Kinapa ko ang paa nang makaramdam ng pamimigat doon. At napasinghap nang malaman na may malaking bakal na nakakabit doon. Kinapa-kapa ko pa ang nakakabit na iyon nagbabakasakali na baka maari kong makalag sa mga paa ko pero hindi ko alam kung papaano iyon.
"M-May t-tao po ba diyan?"nanghihina ang boses ko kasabay ng panginginig. Hindi ako nakakakita kaya hindi ko alam kung anong lugar ito at nasaan ako ngayon.
Malamig ang lugar. Maging ang sahig na kinauupuan ko—malamig din. Nakakabingi na katahimikan ang bumabalot sa lugar.
"N-Nasaan ako?" Umalingawngaw ang boses ko.
Naghintay ako ng ilang saglit ngunit tila binuhusan ng isang baldeg yelo nang makaramdam ng mainit na hininga malapit sa mukha ko.
"Ssshhhh..." At mabilis na naitapat ang hintuturo sa mga labi ko.
Napasinghap ako nang biglang hawakan ng mala bakal niyang mga kamay ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil pakiramdam ko babaon ang kamay niya doon.
"N-Nasasaktan ako,"nanginginig kong turan. Dala na rin ng takot.
"I said I want to be with you."
Napanganga ako. "P-Po?"
Napaigik ako nang maramdaman na mas hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. Bakit ganito siya kalakas? O baka dahil mahina lang talaga ako?
Pero nakikilala ko na ang may-ari ng boses. Ang lalaking ito...
"Say it you want to be with me too."
Mas hinigpitan niya pa para mapangiwi ako sa sakit.
"Say it..." aniya sa baritunong boses. Ang hininga niya na amoy mint green. Nararamdaman ko na napakalapit niya sa mukha ko. At nakakakilabot ang uri ng boses niya. Tila may kalakip na kapahamakan doon iyon.
"A-Ano ba ang kailangan mo? H-Hindi po kita maintindihan—"
Napayuko ako sa sakit nang diinan niya na naman. Dyosko! Ano ba itong nangyayari? Ano ba ang kasalanan ko at ginagawa niya ito?
"I just want your simple 'yes'."
"Pakiusap..." Napaiyak ako.
"Please say it."
Nang mapansin na hindi ako nagsalita dahil sa kalituhan ay biglang hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang pisngi ko at pinisil.
"Just say it,"aniya ngunit may diin sa boses.
Alanganin akong tumango. Wala pa ako sa sarili ngayon pero dahil iyon ang gusto niya ay kailangan ko sumunod. At nasasaktan na rin ako kaya wala akong magawa kundi ang pumayag.
"I want to hear it, from your mouth."binulong niya iyon sa tainga ko. Kumalat ang kilabot mula sa likod ko tungo sa batok dahil sa ginawa niya.
"O-Opo." Nakagat ko ang ibabang labi ko.
Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Maging ang labi ko ay nararamdaman kong nanginginig din. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.
Hindi ko alam kung anong nagawa ko at ginawa niya ito sa'kin. Hindi naman ako nagkulang sa pagsisilbi sa pamilya niya, lalo na sa kaniya. Kahit kailan sa kabila ng kapintasan ko ay ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. Sinisikap kong huwag maging pabigat sa mga kasama ko sa mansyon na ito. Wala akong naalalang may nagawan akong atraso sa kanila lalo na sa kaniya.
Araw-araw nararamdaman ko ang pagod ng katawan ko sa kakabanat ng buto. Gagawin ko naman ang lahat ng gusto nila. Kahit pa saluhin ko lahat ng gawain sa bahay na ito. Kahit ako ang pag-initan ng mga kasamahan ko. Ayos lang. Huwag lang ito. Kahit 'wag lang ito...
"Good to hear,"paanas niyang sabi.
Hindi ko kayang magsalita ulit pagkatapos ng pananakit niya. Natatakot akong baka gawin niya ulit iyon pag nagsalita ako.
"I'm sorry."
Ilang saglit ay naramdaman ko ang kamay niya na pinahid ang luha sa pisngi ko. Bahagyang napaurong ang ulo ko at napasinghap dahil sa ginawa niya.
"Let me take this." Hinawakan niya ang bakal sa paa ko. Mukhang aalisin niya na ang bakal na iyon. Kaya lang may napansin ako sa ibabang binti ko habang tinatanggal niya iyon. Tila kumakapal iyon, nanlalamig, parang namamanhid.
Nang tuluyan niya na iyong naalis ay balak kong tumayo at tatakbo kahit saan man ako dalhin ng mga paa ko. Mangangapa ako sa paligid hanggang sa makalabas ako at makalayo. Pero hindi ko iyon nagawa. Dahil hindi ako halos makatayo, walang lakas ang mga binti ko na hindi ko maintindihan kung bakit.
"I cut something inside your legs. I know, sooner or later tatakas ka."
Kinapa ko ang tuhod ko dahil doon ko naramdaman na may kirot. Naramdaman ko ang naka-cast kong mga tuhod. Anong pinutol niya? Ugat ba? Ugat ba sa binti ko ang pinutol niya kaya may binda ito ngayon at wala na akong nararamdaman dito?
"Don't worry, maibabalik ko 'yan. Maging mabait ka lang, Yn."
"Paano mo nagagawa ito?"halos hindi ko na marinig ang boses ko sa panghihina.
Bulag na ako tapos hindi pa makalakad? Parang napanghihinaan ako ng loob sa mga nalaman ngayon. Bakit nangyayari sa akin ito?
"Just behave and do you whatever I want. Dahil pwede ko rin kunin ang dila mo anytime so you can be totally a mute and blind."
Napasinghap ako nang buhatin niya ako sa mga bisig niya. Masuyo niyang iginiya ang braso ko upang isampay sa balikat niya.
"Mula sa araw na ito, dito ka lang... sa tabi ko."
Humihikbi pa rin ako habang nasa braso niya.
Nanghihina sa mga nalaman hindi ko halos masabi ang nasa isip.
"I want you. Just for myself, exclusively for myself. I have to close the door, nobody can see you. I don't want someone staring at my property."
Ibinaba niya ako sa malambot na higaan. Pero mas gusto kong sumiksik sa sulok kaysa doon. Nanginginig pa ang mga daliri, ramdam na ramdam ko.
Inaari niya ako, anong utak mayroon siya? Kaya ba siya nakakulong sa silid na ito? Dahil ba doon? Kaya ba hindi namimili ng mga pinapapasok na katulong ang pamilyang Rojo?
Ito ba ang totoong pagkatao ng anak nila? Pero bakit ako ang napili niyang ikulong at ariin? Napakarami niya nang naging tagapagsilbi pero ako lang... ako lang ang nakaranas ng ganito. Ano na ang susunod na mangyayari sa akin? Kinakabahan na ako ngayon. Nasa kamay ako ng taong baliw na ito.
Yenah POV- Gagawa raw kami ng kwentas na bulaklak sa araw na iyon sabi ng lola ko. Darating ang mga mayayamang tao sa lugar namin at kasama na roon ang mayor at ibang politiko ng bayan. Binibili ng aming kapitan ang mga ginawang bulaklak na kwentas para naman daw may pagkakakitaan kahit kaunti ang ibang mga taga-rito. Anim na taong gulang pa ako. Matagal-tagal pa bago ako magsampu. Gusto ko na rin kasi sana na matulongan si Lola sa ibang trabaho kaya lang sabi niya bata pa ako. Hindi ko pa raw kaya ang mga gawain ng mga matatanda. "Yenah, 'wag ka lumayo, ha. Baka pag tinawag kita para sa pananghalian 'di ka na naman makasagot dahil lumalayo ka na." Tumango lang ako at ngumiti. Hawak-hawak ko sa kabilang kamay ko ang maliit kong aso na natagpuan ni Lola sa gilid ng kalsada. Baka raw inabandona ng may-ari sa hindi namin alam na dahilan. May tali sa leeg si Sham-sham dahil minsan mas kabisado niya pa ang daan kaysa sa'kin kaya lang madalas akong mapahamak kapag kasama ko siya. Ibinab
Ilang taon ang nakararaan. Katulong ang naging programa ng Baranggay kung saan tutulong sa gastusin ang mga taga-Baranggay sa namatayan ay nagkaroon ng disenteng lamay ang Lola ko. Isa siya sa naging myembro noon. At oo, sa pinansyal ay hindi ako nahirapan pero ang kalooban ko ay hirap na hirap habang dinadama lang ang kabaong niya. Gusto ko siyang tingnan sa huling pagkakataon pero hindi ko magawa. Sa pagkakataong ito ay namalaam na nang tuloyan ang aking lola. "Ano na ang mangyayari sa kaniya niyan?" "Kawawa naman. Bulag pa naman. May tumatanggap pa ba ng bulag ngayon sa trabaho?" "Wala nga, e. Pasanin nga iyan ni Manang Peli noong buhay pa iyon, e. Ngayong siya na lang—iwan ko lang!" Naririnig ko ang pag-uusap ng mga gumagawa ng bulaklak sa patay. Pati iyon ay ang mga kaba-baryo rin ni Lola ang gumagawa basta ba myembro ng organisasyon. At mukhang tungkol sa buhay ko ang pinag-uusapan nila ngayon. Napayuko na lang ako at pinipigilang maiyak na naman. Naka-upo lang ako sa upuan
Huminto kami at siya na mismo ang kumuha ng gamit ko kahit hindi ko talaga balak na ipahawak sa kaniya. Nahihiya kasi ako sa gamit ko lalo pa at mumurahin lang iyon. Pero para sa akin iyon ang pinaka-magandang bag na gawa ng Lola ko. Maririnig ang pagbukas ng malaking gate nila. Ibig sabihin sa pangalawang pagkakataon ay makakatuntong na naman ako sa lugar na ito. Sa bungad pa lang nararamdaman ko na ang kakaibang pakiramdam na tila may nagmamasid sa'kin sa malayo. Napalunok ako at maingat na naglakad pasunod sa babae. Aaminin kong gustong-gusto kong makita ang paligid. Sabi ni Lola ang mansyon ng mga Rojo ang may pinakamagandang harden. Sa bungad pa lamang daw ay makikita mo na ang mga nagkukumpulan na matatabang bulaklak ng mga rosas. At ang Lily na matagal ko nang gustong makita ay malapit lang daw dito. Minsan na rin kasi na nagtrabaho si Lola sa mga Rojo. Gardener daw siya at noong mamatay ang mama ko at naiwan ako sa pangangalaga niya ay bumitiw siya sa trabaho niya at mas pi
Isang araw lang akong tinuruan ni Tessa. Sinaulo ko lahat kahit napakahirap dahil ang dami. May mga ginagamit silang mga bagay na hindi ko pa nagamit kailanman. Nang maalala ko si Archie ay kumalma ako. Pwede naman siguro akong magpaturo sa kaniya kung sakali. Kapag sweldo ko ay bibilhan ko na lang siya ng dalawang notebook. Ito ang unang araw para doon. At kinakabahan talaga ako. Hawak ko ang mop, walis tambo, at iyong tinatawag nilang vacuum. Nasa labas lamang ang trolley ko na napupuno ng mga kagamitang panglinis. Sabi nila ay kakatok ako ng tatlong beses at sasabihin ko kung ano ang sadya ko. At ginawa ko nga iyon. "M-Maglilinis po ako." Kinakabahan ako. Hinintay ko na may magsalita mula sa loob pero dumaan na lamang ang ilang segundo pero wala pa rin. Kaya nagpasya na akong ipihit ang seradura. Kaya lang ay alanganin pa ako lalo pa at wala naman akong narinig na sagot. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung, ayos lang kaya? Hindi kaya ako mapagalitan? Tama ba ang ginagawa k
Salamat, Yenah. Napangiti ako nang malaman ang nakasulat sa papel. Pinagluto ko siya ng nalalaman kong ulam noong nasa bundok pa lang ako. Wala sina Tessa ang mayordoma at ang ibang katulong maliban sa taga-luto. Day-off nila maliban sa amin ni Archie na wala nang uuwian kaya mas pinili na lang na magpaiwan dito sa mansiyon ng mga Rojo. Nakatulog sa silid ang taga-luto dahil gusto rin magpahinga kaya malaya kong nagamit ang mga kagamitan sa kusina. Iyong patapon na mga gulay at iba pang rekados ay madalas iyon ang napupunta sa aming mga katulong. Iyon ang niluto ko. At iyon din ang magiging ulam namin ngayon ni Archie. Sabay kami ngayon sa likod, may sira na upuan doon at tinapon na mesa na hindi pa naman talaga sira. Iyon ang mga ginamit namin doon. Amoy na amoy ang rosas sa paligid na gustong-gusto ko. Si Archie ang naglagay ng mga pinggan at kubyertos. Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako sa ideya na para niya akong asawa na pinagluluto siya at magkasabay kami ngayon n
