Share

Hiding The Billionaire's Twin Heir
Hiding The Billionaire's Twin Heir
Author: Ms. Morimien

Kabanata 01

Author: Ms. Morimien
last update Last Updated: 2024-01-12 09:28:52

01.

"Maghiwalay nalang tayo!"

Napahinto sa paglalakad si Louise nang marinig ang malakas na sigaw ng kaniyang ina mula sa gate ng kanilang bahay.

"Sus! Diyos ko po! Sinong lalaki na naman 'yang kaaway ni Lily?"

Reklamo ng isang kapitbahay. Nakadungaw ang ulo nito mula sa bakuran habang panay naman sa paglikha ng kung ano anung haka haka ang mga kasamahan nitong chismosa.

"Ewan," kibit balikat ng isang nanay habang karga nito ang tatlong taong gulang niyang anak. "Bagong lalaki na naman yata."

"Ano ba 'yang babaeng 'yan?! Halos iba ibang lalaki ang pumupunta sa bahay, a?"

"Nasaan kaya 'yung anak? Ang balita ko sa bar din daw nagtatrabaho 'yun."

"Talaga, mare?!"

"Oo, sinabi sa akin ng anak ko. Pareho kasi sila ng pinapasukang university. Palagi nga raw nitong kasama 'yung professor nilang lakaki na matanda na." Nangilabot pa ang babae pagkatapos niyang sabihin 'yun.

"Sayang, maganda't matalino pa naman ang batang 'yun." Bulong nung isa na nagngangalang Marites.

"Grabe talaga ang nagagawa ng kahirapan, ano?"

"Ang sabihin mo, malandi talaga ang mag-inang 'yan! Diyos ko! Kung ako hinding hindi ako magbebenta ng katawan ko, bahala na sigurong magutom!"

Tumikhim si Louise dahilan para mapansin siya ng mga nagchichismisan. Nagkatinginan ang mga ito tsaka nahihiyang yumuko.

Umikot mula sa may balkonahe si Louise  umiwas sa sala. Dumiretso siya sa backdoor para doon dumaan sa kusina.

Pagkapasok ay una niyang nakita ang mga nakahaing pagkain sa mesa. Take out mula sa mamahaling restaurant ang mga pagkain kaya alam niyang hindi 'yun afford ng ina. Sa tabi ng mga pagkain ay makikita naman ang susi ng Mercedes Benz AMG kaya sigurado siyang ang ama ang kaaway ng ina at hindi ibang lalaki.

Pagkarating niya sa may sala ay puro mga nagkalat na mga basag na gamit ang bumungad sa kaniya. Kahit ang mga trophy na nakuha niya mula sa mga sinalihan niyang beauty pageant ay hindi nakaligtas.

"Hindi ka ba talaga titigil sa ginagawa mo?! Nakakahiya ka! Maraming nakakakita sa inyo habang naglalandian! Mahiya ka naman sa anak mo!"

Sigaw ng ama ni Louise. Tinakpan nalang niya ang kaniyang tenga nang dumaan siya sa sala para pumasok sa kwarto. Imbes na makialam sa away ng mga magulang ay magbibihis nalang siya para pumasok sa trabaho.

Pang gabe ang duty niya sa isang bar na pagmamay-ari ng prof niya. Lingid kasi sa kaalaman ng prof na hirap ang ina niyang si Lily na pag-aralin siya sa kolehiyo. At dahil hanga ang professor sa determinasyon at katalinuhan ni Louise ay pinayagan siya nitong magtrabaho ng part time.

"Mahiya?! E, ikaw ba, nahiya ka ba sa sarili mo ha? E, inuuwian mo lang naman kami rito ng anak mo sa tuwing gusto mo akong ikama!"

"Tumahimik ka! Wag mong babaliktarin ang usapan!"

"Kapal talaga ng mukha mo, Damian! Nagmamalinis kang h*******k ka, e, wala naman tayong pinagkaiba!"

"Sinabing tumahimik kana!"

"Hanggang ngayon ba takot ka pa ring ipakilala ako sa mga magulang mo?! Takot kang malaman nila at ng publiko na pumatol ka sa p****k at inanakan mo ako?! Hindi ba pinangakuan mo ako ng kasal? Nasaan na, Damian?! Tumatanda na ang anak mo pero hindi mo pa rin ako pinapakasalan! Ni hindi mo nga magawang pag-aralin sa isang private school ang anak mo, eh!"

"Hindi ka ba talaga titigil?!"

Nagtiim bagang ang ama ni Louise tsaka inambahan ng sampal ang babae mabuti nalang at napigilan niya ito.

"Pa!"

Gulat na napatingin sa kaniya ang magulang na ngayon lang napansin ang presensiya niya.

"Anak?"

