Share

Her Hidden Secrets
Her Hidden Secrets
Author: Authornette

Chapter 1: Reminiscing

AMARA'S POV

"So, that's all. Iyan lang ang pinapagawa ni Miss Dela Cruz. She hopes na matapos natin ito within one hour. So, please let's not disappoint her," saad ko.

Inilibot ko ang paningin sa buong classroom. Nakikita ko naman na naiintindihan nila ang sinabi ko.

"Okay, Ma'am Alcantara," pabirong saad naman ng isang kaklase ko.

Pinagtaasan ko lang ito ng kilay. Umupo ako sa desk ko at inumpisahang gawin ang pinapagawa sa amin.

Ilang minuto ang lumipas ng matapos ako. Inilibot ko ang mata sa buong classroom. Natunghayan ko kung gaano ka busy ang lahat. I sighed. Dalawang buwan na lang ay lilisanin na namin ang unibersidad na ito.

Napapiksi ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa suot kong jeans. Bumungad sa akin ang one message na nanggaling kay Seb.

Pero imbis na i-open ko ang message, natigil ako nang may naalala.

DAMANG-DAMA ko ang pagkabasa ng uniporme ko nang binuhusan ako ni Emy ng malamig na tubig.

"Iyan ang nababagay sa iyo. Masyado ka kasing pabida!" pagalit na saad nito.

Pabalang niyang inihagis ang baldeng ginamit niyang pagbuhos sa akin. Hindi ako nakaiwas kaya natamaan ako sa aking hita.

"Ano bang kasalanan ko sa iyo?" hindi ko mapigilang tanong. Naiinis na ako sa mga pinanggagawa niya.

"Pa-bida ka at attention seeker. Gusto mo lahat-lahat na lang sa iyo. Pati pagka-valedictorian ko, kinuha mo. "

My browse knitted when I heard her reasons. Ginagawa niya ito dahil sa gan'on rason? So immature!

"So, iyan pala ang dahilan kung bakit galit na galit ka sa akin. You taught that I took everything from you? Bakit hindi mo na lang gawin ang best mo ng malampasan mo ako?" I said.

I wanna challenge her that's why I said those words. Gusto kong malampasan niya ako dahil iyon naman talaga ang gusto niya. I don't mind if she surpassed me. She's my classmate at marunong akong tumanggap ng pagkatalo.

Pero mukhang iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Mas sumama ang timpla ng mukha niya.

"Anong sinabi mo? Kahit anong gawin mo, hindi mo ako matatalo. Dahil ako, may kumpletong pamilya while you, iniwan ka ng mommy mo."

Doon na napantig ang taenga ko. Dinamay niya ang mommy ko sa usapan. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay iyong namemersonal.

"Huwag mong idamay ang personal na buhay ko sa issue mo sa kin."

"Bakit? Eh, totoo naman di ba?" she pushed me and pulled my hair.

"Bitawan mo ako. Pwedi namang walang pisikalan," diretsong saad ko sa kanya.

Hindi naman kailangang umabot sa pisikilan. Kahit na umpisa pa lang ay pinisikal na niya ako. Padarag niya akong dinala dito sa likod ng university at binuhusan niya ako ng tubig na naka-ready na dito. Hindi ko alam pero mukhang pinagplanohan niya na ang lahat.

"Paano kong gusto ko nito? Alam mo bang gustong-gusto kong makita na naghihirap ka?"

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa buhok ko. Halos mapa upo na ako sa lupa.

"Please, bitawan mo na ako, Emy," pagmamakaawa ko.

"You're just a transferee pero lahat na lang ay humahanga sa iyo. Pati ang Daddy at Mommy ko inagaw mo. Ako ang dapat sa posisyon mo. Ako dapat!" Dinuro-duro niya ako kaya nabitawan niya ang buhok ko.

Muli, sinabunutan niya na ako. At dahil nga ramdam ko na din ang sakit sa anit ng buhok ko, pinatulan ko na rin siya. Hinila ko din ang kulay pulang mahaba niyang buhok.

