Share

Kabanata 14

"'Nay!" malakas kong sigaw nang magising akong tanging puting kisame ang nasa harapan. "'Nay! Tatay!" umiiyak kong sigaw.

Bigla ang pagbukas ng pinto, mula roon ay nakita ko ang pagpasok ng isang babaeng nakaputi. Kasunod nito ang lalaking may suot na salamin; nakasabit ang stethoscope sa leeg.

"Nasaan ang nanay ko? Si Tatay? Sino kayo?!" humahagulgol kong tanong. Inilibot ko ang tingin pero liban sa aming tatlo'y isang batang babae lamang ang nasa silid. "W-Willa, nasaan si nanay?"

"Ate..." umiiyak nitong tawag sa akin habang yakap ang maliit na teddy bear. "...'wag mo rin akong iiwan ah, gagaling ka di ba?" sabi pa nito habang umiiyak na lumapit sa akin.

"Nacheck ko na kanina ang lagay niya, Doc. So far, wala namang indikasyon na nasa peligro pa ang buhay niya. She's—."

"Nasaan sila nanay?" mariin kong tanong sa nurse at doctor na tumitingin sa akin. Pero hindi nila ako pinapansin. Para ngang sinasadya nilang huwag akong pansinin. "I said, where are my parents?!" malakas kong sigaw
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status