FAZER LOGINCYZRIE POV
NAGISING ako na katabi si Luiz. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napapikit ako nang mariin, bago pa siya magising. Dahan-dahan akong bumangon at lumayo sa tabi niya, sumulyap pa ako sa kanya. “Mali ito,” nanghihinang wika ko. Nagmamadali akong umalis ng kwarto at naki-CR na lamang sa kapwa ko katulong, doon na rin ako nagbihis. Balisa ako habang nagtatrabaho at pinagsisisihan ang nangyari—maaaring magdulot ito ng gulo kapag may nakaalam. “Ayos ka lang ba, ineng? Kanina ka pa balisa d’yan,” tanong ni Nay Vivian. “Ah, opo… hindi lang po ako nakatulog nang maayos kagabi,” palusot ko at pilit na ngumiti. Inabala ko ang sarili ko sa pagpupunas ng mga baso nang pumasok si Lila. “Si Sir nagpapahanda na ng mainit na kape, Nay Vivian, at mukhang bad mood,” pabulong na sabi nito. “Hindi pa kayo sanay na laging nakasimangot ‘yan,” natatawang sagot ni Nay Vivian. “Oh heto, Cyzrie, ikaw na maghatid—baka masobrahan na sa kinang yang mga baso.” Natigilan ako nang ako pa ang nautusan ni Nay Vivian. Gusto kong umiwas, gusto kong huwag magpakita sa kanya, pero wala akong magawa. Kabadong lumabas ako ng kusina, dala ang mainit na kape ni Sir Luiz. Ramdam ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. “Kalma, Cyzrie… para sa pamilya,” bulong ko sa sarili ko. Pumunta ako sa office room ni Sir Luiz. Nakita ko siyang nakatayo—matikas ang tindig, nakakatakot ang aura, may hawak na sigarilyo. “Sir, ito na po ang kape n’yo,” nauutal na wika ko. “Put it there,” malamig na sagot niya, hindi ako nililingon. Parang may bumara sa lalamunan ko. Dahan-dahan kong inilapag ang tasa sa lamesa. Ramdam ko ang bigat ng bawat segundo sa loob ng kwarto. Hindi ako makagalaw agad. Parang kahit simpleng paghinga ko, may mali. Humakbang ako paatras. “Kung wala na po kayo—” “Cyzrie.” Natigilan ako. Hindi iyon malakas na tawag. Pero sapat para mapahinto ako sa pag-ikot ng mundo ko. Hindi ako lumingon agad. Parang paglingon ko, may mangyayaring hindi ko na kayang balikan. Dahan-dahan ko siyang hinarap. Nakatayo pa rin siya sa likod ng mesa, hawak ang sigarilyo na hindi na nasindihan. Nakatitig lang siya ngayon sa akin—diretso. Matagal. Mabigat. Parang binabasa niya lahat ng tinatago ko. “Why are you avoiding me?” malamig niyang tanong. Napaatras ako ng kaunti. “Hindi po ako umiiwas, sir. May trabaho lang po ako—” “Don’t lie.” Isang salita lang. Pero para akong nabasag. Napakagat labi ako. Ramdam ko ang pag-init ng mata ko, pero pinigilan ko. “Sir, please… kung tungkol po sa nangyari—” Napahinto ako. Hindi ko kayang ituloy. Dahil kahit hindi ko sabihin, alam naming pareho kung ano ang tinutukoy ko. Humakbang siya palapit. Automatic, umatras ako. Agad. Napansin niya. Natigilan siya sa gitna ng hakbang. Sandaling katahimikan. Tanging tunog ng aircon at kabog ng dibdib ko ang naririnig ko. “Takot ka sa akin?” mas mababa ang boses niya ngayon. Umiling ako, mabilis. “Hindi po…” Pero hindi convincing. Kahit ako, hindi naniniwala sa sarili ko. Huminga siya nang malalim, parang pinipigilan ang kung anong emosyon. “Look at me.” Hindi ako agad sumunod. “Cyzrie,” ulit niya, mas mabigat. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko. At doon ako natigilan. Hindi galit ang nakita ko. Hindi rin pananakot. Kundi… pagod. Gulo. At isang bagay na hindi niya sinasabi pero ramdam ko pa rin—regret. “Hindi ka pwedeng umiwas habang pareho nating alam ang totoo,” mahinang sabi niya. Nanikip ang dibdib ko. “Sir… mas magiging kumplikado lang po lahat,” bulong ko. Isang hakbang ulit siya palapit. Pero mas maingat na ngayon. Parang siya naman ang nag-iingat sa akin. “At kung hindi natin pag-usapan?” tanong niya. Napailing ako. “Hindi po pwede.” Tahimik. Sandali kaming pareho lang nakatayo doon—sa pagitan ng dapat at hindi dapat, ng trabaho at ng isang bagay na hindi namin maipaliwanag. Hanggang sa marahan kong ibinaba ang tingin. “Babalik na po ako sa trabaho,” mahinang sabi ko. At bago pa siya makasagot— lumabas na ako ng office. Pero kahit nakasara na ang pinto sa likod ko… ramdam ko pa rin ang titig niya. --- TANGHALI nang nautusan akong ayusin ang garden ng mansyon. Medyo malawak at maaliwalas dito. Abala ako sa pagdidilig nang may narinig akong kalabog mula sa bahay na kung saan pinagbabawalan kaming pumasok. Ilang minuto pa, may lumabas na lalaking naka-itim—matangkad, seryoso ang mukha. Kasunod nito si Sir Luiz. Agad akong umiwas ng tingin at inabala ang sarili ko sa ginagawa ko, pilit pinapakalma ang kaba sa dibdib ko. “Did you hear something?” Napapikit ako sandali. Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Sir Luiz. Pagmulat ko, halos isang hakbang na lang ang layo namin. “H-hindi po, sir…” mahina kong sagot, kahit halatang kinakabahan. His eyes narrowed slightly, tila sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. Napalunok ako sa bigat ng titig niya. “You’re not supposed to go near that area,” malamig niyang sabi, ngunit may diin ang bawat salita. “Whatever you heard, you forget it. Do you understand?” Tumango agad ako. “Opo, sir.” Sandaling natahimik ang paligid. Tanging ang tunog ng patak ng tubig mula sa hose ang naririnig. Hindi ko alam kung bakit pero parang may gusto pa siyang sabihin—o baka ako lang ang nag-iisip nang sobra. “Look at me.” Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Bahagya akong nailang sa titig niyang tila may hinahanap sa mukha ko. “You’re new,” dagdag niya. “So I’ll let this pass. But don’t test my patience.” “Opo…” halos pabulong kong tugon. Saglit siyang tumingin sa hawak kong hose bago muling bumaling sa akin. “Finish that later,” utos niya. “Go to my office. It needs cleaning.” Napakunot ang noo ko. “Office n’yo po, sir?” “Yes. Third floor, last door on the right.” Bahagya siyang yumuko, sapat para mas lalo kong maramdaman ang presensya niya. “And don’t touch anything you’re not supposed to.” Napalunok ako at tumango. “Opo, sir.” Tinalikuran na niya ako, ngunit bago siya tuluyang makalayo, sandali siyang huminto. “And one more thing…” hindi siya lumingon. “Curiosity can get you in trouble here.” Tuluyan na siyang umalis, iniwan akong nakatayo sa gitna ng garden. Napahigpit ang hawak ko sa hose habang bumabalik sa isip ko ang kalabog na narinig ko—at ang lalaking naka-itim. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot. Ang bawal na lugar… o ang mga sikreto sa loob nito.Pagkaalis nila roon ay agad silang nagtungo sa isang mas tahimik na bahagi ng parke na malapit sa shopping district.Wala nang nagsasalita.Tahimik lamang silang naglalakad.Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay ang mabigat na emosyon na pilit nilang nilulunok.Lalo na si Czyrie.Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Luiz habang nakayuko.Pilít niyang pinipigilan ang mga luha.Pilít niyang sinasabing ayos lang siya.Pero hindi.Hindi talaga.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Belle.Hindi tungkol sa kanya.Kundi tungkol sa kanyang mga magulang.Ang mga taong buong buhay na nagsakripisyo para sa kanya.Ang mga taong kahit hirap na hirap noon ay hindi siya pinabayaan.Ang mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin siya.At narinig niya kung paano sila insultuhin nang harapan.Na para bang wala silang halaga.Bigla siyang huminto sa paglalakad.Napansin agad iyon ni Luiz."Baby?"Hindi na nakasagot si Czyrie.Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata
Maagang nagising ang buong pamilya kinabukasan. Matapos ang masayang almusal sa mansion, napagdesisyunan nilang lumabas upang mamasyal at maglibang.Excited si Czyrie dahil matagal na rin niyang hindi nakakasama nang ganito ang kanyang mga magulang. Kasama rin nila sina Luiz, ang mga magulang nito, at ilang bodyguards na tahimik lamang na sumusunod sa kanila.Nagpunta sila sa isang sikat na shopping district. Puno ng ilaw, mga tindahan, at masasayang tao ang paligid.Nakangiti si Czyrie habang hawak ang braso ni Luiz."Tingnan mo 'yon, ang ganda ng mga display," masayang sabi niya.Ngumiti si Luiz at hinalikan ang noo nito."Kung gusto mo, bibilhin ko lahat."Napailing si Czyrie habang natatawa."Huwag nga. Hindi lahat kailangang bilhin."Habang naglalakad sila, hindi napansin ni Czyrie ang isang pares ng matang nakatitig sa kanya mula sa hindi kalayuan.At nang makita nito kung sino ang kasama ng dalaga...Agad nagdilim ang mukha nito.Si Belle.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mg
Mas naging masigla ang mansyon nang dumating ang mga magulang ni Czyrie.Mula umaga hanggang hapon ay halos puno ng tawanan ang buong bahay.Habang ang iba ay abala sa paghanga kay baby, si Luiz naman ay tahimik na nakaupo sa sala kasama sina Czyrie at ang kanyang mga magulang.Hindi maiwasang mapangiti ni Czyrie habang pinagmamasdan ang eksena.Noong una ay inakala niyang magiging awkward ang lahat.Ngunit tila natural na nagkasundo ang kanyang pamilya at ang pamilya ni Luiz."At ikaw naman, hija?" tanong ng kanyang ina. "Kumusta ka na talaga?"Napangiti si Czyrie."Mabuti naman po, Ma.""Tulog ka ba nang maayos?"Bago pa siya makasagot ay agad na sumingit si Luiz."Hindi sapat."Napatingin silang lahat dito.Napakamot ito sa batok."Nagigising pa rin siya para kay baby."Napataas ang kilay ng ama ni Czyrie."At paano mo nalaman?"Napatigil si Luiz.Samantalang si Czyrie ay agad na namula.Dahil alam niyang iisa lang ang sagot doon.Dahil halos gabi-gabi itong nagpupuyat kasama niya.
