Masuk“Daddy, can you hear me?” maingat na hinila ni Ranran ang kamay ni Travis, bahagyang nakatingala habang umaasa. “Daddy, gusto ni Ranran ng chocolate cake…”
Bahagyang umiwas ng tingin si Travis, saka ibinaba ang ulo upang titigan ang bata. Mahinahon ngunit mariin ang kanyang boses. “Kakagaling mo lang sa lagnat. Hindi ka pa puwedeng kumain ng matamis.” Bahagyang nanlumo si Ranran. Ngumuso ang kanyang mga labi sa munting pagtatampo, ngunit hindi siya nagsalita. Tahimik lamang siyang tumingin sa cake display, halatang pinipigilan ang sarili. Dahan-dahang hinaplos ni Travis ang ulo ng bata, puno ng paglalambing ang kanyang kilos. “Kapag tuluyan ka nang gumaling, bibilhan kita ng chocolate cake. Kahit ilan pa ang gusto mo.” Agad namang lumiwanag ang mukha ni Ranran. “Okay!” masigla niyang tugon, sabay tango nang masunurin. Pagkatapos, itinuro niya ang isang cake sa loob ng glass case. “Paano kung strawberry cake na lang? Favorite ni Mommy ‘yun!” “Okay,” maikling sagot ni Travis. Tinawag niya ang clerk upang ipabalot ang strawberry cake, saka inilabas ang kanyang telepono upang magbayad sa pamamagitan ng pag-scan ng code. Sa buong pagkakataong iyon, ni minsan ay hindi na siya muling tumingin kay Katreese, na para bang wala ito roon. Tahimik na nakaupo si Katreese, nakatitig sa kanila nang walang kurap. Bawat galaw ni Travis—ang kanyang pasensya, ang lambing sa bata ay malinaw na larawan ng isang huwarang ama. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili, kung nabuhay ang kanyang mga anak… magiging ganoon din kaya si Travis sa kanila? Magiging ganoon din kaya siya kabait, kaalaga, at kapuno ng pag-aaruga? Noong nakaraan, tiyak na tatayo siya agad at hahabulin si Travis para komprontahin ito. Ngunit ngayon, wala na siyang lakas para gawin iyon. Ang malamig na pagwawalang-bahala ni Travis ang naging pinakatuwirang sagot sa lahat ng kanyang katanungan. Ang batang si Ranran ang siyang umagaw sa lahat ng pagmamahal na dapat sana’y para sa kanilang mga anak. Matagal na nitong kinalimutan ang kambal. Matagal na nitong iniwan ang kanilang pamilya. Mayroon na itong bagong buhay, bagong anak, at hindi na ito ang lalaking minahal niya noon, ang responsableng asawang si Travis. Wasak na ang kanilang pagsasama. Wala nang saysay ang pagtatanong, lalo na ang pakikipagtalo rito. Ngunit sa kabila nito, nang makita niyang ganoon kalambing si Travis sa batang iyon, hindi pa rin niya mapigilan ang pag-usbong ng galit at hinanakit sa kanyang dibdib. Hindi para sa sarili niya, kundi para sa kanyang mga anak. Ngunit si Travis, tila walang kaalam-alam sa lahat ng iyon. Sa isang kamay ay bitbit ang cake, at sa kabila ay hawak ang maliit na kamay ni Ranran, sabay silang lumabas ng coffee shop. Matangkad at tuwid ang tindig ng lalaki, habang ang bata sa kanyang tabi ay masiglang naglalakad, magaan ang bawat hakbang nito. Unti-unti silang lumalapit sa itim na BMW na nakaparada sa gilid ng kalsada. Isang batang babaeng part-time worker sa coffee shop ang napatingin sa kanila. Hawak ang kanyang pisngi, napabuntong-hininga siya. “Dapat talaga guwapo ang mapapangasawa mo! Tingnan mo naman, ang guwapo ng tatay, ang guwapo rin ng