LOGINBago ako tuluyang umalis sa bar ay dumiretso muna ako kay Madam Nicky para kunin ang ATM card na ibinibigay sa aming mga nagtatrabaho sa ganitong klaseng trabaho.
ATM card iyon na ginawa talaga para sa amin. Doon inilalagay ang perang kinikita namin araw-araw, at kailangan na lang naming i-withdraw ang perang iyon para makuha namin. Mag-aalas dos na ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay namin. Hindi ko na rin tuluyang nakita pa si Ellie, kaya mag-isa na lang akong umuwi. Halos hindi na nga ako makasakay kanina dahil madaling araw na at wala nang bumabyahe sa ganitong oras. Pero mabuti na lang at may isang itim na kotse ang huminto kanina sa harapan ko at sinabing ihahatid na niya daw ako pauwi. Hindi ko na nga sana siya papansinin dahil baka may masama siyang binabalak at baka mapahamak pa ako, pero sinabi niya na kasama raw sa special treatment para sa amin na may naghahatid daw pauwi sa amin upang masigurong ligtas kami. Mabuti na lang talaga at wala siyang ginawa sa akin at hinatid lang niya ako hanggang sa mismong bahay namin. Nakakatuwa naman at may ganito palang treatment sa amin, dahil hindi ko na kailangang mangamba pa kung paano ako makakauwi tuwing magtatrabaho ako lalo na’t madaling araw na kami kadalasang natatapos. Pagkauwi sa bahay ay agad akong naligo, nag-toothbrush, at nagmumog para mawala ang pakiramdam ng ginawa ni Mr. Costello sa akin kanina. Pero kahit anong gawin ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin nawawala ang masamang pakiramdam na iyon sa akin. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin para lang makakuha ng malaking pera. Pero sisiguraduhin kong kakayanin kong tiisin ang lahat para magkapera. Kailangan ko nang masanay siguro sa ganitong klaseng trabaho, dahil alam kong mas malala pa ang maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Magdarasal na lang ako na sana ay hanggang doon na lang ang maranasan ko at huwag ko na sanang maranasan na galawin pa, dahil pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng bait kapag nangyari iyon. Dahan-dahan akong humiga sa tabi ni Fritz, na mahimbing na natutulog sa papag. Tiningnan ko ang payapa at inosente niyang mukha at hindi ko napigilang mapaluha. Magiging matatag ako para sa’yo, Fritz. Nakatulog ako habang umiiyak at nagising na lang nang gisingin ako ni Fritz. “Ate, gutom na ’ko.” Idinilat ko ang mata ko at napangiti nang makita ko ang cute at nakasimangot niyang mukha. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong alas-diyes na pala ng umaga at mukhang napahaba ang tulog ko. “Gutom na ang Fritz ko? Sige, maligo ka muna at aalis tayo. Kakain tayo sa labas at ipapasyal ka ni ate,” malambing kong sabi sa kanya. Nakita ko agad ang pagkislap ng mga mata niya sa tuwa at masaya siyang tumakbo papunta sa CR para maligo kaya napatawa na lang ako. Gustong-gusto niya kasing pinapasyal ko siya dahil may mga batang nakakalaro siya sa labas. Madalas kasi ay dito lang kami sa bahay dahil ayaw kaming palabasin ni Mama kapag wala siya. Kumilos na rin ako at nag-ayos dahil mabilis lang namang maligo si Fritz, lalo na kapag excited siya. Palabas na sana kami ng bahay nang matapos na kaming mag-ayos pero pagbukas ko ng p***o ay bumungad sa akin si Ellie. Ngumiti siya sa akin at kumaway. “Hi!” Napatulala ako sa kanya at nanibago sa itsura niya. Wala na ang makapal na make-up sa mukha niya at nakasuot na lamang siya ng simpleng t-shirt at pantalon. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon kumpara kahapon nang una ko siyang makita. Pero kahit simple lang ang ayos niya, hindi mo pa rin maikakaila ang ganda ng mukha niya at ang sobrang puti niyang balat na talagang nakakaagaw-pansin. Kita ko pa nga na ang mga lalaking tambay sa labas ay napapatingin sa kanya ngayon dahil talagang kapansin-pansin ang itsura niya. “Ikaw pala, Ellie. Bakit ka pala nandito?” “Makikibalita ako. I’m sorry nga pala last night, Madam Nicky talked to me like super tagal kaya hindi na kita nabalikan pa. Tapos I saw him pa last night, the man I told you.” Agad kong naintindihan na ang tinutukoy niya ay ang lalaking tinataguan niya. “Ano ba kasi ang ginawa mo at tinataguan mo siya? May nagawa ka bang kasalanan sa kanya?” maingat kong tanong. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot at sakit sa mukha niya, pero agad din naman siyang ngumiti. “You’re so chismosa pala, ah. Let’s not talk about him, okay? Ayoko muna siyang isipin.” Sumama siya sa amin ni Fritz dahil hindi raw siya mapalagay sa bahay niya. Minamanmanan daw kasi siya ng lalaking tinataguan niya kaya kailangan niyang pumunta sa kung saan-saan. Bago naman kami umalis ng bahay, kinuha ko muna ang ATM card kung saan nakalagay ang sahod ko at mahigpit ko itong hinawakan. Tinulungan ako ni Ellie kung paano mag-withdraw, at nagulat na lang ako sa nakita kong balance ng ATM card na hawak ko. Ang laki ng perang nandoon, at maging si Ellie ay nagulat din sa nakita niya. “Wow, you’re so tiba-tiba naman pala sa master mo. Ang laki niyang magbigay ng tip ah. Usually, nasa 50k lang ang pinakamalaking tip na I received sa master ko,” namamanghang sabi niya. Nasa 200k kasi agad ang tip na ibinigay sa akin at napakalaki nun, dahil 10k lang naman talaga ang bayad sa amin. Hindi ko rin in-expect na ganito kalaking pera agad ang matatanggap ko sa unang araw ko roon, lalo na’t nagalit pa sa akin si Mr. Costello dahil hindi ko nasunod ang ilan sa mga utos niya. “Who’s your master ba? Baka I know him,” tanong ni Ellie. Bigla kong naalala ang lalaking iyon at muli akong kinilabutan. