Share

Chapter 4

Author: Kulalaiii
last update Last Updated: 2025-11-27 10:54:04

Kaba.

Ito ang nararamdaman ko ngayon habang tinatanaw ang paglakad ni Locke patungo sa pangalawang palapag nitong kanilang mansyon.

Kaba ang nararamdaman ko dahil sa pagbabanta niya.

Paano kung gawin niya ang banta niya? Paano kung hindi ko magawa ang plano kong sirain ang kanilang pamilya dahil sa kaniya?

Bumuntonghininga ako.

Wala pa akong naranasan sa pakikipagtalik. Kaya kinabahan ako nang marinig ko ang ipaparusa nito sa akin. Subalit kung balak kong sirain ang kanilang pamilya dapat ay inisip ko na ito.

Hindi maaakit ang mag-ama sa akin kung hindi ko idadaan ito sa ganoong paraan.

Bahala na!

Papaamuhin ko muna si Locke upang hindi ako mapalayas dito sa kanilang mansyon. At paano ko gagawin iyon? Iyon ang pag-isipan ko!

“Oh, nasaan si Locke, hija?” tanong ni Kelly Salvador nang matagpuan ako nitong nakatayo pa rin sa malawak nilang tanggapan.

Itinuro ko ang hagdan bago ako bumaling sa ginang.

“Pumasok po yata sa kaniyang kwarto,” mahinang wika ko ngunit sapat na upang marinig ako nito.

Napatingin ang ginang sa hagdan nang matagal. Bumaling muli ito sa akin pagkatapos nitong titigan ang hagdan, pero mabilis din niyang ibinalik sa akin ang kaniyang mga mata. Ilang beses niyang ginawa ito.

Tingin sa akin. Sa hagdan. Sa akin. Sa hagdan na naman. Sa akin. At sa hagdan na naman.

Napapikit na lang ako dahil tila nahilo ako sa pabalik-balik nitong tingin sa akin at sa hagdan.

“I’m so sorry, hija,” pagkaraang wika ni Kelly Salvador.

Minulat ko ang mga mata ko nang marinig kong magsalita ito. Pilit na ngiti ang iginawad ko naman dito.

“Mukhang may hangover lang ang aking anak. Nagkakayayaan na naman siguro sila ng kaniyang mga kaibigan,”paliwanag nito sa akin kahit wala naman akong pakialam. “Pero wag lang mag-aalala dahil mabait namin iyon. Lalo na sa mga trabahador namin.”

Mukhang hindi naman.

Mukhang siyang bugnutin at laging galit sa mundo. Mahirap lapitan at baka bugahan ako ng apoy.

“Tara na at ako na lang ang maghahatid sa iyong kwarto, hija.” Humagikgik si Kelly Salvador.

Hindi ko batid kung saan nito nakukuha ang kasiyahan. Kaya naman kunot-noo na lang akong sumunod sa kaniya.

“Mukhang magkaka-anak ako ng babae ng wala sa oras nito,” bulong-bulong ng ginang na hindi ko naman maintindihan.

“Po?”

“Ano, hija?” bumaling ito sa akin.

“Ah…” Napakamot ako sa ulo ko.

Ano ba naman ang maybahay ng mga Salvador. Tila may sayad sa ulo. Baka mga baliw ang mga pamilyang ito, ah.

Ang anak tila dragon kung magsungit. Ang ina ay tumatawang mag-isa kahit wala naman nakatatawa.

E, ano naman kaya ang haligi ng tahanan kaya?

Masungit na tila nireregla? O baka naman mapagbiro kahit walang nakatatawa?

“Wala po, Madam. Akala ko lang may sinasabi kayo?” tangging sagot ko na lamang.

Tuluyan na ngang napahinto si Kelly Salvador at binalingan ako.

“Hija, Don’t call me Madam. Just call me Tita Kelly.”

“Po?”

Humalakhak ito at niyakap ang isa kong braso.

