Mag-log inSi Lucy ang nag-iisang kaibigan ko magmula nang mag-aral ako. Simula preschool hangang high school ay magkaklase kami nito. Kaya nakakalungkot man ang pasya ko, hindi pa rin ako nagsisisi dahil tama nga siguro wag na siyang madamay sa plano kong ito.
Kung sisirain ko man ang buhay ko, mas magandang hindi na nga ako mandamay ng malapit sa buhay ko.
Patungo ako ngayon kay Aleng Rosa. Si Aleng Rosa ay dating katiwala sa mansyon ng mga Salvador. Tumigil lang ito sa paglilingkod sa mga Salvador dahil nakapagtapos na lahat ang mga anak niya at ngayon siya ay nasa maayos na kalagayan. Hindi na niya kailangan magtrabaho dahil kinupkop siya ng mga anak.
Marahil gano’n din siguro ang plano ng mga magulang ko. Ngunit dahil may mga edad na rin at nagkasakit ay halos ituon nila ang buhay nila sa mga Salvador. Ang mga Salvador na hindi tama ang pasahod at trato sa mga trabahador.
“Hija, anong sadya mo?” salubong sa akin ng isang kasambahay nina Aleng Rosa.
Habang tinatanaw ang malaking bahay nina Aleng Rosa ay hindi ko mapigilan ang mainggit. Kung buhay pa sana sina Mama at Papa ay magkakasama pa rin kami ng mga ito. Kung buhay pa sana sila ay pagkatapos ko sa kolehiyo ay kukopkupin ko sila katulad kung paano kinupkop si Aleng Rosa ng mga anak niya.
Bumuntonghininga ako at marahan na umiling upang mawala ang pangungulila at pangarap ko sa namayapa kong mga magulang.
“Wala kang sadya, hija?”
Mabilis akong umiling dahil sa maling pag-unawa sa akin ng kasambahay nina Aleng Rosa.
“Uhm… Nariyan po ba si Aleng Rosa?” malumanay kong tanong.
Tinignan ako mula ulo hanggang paa ng kasambahay nina Aleng Rosa kaya napatayo ako ng tuwid. Matapos ako nitong suriin ay marahan siyang tumango sa akin.
“Magtatapon ako ng basurahan kaya mauna ka nang pumasok. Si Madam Rosa ay nasa labas lamang at nagdidilig ng halaman.”
“Salamat po.”
Sinunod ang bilin ng kasambahay sa akin. At tama nga ito, dahil ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa ay natanaw ko na si Aleng Rosa na nagdidilig ng halaman sa kanilang mumunting hardin.
Marahan ang mga yapak ko patungo kay Aleng Rosa. At kung hindi ito lumingon sa gawi ko ay paniguradong hindi nito mamamalayan ang pagtungo ko sa kaniya.
Isang masayang ngiti ang iginawad sa akin ni Aleng Rosa nang tuluyan akong nakalapit. Pinisil pa nito ang aking braso bago ako binati ng magandang hapon.
“Magandang hapon din, Aleng Rosa,” balik kong bati rito.
“Ang laki muna, Talitha. Parang noon lang ay lagi kang nakahawak sa bistida ni Tally sa tuwing papasok siya sa trabaho.”
Marahan na tumawa si Aleng Rosa kaya natawa ako ng mahina. Kahit pilit naman ito.
Si Aleng Rosa ang nagpasok kay Mama sa mga Salvador. Kaya naman kilala ako nito kahit ako’y noong bata pa lamang dahil nasubaybayan nito ang buhay nina Mama at Papa noong nasa mansyon pa siya ng mga Salvador.
“Ngunit anong sadya mo sa akin at ikaw pa ay naparito, hija?”
Hinawakan ko ang mga kamay ni Aleng Rosa at pinalambot ang bilugin kong mga mata. Batid kong nangungusap ang mga ito na siyang nais ko para maawa sa akin si Aleng Rosa.
“Aleng Rosa, gusto ko sanang manilbihan sa mga Salvador,” sagot ko.
Matagal bago ako tinignan ni Aleng Rosa. Ngunit marahil nakita nito ang nangungusap kong mga mata kaya napabuntonghininga na lamang ito.
“Ayaw mo na bang mag kolehiyo, hija?”
Mabilis kong umiling.
“Ngunit bakit?”
“Aleng Rosa, baon sa utang si Papa kaya kailangan kong bayaran ang mga ito. At kailangan ko pong magtrabaho upang magkaperang pambayad.”
“Nakukuha ko ang iyong punto, Talitha. Subalit ikaw ay tapos ng hayskul. Bakit hindi ka pumasok sa mga mall o sa mga factory? Bakit nais mo pa sa mga Salvador ka magtrabaho?”
Dahil nais kong maghiganti. Gusto kong isagot ito kay Aleng Rosa, subalit batid kong masisira agad ang aking plano.
“Dahil nais kong maalala ang mga magulang ko. Na kahit sa mansyon lang ng mga Salvador ay maramdaman ko man lang na nariyan pa rin sila,” tanging sagot ko kay Aleng Rosa. Taliwas sa totoong nais kong isagot.
