Share

Chapter 3

Author: Reimarcoshie
last update publish date: 2026-11-02 11:30:43

Tuluyang nablangko ang isip ni Claire Bennette at tuluyan nang gumuho ang kanyang mundo.

Sa kama, nakahiga ang nakababatang kapatid niyang si Chloe Bennette, habang ang lalaking nakadagan dito ay walang iba kundi ang kanyang asawa, si Ethan Brooks.

Nanghina ang mga tuhod ni Claire. Muntik na siyang mawalan ng balanse, kaya agad siyang kumapit sa gilid ng p***o.

Hindi niya kailanman inakalang darating ang araw na magiging bahagi siya ng ganitong klaseng pagtataksil. Ngunit ang mas masakit ay hindi lamang ang pagtataksil ng kaniyang asawa. Ang babaeng kasama nito ay ang sarili niyang kapatid.

Si Chloe Bennette, ang babaeng minahal at pinagkatiwalaan niya, ang mismong taong hindi niya kailanman inakalang kaya siyang lokohin.

Ang malakas na pagbukas ng p***o ang nakakuha ng atensyon ng dalawa. Sabay silang napalingon.

"A-Ate?"

Agad na namutla si Chloe nang makita si Claire. Nagmamadali siyang bumangon, ngunit pinigilan siya ni Ethan at mariing ibinalik sa kama.

"Ba't ka nagmamadali?" malamig nitong tanong, na para bang walang sinumang nakatayo sa pintuan.

Hindi man lamang nito pinansin ang asawang nakasaksi sa kanilang pagtataksil. Sa halip, kalmado itong bumangon, kinuha ang bathrobe, at isinuot iyon bago lumapit kay Claire.

"Claire, nakabalik ka na pala."

Kaswal ang tono nito, na para bang binabati lamang niya ang asawa matapos ang isang ordinaryong araw.

Walang bakas ng pagsisisi sa mukha ni Ethan.

Tinitigan niya si Claire at walang pakialam na nagtanong, "Naipalaglag mo na ba ang batang nasa tiyan mo?"

Natigilan si Claire.

Kanina sa ospital, nakita siya ni Ethan habang itinutulak papasok sa operating room. Ngunit dahil naiinip ito, umalis agad siya at hindi nalaman ang tunay na nangyari pagkatapos noon. Dahan-dahang napunta ang kamay ni Claire sa kanang ibabang tiyan.

"Naipalaglag na," mahina niyang sagot habang umiiwas ng tingin.

Kailangan niyang magsinungaling. Hindi niya kayang hayaang malaman ni Ethan na buhay pa ang kanilang anak. Kapag nalaman nito ang katotohanan, siguradong pipilitin siya nitong wakasan ang pagbubuntis. At hindi niya kayang mawala ang kanyang sanggol.

Kahit kailangan niyang itago ang katotohanan, gagawin niya ang lahat upang maprotektahan ang batang dinadala niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maitatago ang lihim. Ngunit hangga't maaari, ilalayo niya ang anak sa lalaking walang pakialam sa buhay nito.

"Mabuti naman kung ganoon," malamig na sagot ni Ethan.

Wala itong ipinakitang pagdududa o pag-aalala.

Nanginginig ang buong katawan ni Claire. Unti-unti siyang nag-angat ng mukha at tinitigan ang asawa. Doon niya nakita ang mga bakas ng lipstick ni Chloe sa katawan nito.

Muling nag-alab ang kanyang galit.

"Ethan, wala ka man lang bang ipapaliwanag sa akin?"

Bahagyang umangat ang sulok ng labi nito.

"Magpaliwanag? Ano ang kailangan kong ipaliwanag? Noong ikaw ang may kasamang ibang lalaki, nagpaliwanag ka ba sa akin?"

Agad na namutla si Claire.

"Ethan, sinabi ko na sa iyo. Hindi ko alam ang nangyari noong araw ng kasal natin—"

"Tama na!"

Matalim siyang pinutol ni Ethan. Tumingin ito sa kaniya nang may malamig na mga mata.