"Yn." "Asmodeus." Ang boses niyang masuyong tinatawag ngayon ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon, bakit nagbago ang tembre ng boses niya gayong sa unang pagkikita pa lang namin ay malamig at seryoso iyon. "You're calling me?" Napaigtad ako nang bigla kong marinig ang boses niya sa likuran ko. Napakurap-kurap ako, hindi totoong tinawag niya ako. Imahinasyon ko lang pala iyon, dahil sa takot ini-imagine kong sana maging mabait siya. "P-Pasensya na po." Agad akong tumalima at akmang magsisimula na nang magsalita siya. "How's your day-off, Yn?" Napamaang ako. Alinlangan pa pero humarap ako. "M-Maayos naman po." Matagal bago siya nagsalita. Naghintay ako pero dahil may gagawin pa ako at natatakot ako sa palitan namin ng salita ay nagpaalam ako. "M...Magsisimula na po akong..." "Why too fast?" Gulat na napaatras ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa noo ko. Lumapit pala siya, hindi ko man lang naulinigan ang paglapit niya. Muntik na akong matumba kung hindi da
"Archie..." Mahina kong bulong. Sana may magic na kapag tinawag ko sila ay darating sila upang sagipin ako.Kumakalampag ang pintuan ng banyo. Si Asmodeus iyon. Bawat hampas niya doon sa pinto ay para akong nahuhulog sa malalim na bangin. Tanging ang pinaghuhugotan ko ng lakas ng loob ay ang huling sulat na natanggap ko mula kay Archie. Kinapa ko ang sulat kamay niya doon.Araw-araw, paulit-ulit ko iyong binabasa upang ibsan ang takot na nasa loob ko.Hindi ko alam na pumayag ka na samahan si Asmodeus sa silid na iyan. Iyon ang sabi ni Mrs. Rojo sa amin.Hindi ako naniniwala dahil taliwas ang lahat ng nakita ko sa mukha mo. Paniguradong nalilito ka rin sa mga oras na ito.'Wag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan, ilalabas kita diyan, Yenah. Patawad kung napunta ka sa sitwasyon na ito. Hindi ko aakalaing aabot ka sa puntong ito.Sana noon pa nabalaan na kita... sana noon pa... patawad, kasalanan ko ito."Archie..."nanghihina kong sabi.May pasa ang buong kabilang braso ko, maging an
"Ano ba iyang nirereklamo mo diyan?" Ang mayordoma na gaya ng nakasanayan at sabi nila ay nakataas parati ang kilay. Lalo na ngayong hinihingi ko ang permiso niyang tapusin na lang ang kontrata. Parang nararamdaman kong umaangat na rin ang kilay niya."T-Tinapos ko lang ang kontrata ni Ate-""Hindi ikaw ang dapat magdesisyon para diyan. Si Mrs. Rojo. Dahil siya ang nagpapasahod sa'yo, hindi ako."Bagsak ang balikat ko nang talikuran niya ako. Naghihintay na lamang kami na matapos sa pag-uusap sina Asmodeus at ama niya na nasa library raw ngayon. Pagkatapos dalawang araw dito ay kasama akong aalis ni Asmodeus sa mansion at tutungo kami sa isang syudad kung saan nandoon ang isa pang mansion na pagmamay-ari rin ng mga Rojo. Kaming dalawa ulit doon habang pinag-aaralan niya ang negosyo ng pamilya. Hindi ko alam kung anong magiging silbi ko doon. Sa yaman at laki ng impluwensya nila ay hindi malabong makahanap si Asmodeus ng mas higit pa sa'kin. Tapos na ang kontrata, dalawang buwan na lan