FAZER LOGINHindi nagtagal, nakahanap si Luiz ng isang simpleng bahay sa probinsya. Hindi iyon malaki o marangya. May ilang silid, maliit na sala, kusinang sapat para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, at bakurang maaari nilang taniman ng mga halaman. Tahimik din ang paligid, at hindi gaanong matao ang lugar. Nang unang makita ni Czyrie ang bahay, marahan siyang pumasok at pinagmasdan ang bawat sulok. “Dito na tayo titira?” tanong niya. Tumango si Luiz. “Kung gusto mo. Hindi man ito kasinglaki ng dati nating bahay, puwede naman natin itong ayusin ayon sa gusto natin.” Napangiti ang babae. “Gusto ko ito.” “Really?” Tumango siya habang pinagmamasdan ang maliit na bakuran. “Simple lang. Pero parang ang sarap gumising dito sa umaga.” Lumapit si Luiz at niyakap siya mula sa likuran. “Then this will be our home.” Napahawak si Czyrie sa mga kamay ng asawa. Hindi niya kailangan ng malaking bahay. Hindi niya kailangang mamuhay sa marangyang lugar upang maging masaya. Ang gusto
Hindi na naging kampante si Luiz Sebastian Delacroix simula nang mapansin niyang may kakaibang nangyayari sa paligid ng kaniyang pamilya. Mas naging mapagmatyag siya sa bawat taong nakakasalamuha nila, at doble ang ipinagawa niyang seguridad sa kanilang bahay. Nagdagdag siya ng mga tauhang magbabantay sa paligid at sinigurong maayos ang bawat posibleng paraan ng pagpasok sa kanilang tahanan. Hindi niya alam kung may tunay bang nagbabanta sa kanila o sadyang naging masyado lamang siyang mapag-alala. Ngunit bilang asawa at ama, hindi niya kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ng kaniyang mag-ina. Kaya pansamantala niyang pinili na manatili muna sa bahay si Czyrie habang siya ay nagtatrabaho. Hindi naman tumutol ang babae. Alam niyang ginagawa iyon ni Luiz para sa kanila, kahit paminsan-minsan ay nakararamdam siya ng pagkabagot sa palagiang pananatili sa loob ng bahay. Ang mas mahirap ay ang takot na hindi niya maipaliwanag. Sa bawat tunog ng sasakyan sa labas, napapalingon siy
Alas-siyete pa lamang ng umaga nang tuluyang mabasag ang katahimikan sa loob ng bahay.Nasa kusina si Czyrie habang inihahanda ang gatas ng kaniyang anak nang tumunog ang kaniyang cellphone. Isang tawag iyon mula kay Luiz.“Baby, I need to tell you something,” bungad nito.Napangiti siya nang bahagya. “Good morning din sa iyo.”“I'm sorry. There's an emergency meeting at the office. I have to leave now.”Nawala ang munting ngiti sa kaniyang labi.“Ngayon? Akala ko magkasama tayo ngayong umaga.”“I know. It was scheduled unexpectedly, and I can't send anyone else in my place. I'll be back as soon as I can.”Tumingin siya sa silid kung saan natutulog ang kanilang anak.“Luiz, may nangyari kagabi.”“What happened?”Bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang mahinang pag-iyak ng sanggol mula sa silid.“I'll call you back,” sabi niya. “Kailangan ko munang puntahan si baby.”“Czyrie, wait—”Naputol ang tawag nang maibaba niya ang cellphone.Mabilis siyang nagtungo sa silid, kinuha ang ana
Hindi agad nakatulog si Czyrie matapos matanggap ang huling mensahe. Ilang beses niyang binuksan ang litrato ni Lenored Froid, umaasang may makikilala siyang detalye sa mukha nito. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang maalala.Ang mas nakababahala ay ang babalang huwag magtanong kay Luiz.Bakit kailangang ilayo siya sa sarili niyang asawa? At bakit tila alam ng hindi kilalang nagpadala kung paano siya unti-unting nawawalan ng tiwala rito?Muli niyang binasa ang mensahe.Dahil baka siya ang huling taong gusto mong makita.Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.“Who are you?” bulong niya sa sarili.Walang sagot, siyempre.Tanging katahimikan ng silid at mahinang paghinga ng kaniyang anak ang naririnig niya.Nang lingunin niya ang kuna, bahagyang gumalaw ang sanggol at napangiwi bago muling pumikit. Agad siyang tumayo at inayos ang kumot nito.“Okay lang, anak,” mahinang sabi niya. “Nandito si Mama.”Ngunit habang pinagmamasdan niya ang mukha ng kaniyang anak, isang nakakatakot na
