"Lintik naman talaga! Ngayon pa ba uulan?" May inis sa boses na sabi ko habang naghahanap nang masisilungan.
Halos maglilimang oras na akong naghahanap ng pwedeng maupahan pero hanggang ngayon wala pa rin akong mahanap. Walang magkasya sa perang hawak ko. Kaya ito ako ngayon, parang basang sisiw na naghahanap ng masisilungan. Nakakainis.
"Kasalanan ito ni Tatay eh!" Nababagot kong sabi, sabay ng pagpadyak ng paa. Mas lalo akong nainis nang mabasa ang sapatos na itinakas ko mula sa aking kapatid.
"Ineng walang mangyayari kung ganiyan ka nang ganiyan." Napapitlag ako nang marinig ko ang isang matandang babae na nasa waiting shed na kinaroroonan ko.
Halos maiyak na ako nang mapansing kalahati ng aking katawa'y basang-basa na ng ulan. "Eh paano naman ho kasi'y naghahanap ako ng mauupahan. Mas maigi nga ho sana kung makapagtrabaho ako bilang katulong para may matuluyan ako."
"Naku, doon ka dapat—." Hindi naituloy ng matanda ang kaniyang sinasabi nang bigla akong tumakbo sa ulanan.
Sinalakay ng kaba ang aking dibdib nang makitang dinurugo na ang babaeng patawid ng kalsada. Kabuwanan na siguro nito.
"Don't touch me!" Maarte nitong sabi sa akin sabay tapik sa kamay kong dumapo sa kaniyang balikat.
"Miss, ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa itong masama ang ugali!" Mataray kong sabi. Ito ang ayaw ko sa lahat eh. Ako na nga nagkukusang-loob na mag-offer ng tulong ako pa napapasama. Buhay nga naman!
"Excuse me?! I don't know you, that's why I don't need your help. Get lost!" Sabi pa nitong ipinaikot ang mga mata.
Naiinis na nagpakawala ako ng hininga. "'Wag mo akong ini-english riyan, kung ayaw mong iwan kita rito!" Napipika kong sabi bago ko siya muling tinulungan na makatawid nang maayos.
"I said I don't—fuck!" Sigaw nito nang umatake ang sakit sa kaniyang tiyan. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan dahil sa sakit at pati na rin siguro sa lamig na dala ng malakas na ulan.
Dahil doon ay mas lalong umudyok ang damdamin kong tulungan ang babae. Hindi kakayanin ng konsensiya ko kung iiwan ko siya rito gaya ng sabi niya.
Isang taxi ang pinara ko para mabilis na maidala sa ospital ang babae. Gustuhin ko mang magpaiwan ay hindi ko nagawa. Baka kasi lokohin pa ito ng taxi driver. Halata kasi sa mukha ang hindi magandang ugali nito.
"Pakibilisan naman ho manong!" malakas kong sabi habang hinihimas ang braso ng namumutlang buntis.
Bakas sa mukha ng babae ang hirap. Tila ba ano mang oras ay babagsak na ito. Tinakasan na ng kulay ang buong mukha nito, pati ang labi'y namumuti.
Pinagmasdan kong maigi ang kaniyang kabuohan. Sa aking hinala'y hindi ito basta-bastang tao lamang. Tila gatas ang balat nitong malambot. Napakasopistikada rin ng dating kahit na nagsusungit ito kanina sa kalagitnaan ng pagdurugo. Maganda ito at halatang mayaman. Kung tutulungan ko ito baka kaawaan ako't alukin ng pera. Sa ganoong paraa'y makakapagrenta na ako ng mauupahan.
"Emergency! Tabi!" sigaw ko sa mga taong nasa entrance ng hospital. Kaagad namang lumapit ang dalawang nurse dala ang isang hospital bed.
"Maghintay na lang ho kayo dito Ma'am." sabi sa akin ng isang nurse nang nasa harap na kami ng delivery room.
Wala akong nagawa kundi ang sundin sila. Ano bang gagawin ko sa loob? Hindi naman ako kaanu-ano ng supladitang iyon.
Nang mapansin ko ang bag ng babae'y kaagad ko iyong hinalungkat. Wala pang isang minuto'y nahanap ko rin ang cellphone nitong mamahalin.
