LOGINTAHIMIK ang mansyon nang gabing iyon, tanging ilaw sa hallway ang nagbibigay ng liwanag sa malawak na paligid.
Pagkatapos ipakita ni Nay Vivian ang kwarto ko, iniwan niya akong mag-isa. "Magpahinga ka muna, Cy. Maaga ang simula mo bukas," sabi niya bago siya umalis. "Opo... salamat po," sagot ko, saka marahang isinara ang pinto. Napaupo ako sa gilid ng kama. Malinis ang lahat, sobrang tahimik—halos hindi ako sanay. Pero kahit pagod ang katawan ko, hindi mapalagay ang isip ko. Paulit-ulit bumabalik sa akin ang mukha ng lalaking nasa portrait kanina. "Sino kaya talaga siya..." bulong ko. Maya-maya, tumayo ako at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Tahimik ang buong hallway, parang walang tao sa buong bahay. Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang bahagyang liwanag mula sa dulo ng corridor—isang pinto na medyo nakabukas. Hindi ko alam kung bakit, pero lumapit ako. "Baka pantry..." bulong ko. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Pagpasok ko, isang malawak na opisina ang bumungad—madilim ang paligid maliban sa ilaw ng desk lamp. At doon ko siya nakita. "Anong ginagawa mo dito?" malamig na boses ang biglang bumasag sa katahimikan. Napapitlag ako at napaatras. Isang lalaki ang nakatayo malapit sa mesa—matikas, matalim ang tingin, at ramdam ko agad ang bigat ng presensya niya. Siya ‘yung nasa portrait. "P-Pasensya na po… naligaw lang po ako," mabilis kong sagot, bahagyang nanginginig. Lumapit siya nang dahan-dahan, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Hindi ka dapat pumapasok dito," malamig niyang sabi. "Hindi ko po alam… nakabukas po kasi ‘yung pinto," paliwanag ko. Huminto siya sa harap ko, masyadong malapit kaya napaatras ako hanggang sumayad sa mesa. "Sa bahay na ‘to, walang pumapasok kung saan-saan," mariin niyang sabi. "Pasensya na po…" ulit ko, hindi ko na alam kung saan titingin. Sandaling katahimikan. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, parang sinusuri kung sino ako. "Bagong katulong?" tanong niya. "Opo…" mahinang sagot ko. "Lumabas ka," utos niya, malamig pa rin ang boses. "O-opo." Paglingon ko para umalis, hindi ko napansin ang mesa sa likod ko. Natumba ako nang bahagya—pero bago pa ako tuluyang bumagsak, mabilis niya akong nahawakan sa braso. "Aray—" Napatingin ako sa kanya. Saglit kaming nagkatitigan. Malamig ang mukha niya, pero ramdam ko ang biglang pag-init ng paligid—isang tensyon na hindi ko maintindihan. Binitiwan niya rin agad ako. "Mag-ingat ka," maikli niyang sabi, saka siya tumalikod. Tumayo ako nang maayos, hawak pa rin ang braso ko. "Pasensya na po…" mahina kong sabi bago ako mabilis na lumabas ng silid. Pagbalik ko sa kwarto, isinara ko ang pinto at napaupo sa kama. Humahabol ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot lang… kundi dahil alam kong sa gabing iyon—may nagbago na. At ang lalaking ‘yon… si Luiz… hindi na basta pangalan sa mansyon na iyon. --- "IKAW ba ‘yung bagong dating dito?" tanong ng isang babae habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Naka-uniporme rin siya—katulad ko. May kakaibang diin ang salita niya, halatang Bisaya. "Ang ganda mo pa naman… sigurado ka bang kakayanin mo ‘to?" dagdag niya, bahagyang nakangisi. "Ah… opo," sagot ko, pilit na ngumiti kahit may kung anong kaba na gumapang sa dibdib ko. "Relax ka lang," sabat pa niya, saka bahagyang tumawa. "Madali lang trabaho dito… kaso," huminto siya sandali, tila pinapatagal ang suspense, "napaka-sungit ng amo natin." Napalunok ako. "By the way, ako si Lila, galing Masbate. ‘Yun naman si Dalia—galing Samar." Itinuro niya ang isa pang babae na abala sa pag-aayos ng mesa. "Halos tatlong taon na kami dito. Mabait naman ang mayordoma, kaya ‘wag kang masyadong kabahan…" Lumapit siya sa akin at bahagyang bumulong, "Sa amo ka lang matakot." Napatawa siya, pero hindi ako sumabay. Hindi ko alam kung biro ba ‘yon o babala. Nagpatuloy ang kwentuhan nila—mga dapat gawin, mga bawal, at kung paano makakaiwas sa galit ng amo. Pero may isang bagay na hindi