Nakatitig si Czyrie sa dokumentong hawak ni Luiz. Ilang minuto na silang nasa sala, ngunit wala pa ring nakapagsalita sa kanilang dalawa. Sa bawat pahinang binubuksan niya, mas lalo lamang dumadami ang tanong sa kaniyang isip.Sa wakas, nakita niya ang pangalang matagal nang nakatago sa mga lumang rekord.LEN ORED FROID.“Who is he?” tanong ni Czyrie.Napatingin si Luiz sa dokumento. Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito, ngunit agad din itong nagkunwaring kalmado.“Someone connected to your past.”Napailing si Czyrie. “Hindi na puwede ang ganoong sagot, Luiz. Hindi na ako papayag na puro pahiwatig lang ang ibibigay mo sa akin.”“I understand.”“Kung naiintindihan mo, sabihin mo ang totoo. Ano ang kinalaman ni Lenored Froid sa akin?”Matagal bago sumagot si Luiz.“His name appeared in the records connected to Athena Gray. He was also mentioned in the investigation I conducted before we got married.”Napaatras si Czyrie, tila may malamig na kamay na humawak sa kaniyang dibdib.“Bago ta
Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi pa rin matahimik ang isip ni Czyrie.Sa bawat paggising niya, ang mga mensaheng natanggap niya ang unang pumapasok sa kaniyang isip. Sa bawat pagtulog, ang mukha ng babaeng nasa litrato at ang pangalang Athena Gray ang huling bagay na naiisip niya.Mas lalo siyang naguguluhan dahil sa katahimikan ni Luiz.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan ang asawa upang itanong ang tungkol sa pangalang iyon, ngunit palaging ipinagpapaliban ni Luiz ang kanilang pag-uusap. May mga pagkakataong sinasabi nitong pagod lamang siya mula sa trabaho, at may mga pagkakataong nangangakong ipapaliwanag nito ang lahat pag-uwi.Ngunit habang tumatagal, mas lalo lamang siyang nababalisa.Maging ang simpleng pag-aalaga sa kanilang anak ay nagsimula nang maapektuhan.Isang umaga, nakaupo si Czyrie sa gilid ng kama habang karga ang sanggol. Kanina pa umiiyak ang bata, ngunit hindi niya malaman kung gutom ba ito, inaantok, o may hindi komportableng nararamdaman.“Anak, ano ba
ILANG linggo na ang lumipas mula nang magsimula ang kakaibang pakiramdam sa katawan ko—ang hilo, ang pagsusuka, at ang biglaang pagkapagod na kahit anong pilit kong balewalain ay paulit-ulit pa ring bumabalik.Sa una, sinubukan kong ipagsawalang-bahala.Hanggang sa hindi ko na kaya.Sa tulong nina
ARAW ang lumipas at mas lalo akong nag-pursigi sa trabaho para sa pamilya ko. Iniiwasan ko rin si Sir Luiz hangga’t maaari—hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil mas ligtas na ganoon.Dumating ang araw ng sahod.Parang gumaan kahit papaano ang dibdib ko.Agad akong nakisuyo kay Nay Vivian na makahiram
TULAD ng sabi niya, nagtungo ako sa opisina niya na nasa loob lang din ng mansyon. May dala akong mga panlinis, tahimik ang bawat hakbang ko habang papalapit sa pinto. Buong akala ko wala si Sir Luiz doon.Pero bigla itong bumukas.Napahinto ako.Nakatayo siya sa harap ko—nakasuot ng itim na polo a
CYZRIE POVNAGISING ako na katabi si Luiz. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napapikit ako nang mariin, bago pa siya magising. Dahan-dahan akong bumangon at lumayo sa tabi niya, sumulyap pa ako sa kanya.“Mali ito,” nanghihinang wika ko.Nagmamadali akong umalis ng kwarto at naki-CR na lama