"Mayaman nga." bulong ko bago ko tinawagan ang nag-iisang contact number na nasa phonebook nito.
"Kasalukuyan pong nasa delivery room ang may-ari nito. Kung kamag-anak ka po niya, pumunta na po kayo rito. Kung hindi ma'y pakisabi na lamang sa pamilya niya. Salamat." mabilis kong pinutol ang tawag kahit na hindi pa nakakasagot ang tinawagan ko.
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Halos kalahating oras na kasi ang lumipas ay hindi pa rin lumalabas ang babae mula sa pinasukan nito.
Muli akong naghintay. Isinantabi ko na muna ang balak na paghahanap ng mauupahan.
"Ma'am? Pwede ho ba kayong makausap?" tanong sa akin ng kalalabas lamang na doctor. Tumango na lamang ako bilang sagot. "Safe na po ang baby. Kaya lamang ay, nagkaproblema ang nanay niya."
"Ano hong ibig ninyong sabihin?" kinakabahan kong tanong.
"Hindi niya kinaya ang panganganak." may lungkot na sabi nito. Alam ko naman na may tsansang ganoon nga. Kadalasan naman sa mga nanganganak ay nasa hukay ang kalahati ng katawan. "Isa pa'y may nakita kaming tama ng baril sa kaniyang tagiliran. Sariwa pa iyon, dahil rin siguro doon kaya bumigay na ang kaniyang katawan."
Bigla akong napanganga nang marinig ko iyon mula sa Doctor. "T-Tama ng b-baril?" tila yata sinakop ng takot ang puso ko. Mukhang mali yatang tinulungan ko pa ang babae. Baka masangkot pa ako sa gulo nito.
"Pasensiya na at hindi namin iyon nalunasan kaagad. Manganganib kasi ang buhay ng bata kung uunahin namin ang sugat niya sa tagiliran." iyon lamang at nagpaalam na sa akin ang Doctor. Hindi makapaniwalang napaupo akong muli.
"Nasaan ang apo ko?!" malakas na sigaw na ikinalingon ko. Humahangos ang isang may edad na babae sa aking pwesto. Bakas sa mukha nito ang pananabik pero hindi nakatakas sa paningin ko ang paglandas ng galit sa mga mata.
"Ako ho si Rhyna, ako ho iyong tumawag kanina." agaw ko sa pansin ng ginang. Bigla akong napalunok nang hagurin niya ng tingin ang buo kong katawan.
"Nasaan si Diana? Nasaan ang apo ko?" tanong niya sa akin.
"Ma'am, kasi ho, si Diana ho kasi...ano..nanganak, t-tapos—,"
"Hindi kita maiintindihan kung hindi mo aayusin ang pananalita mo." sabi nitong tila yata nagbago ang mood. Mas malumanay na ang ekspresiyon sa mukha nito.
"Okay na daw po ang baby. Pero ang Mommy niya po ay wala na." mabilis kong sagot.
Isang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. "I guess, that's her karma. Kung hindi niya ginago ang apo ko, edi sana buhay pa siya ngayon." may riin at galit na sabi nito. "Rhyna, simula ngayon, kukunin kita para mag-alaga sa apo ko."
Hindi ko man naiintindihan ang mga nauna niyang sinabi'y napatango na lamang ako. Isa lang kasi ang nasa isip ko nang mga oras na iyon. May matutuluyan na ako.
-
Akala ko'y sa mga libro o sa mga palabas lamang ako makakakita ng isang malamansiyon na bahay. Hindi ko akalaing mayroon naman pala talaga sa totoong buhay.
Mula sa Manila ay isinama ako ni Ma'am Clara sa mansiyon nila rito sa Bachawan Romblom. Tuluyan na talaga akong napalayo kay Tatay at sa kapatid ko.
Hayaan na, ito naman ang gusto nila. Ang malayo ako. Pabigat na lang raw kasi ako sa kanila. Wala raw akong matinong trabaho.
"Maayos naman ang kinikita ko mula sa pagtitinda online ah." mahina kong bulong habang nasa loob ng kotse ni Ma'am Clara.
"Rhyna, ibigay mo na lang ang mga gamit mo kay Mildred, siya na ang magdadala niyan sa kuwarto mo." nakangiting sabi niya sa akin.
