Share

Chapter 35

CARLA cooked the fish that Alessandro caught. Nakaupo naman sa sofa si Anastacia habang nasa tabi nito ang kanyang asawa. Kapwa sila tahimik at nag-iisip habang magkasiklop ang kanilang mga kamay. Mahigpit ang hawak ni Alessandro sa kamay ng asawa, tila natatakot na pakawalan siya.

"Bambina…" mahinang tawag ni Alessandro sa asawa.

Nilingon ni Anastacia ang lalaki. Direto ang tingin nito at mula sa pwesto niya ay kitang-kita niya kung gaano katangos ang ilong ng asawa. Malantik ang makapal nitong pilikmata. Makapal ang kilay at mapulang mga labi na bahagyang nakaawang.

Hindi malaman ni Anastacia kung paanong nabihag niya ang puso ng lalaki. Noong una ay inakala niyang katawan niya lamang ang habol nito ngunit nang tumagal ay naramdaman niyang tunay ang pagmamahal nito para sa kanya. Isa nang patunay ang pagsunod nito sa kaniya at pagsuko sa marangya nitong buhay kapalit nang makasama siya dito sa probinsya. Kung hindi pa katunayan iyon ng pagmamahal ng lalaki, hindi na alam ni Anastaci
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status