Share

Kabanata 06

06.

Kring!

Napabalikwas ng bangon si Louise dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. Kinapa niya iyon sa kama pero hindi niya mahanap. Awtomatiko siyang nainis dahil kulang na kulang talaga siya sa tulog.

"Shit!" Mura niya dahil sa ingay ng pag-ring. Nang malaman niya kung nasaan ang cellphone ay pupungas pungas siyang tumayo para damputin iyon sa sahig.

She sat on her bed, yawned and stretched a little bit before she answered the call.

"Sino 'to?"

"Ms. Louise. Si Maricel po 'to. Naisturbo ko po ba kayo?" Maligalig na bungad ng babae sa kabilang linya. Sinulyapan niya ang orasan sa bedside table at nakitang alas singko pa lang ng umaga.

Parang hindi nauubusan ng energy ang babaeng 'to. Sabi ni Louise sa isip.

"Hindi. Anong kailangan mo?" Tumayo na sa kama si Louise tsaka nagtungo sa kabilang kwarto para silipin ang kambal. Mahimbing pa namang natutulog ang mga ito at parang hindi namahay. Kumpara sa kaniya na halos magdamag na hindi nakatulog.

"Confirmed na po ang meeting niyo with Mr. Montavo mamayang 10 am. Ipapadala ko nalang po sa inyo ang location. Free po ba kayo today? Pwede pa naman pong magpare-schedule. Maiintindihan naman po iyon ni Mr. Montavo."

"No, pupunta ako mamaya. Send mo nalang sa akin ang lugar kung saan kami magkikita."

"Sige po."

Pagkatapos nilang mag-usap ni Maricel ay bumaba na si Louise. Pagkarating niya sa sala ay nadatnan niya ang mayordoma at ilang mga katulong na nagbabantay sa nakaburol na si Gideon. Sandali muna siyang nakipag-usap rito bago umalis. Nagbilin na rin siya ng mga dapat gawin kapag nagising na ang kambal at hindi pa siya nakakabalik.

***

Humingang malalim si Louise nang makarating siya sa tapat ng pintuan ng isang apartment. Medyo hinihingal pa siya ng konti dahil sira ang elevator kaya kinailangan niyang gumamit ng hagdan para makaakyat sa 7th floor.

Nang kumalma ang kaniyang pakiramdam ay doon na siya kumatok.

"Sino 'yan?!" Sigaw ng isang babae mula sa loob ng apartment.

Inayos naman ni Louise ang kaniyang buhok bago sumagot, naririnig niyang naglalakad na palapit sa pinto ang babae.

"Si Louise ito."

Nang sabihin niya iyon ay huminto muna ang mga yapak sa loob tsaka biglang bumukas ang pinto.

Niluwa nito ang matalik na kaibigan ni Louise na si Deesse na ngayon ay nakayakap na sa kaniya ng mahigpit habang umiiyak.

"Oa naman niyan." Pabiro niyang sabi rito kaya kumibot ang nguso ng babae.

"Saan ka ba galing?! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?!"

"Mahabang kwento. Wag nalang nating pag-usapan."

Nagtantrums ang babae kaya natawa si Louise sa kaartehan nito.

"Fine! Magkukwento ako pero hindi ngayon. Kailangan ko ng tulong mo."

"Ano 'yun? Baka illegal 'yan, a?"

Iginiya ni Deesse papasok si Louise tsaka inalok ng maiinom.

"Hindi. Pwede mo bang bantayan ang mga anak ko, Des? May mga importante lang akong gagawin."

Halos lumawa ang mata ng babae sa sinabi niya.

"Anak?! May anak ka? Tsaka 'mga'?! Ibig sabihin—"

"Kambal, okay?! Ingay mo." Pagputol ni Louise tsaka humigop ng kaniyang kape.

"P-pero, paano?! Paano ka nagkaanak?!"

Napabuntong hininga si Louise dahil sa kaingayan ng kaibigan.

"Fine. Pero pangako mo sa akin na sasabihin mo lahat, a?"

"Yes, I promise."

Sandali munang nagkatinginan ang dalawa tsaka muling nagyakapan ng mahigpit.

"Ahh... Namiss talaga kita!"

Pagkarating sa kotse ay wala sa sariling napangisi si Louise.

"Hindi ba niya alam na alam ko ang ginawa nila ng ex-boyfriend ko noon?" Usal niya tsaka hinampas ang manibela sa inis.