anak! Panalo sa genes! Sinong babae kaya ang napakaswerte?” Kahit mahina ang tugtog ng musika sa café, malinaw na narinig ni Katreese ang bawat salita. At bawat salitang iyon ay parang patalim na paulit-ulit na tumatama sa kanyang puso. Napatingin si Aira sa kanya, puno ng pag-aalala ang mukha. “Kat… ayos ka lang ba?” Mahigpit na pinagdikit ni Katreese ang kanyang maputlang mga labi. Ang isang kamay niya ay mariing nakakuyom, hanggang sa bumaon ang kanyang mga kuko sa sariling palad, ngunit tila wala siyang nararamdamang sakit. Sa kanyang alaala, si Travis ay isang taong nabubuhay para sa trabaho. Malamig, tahimik, at hindi palasalita. Ngunit bilang asawa, hindi ito nagkulang—sa bawat okasyon, may inihahandang regalo ang kanyang assistant para sa kanya. Ibinibigay nito ang respeto at dignidad na nararapat sa isang Mrs. Ruscav. Akala niya, iyon na ang kabuuan ng pagkatao ni Travis. Ngunit sa loob lamang ng dalawang araw, winasak ng realidad ang lahat ng paniniwala niya. Biglang nanginig ang kanyang bag nang mag-vibrate ang kanyang telepono. Dahan-dahan niya itong kinuha at tiningnan ang mensahe mula kay Travis. Husband: I’ll be back tonight. Apat na simpleng salita—hindi paliwanag, kundi isang utos. Matagal na nakatitig si Katreese sa screen, saka unti-unting ngumiti, isang malamig at mapait na ngiti. Tahimik siyang pinagmasdan ni Aira, walang masabing kahit anong salita. Ang mga mata nito ay puno ng awa para sa kanya. Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang telepono ni Aira. Si Hayden ang tumatawag. Agad niya itong sinagot. “Senior… ha? May lagnat siya? Okay lang po, okay lang. Ang bata po muna ang unahin mo. Huwag kang mag-alala, ako na ang magpapaliwanag sa kaibigan ko…” Pagkababa niya ng tawag, tumingin si Katreese sa kanya. “Anong nangyari?” Napabuntong-hininga si Aira. “May lagnat daw ang anak ng senior ko. Kailangan niyang dalhin agad sa ospital. I-reschedule na lang daw natin.” Bahagyang nagulat si Katreese. “May asawa na ba siya?” Umiling si Aira. “Wala pa. Hindi niya sariling anak ‘yun… anak iyon ng first love niya.” Bahagyang yumuko si Aira at bumulong, “Bago namatay sa cancer ang first love niya, ipinagkatiwala sa kanya ang bata.” “Hindi niya anak?” mahinang tanong ni Katreese. “Hindi,” mariing sagot ni Aira, sabay iling. “Naghiwalay sila pagkatapos ng graduation. Nag-abroad ang senior ko, habang siya naman ay nagpakasal sa iba. Habang buntis, doon siya na-diagnose ng cancer… babae ang anak niya. Hindi siya tinanggap ng pamilya ng asawa niya, at pati sariling pamilya niya ay natakot na maging pabigat siya.” Sandaling tumahimik si Aira bago nagpatuloy. “Tinulungan siya ng senior ko—pinagamot, inalagaan. Pero nang mamatay siya… walang gustong umampon sa bata. Kaya siya na lang ang umako.” Hindi namalayang nahawakan ni Katreese ang kanyang tiyan. “Premature pa ang bata,” dagdag ni Aira. “May congenital defects, kaya mahirap alagaan. Nakita ko na yung bata, limang taong gulang na pero parang dalawa o tatlo lang. Payat kasi, maliit… pero sobrang ganda. Hindi kamukha ng nanay niya. Madalas pa siyang magkasakit. Sabi ng doktor, hindi siya maka-adjust sa environment abroad. Kaya dinala na