Share

Chapter 2: Sebastian Laqueza

'STARTING now I'm going to protect you. I will never leave you, Amara...' Mga katagang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko. I let out a smile.

Hindi ko alam kung bakit naalala ko naman ang nangyaring dati. Ang araw na nanganib ang buhay ko at ang araw na kung saan nagsimula ang pagkakaibigan namin nina Sebastian at Kolin.

Kung iisipin ko iyong nangyari dati hindi ko alam kong paano ko nalampasan iyon. Nagkaroon ako ng phobia. Naging mailap ako sa mga tao dati at hindi agad nagtitiwala. Lalo na sa pagkakaroon ng bagong kaibigan. Pero ng dahil kay Sebastian at Kolin, unti-unti ko iyon nalampasan. Bumalik ang dating ako at nakapagsimula ulit.

Nababagot lang 'ata ako dahil wala akong ginagawa. Tapos ko na ang ipinagawa kasi sa amin. Kaya kung ano-ano na ang pumapasok at naaalala ng isip ko.

Then, I felt like someone tugged my shirt. Wala sa sariling napatingin ako sa taong iyon.

Napa-kunot noo ako kay Jazzy na katabi ko ng may inabot ito sa akin.

"Stop day dreaming, Amara." I arched my brows at him.

He handed me the bottled water na hindi ko naman kinukuha.

"Here, pinapabigay sa iyo," saad niya.

Nahalata niya 'ata ang ekspresyon sa mukha kong nagtatanong.

"Huh? Kanino ito galing?" nagtatakang tanong ko.

"Kanino pa ba? Galing iyan sa hot at pogi mong jowa," may kagat-labing sabi niya.

Napangiwi ako sa narinig mula sa kanya. Paano namang manggagaling sa boyfriend ko kung wala ako no'n?

Ano namang pinagsasabi ng binabae na ito?

Hindi ko alam if tama ang mga naririnig ko sa kanya dahil maingay ang mga classmates ko. Ngunit ayoko naman na paulitin siya. Baka marinig ng iba at maniwala pa. Sabihin mang maingay, matalas pa din ang mga marites sa tsismis.

Napalabi ako at mas lumapit sa kanya. "The last time I checked, wala akong boyfriend," saad ko sabay irap sa kanya.

"Eh, anong tawag mo kay Papa Sebastian? Hmm?" Sabay paypay ng kamay niya sa mukha. Hindi naman mainit dito sa room.

Kaagad akong natigil sa sinabi niya. Hindi ko malaman kung bakit biglaang tumibok nang malakas ang puso ko nang marinig ang pangalang sinabi niya.

"Si Seb?" mahina at wala sa sariling tanong ko.

"Oo, g**a! Ayon siya, oh!"

Tiningnan ko ang tinuro niya sa labas. Seryosong mga mata ni Seb ang nasalubong ko. Nakatitig na pala ito sa akin kaya itinaas ko ang kamay at w-in-ave. Pinagtaasan niya ako nang kilay ngunit ngumiti rin sa huli.

I hand gestured him to wait and he nodded. Naalala ko ang phone ko. Nag-message nga pala siya sa akin.

From: Seb

"I'm going to your room."

Iyon pala ang t-in-ext niya sa akin. Tinago ko na ulit ang phone at ibinalik ko naman ang tingin kay Jazzy.

"Jason, Seb is my friend. My bestfriend," paglilinaw ko.

Ilang beses ko na bang sinabi sa kanya iyon?

He made a face sabay lingon sa magkabilang gilid niya. "Shh... Jazzy, call me Jazzy," mahina ngunit mariin niyang saad.

Natatakot 'ata na marinig ng iilan ang totoong pangalan nito. Jazzy's real name is Jason. Yup, Jazzy is a boy ngunit may puso itong babae kaya pinili nito ang maging babae, magpaka-babae. Fortunately, she was heartedly accepted by his parents. At tanggap din namin siya ni Kolin.

"Inumpisahan mo kasi ako. Ayan tuloy."

"Eh, diyan naman kasi laging nag-uumpisa. Bestfriends-bestfriends daw pero at the end mafa-fall naman sa isa't-isa."

"Jazzy, ibahin mo ang pagkakaibigan namin ni Seb, okay?"

