LOGINNarito na kami sa harapan ng malaking gate ng mga Salvador. Kasama ko si Aleng Rosa at ang isa niyang kasambahay, para kapag iniwan ako nito sa mansyon ng mga Salvador ay may kasama itong uuwi.
Positibo talaga akong makakapagtrabaho sa mga Salvador dahil ang linapitan ko ay sobrang malapit din sa kanila—si Aleng Rosa. Batid ko kasing hindi ito matitiis ng mga Salvador na siyang ikanatutuwa ko.
Bumukas mag-isa ang malaking gate na nasaaming harapan. Ang malakaw na Hardin at may fountain sa gitna ang siyang bumungad sa amin. Pamilyar na ako sa lugar dito dahli nga madalas akong sumama noon kay mama sa pagtratrabaho dito. May ibang nagbago pero bilang lamang sa diliri ko ang mga ito. Tulad na lang ang isang duyan malapit sa puno ng mangga. At greenhouse malapit sa tirahan ng mga aso.
Mga iba’t ibang bulaklak ang siyang nakapalibot sa amin. At kung wala lang ang sementong pathway papunta sa pinto ng mansyon ay mistulang nasa kagubatan kami na mayroon iba’t ibang klaseng bulaklak.
Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na maroon. Unti-unti naman sumilay ang ngiti ko dahil naalala ko ang mahal kong mama.
She likes flowers. At dahil sa kanya ay natuto na rin akong gustuhin ang mga ito. Mayroon nga kaming munting hardin ni mama sa likod ng aming bahay. Kahit na hindi mamahalin ang mga bulaklak na naroon ay talaga naman inalagaan namin ni mama ng maayos ang mga iyon.
“Talitha.”
Nawala ang atensyon ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Aleng Rosa. Mabilis naman akong lumakad palapit sa kinaroroonan nila, kasama na nila ngayon ang ilaw ng tahanan ng pamilyang Salvador.
Matamis na ngiti ang sinalubong sa akin ni Kelly Salvador. Ngumiti naman ako rito kahit na nagsisimulang mabuhay muli ang galit sa puso.
Napakagandang ginang. Tila isa itong modelo sa isang magazine. Makinis ang kutis. Mahaba ang binti. At kahit nasa edad na ay hindi halata sa kaniyang mukha dahil tila hindi ito tumatanda.
“Ito na ba ang anak nina Tally at Domeng?” maligayang tanong niya kay Aleng Rosa.
Muli kong pinagmamasdan si Kelly Salvador. Ang matamis na ngiti nito ang siyang nagpabuhay lalo ng galit ko.
Anong karapatan nitong banggitin ang pangalan ng mga magulang ko kung batid nitong kinawawa niya ang mga ito sa kaniyang tahanan?!
Ngayon ko lang nabatid na ang magandang mukha nito ay may tinatago pa lang kalupitan. Totoo nga ang mga sabi-sabi sa mga mayayaman. Mapangmaliit sila sa maliit sa kanila.
Mahilig silang mang-apak sa mga taong nakababa sa kanila.
“Oo, Kelly. At narito kami ngayon dahil sa napag-usapan natin kagabi.”
Mabilis na dumapo ang mga kamay ni Kelly Salvador sa kaniyang bibig dahil sa sinabi ni Aleng Rosa.
“Ikaw ang tinutukoy ni Aleng Rosa?” tanong nito sa akin. Tila ba hindi kapani-paniwalang nais kong pumasok bilang trabahador sa kanila.
Mabilis akong tumango rito na siyang kinasinggap niya.
“Oh my god, hija! You look so beautiful to be our maid. Ayoko naman na gawing kasambahay ang katulad mong makinis at maganda.”
“Pero gusto ko po,” mabilis kong sagot.