lang siya pabalik ng Pinas ng senior ko.” Tahimik na nakinig si Katreese. Sa kaibuturan ng kanyang puso, nakaramdam siya ng paghanga kay Hayden. Para sa isang batang hindi niya kadugo, nagawa nitong ibigay ang lahat. Kahit paano, gumaan ang loob ni Katreese matapos marinig iyon. Walang bahid ang pagkatao ni Hayden, at lalo na ang kanyang kakayahan. Sa sandaling iyon, tuluyan na siyang nagpasya. Itutuloy niya ang divorce case, at si Hayden ang pipiliin niyang abogado. “Aira,” mahinahon niyang sabi, “sabihin mo sa senior mo na unahin niya muna ang bata. Kaya ko namang maghintay.” Ngumiti si Aira at nag-OK sign pa ito sa kanya. “Sige, ite-text ko siya.” Paglabas nila ng coffee shop, naghiwalay na ang dalawa. Ngunit si Katreese ay hindi umuwi, dahil may kailangan pa siyang tapusin. Sa ibaba ng Xior Jewelry building, ipinarada niya ang kanyang sasakyan at bumaba, dala ang kanyang bag. Anim na taon na ang nakalipas nang itatag nila ni Travis ang kumpanyang iyon. Siya ang may hawak ng 60% ng shares, si Travis naman ay 30%, at ang natitirang 10% ay sa ibang shareholders. Bilang founder, siya ang nagdala sa kumpanya sa rurok ng tagumpay sa loob lamang ng isang taon. Parang isang dark horse, bigla itong sumikat sa international jewelry rankings. Personal niyang tinuruan si Trina, at nang siya ay limang buwang buntis, itinaas niya ang posisyon nito bilang vice president, habang siya naman ay pansamantalang umatras upang paghandaan ang panganganak. Naalala niya pa, luhaang hawak ni Trina ang kanyang kamay noon. “Ate Kat, hindi kita bibiguin. Magpahinga ka muna at alagaan ang dalawang baby mo. Kami na ang bahala sa kumpanya. Hihintayin ka naming bumalik, para sabay nating abutin ang mas mataas pang tagumpay.” Ngunit ngayon, ang mismong nagtatag ng kumpanyang iyon ay nakatayo sa lobby ng unang palapag, at hinaharangan ng dalawang guwardiya. “Bawal pumasok ang walang authorization!” malakas na sigaw ng isa. Mariing tinitigan ni Katreese ang dalawa, malamig ang kanyang tingin. Limang taon. Sapat na pala iyon para mabago ang lahat. Maging ang mga bagay na dapat hindi nagbabago ay nabago na. At nang bubuka na sana ang kanyang mga labi upang magsalita, biglang bumukas ang elevator sa lobby. Isang grupo ng mga tao ang lumabas, pinangungunahan ni Trina na diretsong naglalakad palapit sa kanila.Makalipas ang ilang segundo, nagpatuloy si Aira, "Hindi ako mapakali kaya bumaba rin ako ng kotse. Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyayari. Ikaw mismo ang nagsabing nasa ibang lugar na siya para may hanapin, kaya bakit biglang nandito pa pala siya sa maynila? Pagpasok ko sa villa, si Assistant Florez lang ang nasa unang palapag. Para siyang nakakita ng multo nang makita ako. Tinanong ko siya kung bakit naroon si Kaori, pero pautal-utal lang siya at ayaw magsalita. Lalong uminit ang ulo ko kaya dumiretso ako sa itaas, at alam mo ba kung ano ang nakita ko?"Mahigpit na napahawak si Katreese sa kanyang telepono."Nakita kong lumabas si Kaori mula sa master bedroom ninyo habang may hinihilang maleta."Nanigas ang mukha ni Katreese sa narinig niya."Ang sabi niya, kumuha lang daw siya ng mga damit para kay Travis! Siya pa talaga ang kumuha ng mga damit niya! Halos hindi ako makapaniwala! Tinanong ko kung ano ba talaga ang relasyon niya kay Travis at bakit siya ang gumagawa ng mga