Ngumiwi ako sa ginawa niya dahil ayokong nadidikit sa kaniya. Hindi ko alam kung napansin nito ang hindi ko pagkagusto sa presensya niya o nagkukunwari lang siya.

“Just call me Tita Kelly, hija. Alam mo ay nag-iisang anak lang si Lock att lalaki pa siya kaya gustong gusto kong magkaanak ng babae. Kaya Tita Kelly na lang itawag mo sa akin.”

Hindi ko mapigilan ang mapataas ng kilay sa sinabi ng ginang.

Ano naman pakialam ko kung gusto nito ng anak na babae? Kung gusto niya talaga ng anak na babae, sana hindi siya tumigil sa pagbubuntis hanggat hindi sila nagka-anak na babae.

“Sige po. Kayo po bahala,” kunwaring nahihiyang wika ko.

Tumawa naman si ‘Tita Kelly’. Pumalakpak pa ito habang yakap-yakap pa rin nito ang isang braso ko.

Nang makarating kami sa aking kwarto ay hindi ko mapigilan na mapait na ngumiti.

Mas malaking ang kwartong aking kinatatayuan kaysa sa kwarto ko sa aming bahay. May sarili din itong CR na mas lalong kinapait ng aking tipla. Hindi katulad sa bahay namin na iisang CR lang ang mayroon. Pati lagayan ng damit ay nabukod, samantalang sa amin ay sama-sama kami nina papa at mama sa isang tukador.

Napatingin ako study table doon at nakita kong may modern na airconditioner na nakalagay sa itaas nito. Samantalang sa amin, electric fan lang ang mayroon! Hindi pa umiikot.

Hindi ko mapigilan ang pagkukumpara sa bahay namin dito sa kwarto na ibinigay sa akin ngayon. Dahil kung tama lang ang pasahod ng mga Salvador sa mga magulang ko ay ganito siguro kaganda ang kwarto ko. Ganito sana ang tinutulugan nina Mama at Papa noong nabubuhay pa sila.

Sa tagal na pagtratrabaho ng mga magulang ko sa mga Salvador, kahit bahay man lang namin ay hindi nila napaayos.

Kaya paano ako hindi magagalit sa mga Salvador? Gayong batid kong kulang talaga ang pinapasahod nila sa mga magulang ko, dahil palihim kong tinitignan noon ang payslip ng mga magulang ko!

“Nagustuhan mo ba ang kwarto mo, hija.”

Mabilis kong pinalis ang luhang lumandas sa aking pisngi dahil sa galit na nararamdaman ko.

Tumango ako kay Tita Kelly. Masaya naman itong pumalakpak muli. Ang hindi nito alam, grabeng puot na ang nararamdaman ko sa pamilya nila.

“Mabuti naman kung ganoon.”

“Maganda po kasi, Tita.” Ngumiti ako ng pilit dito.

“Maiwan na kita dito, hija. Maghahanda na ako ng makakain natin at ipapatawag na lang kita kapag kakain na.”

Tangging pagtango ang sagot ko kay Tita Kelly bago ito lumabas sa aking kwarto.

Nang mapag-isa ako ay inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. At nang makita ko ang kama ay nagpasya akong huminga rito. Hindi ko namalayan na nakatulog ako kaya naman pagkagising ko ay nagpasya akong maligo at magbihis.

Isang white dress ang suot pinili kong isuot at sandals na kulay brown naman ang pangsapin ko sa paa. Hinayaan ko rin ana bagsak ang alon-alon kong buhok.

Nang pagbukas ko ng pintuan ng CR ay laking gulat ko na nakasandal si Locke sa pader nito.

“Hindi ba’t sinabi kong umuwi ka sa inyo?” Malamig ang boses nito.

Tumikhim naman ako at mabilis na lumabas sa CR.

“Kailangan ko ng trabaho kaya mananatili ako rito.”

1. Mabilis nitong hinili ang kamay ko kaya napabaling ako sa kaniya. Sa isang iglap lang ay nakasandal na ako sa pader at nasa harapan ko na siya.

“Bakit pakiramdam ko ay may iba kang motibo sa pagtratrabaho mo rito sa amin?”