“Ganoon ba? Kung gano’n ay sisikapin kong tulungan ka.”
Napangiti ako ng matamis. Dahil sa unang hakbang ay nagtagumpay ako sa aking plano. Mabuti na lang ay sinasama ako noon ni Mama sa mga Salvador kaya kilala ko ang ibang nagtratrabaho roon. Dahil kung hindi, palpak na agad ako sa unang hakbang ko sa aking plano.
Karamihan kasi sa mga nagtratrabaho sa mga Salvador ay madamot. Ayaw ng mga ito magpapasok ng iba roon dahil sa taas ng pasweldo. Kaya batid kong kung hindi ko kilala si Aleng Rosa ay paniguradong mahihirapan ako sa pagpasok sa mga Salvador lalo na’t may pagkaistrikto rin sila.
“Halika muna sa loob, hija. Dito ka na rin magpalipas ng gabi.”
Nag-umpisa nang maglakad si Aleng Rosa kaya mabilis akong sumunod dito.
“Paano po ang pagpasok ko sa mga Salvador?”
“Mamayang gabi ay tatawag ako sa mansyon nila. Itatanong ko kung anong pwede mo maging trabaho roon.”
“Ay, kahit ano po!”
Napahinto sa Aleng Rosa. Bumaling ito sa akin kaya naman pinalambot ko muli ang aking mga mata.
“Hindi naman ako maarte, Aleng Rosa. Kahit kasambahay lang ay ayos na sa akin,” malumanay kong wika. Ang tono ko ay pinalungkot ko pa. “Nais ko lamang po talaga maramdaman na kapiling ko parin ang aking mga magulang kahit man lang sa pamamagitan ng pagtratrabaho ko sa mga Salvador.”
Hinagod ni Aleng Rosa ang aking balikat bago ngumiti ng mapait sa akin.
“Kung ‘yan ang nais mo, hija.”
Ngumiti ako ng matamis. Ngunit mabilis ko rin iyong inalis sa aking labi.
“Maraming salamat po,” halos pabulong kong wika, taliwas sa nais kong pagtatalon dahil sa tuwa.
Muling naglakad si Aleng Rosa papasok at muli akong sumunod dito. Mabuti na lang ay dala-dala ko na ang ibang gamit kong pumunta rito. Nagtungo kasi ako kaagad sa bahay galing sa samenteryo bago tumungo dito kina Aleng Rosa. Mabuti na lang at nagpasya kong dalhin na ang mga gamit ko para diresto na agad ako sa mga Salvador kinabukasan.
Hindi nga ako nagkamali sa hula ko, dahil paggising ko, masayang balita ang binungad sa akin ni Aleng Rosa.
“Halika ka na at sasamahan kita sa mansyon ng mga Salvador, Talitha,” wika ni Aleng Rosa na siyang nagpaganda ng aking umaga.
Ang mga mata ko ay nasa magkahawak kamay lang namin ni Locke. Hindi ko alintana ang mga empleyadong nakatingin sa amin dahil ang isipan ko ay lumilipad.Lumilipad dahil ang tanging nasa isip ko ay paghahawak ni Locke sa kamay ko.At katulad ko, wala rin pakialam si Locke sa paligid niya. Abala pa rin ito sa katawagan niya sa cellphone. At tuwing may bumati sa kanya ng magandang umaga, tanging pagtango lang ang ginagawa nito.May isang lalaking lumapit sa kanya nang makarating kami sa isang pintuan—mukhang opisina niya. Base naman sa pananamit at tayo ng lalaking lumapit kay Locke mukhang secretary niya ito.“Good morning, sir.”“Send my schedule for today to my email,” agarang wika ni Locke. Hindi man lang nag-atubiling bumati pabalik.Binababa na nito ang cellphone niya. Mukhang tapos na sila kung sino man ang katawagan niya sa cellphone. Pero ang kamay ko ay hawak niya pa rin. Napansin ko naman ang miminsan tingin sa akin ng secretary ni Locke kaya maliit akong ngumiti rito.“Okay,
Si Locke lang ang nakilala kong hindi nagpapakumbaba. Si Locke lang ang lalaking kilala kong mataas ang tingin sa sarili. Si Locke lang ang kilala kong masama ang ugali.Walang kasing sama!Paano nitong nasasabi na may kasalanan ako sa kanya?! Hindi ba ako nito nakikita? Hindi ba ako nito naririnig?Nang dahil sa kababoyan niya, at walang kabuluhan niyang parusa sa akin, hindi ako makapagsalita ng maayos! Masakit ang lalamunan ko dahil sa kanya!“Anak, what business? What mistake?” lito pa ring tanong ni Tita Kelly.Ang mga mata ni Locke ay hindi ako nilubayan kahit na nagtatanong ang kanyang Mama. Hindi ko rin naman ito nilubayan ng tingin—sinugurado ko rito na makikita niya ang galit ko sa kanya sa pamamagitan nang matalim kong tingin.“Can Talitha rest for today, hijo? Look, she’s sick!” Inilahad pa ni Tita Kelly ang kanyang kamay sa banda ko.Hindi naman nagsalita si Locke. Naningkit ang mga mata nito sa akin. Ang kanyang panga ay mas lalong umigting.“No,” matigas nitong sagot.U