"Kagigising lang po ni Boss kanina, pero dahil mahina pa rin ang katawan niya, muli siyang nakatulog. Sabi naman po ng doktor na normal lang iyon. Kailangan pa ng sapat na panahon para tuluyang makabawi ang kanyang katawan. Kung magiging maayos ang lahat, maaari na siyang ma-discharge pagkalipas ng halos dalawang linggo."Napangiti si Katreese nang marinig ang balitang iyon. Sa wakas, unti-unting nawala ang matagal ng bumabagabag sa kanyang isipan.Ligtas na si Travis, at higit sa lahat, magkakaroon pa rin ng ama ang kanyang mga anak.Tungkol naman sa usapin ng kanilang divorce, hindi na muna ito muling binanggit ni Katreese. Naisip niyang kapag tuluyan nang nakarekober si Travis at nakapunta sa probinsya, saka na lamang nila ito pag-uusapan nang harapan.Pagkatapos ibaba ang tawag, nagtungo sina Katreese at Santi sa ospital para sa kanyang prenatal checkup sa ika-dalawampu't walong linggo ng kanyang pagbubuntis.Lumabas sa resulta na nadagdagan siya ng 2 pounds. Bihirang-bihirang pur
Ngunit patuloy lamang ang bata sa pag-iyak. "Auntie… gusto ko si Auntie…"Dinala niya si Isha pabalik sa kama. Mabigat man sa kanyang katawan, buong tiyaga niyang binuhat ang bata at kinandong ito.Nanginginig pa rin sa paghikbi ang maliit nitong katawan. Kumuha siya ng tissue at maingat na pinunasan ang mga luha nito."May mahalagang aasikasuhin lang si Auntie, pero babalik din siya. Magpakabait ka muna, okay? Kapag umiiyak ka, nalulungkot si Mommy… at siguradong malulungkot din ang auntie mo.""Gusto ko... si Auntie..." Paos na paos ang munting tinig ni Isha.Nangilid ang lungkot sa mga mata ni Katreese. Pagkagising pa lamang ng bata, si Kaori agad ang hinanap nito.Sa loob ng limang taon, si Kaori ang naging sandigan at nag-alaga sa bata. Sa biglaang pagkawala nito, nawala rin ang pakiramdam ng seguridad ni Isha.Mahinahon siyang nagpatuloy sa pag-alo sa anak, "Good girl si Isha, hindi ba? Babalik si Auntie, at sasamahan ka ni Mommy habang hinihintay natin siya."Bahagyang ngumuso
Pagkauwi ni Katreese kasama si Isha, agad siyang tinawagan ni Assistant Florez.Mahimbing pa ring natutulog si Isha kaya maingat siyang binuhat nina Katreese at Clark paakyat sa silid ng mga bata. Sumunod naman si Manang Linda upang bantayan at alagaan ang bata.Naupo si Katreese sa sofa at marahang hinimas ang sumasakit niyang ibabang likod."Ano'ng nangyari, Assistant Florez?""Madam, tumawag ako para sabihin sa’yo ang magandang balita!"Natigilan si Katreese at agad na napatuwid ng upo. "Nagising na ba si Travis?""Hindi pa po," masiglang sagot ni Assistant Florez. "Pero nagkaroon ng konsultasyon ang doktor at ang ilang pinakamahusay na neurosurgeon ngayong araw. Nakabuo sila ng panibagong plano para sa operasyon. Kapag naging matagumpay ito, mas malaki ang posibilidad na magising si Boss."Napakagat-labi si Katreese. "Mapanganib ba ang operasyon?""May panganib pa rin po. Ang pinakamasamang posibleng mangyari ay hindi na siya magising habang-buhay at manatili na lamang sa vegetati
