Compartilhar

Chapter 14

Autor: Venera
last update Data de publicação: 2026-10-27 21:29:05

Ria's POV

KUMUNOT ang noo niya habang bakas sa mukha niya ang pagkayamot. "You serious?"

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa 'yo?" matigas kong tugon. "This isn't a request, young man. It's an order from your instructor. You don't really have a choice here, do you?"

Nabalot ng matinding katahimikan ang silid habang ang ilan sa mga estudyante ay napatingin sa amin. Sa huli'y wala ring nagawa si Sawada kundi tahimik na naglakad pabalik sa kanyang upuan.

Natapos ang exam bandang alas-singko ng hapo
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Hiding My Student's Son   Chapter 15

    Ria's POV"SAWADA?" Wala akong narinig na sagot kaya lumipat ang tingin ko sa pinakadulong upuan kung saan siya madalas nakaupo. Ni anino ng lalaking 'yon ay wala akong nakita roon."Mukhang wala pa ring balak pumasok 'yon, Ma'am," wika ni Mr. Magbanua na siya ring roommate nito. "Lagi ko 'yan naaabutang lasing sa bahay pag-uwi ko at halos wala rin siyang imik kapag kinakausap ko. Pati sarili pinababayaan na. Hindi ko na rin alam ang gagawin diyan kay Keith. Para siyang bumbilya na bigla na lang nawalan ng liwanag. Nakakaawa."Parang hiniwa ang puso ko dahil sa ikinuwento sa akin ni Mr. Magbanua. Higit dalawang linggo na mula no'ng matapos ang mid-term examination at opisyal na ring na-lift ang suspension ni Sawada pero hindi pa rin siya nagpapakita sa school.Malamang malaki ang naging epekto sa kanya ng ginawang panloloko ni Eunice at ng matalik niyang kaibigang si Dylan Montecillo. Kahit naman siguro ako ang malagay sa sitwasyon niya ay baka gano'n din ang maramdaman ko.Ayon kay

  • Hiding My Student's Son   Chapter 14

    Ria's POVKUMUNOT ang noo niya habang bakas sa mukha niya ang pagkayamot. "You serious?""Mukha ba akong nakikipagbiruan sa 'yo?" matigas kong tugon. "This isn't a request, young man. It's an order from your instructor. You don't really have a choice here, do you?"Nabalot ng matinding katahimikan ang silid habang ang ilan sa mga estudyante ay napatingin sa amin. Sa huli'y wala ring nagawa si Sawada kundi tahimik na naglakad pabalik sa kanyang upuan.Natapos ang exam bandang alas-singko ng hapon. Sa puntong 'yon, kami na lang ni Sawada ang naiwan sa loob ng classroom."Ano ba 'yong pag-uusapan natin?" usisa nito nang hindi umaalis sa pwesto niya.Itinigil ko ang pag-aayos ng mga gamit ko at bumuntong-hininga. Naglakad ako papunta sa upuan niya na nasa last row at huminto sa kanyang harapan."Kanina ko pa pinag-iisipan kung dapat ko ba 'tong sabihin sa 'yo, pero sa tingin ko, mas mabuting malaman mo ang katotohanan."Napatayo siya. "Ano'ng totoo?"Tumingin ako nang diretso sa kanyang m

  • Hiding My Student's Son   Chapter 13

    Ria's POVNGAYONG araw ang simula ng mid-term examination ng mga estudyante. Maaga akong umalis ng bahay dahil bukod sa maaga rin ang schedule ko ay nagpasuyo si Innie ng magazine sa convenience store na malapit sa campus dahil doon daw available 'yong babasahin na hinahanap niya.So far, kaunti pa lang ang naabutan kong tao sa store pagdating ko dahil kabubukas pa lamang nito. Agad kong nakita ang magazine na naka-display sa mismong cashier counter. Nag-iisang kopya na lang 'yon at bahagya pang nakabukas ang seal kaya kahit gano'n ang kondisyon ay kinuha ko na.Ayon kay Innie, madalas daw magkaubusan nito sa store dahil karamihan ng mga babae sa university ay pinagkakaguluhan ito to the point na nagc-cause na ng mahabang pila sa counter tuwing hapon. Maswerte pa nga ako't may naabutan pa ako kahit isa lang.Curious tuloy ako kung ano bang meron sa magazine na 'to kaya naisip kong alisin ang plastic seal at isa-isa kong binuklat ang mga pahina nito."Hah!"Hindi ko napigilang mapasin