"Ayokong marinig ang tungkol sa iyo at sa kabit mo. Nagtaksil ka sa akin, Claire. Katotohanan iyon, at wala kang anumang paliwanag na makapagbabago niyan!"

Parang sampal sa mukha ni Claire ang bawat salitang binitiwan nito. Napayuko siya at pinigilan na tumulo ang kanyang mga luha.

Oo, sa paningin ni Ethan, isa siyang babaeng nagtaksil. At kahit anong sabihin niya, hindi na nito paniniwalaan ang kanyang panig.

"Ethan..." mahina niyang sambit.

Ang galit at hinanakit na kanina ay nag-aalab sa kanyang dibdib ay napalitan ng kawalan ng pag-asa.

"Pasensya na. Alam kong nasaktan kita. Pero kahit gusto mong maghiganti at pahirapan ako, bakit si Chloe pa? Bakit kailangang kapatid ko pa?"

Kung ibang babae lamang ang kasama ni Ethan, marahil ay maaari pa niyang tanggapin ang katotohanan. Ngunit hindi niya kayang tanggapin na ang sarili niyang kapatid ang naging kabit ng kanyang asawa.

"Bakit si Chloe?" ulit ni Ethan, habang kumikislap ang galit sa kanyang mga mata. "Dahil mahal niya ako."

Napatingala si Claire.

"At hindi siya katulad mo," dagdag nito. "Ikaw, puro ka lang salita. Lagi mong sinasabi na mahal mo ako, pero ano ba talaga ang isinakripisyo mo para sa akin?"

Hindi makapaniwala si Claire sa narinig. Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay sa kaliwang bahagi ng kanang ibabang tiyan.

Sa ilalim ng manipis na tela ay naroon ang peklat na nagpapaalala sa kanya ng pinakamahirap na desisyon ginawa niya para sa lalaking kaharap niya.

Dalawang taon na ang nakalipas, naaksidente si Ethan sa sasakyan. Malubha ang naging kalagayan nito, at kailangan na nito ng kidney transplant upang magkaroon ng pagkakataong mabuhay nang normal.

Noong panahong iyon, hindi nagdalawang-isip si Claire. Ibinigay niya ang sarili niyang kaliwang kidney upang mailigtas ang buhay ni Ethan.

Handa siyang tiisin ang sakit ng operasyon at isugal ang kanyang kalusugan dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa.

Ngunit ngayon, sasabihin nitong wala siyang isinakripisyo?

"Ethan..." nanginginig niyang tanong. "Ibig mo bang sabihin, hindi ako kailanman naging handang magsakripisyo para sa iyo?"

Napatingin si Ethan sa maputlang mukha ni Claire. Sa isang saglit, may kung anong kumirot sa kanyang dibdib. Ngunit agad niyang pinigilan ang sarili. Bakit naaawa pa rin siya sa babaeng ito? Matapos ang lahat ng nangyari, bakit may bahagi pa rin sa kanyang pusong hindi kayang tiisin ang makitang nasasaktan si Claire?

Napailing siya at inalis ang tingin. Ayaw na niyang magpakita ng anumang kahinaan. Kinuha niya ang mga damit na nakakalat sa tabi at inihagis ang mga iyon kay Chloe.

"Chloe, let’s go."

Mabilis na sinuot ni Chloe ang kanyang damit. Pagkatapos, malamig na tumingin si Ethan sa direksyon ni Claire.

"Nasusuklam ako sa lugar na ito!"

Malakas niyang isinara ang p***o at umalis nang hindi man lamang lumilingon. Naiwan si Claire sa kanyang kinatatayuan. Nanginginig ang buong katawan niya habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang mga salita ng asawa.

Nasusuklam siya sa lugar na ito. Nasusuklam siya sa kaniya. Hindi niya namalayang namanhid na ang kanyang mga daliri. Pakiramdam niya ay nawala ang lahat ng lakas sa kanyang katawan.

Bago pa siya tuluyang makabawi, tumayo si Chloe sa tabi ng kama at inayos ang kanyang damit.