Napakatatag ng pasya ni Kaori at mukhang wala na talaga itong balak bumalik. Dahil ganoon kalaki ang pagdepende ni Isha rito, mahaba-habang panahon pa ang gugugulin ni Katreese upang tuluyang mapawi ang takot ng bata.Pagkapasok sa loob ng villa, inakay ni Katreese si Isha papunta sa sofa.Napakalakas ng hangin sa labas at mahina pa ang katawan ng bata. Matapos umiyak nang matagal habang nasa malamig na panahon, hindi nito mapigilang umubo ng sunod-sunod.Labis na nag-alala si Katreese at naalala niyang may allergic asthma ang anak. Agad niyang inutusan si Manang Linda na kunin ang inhaler at gamot nito sa itaas.Matapos maibigay ang gamot, hindi pa rin gumaan ang pakiramdam ni Isha. Hinawakan ni Katreese ang noo nito at medyo mainit ito.Sa labas, tuluyan ng nagdilim ang kalangitan. Sunod-sunod na bumagsak ang malalaking patak ng ulan sa mga bintana ng villa.Nagliwanag ang buong bahay dahil sa mga ilaw, ngunit lalo lamang naging kapansin-pansin ang sobrang pamumutla ng mukha ni Isha
Sumakay si Kaori sa isang taxi. Dahan-dahang umikot ang kotse bago tuluyang umalis.Gustong habulin ni Isha si Kaori, ngunit napakabilis umalis ng sasakyan. Samantalang napakaliit at napakahina naman niya.Hinawakan siya ni Manang Lilya at may sinasabi, ngunit wala siyang narinig ni isang salita.Ang alam lang niya ay umalis na si Kaori, at sumakay ito sa isang sasakyan na hindi man lang siya isinama.Sa kanyang mga mata, unti-unting lumiit ang puting kotse hanggang sa tuluyan itong naglaho sa kanyang paningin."Auntie..." Nanigas ang maliit niyang katawan sa malamig na hangin.Iniwan na siya ni Kaori. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling sandali bago ito umalis. Napakahigpit ng yakap ni Kaori sa kanya na halos hindi na siya makahinga.Ngunit hindi siya nagpumiglas. Ang gusto niya ay habambuhay na siyang yakapin ni Kaori nang ganoon.Ngunit sa huli, binitiwan pa rin siya nito."Isha, magpakabait kang mabuti kasama ang Mommy mo, at kalimutan mo na rin ako." Iyon ang mga hul
Nagtama ang kanilang mga mata. Ang mga mata na parang lawin ni Mr. Gomez ay malamig at walang emosyon, ngunit naglalabas ng likas na pressure na kay hirap takasan. Sa ilalim ng titig nito, pakiramdam ni Kaori ay para siyang hinubaran nang walang anumang maitatago. Bahagyang nanigas ang kanyang ek
Sa ikatlong araw ng pagkaka-admit ni Ranran sa ospital, dumating si Assistant Florez. Kasama na niya si Kira.Pagkakita pa lang kay Katreese, agad siyang hinila ni Kira papunta sa katabing lounge. Isinara niya ang pinto, saka siya pinaupo at agad na inabot ang kanyang tiyan.“Kumusta ang inaanak ko
Pinagmasdan ni Katreese ang “tahanan” na limang taon na niyang hindi binabalikan. Hindi naman sa ipinagkait ng kanyang ina ang pagbabalik niya noon, kundi siya mismo ang hindi na muling naghangad na umuwi.Sa loob ng limang taong iyon, ni isang beses ay hindi rin siya kinontak ng kanyang ina.Bagam
Sa loob ng tatlong araw na wala si Travis, abala si Katreese sa mga gawain sa bahay.Maingat niyang inayos ang bawat sulok ng kanilang tahanan, tinitingnan at iniiwasan ang mga bagay na kanya lamang. Inilagay niya ang lahat ng kanyang mga gamit at pagkatapos ay namili ng isang moving company upang