"Pwede bang tumigil na kayo! Nakakahiya, oh! Ang dami daming tao sa labas!"

Pagkatapos sabihin iyon ay umiiyak na tumakbo papasok sa kwarto niya si Louise. Dali dali niyang hinubad ang uniform niya at nagbihis. Kinuha niya rin ang lumang ang sling bag niya't lumabas na sa kwarto para pumasok sa trabaho.

Nang makababa siya ay nadatnan niya ang mga magulang na tahimik na nakaupo sa sala. Dadaanan niya lang sana ang mga ito pero biglang nagsalita si Damian.

"Anak, sandali mag-usap muna tayo."

Tumayo si Damian mula sa pagkakaupo sa sofa at iginiya roon si Louise. Habang ang ina naman niya na si Lily ay panay ang hithit ng yusi sa tabi.

"Ano po yun, pa?" Tanong niya sabay punas ng isang butil ng luha sa kaniyang pisngi.

Humingang malalim si Damian tsaka tiningnan si Lily na wala pa ring pakialam at abala sa kaniyang yusi.

"Sasama ka na sa akin. Sa amin ka na titira."

"Po?!"

"Nag-usap na kami ng mama mo."

"Ma?" Baling ni Louise sa ina.

"Mas makakabuti 'yun sayo. Tsaka para hindi mo na kailangang magtrabaho para makapag-aral. Kayang kaya ka pag-aralin ng papa mo kahit saang university mo gusto. Instant milyonarya ka agad, ayaw mo ba nun?"

"Pero hindi naman po 'yun ang gusto ko, ma." Naiiyak na sabi ni Louise.

Biglang bumulanghit ng tawa si Lily bago dinurog ang yusi.

"Kailangan mong sumama sa papa mo. Kung pwede lang sana akong sumama ay gagawin ko pero hindi papayag ang papa mo. Hindi naman ako dugong Sullivan. Isa lamang akong hamak na p****k na pwedeng anakan ng kahit na sinong mayamang lalaki."

Napayuko si Damian nang marinig ang sinabing iyon ni Lily.

"Ayoko ko pong sumama kay papa, ma! Dito nalang po ako sa inyo. Ayos lang naman po sa akin kahit magtrabaho ako tsaka malapit na rin akong grumaduate. Isang semester nalang."

"At anong gagawin mo pagkatapos? Magiging p****k ka rin gaya ko? Kapag sumama ka sa papa mo makukuha mo lahat kahit hindi mo pagtrabahuan. Ayaw mo bang marasanang mabuhay ng marangya?"

"Pero, ma—"

"Tama na, Louise! Tama na ang kaartehan mo, pwede ba! Karapatan mo ang bagay na 'to! Kabayaran sa kawalang hiyaan ng ama mo kaya sumama kana para hindi na rin ako mamroblema sayo! Kaya wag ka ng maraming reklamo at mag-impake ka na!"

Dahil sa sinabing iyon ni Lily ay nanakbo si Louise pabalik sa kaniyang kwarto. Umiiyak siya habang nag-iimpake ng mga damit. Nang bumaba siya sa sala ay hindi na niya natagpuan ang ina. Tanging ang ama na lamang na si Damian na naghihintay sa kaniya para umalis.

"Akin na ang mga gamit mo anak."

"Salamat po." Sumisinok niyang sabi.

"Si mama po, asan? Magpapaalam lang po sana ako, pa."

Bumagsak ang balikat ni Damian. Hindi nito alam kung paano sasabihin sa anak.

"Umalis ang mama mo. Sinundo ng isang lalaki."

Muling pumatak ang mga luha ni Louise. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa ina.

***

"Dito na po ba ako titira?"

Manghang tanong ni Louise sa ama. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganun kalaki ang mansion ng pamilyang Sullivan na ngayon ay magiging tahanan na rin niya.

"Oo, anak. Simula ngayon ay ituring mong iyo ang bahay na 'to. You deserve to be here kasi isa kang Sullivan."

"T-talaga po?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Of course, Louise. Anak kita kaya kung anong meron ako ay pag-aari mo rin."

"Pero po—"

Hindi na natapos ni Louise ang sasabihin niya ng biglang lumabas sa kotse ang ama. Sumunod naman si Louise sa ama habang abala pa rin ang mga mata niya sa pagtingin tingin sa paligid. Grabe! Halos lahat ng mga nakikita niya ay mamahalin at priceless ang halaga.

Nang makapasok sila sa malawak na sala ay ingat na ingat si Louise na hindi mahawakan ang naglalakihang vase na mukhang mga antigo pa't galing sa ibang bansa.

"You can touch that, anak. It's yours." Sabi sa kaniya ng ama nang makita ang pag-aalangan ng anak.

"Naku, hindi na po. Baka mabasag ko pa."

Natatawang umiling na lamang si Damian tsaka iginiya paakyat ng hagdan ang anak.