ko maiwasang pagtuunan ng pansin. "Isa pa," seryosong sabi ni Lila, "'wag na 'wag kang papasok doon sa bukod na bahay sa likod." Napalingon ako sa direksyong tinuro niya. Tahimik. Halos walang galaw. "Bakit?" tanong ko, hindi napigilan ang sarili. Ngumisi lang siya, pero walang saya sa mga mata niya. "Basta. Kapag pumasok ka doon... hindi lang galit ang aabutin mo." Nanlamig ang batok ko. Hindi na ako nagtanong pa. Sa halip, inasikaso ko na lang ang mga gawain—paglilinis, paghahanda ng mesa, at kung anu-ano pa. Pero kahit abala ako, paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang bahay na ‘yon. Pagsapit ng hapon, nagmamadali kaming naghanda ng hapunan. May darating daw na mga bisita ang amo. --- Bandang gabi, tuluyan nang dumating ang amo. Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin nang bumukas ang malaking pinto. Para bang kusang nanahimik ang buong bahay—walang naglakas-loob magsalita kahit isang salita. Mabigat ang bawat yabag niya habang papasok. "Good evening, Sir Luiz," sabay-sabay naming bati, halos pabulong. Hindi siya agad sumagot. Isang malamig na tingin lang ang ipinukol niya sa amin bago siya tuluyang nagsalita— "Continue what you're doing." Mababa, malamig, at walang emosyon ang boses niya. Napayuko agad ako. Sumunod na pumasok ang ilang lalaki—mga kaibigan niya. Halatang mayayaman, magagara ang suot, at may kumpiyansa sa bawat kilos. Tahimik kaming nag-asikaso sa gilid habang nagsisimula silang mag-usap. Tunog ng baso, mahihinang tawanan, at mga usapang hindi namin dapat pinapakinggan. Habang naglalagay ako ng alak sa mesa, naramdaman ko ang titig. Matindi. Diretso. Dahan-dahan akong napatingin… at doon ko siya nakita. Isa sa mga kaibigan ni Sir Luiz. Nakatitig sa akin. "Luiz," sambit niya, may bahagyang ngisi, "you didn't mention you hired someone like her." Napatigil ang lahat. Tumigas ang katawan ko. "She's just a maid," malamig na sagot ni Sir Luiz, hindi man lang ako nilingon. "Don't make it sound like it matters." Ngunit hindi pa rin nawala ang titig ng lalaki. "Doesn't matter?" ulit niya, bahagyang natawa. "With that kind of face? You're wasting potential." Parang bumigat ang hangin. "Watch your words," biglang sabi ni Sir Luiz, mas malamig, mas matalim. Ngayon lang siya tumingin—at sapat na ang tingin na ‘yon para patahimikin ang lahat. Napayuko ako at mabilis na lumayo, pero bago pa ako tuluyang makaalis— "Hey," tawag ng lalaki. Napahinto ako. "What's your name?" Sandaling katahimikan. "...Cyzrie, Sir," mahina kong sagot, hindi tumitingin. "Cyzrie..." ulit niya, parang sinusubukan ang pangalan. "Interesting." "Get back to work," putol na sabi ni Sir Luiz, hindi na ako nilingon. "Now." Mabilis akong tumango at umalis, pero ramdam ko pa rin ang titig ng lalaki sa likod ko. --- TAHIMIK ang buong mansyon, tanging tunog lamang ng hangin at mahinang kaluskos ng mga dahon ang maririnig sa labas. Malalim na ang gabi nang marinig ko ang hindi pantay na yabag sa hallway. Si Luiz. Halos hindi na siya makatayo nang maayos, hawak ang pader habang pilit na hinahanap ang sariling kwarto. Namumula ang mukha niya, at mabigat ang paghinga dahil sa sobrang kalasingan. "Damn... where is my room..." bulong niya sa sarili, hirap mag-focus. Sa isang maling liko, napunta siya sa pintong bahagyang nakabukas—kwarto ko. Sa loob, mahimbing na akong natutulog, walang kaalam-alam sa paparating na gulo. Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at pumasok, akala niya iyon ang sarili niyang silid. Napahiga siya sa kama nang hindi man lang tumitingin sa paligid. Sa pagkilos niyang iyon, nagising ako. "Ha—?" napamulat ako, nagulat sa presensya niya sa tabi ko. Bago pa ako makapagsalita, naamoy ko na agad ang matapang na alak. "Sir Luiz...?" mahina kong tawag, halatang kinakabahan. Ngunit wala na siya sa wisyo. Nahagip niya ang braso ko, hinila ako palapit—hindi niya na rin alam ang ginagawa niya. "Don't... leave..." mahina ngunit mabigat niyang bulong. Nanlaban ako sa una, naguguluhan at natatakot sa nangyayari. Pero