“Ako man ay nagulat sa gusto nito ngunit desidido siyang magtrabaho sa inyo, Kelly,” pagsabat ni Aleng Rosa. “Nais niya talagang magtrabaho rito para kahit papaano ay maramdaman niya raw ang presensya ng mga magulang niya sa mansyon ninyo.”
“Ganoon ba?” ani ni Kelly Salvador. “ But you don’t want to study in college, hija? Napag-usapan kasi namin kagabi ni Aleng Rosa na kakagradute mo lang ng high school.”
Mabilis akong umiling sa tanong nito sa akin.
“But why?”
“Mag-iipon muna po ako,”tangging sagot ko kahit na may ibang laman naman ang utak ko.
Natigilan si Kelly Salvador. Pinakatitigan ako nito na siyang pinagtataka ko dahil lang sa sagot ko. Natameme kasi talaga ito sa akin. Mabuti na lang ay bumalik din naman ito sa dati at muling ngumiti sa akin ng matamis.
“I can help you, hija. Pag-aaralin kita.”
Mabilis akong umiling. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa mga taong kinamumuhian ko.
“Next year na lang po ako mag-aral at gusto ko po pera ko ang ipag-aaral ko sa sarili ko,” pagsisinungaling ko.
Marahan na tumango sa akin si Kelly Salvador. Tumaas naman ang kilay ko nang bumaling ang tingin niya kay Aleng Rosa.
Mabuti na lang at nadadaan ko sa malambing na boses ko ito. Dahil wala itong kaalam-alam sa binabalak ko sa kanilang pamilya.
Habang abala ito sa pakikipag-usap, unti-unti naman tumatalim ang tingin ko rito. Gustong gusto ko nang magdusa ang mga ito lalo na’t sumagi muli ang huling tinuran ni papa bago ito pumanaw.
‘Ang mga Salvador, Talitha.’
Batid kong may kahulugan ang tinuran na ito ni Papa. Kaya narito ako upang hindi lang maghiganti. Narito rin ako upang malaman ang kahulugan sa huling tinuran ni Papa.
“Hardinera, hija.”
Mabilis akong napatayo ng tuwid at muling pinaningning ang aking mga mata sa ginang na nasa harapan ko.
“Hardinera ang magiging trabaho mo rito sa amin. Okay lang ba iyong?”
“Opo naman!” pinasigla ko ang boses ko.
“Kung ganoon ay pumasok na tayo sa loob upang maipakita ko na ang iyong magiging silid,” masayang sambit ni Kelly Salvador.
Nagpaalam ako Kay Aleng Rosa at nagpasalamat na rin bago kami naghiwalay. Sabay naman kaming pumasok ni Kelly Salvador sa mansyon nila at bumungad sa amin ang nakasandal sa pader malapit sa magarbong hagdanan.
Ang kaniyang mga mata ay tila kasing lamig ng yelo. Nakakrus ang mga kamay niya sa dibdib at madilim ang kaniyang mga matang pinagmamasdan kami—o mas tamang sabihin ay ako.
Unti-unti akong kinalibutan at natakot sa paraan ng pakakatitig nito sa akin ngunit mabilis ko rin itong binalewala. Pilit kong linakasan ang loob ko at ngumiti ng matamis dito.
“Oh, Locke,” ani ni Kelly Salvador. “Good thing you’re here! Pakisamahan naman si Talitha sa kaniyang kwarto at titignan ko muna ang niluluto ko.”
Sa isang iglap lang ay nawala si Kelly Salvador sa aming paningin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi dahil sa tensyong na namamagitan sa amin nang tinatawag nilang Locke.
“Hi! Ako nga pala si Talitha —”
Mabilis nitong pinutol ang pagsasalita ko.
“I’m not interested,” malamig na wika nito, tila ba isang yelo ang boses niya.
Napakagat ako sa aking labi. Mabilis din nagkurutan ang mga daliri ko dahil sa biglaang kaba.
Mauudlot pa yata bigla ang plano ko rito dahil sa lalaki na ‘to!