"Welcome back, Damian."

Bati ng mayordoma na si Mansuetta. Kahit may edad na ay matalas pa rin ang panginin ng matanda kung kaya't kaagad nitong napansin si Louise.

"Sino ang kasama niyo?"

"Anak ko po, si Louise." Pagpakilala ni Damian sa anak.

"Magandang umaga po." Nakayukong bati ni Louise sa mayordoma.

"M-may anak po kayo, sir Damian?" Gulat na tanong ng mayordoma.

"Where's dad? Kailangan ko siyang makausap."

"Nasa opisina po niya ang Senyor. Kanina pa kayo hinihintay. Hindi raw kayo nagpaalam na aalis."

Tinalikuran na ni Damian ang mayordoma tsaka naglakad patungo sa opisina ng ama. Hindi naman maiwasang mailang ni Louise dahil sa dami ng mga matang nakasunod sa kaniya. Nagbubulungan rin ang mga ito at hindi pa titigil kung hindi sinigawan ng mayordoma.

"Magsibalik kayong lahat sa trabaho! Walang mag-uusap kapag hindi oras ng pahinga o hindi pinahihintulutan!"

Maawtoridad na sigaw ng mayordoma kaya mabibilis pa sa alas quatro kung kumilos ang mga katulong para bumalik sa kaniya kaniyang trabaho.

Napayuko na lang si Louise habang nakasunod sa ama.

Nang makarating sila sa isang pasilyo ay muli na naman siyang namangha sa lawak nito at sa dami ng mga painting na nakasabit sa wall. Sa dulo ng pasilyo ay matatagpuan ang isang malaking chamber kung saan naroon ang opisina ng Senyor.

"Nandito na tayo." Sabi ni Damian sa anak sabay bukas sa pinto.

Halos maubusan ng hangin sa katawan si Louise dahil sa kaba nang tumama sa kaniya ang dalawang pares na mata ng matanda na nakaupo sa kaniyang swivel chair.

Habang nakatingin ito sa kaniya ay tila may kung anong lungkot ang unti unting umaahon sa sistema ng matanda.

"How come that this woman looks like your mother, Damian?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 25

    025.Malapad ang ngisi ni Albert habang nakatanaw kay Johan mula sa hindi kalayuan."Good job, Aries!" Masigla nitong sabi at pumalakpak. Ngumiti naman ang lalaking nagngangalang Aries. Ang taong inutusan ni Stephen para hanapan ng baho ni Johan. Duda na rin kasi ito matapos ang pagkikita nila noon sa ospital."Sigurado akong matutuwa si Boss Stephen nito." Sabi ni Aries na dahilan ng biglang pagkawala ng ngiti sa labi ni Albert.Alam kasi ni Albert na nagwawala na sa galit si Stephen sa mga oras na 'to dahil sa pumalpak ang plano nila kagabi."Sibat na tayo, may mga pulis dito." Yaya ni Albert. Mabilis namang binuhay ni Ron ang makina ng sasakyan pabalik sa warehouse."Sino ang mga batang iyon? Bakit kamukha ni Montavo ang mga yun?" Tanong ni Ron. Napaisip naman si Albert habang abala sa kaniyang yusi. Maya maya ay kinasa nito ang kaniyang baril at sinukbit sa kaniyang likuran. Tiningnan niya si Aries pagkatapos at binugahan ito ng usok sa mukha."Yun yung bagay na aalamin mo ngayon.

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 24.3

    Mas lalo pang lumalim ang halik ni Natalia nang wala sa sariling hawakan siya ni Johan sa beywang.Dumidiin ang tila magnet nitong labi na parang hinihigop ang kaluluwa ng kahalikan.Tuluyan na ngang uminit ang pakiramdam ni Johan. Tila isang lumang makina na bigla na lamang nabuhay pagkatapos napainitan.He pinned Natalia on his desk. Gumaganti na siya sa mga halik nito. Lintik lang ang walang ganti ika nga. Kaya papatunayan niya sa babaeng ito kung sino ang binabangga niya.Dahil sa posisyon nilang dalawa ay mas lalo pa niyang diniin si Natalia sa kaniyang desk dahilan para mapaungol ang babae. Tumutusok sa lagusan nito ang kaniyang buhay na buhay na sandata.At dahil sa napakaikli nitong suot na bahagya pang tumaas dahil sa pagkakayakap ng mga hita nito sa beywang ni Johan — ay napakadali nalang para sa kahalikan na pasukin siya.Ungol ng ungol si Natalia na parang hibang, parang baliw.Subalit ang hinahangad nitong makapunta sa langit ay hindi natuloy bagkus ay para siyang binagsa