Tatlong araw ang lumipas nang tuluyan nang payagan ng mga doktor na makauwi sina Czyrie at ang kanilang sanggol.Habang palabas sila ng ospital, hindi maiwasang mapatingin ni Czyrie kay Luiz na siyang may hawak sa baby carrier.Sobrang ingat nito na para bang gawa sa salamin ang anak nila."Luiz, relax," natatawang sabi niya.Agad naman siyang nilingon nito."I am relaxed."Napataas ang isang kilay ni Czyrie."Talaga? Limang beses mo nang chine-check kung maayos ang seatbelt ni baby.""It's called being a responsible father."Napailing na lamang siya habang pinipigilan ang ngiti.Pagdating nila sa mansyon ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay.Masaya ang lahat na makita ang bagong miyembro ng bahay.Ngunit higit sa lahat ay si Luiz ang mukhang pinakamasaya.Buong maghapon ay halos hindi nito ibinababa ang anak.Kapag natutulog ang sanggol, nakatitig ito.Kapag gumagalaw ang sanggol, nakatitig pa rin ito.At kapag umiiyak naman ay parang ito pa ang mas kinakabahan."Tingin ko mas s
Maagang nagising si Czyrie dahil sa mahinang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng hospital room.Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa kisame habang pilit inaalala kung nasaan siya.Pagkatapos ay bumalik ang lahat ng alaala.Ang panganganak.Ang takot.At si Luiz.Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi.Natigilan siya.Nakatulog si Luiz habang nakaupo sa silya katabi ng kama niya.Nakahilig ang ulo nito sa gilid ng higaan habang mahigpit pa ring hawak ang kanyang kamay.Parang hindi talaga siya binitawan kahit kailan.Hindi niya namalayang napangiti siya.Gusot pa rin ang polo nito.Halatang pagod.Ngunit kahit natutulog ay tila hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito.Maya-maya ay kumilos si Luiz.Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.Agad siyang napatuwid nang mapansing gising na si Czyrie."Good morning."Bahagyang namula si Czyrie."Good morning."Ilang segundo silang nagkatitigan.At sa unang pagkakataon ay walang umiwas.Parang may kung anong nagbago sa pagita
“The doctor said they need to monitor you and the baby, so you need to stay at the hospital for three days,” mahinang wika ni Luiz habang inaayos ang kumot ko.Tahimik lang akong tumango. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan kong kinakain ang pagkaing dala niya para sa akin habang si baby naman ay nasa nursery room at inaalagaan ng mga nurse.Maya-maya ay may ilang doctor na pumasok upang i-check ang lagay ko. Nang makaalis sila ay muling bumalik ang katahimikan sa silid. Tanging tunog lamang ng aircon at mahihinang yabag ng mga nurse sa labas ang maririnig.“Tell me if you need anything, okay?” tanong ni Luiz.Napatingin ako sa kanya at saka napakunot-noo.“Hindi ka pa ba uuwi?”Kaagad siyang umiling.“I'm staying here.”“Luiz—”“I'm not leaving you.”Napatigil ako.Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kapagod. Gusot ang suot niyang polo at tila hindi man lang nakapagpahinga. Ngunit sa kabila noon ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin.“Hin
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Czyrie habang unti-unting bumabalik ang kaniyang ulirat. Bumungad agad sa kaniya ang puting kisame ng pribadong silid at ang mahinang tunog ng heart monitor sa paligid. Ramdam pa rin niya ang panghihina ng katawan matapos ang matinding pagod sa panganganak.Ngun
HINDI na namalayan ni Cyzrie ang paglipas ng mga araw. Simula nang mas madalas siyang isama ni Luiz, pakiramdam niya ay unti-unting nagiging magaan ang lahat. Ngayon nga ay nasa kompanya sila nito—isang bagay na hindi niya inaasahang mangyayari.Pagpasok pa lamang nila sa lobby ay maraming empleyad
MALAKING gulat ni Czyrie nang pagbukas ng pinto ng mansyon ay bumungad agad si Luiz sa may foyer. Halatang kararating lamang nito—nakasuot pa rin ng itim na coat at may bakas ng pagod sa mukha—ngunit mas nangingibabaw ang matinding pag-aalala sa mga mata nito.“Luiz…” mahinang sambit ni Czyrie.Mab
HINDI na napigilan ni Cyzrie ang pagluha matapos mawala si Belle sa paningin nila.Nanginginig ang balikat niya habang mahigpit na nakahawak sa tiyan na tila ba pinoprotektahan ang batang nasa sinapupunan niya mula sa lahat ng gulong nangyayari.“Ma’am… kalma lang po…” nag-aalalang sabi ni Lila hab