"Ah, basta. Bakit ba kasi ikaw lang ang kinakausap niya? Paano naman kaming mga ibang babae?" mataray niyang saad. Sabay flip ng buhok niya na hindi naman mahaba.

"Ewan ko, try mo kayang tanongin siya."

Umiling-iling ito sa sinabi ko.

"Pass, baka jumbagin ako no'n. Hindi ko iyon keribels, be."

Tinawanan ko na lang ang sinabi niya. Kinuha ko na lang ulit ang phone para i-text si Seb na hintayin ako.

PAGKADINIG ko palang ng bell, kaagad akong lumabas at dumiresto sa labas.

"Hi," he greeted me.

Nang malapit na ako sa kanya, inabot niya ako at hinalikan sa pisngi. Kumabog nang husto ang puso ko at medyo nailang ako sa ginawa niya. Sanay na ako sa ganitong mga galawan ni Seb. Hindi ko iyon dati binibigyan ng malisya pero ngayon, hindi ko na alam.

"Hi, ba't ka nandito? Wala ka bang klase kanina?" tanong ko para ma-divert ang pagkailang ko sa usapan.

"Gusto kasi kitang makita. And vacant din naman namin," he nonchalantly delivered.

"Magkikita naman tayo mamaya, ah. You shouldn't waste your time waiting for me," saad ko naman.

"It's okay, Amara. I told you, I want to see you," seryosong balik niya sa akin.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Feeling ko din ay naiinitan at nauubusan ako ng hangin. Kaya naisip kong ayain siya na pumunta sa garden.

"Do'n tayo sa garden?" aya ko.

Napatango naman ito sa sinabi ko. Naiilang ako kaya nauna akong lumakad. Ramdam ko ang pagsunod nito sa likuran ko. Ngunit si Seb ay si Seb. Tulad ng nakaugalian niya, pumantay ito sa akin. I felt him reached my waist and he snaked his hand there.

Napayuko na lang ako dahil nahihiya akong salubungin ang mga taong nakatingin sa amin. Sino ba naman hindi mapapatingin kung ang isang Sebastian Laqueza ay may babaeng kasama? And worst, naka-palibot pa ang kamay sa tagiliran ko.

Daig pa 'ata namin ang mga magjo-jowa na nagp-pda.

"So, sabay tayo mag-lunch mamaya?" tanong ni Seb nang marating na namin ang malapad na hardin.

"Oh, I'm sorry, I forgot to tell you na sabay kami magla-lunch ni Kolin mamaya." I apologetically said. I really forgot to tell him. Kagabi pa kasi kami may usapan ni Kolin.

"No, it's okay. I understand. Kailangan niyo din naman kasi mag-bonding minsan," he said.

Alam ko naman na maiintindihan niya. These past few weeks hindi kami nagkakasama ng pinsan niya due to hectic sched sa school. Nalalapit na din kasi ang finals for the last quarter.

"Ba't di mo pala siya kasama ngayon?" I asked.

Kung nagawa nga niyang pumunta dito si Kolin pa kaya? Same course lang naman kasi sila ng kinuha. They're on Business Management while I'm in Education.

"I did told her that I'll see you. She just respond me a grinned... Kaya pala, dahil may usapan na kayong dalawa," he said while shaking his head.

"Parang hindi mo naman kilala ang pinsan mo. She always wants to annoy you."

Gano'n sila sa isa't isa pero alam kong importante rin sa kanila ang isa't-isa.

"Yeah, that little brat."

Ngumiti ako sa sinabi niya. Napasinghap ako ng may maalala. "Oh, before I forgot, may pinapabigay pala si Manang."

I handed the paper bag to him. Medyo lukot na kasi nilagay ko sa bag ko ayoko magbitbit kasi.

"What's that?" he curiously asked.

Naka-extend pa din ang kamay ko na may hawak na paper bag. Nangangalay na nga, eh.

"Cookies? Manang Glenda baked this for you. For you lang hindi kasi ako pinabaunan, ikaw lang," nagbibiro ngunit seryoso kong saad.

"If that's the case we'll share, then."

Kinuha niya ang cookies sa akin.

"I'll call Manang to thank her, later," saad niya.

