LOGINPagkaalis nila roon ay agad silang nagtungo sa isang mas tahimik na bahagi ng parke na malapit sa shopping district.Wala nang nagsasalita.Tahimik lamang silang naglalakad.Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay ang mabigat na emosyon na pilit nilang nilulunok.Lalo na si Czyrie.Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Luiz habang nakayuko.Pilít niyang pinipigilan ang mga luha.Pilít niyang sinasabing ayos lang siya.Pero hindi.Hindi talaga.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Belle.Hindi tungkol sa kanya.Kundi tungkol sa kanyang mga magulang.Ang mga taong buong buhay na nagsakripisyo para sa kanya.Ang mga taong kahit hirap na hirap noon ay hindi siya pinabayaan.Ang mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin siya.At narinig niya kung paano sila insultuhin nang harapan.Na para bang wala silang halaga.Bigla siyang huminto sa paglalakad.Napansin agad iyon ni Luiz."Baby?"Hindi na nakasagot si Czyrie.Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata
Maagang nagising ang buong pamilya kinabukasan. Matapos ang masayang almusal sa mansion, napagdesisyunan nilang lumabas upang mamasyal at maglibang.Excited si Czyrie dahil matagal na rin niyang hindi nakakasama nang ganito ang kanyang mga magulang. Kasama rin nila sina Luiz, ang mga magulang nito, at ilang bodyguards na tahimik lamang na sumusunod sa kanila.Nagpunta sila sa isang sikat na shopping district. Puno ng ilaw, mga tindahan, at masasayang tao ang paligid.Nakangiti si Czyrie habang hawak ang braso ni Luiz."Tingnan mo 'yon, ang ganda ng mga display," masayang sabi niya.Ngumiti si Luiz at hinalikan ang noo nito."Kung gusto mo, bibilhin ko lahat."Napailing si Czyrie habang natatawa."Huwag nga. Hindi lahat kailangang bilhin."Habang naglalakad sila, hindi napansin ni Czyrie ang isang pares ng matang nakatitig sa kanya mula sa hindi kalayuan.At nang makita nito kung sino ang kasama ng dalaga...Agad nagdilim ang mukha nito.Si Belle.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mg
Mas naging masigla ang mansyon nang dumating ang mga magulang ni Czyrie.Mula umaga hanggang hapon ay halos puno ng tawanan ang buong bahay.Habang ang iba ay abala sa paghanga kay baby, si Luiz naman ay tahimik na nakaupo sa sala kasama sina Czyrie at ang kanyang mga magulang.Hindi maiwasang mapangiti ni Czyrie habang pinagmamasdan ang eksena.Noong una ay inakala niyang magiging awkward ang lahat.Ngunit tila natural na nagkasundo ang kanyang pamilya at ang pamilya ni Luiz."At ikaw naman, hija?" tanong ng kanyang ina. "Kumusta ka na talaga?"Napangiti si Czyrie."Mabuti naman po, Ma.""Tulog ka ba nang maayos?"Bago pa siya makasagot ay agad na sumingit si Luiz."Hindi sapat."Napatingin silang lahat dito.Napakamot ito sa batok."Nagigising pa rin siya para kay baby."Napataas ang kilay ng ama ni Czyrie."At paano mo nalaman?"Napatigil si Luiz.Samantalang si Czyrie ay agad na namula.Dahil alam niyang iisa lang ang sagot doon.Dahil halos gabi-gabi itong nagpupuyat kasama niya.
Tatlong araw ang lumipas nang tuluyan nang payagan ng mga doktor na makauwi sina Czyrie at ang kanilang sanggol.Habang palabas sila ng ospital, hindi maiwasang mapatingin ni Czyrie kay Luiz na siyang may hawak sa baby carrier.Sobrang ingat nito na para bang gawa sa salamin ang anak nila."Luiz, relax," natatawang sabi niya.Agad naman siyang nilingon nito."I am relaxed."Napataas ang isang kilay ni Czyrie."Talaga? Limang beses mo nang chine-check kung maayos ang seatbelt ni baby.""It's called being a responsible father."Napailing na lamang siya habang pinipigilan ang ngiti.Pagdating nila sa mansyon ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay.Masaya ang lahat na makita ang bagong miyembro ng bahay.Ngunit higit sa lahat ay si Luiz ang mukhang pinakamasaya.Buong maghapon ay halos hindi nito ibinababa ang anak.Kapag natutulog ang sanggol, nakatitig ito.Kapag gumagalaw ang sanggol, nakatitig pa rin ito.At kapag umiiyak naman ay parang ito pa ang mas kinakabahan."Tingin ko mas s
Maagang nagising si Czyrie dahil sa mahinang sinag ng araw na tumatagos sa kurtina ng hospital room.Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa kisame habang pilit inaalala kung nasaan siya.Pagkatapos ay bumalik ang lahat ng alaala.Ang panganganak.Ang takot.At si Luiz.Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi.Natigilan siya.Nakatulog si Luiz habang nakaupo sa silya katabi ng kama niya.Nakahilig ang ulo nito sa gilid ng higaan habang mahigpit pa ring hawak ang kanyang kamay.Parang hindi talaga siya binitawan kahit kailan.Hindi niya namalayang napangiti siya.Gusot pa rin ang polo nito.Halatang pagod.Ngunit kahit natutulog ay tila hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito.Maya-maya ay kumilos si Luiz.Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.Agad siyang napatuwid nang mapansing gising na si Czyrie."Good morning."Bahagyang namula si Czyrie."Good morning."Ilang segundo silang nagkatitigan.At sa unang pagkakataon ay walang umiwas.Parang may kung anong nagbago sa pagita
“The doctor said they need to monitor you and the baby, so you need to stay at the hospital for three days,” mahinang wika ni Luiz habang inaayos ang kumot ko.Tahimik lang akong tumango. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan kong kinakain ang pagkaing dala niya para sa akin habang si baby naman ay nasa nursery room at inaalagaan ng mga nurse.Maya-maya ay may ilang doctor na pumasok upang i-check ang lagay ko. Nang makaalis sila ay muling bumalik ang katahimikan sa silid. Tanging tunog lamang ng aircon at mahihinang yabag ng mga nurse sa labas ang maririnig.“Tell me if you need anything, okay?” tanong ni Luiz.Napatingin ako sa kanya at saka napakunot-noo.“Hindi ka pa ba uuwi?”Kaagad siyang umiling.“I'm staying here.”“Luiz—”“I'm not leaving you.”Napatigil ako.Ngayon ko lang napansin kung gaano siya kapagod. Gusot ang suot niyang polo at tila hindi man lang nakapagpahinga. Ngunit sa kabila noon ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin.“Hin