“You know what? I can smell you from here. Amoy mukhang pera at manloloko.”
“Ang sakit mo naman magsa—”
Muli ako nitong pinutol ang sasabihin gamit ang nagbabanta at malamig niyang tinig.
“Go to your home before you regret. Dahil sa oras na makita ko ang pagmumukha sa pamamahay ko, paparusahan kita. Hindi sa paraan ng pagpapalayas, kung hindi parusa sa kama.”
Ang mga mata ko ay nasa magkahawak kamay lang namin ni Locke. Hindi ko alintana ang mga empleyadong nakatingin sa amin dahil ang isipan ko ay lumilipad.Lumilipad dahil ang tanging nasa isip ko ay paghahawak ni Locke sa kamay ko.At katulad ko, wala rin pakialam si Locke sa paligid niya. Abala pa rin ito sa katawagan niya sa cellphone. At tuwing may bumati sa kanya ng magandang umaga, tanging pagtango lang ang ginagawa nito.May isang lalaking lumapit sa kanya nang makarating kami sa isang pintuan—mukhang opisina niya. Base naman sa pananamit at tayo ng lalaking lumapit kay Locke mukhang secretary niya ito.“Good morning, sir.”“Send my schedule for today to my email,” agarang wika ni Locke. Hindi man lang nag-atubiling bumati pabalik.Binababa na nito ang cellphone niya. Mukhang tapos na sila kung sino man ang katawagan niya sa cellphone. Pero ang kamay ko ay hawak niya pa rin. Napansin ko naman ang miminsan tingin sa akin ng secretary ni Locke kaya maliit akong ngumiti rito.“Okay,
Si Locke lang ang nakilala kong hindi nagpapakumbaba. Si Locke lang ang lalaking kilala kong mataas ang tingin sa sarili. Si Locke lang ang kilala kong masama ang ugali.Walang kasing sama!Paano nitong nasasabi na may kasalanan ako sa kanya?! Hindi ba ako nito nakikita? Hindi ba ako nito naririnig?Nang dahil sa kababoyan niya, at walang kabuluhan niyang parusa sa akin, hindi ako makapagsalita ng maayos! Masakit ang lalamunan ko dahil sa kanya!“Anak, what business? What mistake?” lito pa ring tanong ni Tita Kelly.Ang mga mata ni Locke ay hindi ako nilubayan kahit na nagtatanong ang kanyang Mama. Hindi ko rin naman ito nilubayan ng tingin—sinugurado ko rito na makikita niya ang galit ko sa kanya sa pamamagitan nang matalim kong tingin.“Can Talitha rest for today, hijo? Look, she’s sick!” Inilahad pa ni Tita Kelly ang kanyang kamay sa banda ko.Hindi naman nagsalita si Locke. Naningkit ang mga mata nito sa akin. Ang kanyang panga ay mas lalong umigting.“No,” matigas nitong sagot.U
Hindi ko na hinintay si Locke na bumalik. Umalis na ako sa kanyang kwarto habang dala-dala angmga gamit ko. Hindi na ako nag-atubali pang magbihis din dahil alam ko na wala naman din makakakita sa akin kung lalabas akong hubad. Mabilis kong isinarado ang pintuan ng aking kwarto. Pumasok ako sa CR at tumungo sa shower. Binuksan ko ito ng malakas kaya sinalubong ako ng malamig na tubig. Unti-unti, pinadaosdos ko ang sarili ko sa pader na gawa sa glass. At habang nakaupo ako, ang tubig na nagmumula sa shower ay nagmistulang ulan dahil malakas na tumatama ito sa balat ko ang bawat patak. Hinayaan kong malakas ang pagbagsak ng tubig mula sa shower. Hinayaan kong malakas ang pagbagsak nito dahil gusto ko ang sakit ng bawat patak nito. Dahil kahit sa patak man lang ng tubig, maging manhid ako. Maging manhid ako sa ginawa sa akin ni Locke!Ang lalamunan ko ay masakit. Mahapdi at alam kong mahihirapan akong magsalita kinabukasan. Pero hindi ko na muna pinansin ito at hinayaan ang sarili las