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 24.2

    Nakahanda nang lumabas si Johan para puntahan ang ama. Nagsusuot na siya ng coat niya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya kaya napatingin siya ron.Kumunot ang noo niya nang pumasok ang isang kaluluwa — este babaeng halos kita na ang buong kaluluwa dahil sa suot nito na parang tinipid sa tela."Hi, Johan." Bati nito sa kaniya. Lantad na lantad ang makinis at kumikinang nitong kutis. "Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Hindi siya pinansin ng babae.Pagkalapit sa kaniya ay bigla na lamang siya nitong hinawakan sa balikat. Hinaplos ng makinis nitong mga kamay ang kaniyang leeg at mga braso.Napasentido si Johan dahil sa inis. Kung dragon lang siya ay kanina niya pa ito binugahan ng apoy sa mukha.Tinabig niya ang kamay ng babae ngunit muli ring bumalik. Ayaw paawat. Makati."Stop, hindi na ako natutuwa." "Didn't you miss me, hm?" Umigting ang panga ni Johan nang bigla na lamang siya nitong hawakan tiyan. Pinasok ng babae sa kamay nito sa suot niya long sleeve at

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 24.1

    Nasapo ni Johan ang kaniyang buhok tsaka hinampas ang kaniyang mesa.Para siyang leon na nakalabas ang pangil at handa ng manakmal kung sino man ang mangahas na lumapit sa kaniya.Muling niyang hinampas ang mesa dahil sa biglang pagpasok ni Mr. L. Bitbit nito ang isang telepono at hindi nagugustuhan ni Johan ang pagtawag ng kung sino man dahil wala siya sa mood makipag-usap.Kumuyom ang mga kamao niya. Kung nakikita lang siguro niya ngayon ang tumatawag baka nasapak na niya ito sa mukha."Tell to whoever's calling na wala ako sa mood makipag-usap. Kung gusto niya akong kausapin, sabihin mo pumunta rito sa opisina at ng masikmuraan ko!" "P-po?"Natigilan si Mr. L sa pag-abot nito ng telepono kay Johan. Napalunok siya ng laway. Hindi niya maiwasang isipin na baka bigla na lamang sumabog sa galit ang amo dahil sa pagtawag ng ama."B-boss Johan, si Sir Franco po." Napasentido si Johan at tamad na inagaw sa kamay ni Mr. L ang telepono."Yes, dad?" Sagot niya sa pinakakalmado't banayad n

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 23

    023. Halos sumabog sa init ang mukha ni Louise habang nakatanaw siya sa bintana. Hindi niya maintidihan kung bakit bigla na lamang dumagsa ang mga media sa labas ng kompanya niya.Wala namang nangyayaring masama sa kompanya sa ngayon. Naagapan ng partnership niya kay Johan ang pagbagsak nito. At bukod pa ron ay marami ring mga malalaking negosyante na nag-offer sa kaniya ng partnership.Sa ngayon ay unti unti ng nakakabawi ang kompanya at nagsisimula na ulit itong mamayagpag katulad ng dati. Kaya hindi niya lubos maunawaan kung anong pakay sa kaniya ng mga media at bakit parang ang babangis ng mga ito. Tiningnan niya ang sekretarya para tanungin kung may nangyayari ba sa kompanya na hindi niya nalalalaman pero umiling lang ang babae tanda na malinis na tumatakbo ang lahat."Have you reminded the HR department like I told you yesterday, Maricel?" Tanong niya tsaka umupo na. Kasama niyang pumasok sa opisina ang pinsan niyang si Jack dahil may kakausapin itong kliyente mamaya. Hindi s

  • Hiding The Billionaire's Twin Heir    Kabanata 22

    022. Mabilis ang mga hakbang ni Johan papasok sa villa. Pagkarating sa living room ay una niyang nadatnan ang kapatid niyang si Rohan na nagbabasa ng libro sa sofa."Where's that fool?" Tanong niya pero sinulyapan lang siya ni Rohan at itinuro ang hinahanap na ngayon ay pabalik na sa sala. "What's up, Johan!"Pagkalapit ay inabot nito sa kaniya ang isang baso ng alak pero tinapik lang ni Johan ang kamay nito at mabilis na sinukmuraan.Napaubo si Arthur at nakabaluktot na bumagsak sa sofa habang nabasag naman ang bumagsak na baso at bote ng alak. "Alam mo bang muntikan ng mapahamak ang kambal dahil sa ginawa mo? Why did you have to bring them sa opisina ko?!" Umalingawngaw ang boses ni Johan. Tatayo na sana si Rohan para hindi madamay sa dalawa pero natigilan siya dahil sa sinabi ni Arthur."Naniniwala ka na bang anak mo sila?" "Anong ibig sabihin nito? May anak ka?" Tanong ni Rohan kay Johan."They're just kids. Why would I take their words seriously?""Pero bakit parang nagpapaka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status