Hindi ko na hinintay si Locke na bumalik. Umalis na ako sa kanyang kwarto habang dala-dala angmga gamit ko. Hindi na ako nag-atubali pang magbihis din dahil alam ko na wala naman din makakakita sa akin kung lalabas akong hubad. Mabilis kong isinarado ang pintuan ng aking kwarto. Pumasok ako sa CR at tumungo sa shower. Binuksan ko ito ng malakas kaya sinalubong ako ng malamig na tubig. Unti-unti, pinadaosdos ko ang sarili ko sa pader na gawa sa glass. At habang nakaupo ako, ang tubig na nagmumula sa shower ay nagmistulang ulan dahil malakas na tumatama ito sa balat ko ang bawat patak. Hinayaan kong malakas ang pagbagsak ng tubig mula sa shower. Hinayaan kong malakas ang pagbagsak nito dahil gusto ko ang sakit ng bawat patak nito. Dahil kahit sa patak man lang ng tubig, maging manhid ako. Maging manhid ako sa ginawa sa akin ni Locke!Ang lalamunan ko ay masakit. Mahapdi at alam kong mahihirapan akong magsalita kinabukasan. Pero hindi ko na muna pinansin ito at hinayaan ang sarili las
Panandalian kong nakalimutan si Locke. Panandalian kong nakalimutan na tinakasan nga pala namin ito dahil sa payapa kong naramdaman sa maghapon namin sa park.Kaya ngayon nasa harapan ko ito. Magkasalubong ang mga kilay, madilim ang mga mata, at umiigting ang panga ay unti-unti akong kinabahan.“Do you have any idea how long I’ve been waiting here? I’ve been here since this morning!” ani nito sa malalim na boses.Napakamot ako sa aking noo.Bakit pa kasi naghintay pa siya? Bakit hindi na lang siya pumasok sa trabaho niya? Tapos ngayon parang kasalan ko pang naghintay siya d’yan magmula kaninang umaga.“Hindi ko naman sinabing maghintay ka,” mahinang wika ko, pero dahil tahimik ang buong mansyon, batid kong narinig ako nito.“It’s because you told me you’d wait for me!” malakas nitong wika.Napatalon ako sa tono niya. Tinignan ko siya ng masama dahil doon, pero mas matalim ang tingin nito sa akin.“You even promised you’d wait—but you left me!”“Bakit ba kasi gusto mong sumama?! Kita m
Hindi ko gustong sumama si Locke sa amin. Bukod sa ayaw ko nga itong kasama, paano ko maibebenta ang ninakaw ko kung kasama siya? Paano ko maibebenta ang relo at kwintas niya?!Makikita nito ang ibebenta ko kapag sumama siya sa amin!Mabilis akong sumunod kay Locke, hinila ko ang kamay nito. Pero dahil sa sobrang lakas niya, ako ang natangay niya sa halip na siya ang tangayin ko.“Tang ina…” mahina kong usal.Muntik na kasi akong makipaghalikan sa lupa kung hindi lang ako nasapo ni Locke sa isa niyang kamay!Mabilis akong humiwalay rito. Inayos ko ang bistida ko kahit na hindi naman talaga ako nadapa.“I’ll go with you, Talitha. No buts,” malamig nitong sabi kahit na hindi pa naman ako nagsasalita. “Get in my car. I’ll drive.”Suminghap ako.Anong car pinagsasabi nito? Mag je-jeep lang kaya kami!Napakamot ako ulit sa noo ko. Na stress na ako rito sa boss kong hibang!“Pero, Sir, iyang damit n’yo kasi…”“What about my clothes?” kunot-noo nitong tanong.Tinignan niya ang damit namin ni
Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mga magulang ko habang nakatulala ako sa kamay kong basa dahil sa luha.Bigla na lang nagpakita ang kanilang imahe—imaheng nakangiti sa akin ngunit malungkot ang mga mata.Suminghap ako at mabilis na pinunasan ang luhang hindi ko alam kung bakit pumatak. Kumain din ako at hinayaan ang kakaibang naramdaman na hindi ko mapangalanan.Nang matapos akong kumain, bumalik ako muli sa kwarto ni Locke. Hindi para mahiga muli sa kanyang kama, kung hindi para kumuha ng relo at kwintas niya.Wala akong pakialam kung makita ako nito sa CCTV! Wala akong pakialam kung parusahan niya ulit ako!Kung gusto niya ng isang daang libong pagtatalîk hanggang sa magsawa siya sa akin, uubusin ko naman ang mga alahas niya rito sa kwarto niya!Kung gagawin niya akong parusahan, gagawin ko naman siyang pagkakakitaan!Marami rin akong makukuha sa kanya na pwede kong pagkaperahan.Nang makakuha ako ng kwintas at relo, mabilis akong nagtungo sa aking kwarto upang ilagay ang mga it







