Share

Chapter 7

Habang kinakapa ko ang lagayan ng baso upang kumuha no'n ay may nararamdaman akong lumapit sa akin.

"Here." aniya at inabot sa akin ang isang babasaging baso.

"T-thank you po."

"Alam mo ba na maaari ka pang makakitang muli?" Panimula niya.

"Eyes transplant?" Takang tanong ko.

"Oo, donor na lang ang kailangan mo marami ka naman pera kaya sigurado akong afford mo ang operasyon," wika niya.

Base sa kanyang pananalita ay mukha naman siyang mabait kaya hinayaan ko nalang siya rito sa bahay nitong makalipas na labing-isang araw.

"Iyong dati kong inaalagaan sa ibang bansa ay nakakita na dahil sumailalim siya sa eyes transplant. Puwede mo rin iyong subukan," aniya pa.

"Thank you sa suggestion pero wala pa po akong balak magpaopera para makakita," wika ko.

Muli kong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking white cane upang hindi ko ito mabitiwan habang naglalakad, ngunit hindi pa man ako nakaalis sa aking lugar ay mabilis na dumapo ang palad ng lalaki sa aking braso hudyat na aalalayan ako nito.

"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status