Pakiramdam kasi niya ay ginagawa siyang tanga ng kaibigan, na akala nito ay wala siyang alam sa nangyari. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao, hindi niya alam kung anong magagawa niya kapag nagkita ulit sila ng dating nobyo.

Kung ang matalik na kaibigan ay kaya niyang pagpasensiyahan, hindi niya alam kung ganun din ba siya sa dating ka-ibigan.

***

"Miss Louise!"

Tawag ni Maricel kay Louise nang makapasok ito sa restaurant. Kaagad namang lumapit si Louise sa sekretarya na ngayon ay abala na sa paglingon lingon sa paligid.

"Hindi naman po nagsabi sa Mr. Montavo na mali-late siya ng dating."

"It's fine. Hintayin nalang natin, kararating ko lang din naman, e." Umupo na si Louise tsaka inabala muna ang sarili sa pagbabasa ng mga documents habang naghihintay.

"Meron po ba kayong gustong inumin, miss?"

"Wala, Maricel. Mamaya nalang siguro."

"Ah, okay po."

Dumistansya naman si Maricel sa amo ng makitang busy ito sa ginagawa. Subalit lumipas na ang halos kalahating oras ay wala pa rin ang kameeting ni Louise.

"Sigurado ka ba darating 'yun? Nasasayang ang oras ko." Iritang sabi ni Louise sa sekretarya niya.

Iniwan niya lang kasi ang kambal sa kaibigan para sa meeting na 'to. Tapos hindi naman pala siya sisiputin ng lalaki.

"S-sandali po. Tatawagan ko nalang po baka kasi nagkaroon ng emergency meeting."

Muling pinagpasensyahan ni Louise si Johan, sinabi kasi ng secretary niyang parating na raw ito at na-struck lang daw sa traffic.

Ngunit ano ito't lumipas na ang isang oras na paghihintay at hindi pa rin dumarating ang lalaki. Namula na sa inis ang mukha ni Louise. Hindi niya nagugustuhan na parang pinaglalaruan lamang siya ng lalaki.

Parang hindi nito sinesiryuso ang meeting nilang dalawa.

Galit na tumayo sa upuan niya si Louise tsaka pabagsak na nilapag ang isang libong piso sa mesa para sa inimom niyang juice. Lahat ng mga katabing mesa ay napatingin sa kaniya at nagbulungan pero masyado siyang galit kay Johan, at wala na siyang na maiibigay kahit na katiting na galit sa mga ito kaya hindi na niya pinatulan.

Nang makalabas sa restaurant ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa opisina niya.

Siguro dun magkakaroon ng maraming halaga ang oras niya.

***

Pagod na pagod siya sa opisina dahil sa dami ng kinailangan niyang tapusing trabaho. Ngunit pagkarating niya sa bahay ay sinalubong naman siya ng masamang balita.

"Paano nawala si Lucas kung kasama niyo naman pala ito?!" Galit niyang sigaw sa mga katulong. Napapaatras naman si Deesse kada buga niya ng mga salita.

"Sorry, ako talaga ang nababantay kay Lucas nang mawala ito. Ang sabi kasi niya magbabanyo lang siya tapos nagulat nalang ako dahil ang tagal nito sa loob pero pagbukas ko ng pinto ay wala pala siya ron."

Napasapo sa ulo niya si Louise. Naiintindihan naman niyang busy ang mga katulong sa pag-aasikaso sa burol, kaya nga siya humingi ng tulong sa kaibigan tapos ganto ang mangyayari?

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Maya't maya kasi ay may lumalapit sa kaniya para makipag-usap ng kung ano-anu tungkol sa lolo niya. Kung sana nandito ang iba pa niyang kaanak, 'di sana siya nahihirapan ng ganito. Alam niyang abala sa negosyo ang mga ito pero kahit silip man lang sa lolo niya at hindi magawa ng mga ito.

"Kayo na po muna ang bahala rito, manang. Hahanapin ko si Lucas." Paalam ni Louise sa mayordoma na hindi na rin mapakali sa pagkawala ni Lucas.

"S-sama ako!" Habol ni Deesse sa kaibigan.

Nagi-guilty kasi ang babae, sa kaniya pinagkatiwala ng kaibigan ang pagbabantay sa kambal tapos bigla nalang mawawala si Lucas?

Tuluyan ng nilamon ng konsensiya niya si Deesse, pakiramdam niya kasi ay nakapakalaki ng kasalanan niya sa kaibigan dahil sa nangyari sa kanila ng nobyo nito noon, tapos ngayon naman ay sa anak nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status