Panandalian kong nakalimutan si Locke. Panandalian kong nakalimutan na tinakasan nga pala namin ito dahil sa payapa kong naramdaman sa maghapon namin sa park.Kaya ngayon nasa harapan ko ito. Magkasalubong ang mga kilay, madilim ang mga mata, at umiigting ang panga ay unti-unti akong kinabahan.“Do you have any idea how long I’ve been waiting here? I’ve been here since this morning!” ani nito sa malalim na boses.Napakamot ako sa aking noo.Bakit pa kasi naghintay pa siya? Bakit hindi na lang siya pumasok sa trabaho niya? Tapos ngayon parang kasalan ko pang naghintay siya d’yan magmula kaninang umaga.“Hindi ko naman sinabing maghintay ka,” mahinang wika ko, pero dahil tahimik ang buong mansyon, batid kong narinig ako nito.“It’s because you told me you’d wait for me!” malakas nitong wika.Napatalon ako sa tono niya. Tinignan ko siya ng masama dahil doon, pero mas matalim ang tingin nito sa akin.“You even promised you’d wait—but you left me!”“Bakit ba kasi gusto mong sumama?! Kita m
Hindi ko gustong sumama si Locke sa amin. Bukod sa ayaw ko nga itong kasama, paano ko maibebenta ang ninakaw ko kung kasama siya? Paano ko maibebenta ang relo at kwintas niya?!Makikita nito ang ibebenta ko kapag sumama siya sa amin!Mabilis akong sumunod kay Locke, hinila ko ang kamay nito. Pero dahil sa sobrang lakas niya, ako ang natangay niya sa halip na siya ang tangayin ko.“Tang ina…” mahina kong usal.Muntik na kasi akong makipaghalikan sa lupa kung hindi lang ako nasapo ni Locke sa isa niyang kamay!Mabilis akong humiwalay rito. Inayos ko ang bistida ko kahit na hindi naman talaga ako nadapa.“I’ll go with you, Talitha. No buts,” malamig nitong sabi kahit na hindi pa naman ako nagsasalita. “Get in my car. I’ll drive.”Suminghap ako.Anong car pinagsasabi nito? Mag je-jeep lang kaya kami!Napakamot ako ulit sa noo ko. Na stress na ako rito sa boss kong hibang!“Pero, Sir, iyang damit n’yo kasi…”“What about my clothes?” kunot-noo nitong tanong.Tinignan niya ang damit namin ni
Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga magulang ko habang nakatulala ako sa kamay kong basa dahil sa luha.Bigla na lang nagpakita ang kanilang imahe—imaheng nakangiti sa akin ngunit malungkot ang mga mata.Suminghap ako at mabilis na pinunasan ang luhang hindi ko alam kung bakit pumatak. Kumain din ako at hinayaan ang kakaibang naramdaman na hindi ko mapangalanan.Nang matapos akong kumain, bumalik ako muli sa kwarto ni Locke. Hindi para mahiga muli sa kanyang kama, kung hindi para kumuha ng relo at kwintas niya.Wala akong pakialam kung makita ako nito sa CCTV! Wala akong pakialam kung parusahan niya ulit ako!Kung gusto niya ng isang daang libong pagtatalîk hanggang sa magsawa siya sa akin, uubusin ko naman ang mga alahas niya rito sa kwarto niya!Kung gagawin niya akong parusahan, gagawin ko naman siyang pagkakakitaan!Marami rin akong makukuha sa kanya na pwede kong pagkaperahan.Nang makakuha ako ng kwintas at relo, mabilis akong nagtungo sa aking kwarto upang ilagay ang mga it