Isa pa ito sa labis kong ikinababahala. Masyado yatang mabait sa akin si Ma'am Clara. Noong nakaraang linggo nga'y pinipilit niya akong tawagin siyang Lola. Hindi ko naman magawa dahil hindi ko naman yata kayang pagsamantalahan ang kabaitan niya.
"Eh, L-Lola, masyado naman p-po yata—,"
"Ano ka ba, simula sa araw na ito apo na kita. Hindi ba't naikwento mo sa akin ang tungkol sa pagpapalayas sa iyo ng Tatay mo? Dito ka na lamang sa akin, bayad ko na rin sa pagdala mo kay Diana sa hospital." mahaba niyang sabi sa akin.
Alam ko sa sarili kong hindi naman malaki ang nagawa ko para sa kaniya. Pero ang balik, sobra-sobra.
"Alam kong mabuti kang tao. Kung hindi'y bakit mo tutulungan si Diana? Isa pa'y iniligtas mo ang apo ko sa mga kamay ng babaeng iyon." Muling nagbago ang ekspresiyon niya nang tila may naalalang pangyayari.
Hindi na lamang ako nagsalita. Pikit-mata ko na lamang na tinanggap ang swerteng dumating sa buhay ko.
Dumating man ang lahat ng ito sa akin, alam ko pa rin kung hanggang saan ang karapatan ko. Alam ko ring darating ang araw na lahat ng ito'y mawawala. Kaya sana kapag dumating iyon, may maipagmamalaki na ako kay Tatay.
Malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago taas ang noong tumungo sa malawak na garden ng mental hospital. Noong una'y hindi ako makapaniwalang dito dinala si Lucinda. Ang pagkakaalam ko'y sa kulungan. Ang sabi sa akin ni Rios ay nag-iba raw ang ugali ni Lucinda nang maikulong ito ng isang buwan. Kaya walang nagawa ang mga pulis kundi ang ilipat sa mental hospital si Lucinda. Kinasusuklaman ko siya sa mga ginawa niya sa pamilya ko. Pero tao pa rin ako't nakakaramdam ng awa. Lalo na ngayong pinagmamasdan ko si Lucinda habang nakaupo ito sa silyang may gulong. She was staring on an imaginary wall. Malayo ang takbo ng isip.Marahan akong napatikhim saka nilingon ang nurse na siyang kasama ko para ihatid ako kay Lucinda. "Pwede kitang samahan dito..." mahina nitong sabi. "Ayos lang ako, hindi na rin naman ako masasaktan ni Lucinda." Tipid ang ngiting sabi ko.Ilang sandali lamang ay nagpaalam na ang nurse. Kaya marahan akong naglakad palapit kay Lucinda. Kumunot ang aking noo nan
Isang marahas na paghinga ang aking pinakawalan habang nasa loob kami ng kotse ni Rios. I am very nervous. Hindi ko alam kung bakit? Pero parang hinahalukay ang aking tiyan. "Hey, don't be nervous. Si Renzo lang ang pupuntahan natin." May matamis na ngiti sa mga labing sabi sa akin ni Rios. "I can't help it. Pakiramdam ko ang laki ng nagawa kong kasalanan dahil wala ako sa tabi niya. Wala ako noong kailangan niya ng ina sa US." Naiiyak kong sabi. Napapasinghot na napangiti na lang ako kay Rios nang hawakan niya ang aking kamay. Marahan niya iyong pinisil para ipabatid na nariyan lang siya para sa akin. Mahigit isang oras ang ibiniyahe namin ni Rios. Sa loob ng mahabang oras na iyo'y hindi naalis ang kaba sa aking dibdib. Nasasabik ako kay Renzo. Gustong-gusto ko na siyang mayakap. Muli akong napabuga ng hangin para kalmahin ang aking sarili. Nasa tapat na kami ng malaking gate ng bahay ni Lola Clara. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuga ng hangin. Parang kakawala n