Kinabahan ako roon kaya tumikhim muli ako. Hindi rin ako makatingin sa kaniyang mga mata at baka mabasa nito ang tumatakbo sa aking isipan.

“At anong karapatan mong magsuot ng white dress. Hindi ito bagay sa’yo kaya hubarin mo,” puno ng pag-iinsultong wika niya.

Mabilis akong tumingin sa mga mata niya. Handa na sana akong magsalita kaya lang ay natigil ako dahil mabilis niyang hinawakan ang dalawang dibdib ko.

“And you aren’t wearing a fucking bra?!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 27

    Ang mga mata ko ay nasa magkahawak kamay lang namin ni Locke. Hindi ko alintana ang mga empleyadong nakatingin sa amin dahil ang isipan ko ay lumilipad.Lumilipad dahil ang tanging nasa isip ko ay paghahawak ni Locke sa kamay ko.At katulad ko, wala rin pakialam si Locke sa paligid niya. Abala pa rin ito sa katawagan niya sa cellphone. At tuwing may bumati sa kanya ng magandang umaga, tanging pagtango lang ang ginagawa nito.May isang lalaking lumapit sa kanya nang makarating kami sa isang pintuan—mukhang opisina niya. Base naman sa pananamit at tayo ng lalaking lumapit kay Locke mukhang secretary niya ito.“Good morning, sir.”“Send my schedule for today to my email,” agarang wika ni Locke. Hindi man lang nag-atubiling bumati pabalik.Binababa na nito ang cellphone niya. Mukhang tapos na sila kung sino man ang katawagan niya sa cellphone. Pero ang kamay ko ay hawak niya pa rin. Napansin ko naman ang miminsan tingin sa akin ng secretary ni Locke kaya maliit akong ngumiti rito.“Okay,

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 26

    Si Locke lang ang nakilala kong hindi nagpapakumbaba. Si Locke lang ang lalaking kilala kong mataas ang tingin sa sarili. Si Locke lang ang kilala kong masama ang ugali.Walang kasing sama!Paano nitong nasasabi na may kasalanan ako sa kanya?! Hindi ba ako nito nakikita? Hindi ba ako nito naririnig?Nang dahil sa kababoyan niya, at walang kabuluhan niyang parusa sa akin, hindi ako makapagsalita ng maayos! Masakit ang lalamunan ko dahil sa kanya!“Anak, what business? What mistake?” lito pa ring tanong ni Tita Kelly.Ang mga mata ni Locke ay hindi ako nilubayan kahit na nagtatanong ang kanyang Mama. Hindi ko rin naman ito nilubayan ng tingin—sinugurado ko rito na makikita niya ang galit ko sa kanya sa pamamagitan nang matalim kong tingin.“Can Talitha rest for today, hijo? Look, she’s sick!” Inilahad pa ni Tita Kelly ang kanyang kamay sa banda ko.Hindi naman nagsalita si Locke. Naningkit ang mga mata nito sa akin. Ang kanyang panga ay mas lalong umigting.“No,” matigas nitong sagot.U

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 25

    Hindi ko na hinintay si Locke na bumalik. Umalis na ako sa kanyang kwarto habang dala-dala angmga gamit ko. Hindi na ako nag-atubali pang magbihis din dahil alam ko na wala naman din makakakita sa akin kung lalabas akong hubad. Mabilis kong isinarado ang pintuan ng aking kwarto. Pumasok ako sa CR at tumungo sa shower. Binuksan ko ito ng malakas kaya sinalubong ako ng malamig na tubig. Unti-unti, pinadaosdos ko ang sarili ko sa pader na gawa sa glass. At habang nakaupo ako, ang tubig na nagmumula sa shower ay nagmistulang ulan dahil malakas na tumatama ito sa balat ko ang bawat patak. Hinayaan kong malakas ang pagbagsak ng tubig mula sa shower. Hinayaan kong malakas ang pagbagsak nito dahil gusto ko ang sakit ng bawat patak nito. Dahil kahit sa patak man lang ng tubig, maging manhid ako. Maging manhid ako sa ginawa sa akin ni Locke!Ang lalamunan ko ay masakit. Mahapdi at alam kong mahihirapan akong magsalita kinabukasan. Pero hindi ko na muna pinansin ito at hinayaan ang sarili las

