Share

Chapter 27

Chapter 27

Nakuha ang atensyon ko matapos malakas na bumukas ang pinto ng studio. Mula roon ay pumasok ang hinihingal na si Mama Elle.

We’re currently filming the last scene, ito na rin ang magiging katapusan ng kwento at baka ilang paghihintay lang ay i-e-ere na ang pelikula.

“Anong meron ma?” tanong ko.

Sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya na siya namang ginawa ko. Dumiretso siya sa loob ng green room. He seems agitated with something, pinapatunog tunog din niya ang mga daliri senyales na hindi siya mapakali.

“May bago kang project anak, this time ikaw na ang kinukuha nilang bida,” aniya sa nagaalalang tono.

Tinapunan ko siya ng naguguluhang mga tingin. “Oh? Iyon naman pala ma e', hindi ba dapat nagsasaya tayo? Bakit mukha kang constipated diyan?”

“May makakapareha kang lalaki,” saad niya. Tinaasan ko siya ng kilay, ipinapahiwatig na h’wag na siyang magpaligoy ligoy pa. “Kasama sa mga cast si Amadeo,”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status