"You don't deserve the attention you get right now, dahil akin dapat iyon!" Sandali itong natigil at tinitigan ako.

Nakaramdam ako ng awa at guilt ng masaksihan kong umiiyak ito.

"Dahil ang nararapat sa iyo ay ang mawala sa mundong ito!" she yelled.

Dahil sa pagkabigla, nawalan ako nahg balanse. Natumba ako kaya sinipa niya ako sa tiyan. Napasigaw ako sa sakit na naramdaman. Halos malagutan ako nang hininga sa ginawa niya. Ngumisi ito sa akin at tumingin sa likuran niya.

I thought she's alone... Ngunit may kasama pala siya. Si Carlo na ang pagkakaalam ko ay boyfriend niya.

Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng takot nang mapansin kong may bitbit itong malaking kahoy. Isang hampas lang no'n sa akin, nasisiguro kong mag-aagaw buhay ako.

"E-emy, please. Huwag mong gawin ito." I pleaded for the nth time.

"Please? Come on, Amara. You think maaawa pa ako sa iyo? This is my only chance! Kapag nawala ka, maibabalik na ang lahat sa akin. Lahat, pati paghanga at pagmamahal sa akin ng mga magulang ko," desperadang saad niya.

Ayoko man aminin pero unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

If God is listening, I wish there would be someone who can save me from this life and death situation. Sobra na akong natatakot. I can't think anymore. Hindi ko na alam kong ano dapat gawin para makatakas sa kanila.

"Makinig ka sa akin, Emy. I think you just misunderstood your parents. Walang mga magulang na hindi mahal ang kanilang anak." Nagbabakasakali ako na ma-realize niyang tama ang sinabi ko.

Ngunit tulad ng inaasahan, masyadong matigas at sarado na ang puso niya para intindihin ang sinabi ko.

"Shut up! You don't know a thing! Nang dahil sa iyo nagalit sila sa akin. Ang pagiging top 1 ko lang ang ipinagmamalaki ko sa kanila. Pero inagaw mo pa!"

"I'm sorry..." I mumbled under my breath.

Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya na may nasasaktan ang tao dahil sa mga parangal na nakukuha ko sa unibersidad.

"I don't want your apologies...I want you dead," she said with gritting teeth.

Mas lalong nanlisik ang kanyang mga mata.

"Gawin mo na, Carlo!" sigaw niya.

"Emy, no! Please! No!" nagmamakaawang sigaw ko.

At dininig nga ng Diyos ang panalangin ko ng may dumating na lalaki. He got a well built in and muscular body. Kahit na sa ganitong situation na ako, hindi ko mapigilang humanga at puriin ang nakikita ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko naintindihan kong bakit. Pero ibang-iba ito sa kabang nararamdaman ko dahil kina Emy at Carlos.

Nakahinga ako ng mabuti nang lumapit ito kay Carlo at pinigilan ito.

"P**a! Let go of my hand!" pagmumura ni Carlo sa lalaking kadadating lang.

Pwersahan nitong kinukuha ang kahoy sa lalaki na pumipigil sa kanya.

Kung titingnan ko, alam kong walang laban si Carlo sa lalaki.

"S-Sebastian," nauutal na saad nito ng makilala ang lalaki.

Ngunit wala sa kanya ang attention ng lalaki nang tumingin ito sa gawi ko. Our eyes met. His jaw clenched when he scanned my body. I gasped. I almost see the danger through the depth of his eyes.

"What have you done?"

he said while gritting his teeth.

"Ano ba Carlo! Bakla ka ba? Agawin mo na sa kanya!" utos ni Emy.

Muli, may panibagong tao na naman ang dumating. She just looked at the boys and fixed her gazed at me. Nagulat ito at biglang nataranta.

"Oh my gosh! Let him go, Seb. May babaeng sugatan," saway nito sa lalaking nagngangalang Seb. Tumakbo ito sa kinaroroonan ko at dinalohan ako.

"You're lucky but we're not done. Now, f*****g out of my sight!" Malakas na tinulak ni Seb si Carlo dahilan para matumba ito.