sa lakas ng hawak niya at sa kalituhan ng sitwasyon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. "S-Sandali, sir... mali po ito," nanginginig ang boses ko. Walang sagot. Umangat ang kamay niya—pero bago pa iyon tuluyang bumaba, napapikit siya nang mariin, parang may pumipigil sa kanya mula sa loob. "Sir..." halos pabulong na ako ngayon, nanginginig. Dahan-dahan siyang napadilat. Hindi na iyon ang parehong tingin kanina. "Tell me to stop," paos niyang sabi, halos pakiusap. Nagkatitigan kami. Isang segundo. Dalawa. Ramdam ko ang tibok ng dibdib ko, malakas, magulo. "...I should stop you," mahina kong sabi—pero hindi rin ako umatras. Parang iyon na ang sagot. Maingat siyang lumapit, binibigyan ako ng pagkakataong umatras. Hindi ako umatras. Unti-unting nawala ang pagitan namin, at ang hangin sa paligid ay tila naging mabigat sa init at damdamin. At sa gabing iyon, sa gitna ng katahimikan ng mansyon— pinili naming huwag pigilan ang sarili. Dahan-dahang nilamon ng dilim ang silid.Pagkaalis nila roon ay agad silang nagtungo sa isang mas tahimik na bahagi ng parke na malapit sa shopping district.Wala nang nagsasalita.Tahimik lamang silang naglalakad.Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay ang mabigat na emosyon na pilit nilang nilulunok.Lalo na si Czyrie.Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Luiz habang nakayuko.Pilít niyang pinipigilan ang mga luha.Pilít niyang sinasabing ayos lang siya.Pero hindi.Hindi talaga.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Belle.Hindi tungkol sa kanya.Kundi tungkol sa kanyang mga magulang.Ang mga taong buong buhay na nagsakripisyo para sa kanya.Ang mga taong kahit hirap na hirap noon ay hindi siya pinabayaan.Ang mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin siya.At narinig niya kung paano sila insultuhin nang harapan.Na para bang wala silang halaga.Bigla siyang huminto sa paglalakad.Napansin agad iyon ni Luiz."Baby?"Hindi na nakasagot si Czyrie.Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata
Maagang nagising ang buong pamilya kinabukasan. Matapos ang masayang almusal sa mansion, napagdesisyunan nilang lumabas upang mamasyal at maglibang.Excited si Czyrie dahil matagal na rin niyang hindi nakakasama nang ganito ang kanyang mga magulang. Kasama rin nila sina Luiz, ang mga magulang nito, at ilang bodyguards na tahimik lamang na sumusunod sa kanila.Nagpunta sila sa isang sikat na shopping district. Puno ng ilaw, mga tindahan, at masasayang tao ang paligid.Nakangiti si Czyrie habang hawak ang braso ni Luiz."Tingnan mo 'yon, ang ganda ng mga display," masayang sabi niya.Ngumiti si Luiz at hinalikan ang noo nito."Kung gusto mo, bibilhin ko lahat."Napailing si Czyrie habang natatawa."Huwag nga. Hindi lahat kailangang bilhin."Habang naglalakad sila, hindi napansin ni Czyrie ang isang pares ng matang nakatitig sa kanya mula sa hindi kalayuan.At nang makita nito kung sino ang kasama ng dalaga...Agad nagdilim ang mukha nito.Si Belle.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mg
Mas naging masigla ang mansyon nang dumating ang mga magulang ni Czyrie.Mula umaga hanggang hapon ay halos puno ng tawanan ang buong bahay.Habang ang iba ay abala sa paghanga kay baby, si Luiz naman ay tahimik na nakaupo sa sala kasama sina Czyrie at ang kanyang mga magulang.Hindi maiwasang mapangiti ni Czyrie habang pinagmamasdan ang eksena.Noong una ay inakala niyang magiging awkward ang lahat.Ngunit tila natural na nagkasundo ang kanyang pamilya at ang pamilya ni Luiz."At ikaw naman, hija?" tanong ng kanyang ina. "Kumusta ka na talaga?"Napangiti si Czyrie."Mabuti naman po, Ma.""Tulog ka ba nang maayos?"Bago pa siya makasagot ay agad na sumingit si Luiz."Hindi sapat."Napatingin silang lahat dito.Napakamot ito sa batok."Nagigising pa rin siya para kay baby."Napataas ang kilay ng ama ni Czyrie."At paano mo nalaman?"Napatigil si Luiz.Samantalang si Czyrie ay agad na namula.Dahil alam niyang iisa lang ang sagot doon.Dahil halos gabi-gabi itong nagpupuyat kasama niya.