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa harap ni Rios. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Wala akong kwenta. Hindi ko naprotektahan si Renzo tapos ang lakas pa ng loob kong akusahan si Rios. "Where is he?" Umiiyak kong tanong kay Rios. Malalim lang siyang napabuntong-hininga bago ako nilapitan. Marahan niya akong itinayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Umiiyak na tinitigan ko ang mukha ni Rios. "Please tell me, where's Renzo?" Tanong kong pilit na hinahawakan ang mukha ni Rios. "He's fine..." Marahang sagot ni Rios bago ako tinitigan sa mga mata. Maya-maya lang ay naupo siya sa kama. Hinila niya ako't inupo sa kaniyang kandungan. Titig na titig sa mga mata ko si Rios. Pagkatapos niyo'y pinunasan niya ang mga luha ko. "...please babe, don't cry."Sa sinabing iyon ni Rios mas lalo akong naiyak. Walang pasabing niyakap ko siya nang mahigpit. "Dalhin mo ako sa kaniya, please. Gustong-gusto ko nang makita si Renzo." "I will babe, pagkatapos mong kumalma. I don't want to
"Akio, send me the details. Pagdating namin sa isla pwede mo nang umpisahan ang plano." Seryosong sabi ko kay Akio na nasa kabilang linya. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga nakalap nilang ebidensiya ni Jayson, laban kay Lucinda. Pagkatapos naming umalis ay magsisimula na ang plano. Kung maaari'y ako na lang ang magsasampa ng kaso. Ayaw kong madamay pa ulit si Rhyna. Napapabuntong-hiningang napapikit ako ng mariin. God, hindi ko kayang makita ulit ang takot sa mga mata ni Rhyna. Hindi ko alam ang gagawin, noon ko lang siya nakitang natakot ng sobra para kay Renzo. To think na hindi naman talaga ito galing sa kaniya. May nagawa ba akong mabuti kaya pinagkaloob sa akin ng Dios si Rhyna? "Sure, I'll send it right away." Narinig kong sabi ni Akio. Napapangiting bumaba ako ng sasakyan. Hindi ko na ipinasok sa loob ang kotse, may nakaharang kasing itim na sasakyan sa gate. "Thank—." natigil ko sa pagsasalita nang makarinig ng putok. "Putok ba yun ng baril?" Gulat na tanong ni Ak
"Happy new year!" Masayang bati ni Willa sa akin nang kumalat ang fireworks sa malawak na langit. "Happy new year Rhyna! Happy new year babe!" Malaki ang ngiting sabi ni Yohan bago hinalikan sa pisngi si Willa. Tipid akong ngumiti bago tiningnan ang langit. Renzo loves fireworks. Kung nandito lang sana siya sabay sana naming tinatanaw ang iba't ibang kulay sa langit. "Ano ba yan, kakasapit lang ng bagong taon may nakasimangot na kaagad!" Bigla akong natawa sa sinabi ni Willa. "Sira, may naalala lang ako.""Naku..." "Maiwan ko nga muna kayo, nagmumukha akong chaperone ninyong dalawa." Pang-aasar ko kay Willa. Saglit kong kinindatan ang kapatid ko bago pumasok sa loob. Sa kusina ako tumuloy para saglit na kumain. Kaunti lang ang inihanda ko dahil iilan lang naman kami. "Ay Ma'am Rhy, tikman mo itong cake na ginawa ko. Masarap iyan, baka pwede na akong magtrabaho sa kusina. Nakakasawa na kasing puro barya at papel ang hinahawakan ko." Sabi ni Apple na siyang kahera ko sa shop. N
Tunog ng makina at sinag mula sa malaking bintana ang nagpagising sa akin. Marahas akong napahigit ng paghinga bago nagmulat. Purong puti ang nasa paligid ko. Hospital o langit? Marahang bumukas ang pinto. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko'y napakabigat niyon. Hindi ko tuloy malingon ang kung sinong pumasok. "Ate..." halos walang boses na sabi ni Willa bago lumapit. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata. Nakasuot rin siya ng kulay itim na bestida. "W-Willa...""Oh my god, tatawag lang ako ng doctor." Nanlalaki ang mga matang sabi ni Willa bago tumakbo paalis. Napansin kong wala na siyang pasa. Pero may sugat pa rin sa gilid ng labi niya. Renzo! Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Pinilit kong bumangon. Kailangan kong makita si Renzo. Kailangan kong makita ang anak ko! "Ms. Guerrero, hindi ka pa pwedeng bumangon. Mahina pa ang katawan mo." Maagap akong hinawakan ng doctor para maibalik sa pagkakahiga. "No...I want to see my son." mahina kong sabi. Kahit nanghihina