Nagmamadali naman ang huli at tumakbo ng walang lingon-lingon. Napatakbo na rin si Emy pero bago pa siya makalayo nilingon niya ako.

"Hindi rin tayo tapos, Amara. Babalikan kita!" pahabol nito at mabilis ulit na tumakbo.

"You're Amara, right? Anong ginawa nila sa iyo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng magandang babae sa akin. She has a long wavy hair, pale white skin and pinkish lips.

"I-im fine." I uttered as darkness consumed my body.

"SHE'S the girl you were talking before, right?" tinig na narinig ko nang unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Kulay puting kisame at ding ding ang unang bumungad sa akin. Mukha atang na blangko ang utak ko at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.

"She's pretty and seems nice."

Dinig kong muli at duon ko na hinanap ang nagmamay-ari ari ng boses. I blinked my eyes for several times. Bumungad sa aking mga mata ang napakagandang babae na may kasamang gwapo at makisig na lalaki. They somehow looked familiar.

"She's awake, Sebastian," the girl uttered when she finally noticed me looking at them.

Tumayo ang babae mula sa sofa at lumipat sa upuan na nasa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"How do you feel?" she asked.

"T-tubig please..." I said instead of answering her.

Nakaramdam ako ng pagka-uhaw. Ano bang ginawa ko?

"Here, dahan-dahan lang." She handed me the glass of water.

"By the way, I'm Kolin and this is my cousin Sebastian," pagpapakilala niya.

"H-Hi I-im, Amara. Nga pala...bakit ako nandito? Anong nangyari?" I couruiosly asked.

"You were bullied. We rescued you."

Sa mga sinabi niya nanumbalik ang alaala ko sa nangyari sa likurang bahagi ng university. Ang hirap at sakit na dinanas ko kay Emy. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon ng walang pag-alinlangan.

"S-sina Emy at Carlo na saan sila? Baka saktan nila ako ulit." I hesterically asked.

Unti-unting nanumbalik ang takot sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan.

"Nasa presinto na sila ngayon. Gumawa na rin ng action ang school at nagsampa na rin ng kaso ang Daddy mo," she explained to me.

Ngunit masyado akong natatakot para intindihin ang mga sinasabi niya.

"Where's my Daddy? I need him baka matunton at saktan nila ulit ako!"

"He's in the police station. Inaasikaso niya iyong kaso para kina Emy at Carlo."

Kahit na hestirikal na ako, ramdam ko parin pagiging mahinanon at ang pag-aalala sa boses niya.

"Please, bring me to him. I need to see Dad," nagmamakaawang saad ko. Only Dad can make me calm.

Inabot ko ang kamay niya at hinawakan. Nagmamakaawang kong tiningnan siya sa mata.

"Sebastian," nag-aalalang saad ni Kolin. Mukhang nanghihingi na ng tulong sa pinsan.

Lumapit naman ang pinsan niya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Amara, look at me. Calm down... You're safe now. They can't harm you anymore. I promise that."

Hindi ko alam ngunit bigla nalang ako kumalma. Bumalik sa normal ang paghinga ko. His voice made me calm. His voice are soothing.

"T-thank you. I owe you my life."

He nodded. Pinunasan din nito ang mga luha sa mukha ko.

"Eh, paano naman ako?" nagtatampong tanong ni Kolin.

"Siyempre, pati din ikaw." I softly uttered and gave Kolin a smile.

Nawala din kaagad ang ngiti sa labi ko ng mas lumapit si Sebastian sa akin. Umupo na ito sa hospital bed, sa gilid ko at yumuko.

"No one can hurt you anymore," he wisphered.

I was shocked to heard those words coming from him. He's a total stranger to me. But he said those words as if matagal na niya akong kakilala.

I felt him wrapped his arms on me. Like he was caging me, protecting me. Niyakap ko naman ito pabalik at hindi inalintana ang presensiya ni Kolin. They're my saviors and I owe my life to them.

At aasahan ko ang mga huling katagang sinabi niya sa akin. Katagang hinding-hindi ko malilimutan hanggang sa pagtanda.

"Starting now I'm going to protect you. I will never leave you, Amara..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status