Pagkatapos, ngumiti ito nang matamis.

"Ate, kailangan ko pang samahan si kuya sa pakikipagkita sa isang kliyente," malambing nitong sabi. "Kaya ikaw na muna ang bahalang magligpit dito, ha?"

Lalong namutla si Claire. Hindi sapat kay Chloe na agawin ang kanyang asawa. Kailangan pa nitong ipamukha sa kanya ang kanilang pagtataksil.

Nang makita ni Chloe ang sakit sa mukha ng kanyang ate, lalo pang lumapad ang kanyang ngiti. Wala itong ipinakitang pagsisisi. Sa halip, buong pagmamalaki nitong inayos ang buhok at naglakad palabas ng silid.

Naiwan si Claire na mag-isa, habang pilit na nilulunok ang sakit na tila dumudurog sa kanyang puso. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Sa kabila ng pagtataksil ng dalawang taong pinagkatiwalaan niya, may isang bagay siyang hindi hahayaang mawala.

Ang kaniyang anak. Kailangan niyang protektahan ito, kahit mag-isa lamang siya. Ngunit habang nakatitig siya sa saradong p***o, may tanong na paulit-ulit na gumugulo sa kanyang isipan.

Hindi alam ni Claire na ang pagtataksil na nasaksihan niya ay simula pa lamang ng isang mas malaking lihim. Isang lihim na maaaring magbago sa lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa kanyang asawa at kapatid.

At nang tuluyan nang mabunyag ang katotohanan, maaaring ang taong pinakamamahal niya ang siya ring unang magmakaawa sa kanya.

Ngunit sa oras na iyon, hindi na kaya ng mga luha at paghingi ng tawad na ibalik ang babaeng minsang nagmahal sa kaniya nang buong puso.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Life, Her Lie   Chapter 5

    Gusto lamang ni Claire na makakuha ng sagot, ngunit sa halip na pakinggan siya, itinuring pa ng kaniyang mga magulang na para bang iniinteroga niya ang mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing sinusubukan niyang alamin ang katotohanan, siya pa ang nagiging masama sa kanilang paningin. “Ano pa ba ang gusto mong sabihin?!” biglang tumayo si Mr. Bennette. Nawala ang natitirang konsensiya sa kaniyang mga mata at napalitan iyon ng matinding galit. “Ang kasal sa pagitan ng pamilya Brooks at pamilya Bennette ay para talaga kay Chloe! Ikaw ang walang hiyang umakit kay Ethan kaya naging asawa ka niya kahit ampon ka lamang. Ngayon, hinihiling lang naming ibalik mo sa kapatid mo ang bagay na kinuha mo sa kaniya. Ano bang masama roon?” Napamulagat si Claire. Hindi siya makapaniwalang ganoon kadaling balewalain ng kaniyang ama ang kasal na pinasok niya kasama si Ethan. “Pang-aakit?” nanginginig niyang tanong. “Mag-asawa kami ni Ethan! Lehitimo ang relasyon namin. Paano ninyo nasasa

  • His Life, Her Lie   Chapter 4

    Mabilis na hinabol ni Chloe si Ethan hanggang sa hagdanan. “Sandali! Hintayin mo ako!” Huminto si Ethan at malamig siyang nilingon. “Ano ang sinabi mo kay Claire kanina?” “Wala naman.” Ngumiti si Chloe at sumandal sa kaniyang braso. “Sinabi ko lang na tulungan mo akong ayusin ang kuwarto natin.” Maganda ang pangangatawan ni Chloe, ngunit sa halip na matukso, umatras si Ethan na para bang nakuryente. Sinubukan niyang alisin ang kamay nito, subalit lalo lamang siyang hinigpitan ng babae sa pagkakahawak. “Galit ka ba sa akin?” tanong ni Chloe habang kunwaring namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. “Alam kong nagkamali ako. Pero puwede mo ba akong patawarin? Isipin mo naman ang kaliwang bato na ibinigay ko sa iyo. Kung hindi dahil sa akin, baka wala ka na ngayon.” Biglang natigilan si Ethan. Naalala niya ang aksidenteng muntik nang kumitil sa kaniyang buhay dalawang taon na ang nakalilipas. Nang mangailangan siya ng kidney transplant, si chloe ang nagboluntaryong magbigay ng k