Tatlong araw ang lumipas nang tuluyan nang payagan ng mga doktor na makauwi sina Czyrie at ang kanilang sanggol.Habang palabas sila ng ospital, hindi maiwasang mapatingin ni Czyrie kay Luiz na siyang may hawak sa baby carrier.Sobrang ingat nito na para bang gawa sa salamin ang anak nila."Luiz, relax," natatawang sabi niya.Agad naman siyang nilingon nito."I am relaxed."Napataas ang isang kilay ni Czyrie."Talaga? Limang beses mo nang chine-check kung maayos ang seatbelt ni baby.""It's called being a responsible father."Napailing na lamang siya habang pinipigilan ang ngiti.Pagdating nila sa mansyon ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay.Masaya ang lahat na makita ang bagong miyembro ng bahay.Ngunit higit sa lahat ay si Luiz ang mukhang pinakamasaya.Buong maghapon ay halos hindi nito ibinababa ang anak.Kapag natutulog ang sanggol, nakatitig ito.Kapag gumagalaw ang sanggol, nakatitig pa rin ito.At kapag umiiyak naman ay parang ito pa ang mas kinakabahan."Tingin ko mas s
Maagang nagising si Czyrie dahil sa mahinang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng hospital room.Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa kisame habang pilit inaalala kung nasaan siya.Pagkatapos ay bumalik ang lahat ng alaala.Ang panganganak.Ang takot.At si Luiz.Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi.Natigilan siya.Nakatulog si Luiz habang nakaupo sa silya katabi ng kama niya.Nakahilig ang ulo nito sa gilid ng higaan habang mahigpit pa ring hawak ang kanyang kamay.Parang hindi talaga siya binitawan kahit kailan.Hindi niya namalayang napangiti siya.Gusot pa rin ang polo nito.Halatang pagod.Ngunit kahit natutulog ay tila hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito.Maya-maya ay kumilos si Luiz.Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.Agad siyang napatuwid nang mapansing gising na si Czyrie."Good morning."Bahagyang namula si Czyrie."Good morning."Ilang segundo silang nagkatitigan.At sa unang pagkakataon ay walang umiwas.Parang may kung anong nagbago sa pagita
“The doctor said they need to monitor you and the baby, so you need to stay at the hospital for three days,” mahinang wika ni Luiz habang inaayos ang kumot ko.Tahimik lang akong tumango. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan kong kinakain ang pagkaing dala niya para sa akin habang si baby naman ay nasa nursery room at inaalagaan ng mga nurse.Maya-maya ay may ilang doctor na pumasok upang i-check ang lagay ko. Nang makaalis sila ay muling bumalik ang katahimikan sa silid. Tanging tunog lamang ng aircon at mahihinang yabag ng mga nurse sa labas ang maririnig.“Tell me if you need anything, okay?” tanong ni Luiz.Napatingin ako sa kanya at saka napakunot-noo.“Hindi ka pa ba uuwi?”Kaagad siyang umiling.“I'm staying here.”“Luiz—”“I'm not leaving you.”Napatigil ako.Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kapagod. Gusot ang suot niyang polo at tila hindi man lang nakapagpahinga. Ngunit sa kabila noon ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin.“Hin
Maingat na lumabas si Cyzrie mula sa puting mamahaling sasakyan habang mahigpit ang kapit niya sa bouquet na hawak. Bahagyang nanginginig ang kamay niya sa kaba habang inayos ng mga staff ang mahabang laylayan ng wedding gown niya. Umihip ang malamig na hangin dahilan para bahagyang gumalaw ang bel
Mahigit limang oras ang naging biyahe bago tuluyang makarating sina Luiz at Cyzrie sa baryo nila sa Nueva Ecija.Habang papalapit ang sasakyan sa makitid na daang napapalibutan ng palayan at mga puno ng niyog ay lalong kinakabahan si Cyzrie. Hindi niya maiwasang paglaruan ang laylayan ng dress niya
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa kurtina ng kwartong tinutuluyan ko. Ilang segundo akong nakatulala sa kisame bago dahan-dahang bumangon. Hanggang ngayon hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa’kin ang lahat—ang kontrata, ang malaking mansion, at ang lalaking
ILANG linggo na ang lumipas mula nang magsimula ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko—ang hilo, ang pagsusuka, at ang biglaang pagkapagod na kahit anong pilit kong balewalain ay paulit-ulit pa ring bumabalik.Sa una, sinubukan kong ipagsawalang-bahala.Hanggang sa hindi ko na kaya.Sa tulong nina