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 24

    Panandalian kong nakalimutan si Locke. Panandalian kong nakalimutan na tinakasan nga pala namin ito dahil sa payapa kong naramdaman sa maghapon namin sa park.Kaya ngayon nasa harapan ko ito. Magkasalubong ang mga kilay, madilim ang mga mata, at umiigting ang panga ay unti-unti akong kinabahan.“Do you have any idea how long I’ve been waiting here? I’ve been here since this morning!” ani nito sa malalim na boses.Napakamot ako sa aking noo.Bakit pa kasi naghintay pa siya? Bakit hindi na lang siya pumasok sa trabaho niya? Tapos ngayon parang kasalan ko pang naghintay siya d’yan magmula kaninang umaga.“Hindi ko naman sinabing maghintay ka,” mahinang wika ko, pero dahil tahimik ang buong mansyon, batid kong narinig ako nito.“It’s because you told me you’d wait for me!” malakas nitong wika.Napatalon ako sa tono niya. Tinignan ko siya ng masama dahil doon, pero mas matalim ang tingin nito sa akin.“You even promised you’d wait—but you left me!”“Bakit ba kasi gusto mong sumama?! Kita m

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 23

    Hindi ko gustong sumama si Locke sa amin. Bukod sa ayaw ko nga itong kasama, paano ko maibebenta ang ninakaw ko kung kasama siya? Paano ko maibebenta ang relo at kwintas niya?!Makikita nito ang ibebenta ko kapag sumama siya sa amin!Mabilis akong sumunod kay Locke, hinila ko ang kamay nito. Pero dahil sa sobrang lakas niya, ako ang natangay niya sa halip na siya ang tangayin ko.“Tang ina…” mahina kong usal.Muntik na kasi akong makipaghalikan sa lupa kung hindi lang ako nasapo ni Locke sa isa niyang kamay!Mabilis akong humiwalay rito. Inayos ko ang bistida ko kahit na hindi naman talaga ako nadapa.“I’ll go with you, Talitha. No buts,” malamig nitong sabi kahit na hindi pa naman ako nagsasalita. “Get in my car. I’ll drive.”Suminghap ako.Anong car pinagsasabi nito? Mag je-jeep lang kaya kami!Napakamot ako ulit sa noo ko. Na stress na ako rito sa boss kong hibang!“Pero, Sir, iyang damit n’yo kasi…”“What about my clothes?” kunot-noo nitong tanong.Tinignan niya ang damit namin ni

  • His Obsession is My Sweetest Revenge    Chapter 22

    Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga magulang ko habang nakatulala ako sa kamay kong basa dahil sa luha.Bigla na lang nagpakita ang kanilang imahe—imaheng nakangiti sa akin ngunit malungkot ang mga mata.Suminghap ako at mabilis na pinunasan ang luhang hindi ko alam kung bakit pumatak. Kumain din ako at hinayaan ang kakaibang naramdaman na hindi ko mapangalanan.Nang matapos akong kumain, bumalik ako muli sa kwarto ni Locke. Hindi para mahiga muli sa kanyang kama, kung hindi para kumuha ng relo at kwintas niya.Wala akong pakialam kung makita ako nito sa CCTV! Wala akong pakialam kung parusahan niya ulit ako!Kung gusto niya ng isang daang libong pagtatalîk hanggang sa magsawa siya sa akin, uubusin ko naman ang mga alahas niya rito sa kwarto niya!Kung gagawin niya akong parusahan, gagawin ko naman siyang pagkakakitaan!Marami rin akong makukuha sa kanya na pwede kong pagkaperahan.Nang makakuha ako ng kwintas at relo, mabilis akong nagtungo sa aking kwarto upang ilagay ang mga it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status