  • His Life, Her Lie   Chapter 3

    Tuluyang nablangko ang isip ni Claire Bennette at tuluyan nang gumuho ang kanyang mundo.Sa kama, nakahiga ang nakababatang kapatid niyang si Chloe Bennette, habang ang lalaking nakadagan dito ay walang iba kundi ang kanyang asawa, si Ethan Brooks.Nanghina ang mga tuhod ni Claire. Muntik na siyang mawalan ng balanse, kaya agad siyang kumapit sa gilid ng pinto.Hindi niya kailanman inakalang darating ang araw na magiging bahagi siya ng ganitong klaseng pagtataksil. Ngunit ang mas masakit ay hindi lamang ang pagtataksil ng kaniyang asawa. Ang babaeng kasama nito ay ang sarili niyang kapatid.Si Chloe Bennette, ang babaeng minahal at pinagkatiwalaan niya, ang mismong taong hindi niya kailanman inakalang kaya siyang lokohin. Ang malakas na pagbukas ng pinto ang nakakuha ng atensyon ng dalawa. Sabay silang napalingon."A-Ate?"Agad na namutla si Chloe nang makita si Claire. Nagmamadali siyang bumangon, ngunit pinigilan siya ni Ethan at mariing ibinalik sa kama."Ba't ka nagmamadali?" ma

  • His Life, Her Lie   Chapter 2

    Nang makita ni Claire Bennette ang mukha ng lalaking pumasok sa operating room, para siyang tinamaan ng kidlat. Biglang nawala ang kulay sa kanyang mukha, at nanginig ang kanyang mga kamay. Hindi niya inaasahang muli niyang makikita ang lalaking matagal na niyang pilit kinakalimutan.“I-Ikaw...”Hindi niya maituloy ang sasabihin. Nanginginig ang kanyang mga labi habang nakatitig sa lalaki, umaasang nagkakamali lamang siya. Masyadong pamilyar ang mukha nito, pati na ang malamig na tinging tila kayang tumagos sa kanyang kaluluwa.Naiinis na itinaas ng lalaki ang isang kamay. Agad na kumilos ang mga bodyguard na nakapaligid sa kanya. Walang anumang pagtutol na inilabas nila sa operating room ang mga doktor at nars.Ilang segundo lamang ang lumipas, at silang dalawa na lang ang naiwan sa loob. Nang tuluyang magsara ang pinto, nakaramdam si Claire Bennette ng matinding takot. Gusto niyang sumigaw, ngunit tila may nakabara sa kanyang lalamunan.Nakilala niya ang lalaki.Si Alexander Kingsle

  • His Life, Her Lie   Chapter 1

    Chapter 1“Hon, please, huwag mong ipalaglag ang batang ito... Nakikiusap ako sa iyo!”Ospital, Departamento ng Obstetrics at GynecologyNakaluhod si Claire Bennette sa malamig na sahig. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit ng lalaking nasa harapan niya, halos mamuti ang kaniyang mga buto sa tindi ng pagkakahawak.Ngunit nanatiling malamig ang lalaki.“Claire Bennette.” Tumingin si Ethan Brooks sa maputlang mukha ng babae, puno ng pagkasuklam ang kaniyang mga mata. “Kailangang ipalaglag ang batang iyan.”Nanginig ang buong katawan ni Claire Bennette. Tinitigan niya ang lalaking minsang nangakong mamahalin siya habambuhay, na para bang ngayon lamang niya ito tunay na nakilala.Clary, kapag nagkaroon tayo ng sariling anak, aalagaan ko siya nang buong puso. Gagawin kong pinakamasayang anghel sa mundo ang ating munting sanggol.Malinaw pa sa kaniyang alaala ang mga pangakong iyon. Ngunit ngayon, ang mismong lalaking nangakong poprotekta sa kanilang magiging anak ang pilit na n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status