  • Hiding My Student's Son   Chapter 12

    Ria's POV The following day... ANDITO kami ni Sami sa clinic para sana yayain si Innie na mananghalian kasama namin. Tamang-tama dahil Sabado ngayon at kaunti lang ang pumapasok na estudyante kaya wala masyadong ganap sa campus. Sasamantalahin na namin ang pagkakataong makapag-bonding kaming tatlo dahil tiyak na busy na naman kami sa mga susunod na linggo bilang paghahanda sa nalalapit na mid-term examination. "Saan tayo mag-lunch, mga beh?" tanong ko kina Sami at Nurse Innie. "Sa SM na lang kaya? Try natin 'yong bagong Japanese restaurant na nakita ko do'n nang maiba naman. Sawa na 'ko sa buffet at lutong ulam sa cafeteria, eh," suhestyon ni Sami. "Ang layo, nakakatamad mag-commute. 'Di ba tayo ma-late niyan pagbalik?" reklamo naman ni Nurse Innie, abala sa pagkiskis ng mga kuko sa hawak na nail strip. "Ang lapit-lapit ng mall mula rito kinatatamaran mo pa? Hindi tayo mal-late niyan. Ano ka ba? Kakain lang naman tayo do'n. As if naman na magsh-shopping pa tayo at tatambay nang

  • Hiding My Student's Son   Chapter 11

    Ria's POV ALAS-QUATRO ng hapon nang marating namin ni Sami ang gymnasium kung saan gaganapin ang Mr. and Ms. Maxford pageant. Nagmistulang mga langgam ang mga tao sa loob dahil sa dami ng mga estudyanteng manonood. Mabuti na lang, maaga si Nurse Innie at nakakuha siya ng magandang pwesto sa harap kaya agad namin siyang pinuntahan. "Wow! Akala ko hindi na kayo sisipot! Alam niyo bang muntik ko nang ibigay do'n sa dalawang third year students ang upuan ninyo?" sermon ni Nurse Innie sa aming dalawa ni Sami. "Pasensya na, Innie. Eh, ito kasing si Sami ang tagal-tagal mag-retouch sa CR, akala mo naman siya 'yong sasali sa pageant!" "Ay, sorry naman, beb! Kasalanan ko bang maganda ako?" aniya pero hindi ko na 'yon pinansin pa dahil paglapit ko sa aking upuan ay napukaw naman ang atensyon ko sa babaeng nakapwesto sa kanan ko. "Eunice," tawag ko rito. Tumingin siya sa 'kin at bahagyang nagulat sa presensya ko. "Oh. It's you, Ate Ria. I didn't expect you to be here." "Pinilit lang ako

  • Hiding My Student's Son   Chapter 10

    Ria's POV HUMINTO si Sawada sa harap ni Eunice na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng pasilyo. Nabigla ako at napaamang nang basta niyang inangkin ang labi ng babae. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kumirot sa puso ko nang masaksihan ko kung paano niya halikan ang pinsan ko na para bang walang ibang tao sa paligid. Mahahalata rin sa paraan ng paghalik ni Sawada 'yong tuwa at matinding pagkasabik na makasama niya ang kanyang nobya na marahil, ilang linggo niya ring hindi nakita. Kumalas din si Eunice at nagyakapan sila ng lalaki. As I stepped towards them, they drew apart, ending their sweet embrace. Agad din naman nilang napansin ang paglapit ko kaya ngumiti sa 'kin si Eunice. "Good morning, Ate Ria—I mean, Ma'am Salazar," masiglang bati nito. "Good morning din, Eunice. Magkakilala pala kayo nitong si Sawada?" patay-malisya kong tanong sabay turo ko sa lalaking tuod nasa tabi niya. "Yes po. We've been together for over a year now. We met through his father, who happens to b

  • Hiding My Student's Son   Chapter 6

    Keith's POV MABILIS na pumatak ang alas-singko ng hapon. Katatapos lang ng klase namin kay Miss Salazar at ngayon ay palabas na ako ng campus kasama ang dalawang tukmol. "Hoy kayo, saan ba 'yong sinasabi niyong pupuntahan natin?" tanong ko kina Dylan at Sleng. "Ah, sa bilyaran sana, kaso nag-t

  • Hiding My Student's Son   Chapter 2

    Ria Elaine's POV "'TAY, anong ibig sabihin nito? Bakit nasa labas ang mga gamit namin?" naguguluhan kong tanong na may halong kaba sa dibdib. "Masyado kayong pabigat sa akin kung kukupkupin ko pa kayo. Isa pa, kung hindi naman dahil sa pagmamahal ko sa nanay mo ay hindi ako papayag na tumira kay

  • Hiding My Student's Son   Chapter 1

    Ria Elaine Salazar's POV DUMAAN ang higit isang buwan na parang hangin. Kasalukuyan akong nasa banyo hawak ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa dalawang linyang nakaukit doon. Unti-unting nanlabo ang paningin ko gawa ng luhang namumuo sa mga mata ko. Agad na bumundo

  • Hiding My Student's Son   Simula

    "MGA HAYOP KAYO!" buong lakas na sigaw ko nang buksan ko ang pinto ng silid kung saan naabutan kong nagtatalik ang hubo't hubad kong nobyong si Brent kasama ang isang babae na ngayon ko lang nakita. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinugod ko sila. "Akala ko ba andito ka para sa lecheng career

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status