinag-iisipan ang bawat hakbang. Walang pag-aalinlangan ko namang sinalubong ang seryoso niyang mga tingin, bagama’t parang may maliit na bahagi sa akin na natatakot sa posibleng isagot niya. “Are you serious, Miss Hajjimara? Gusto mong mabuntis, at ako ang gusto mong maging tatay ng anak mo?” tanong niya sa akin sa baritonong boses, mababa at puno ng tensyon ang tono. Para bang sinusukat niya kung hanggang saan ang katotohanan sa mga salitang binitiwan ko.“Jenna,” tawag ko nang makita ko siyang patungo na sa elevator, may hawak na tumbler at folder sa isang kamay. Agad naman siyang napalingon sa akin at bahagyang nagulat, halatang hindi inaasahang makita ako roon. “Oh? Himala, mas nauna pa ako kaysa sa’yo,” sabi niya sabay silip sa relo sa kaliwang pulso. “Late na tayo, girl,” dagdag pa niya, medyo ibinaba ang boses. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng elevator, kasabay ang ilan pang empleyado na tahimik lang at abala sa kani-kanilang cellphone. “I accidentally turned off my alarm on my phone, so I didn’t realize the time,” kwento ko habang pinipindot ang floor number, sabay buntong-hininga. Sa totoo lang, never pa akong na-late sa trabaho at sa wakas, nangyari na ngayon. Mas maaga pa nga akong nagigising kaysa sa alarm clock ko. Pero kasi, magkasama kami ni Sire kagabi sa condo unit niya... at may nangyari na naman—na siyang dahilan kung bakit ako puyat. Ang hirap niyang tanggihan dahil ako naman talaga ang naglagay sa kanya sa
“Walang supply ng tubig,” ika ni Sire pagkabalik niya sa sala, seryoso ang mukha. Grabe naman ang taong ito, pati tubig, tiningnan talaga. “Water is only available early in the morning. Iyon ang sabi ng may-ari ng apartment. Kailangan kong magising nang maaga para makapag-ipon ako ng tubig,” paliwanag ko sa kanya. Napa-"ah" naman siya bago sabihing, “Ang pangit nitong apartment na ’to,” walang pag-aalinlangang husga niya. Tingnan mo 'tong tao na 'to, walang preno kung magsalita. Natahimik na lamang ako sa kinauupuan. Dahil totoo naman. Pangit talaga ang apartment na ito dahil masikip, pahirapan ang supply ng tubig, at malayo rin sa pinagtatrabahuan ko. Pero wala akong choice. Kailangan kong magtipid kaya humanap ako ng murang apartment. Sandali niya akong muling tinitigan. “You should stay in my condo unit. Hindi kita hahayaan na tumira sa ganitong klaseng apartment, Yeon Na. This is a fvcking terrible room. Ang init. Ang sikip-sikip. Ang dami kong napansin na ipis,” pagpapatul
Yllana Subdivision...“Dito ka na lang, Mr. Vemeer,” pigil ko sa kanya. Akmang papasok na sana siya sa masikip na gate ng apartment, pero hinarang ko talaga ang katawan ko para hindi siya makatuloy.Napaayos naman siya ng tayo, bahagyang umangat ang kilay at napakunot ang noo, parang naguguluhan sa pagpigil ko.“Kailangan ba ng gate pass? O may entrance fee bago makapasok?” interesado niyang tanong.“Wala naman. Gabi na rin kasi. Malayo pa biyahe niyo,” palusot ko. Ayaw ko talaga siyang papasukin sa loob. Maigi niya akong tinitigan sa mga mata, kaya parang may namumuong ideya sa isipan niya.“You hiding someone inside?” usisa niya, tuluyan nang napaarko ang kilay.“Someone? Of course not. Tama naman ang sinabi ko. Malayo pa ang biyahe ninyo,” sagot ko, pilit na kalmado. Marahas siyang napabuga ng hangin.“I want to see your unit, Yeon Na,” mahinahong saad niya, sabay bahagyang silip sa loob. Napaatras ako nang kaunti para bigyan siya ng espasyong masilip ang loob.“This place doesn’t
Muling sumugod si Sire, kahit nakahandusay na si Nathan sa malamig na semento ay naisapan niyang daganan ito. Hindi man lang siya nag-atubili. Sunod-sunod niyang ginawaran ng mabibigat na suntok si Nathan sa mukha, tila ba gusto niyang durugin ang lalaki. Labis ang panggigigil niya, nanginginig ang mga kamay, nanlilisik ang mga mata, at bawat bigwas ay may kasamang puot na matagal nang kinimkim. Kung hindi ko siya agad aawatin, baka tuluyan na niyang mapatay si Nathan sa sobrang galit. “S-Sire, tama na!” saway ko sa kanya at agad ko siyang inawat, baka mapatay niya pa si Nathan. Nag-aapoy pa rin sa galit ang mga mata ni Sire habang nakataas ang isang kamao, handang dumapo sa pisngi ng lalaki. Samantalang ako naman ay nakahawak sa kamay niya para pigilan siya. Marahas siyang napabuga ng hangin, na parang sinusubukang pakalmahin ang sarili sa gitna ng bumubulusok na galit. Sandali siyang napatitig sa duguang mukha ni Nathan, saka dahan-dahang tumayo. Akala ko'y sisipain niya si Natha
Papauwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko. Napasilip ako sa suot kong relo. It’s already 6:35 pero hindi pa rin ako nakakasakay ng bus pauwi. Ang dami kasing pasahero, punuan ang bus, at kanina pa ako rito sa waiting station. Kanina pang alas-singko ang time-out ko, pero hanggang ngayon ay narito pa rin ako, nag-aantay na may dumaan na bus na may bakante pa. Hindi ko mapigilang mapatingala sa langit. Makulimlim ang kalangitan, mukhang uulan pa yata. Sana hindi ako maabutan ng ulan. Marahan naman akong napalingon noong may naramdaman akong taong papalapit sa kinaroroonan ko. Si Nathan. Ang taong ayaw kong makasabay pag-uwi. “Hindi ka pa rin nakakasakay?” tanong niya. Medyo napa-distansiya ako mula sa kanya. Masyado naman yata siyang makadikit sa akin. Saglit siyang napangiti sa akin noong napansin niya ang paggalaw ko palayo. Nathan was my classmate. Kaklase ko siya noong college at isa rin sa mga manliligaw na binasted ko noon. Kaya nakakailang talaga, dahil simula noong bina
Ilang beses ko na rin siyang pinaalalahanan, pero heto na naman kami.“You should button your shirt, at ayusin mo rin ang damit mo—masyadong lukot,” sabi ko habang nilapitan ko siya at tumayo sa harapan niya nang walang pag-aalinlangan. Baka kasi may biglang pumasok sa opisina niya at makita siyang ganito ang ayos. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong isyu tungkol sa amin.Pero hindi siya gumalaw. Sa halip, tamad siyang nakasandal sa swivel chair niya, hawak ang kalahating baso ng alak sa isang kamay. Inubos niya ang laman nito“Ang aga-aga, umiinom ka na ng alak,” pagpapatuloy ko habang sinisimulan kong i-button ang damit niya.“You don't need to button my shirt. I feel hot and sweaty,” saway niya sa akin kaya napahinto ako saglit.“Yeah, I know you're hot,” sabi ko naman, halos pabulong lang. Hindi niya napigilan ang mapatitig sa akin while I continued buttoning up his shirt.“You too. You're fvcking hot,” puri niya sa akin sa isang namamalat na boses bago siya napakagat sa kanyang pa