Kumuha siya ng isang cookie at tinapat sa bibig ko. I understand what he wants. Without hesitation, I open my mouth.

"Why are you so messy when eating?" taas kilay niyang tanong. He's almost grinning.

Hindi sa naiinis ako pero inagaw ko iyong cookie sa kanya na hindi ko pa nauubos.

"A-ako na. Thank you."

Kumuha narin ito ng cookie para kainin. Biglang nag-slow motion ang paningin ko ng kinagat na nito ang cookie. I got thirsty in an instant.

Napaiwas ako nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya.

'What do you think you're doing, Amara?'

"I t-think I should go, malapit na kasi iyong next subject namin."

Hindi ko siya tinitigan habang sinasabi iyon. He caught me and I'm so embarrassed.

"Okay. I'll call you later."

I just nodded at him. I left without glancing him even once.

Imbis na dumiresto sa room, pumunta muna ako sa restroom. Kaagad kong tiningnan ang mukha ko sa salamin. I was shocked to see my face. Namumula ito at ramdam ko ang init sa pisngi ko.

I bit my lips. I know I shouldn't felt this way towards him. I shouldn't. But I couldn't help it every time he'd done those things to me. For three years, tiniis ko at tinago ang nararamdaman ko, everytime he kissed, touched and looked at me. Dahil alam kong hindi pwedi, kaibigan ko siya.

"Anong bang gagawin ko?" kagat labing tumingin ako sa salamin.

"I didn't know that you have the side of talking to yourself while your alone."

Halos mapairap ako nang makita ang taong nagsalita.

Mag-isa nga ako di ba? Kaya sino naman kakausapin ko aside from myself?

"Bawal ba kausapin ang sarili?" I innocently asked. Pero ang totoo sarkastikong tanong ko iyon sa kanya.

Naglakad ito at pumuwesto sa gilid ko. Ngayon, dalawa na kaming naka-tingin sa salamin.

"Mukha kang baliw."

"Okay lang. Just don't mind me." I nonchalantly replied.

Akala ko tatahimik na ito ng ilang minuto na ang lumipas. But I was wrong.

"Layuan mo si Sebastian, Amara," prangkang saad niya.

I looked at her. Walang pag-aalinlangan ang kanyang mukha. All I could see is the desperation on her eyes.

"Bakit ko naman siya lalayuan?" Kung makapagsalita akala mo naman utusan niya ako.

"Because I'm telling you. Hindi ka naman siguro bobo para hindi malaman ang gusto ko."

Kanina ang kalmado niya pero ngayon halos isigaw na niya ang sinasabi.

At talagang nang insulto pa!

"Who are you to command me? Kaibigan ko si Seb, kaya hindi ko siya lalayuan. Kung gusto mo siya, bakit hindi mo sabihin sa kanya?" I irritatingly said.

Anong karapatan niyang utusan at insultohin ako?

"I can't dahil palagi kang naka-buntot ka sa kanya. I didn't exist to him dahil ikaw lang ang palaging nakikita niya," she dramatically said.

I open my mouth but close it again. Hindi ko alam ang sasabihin. I don't know if I should correct or her just let her feel what she feel.

"I need to go," pinal kong saad. I said those words to end the conversation.

But before I could turn back my heels, she grabbed my arm.

"Wait, we're not done yet."

"Let go of my hand, Claire. Magsta-start na iyong class ko." Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya.

Is she another kind of Emy? Sana naman ay hindi.

"I won't. Sabihin mo muna na lalayuan mo siya. Saka kita bibitawan," she desperately said.

That was the last draw. I don't have a choice but to said these words. "If you like him that much, tell him. Magpapakatoo ka."

Malakas kong inagaw ang palapulsuhan ko sa kanya. I bit my lips because of the words I've said. Hindi ko dapat sinabi iyon.

"Why don't you tell it to yourself too? I know, Amara, I know you like him too," her voice was firmed.

"Kaya kung may dapat man na magpakatoo dito sa ating dalawa, ikaw iyon."

Tinitigan ko siya, mata sa mata. She pushed me to say these words. "Paano kung sabihihin kung oo? But I know my limitations well, Claire."

Sorry but I'm not brave and desperate as you are.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status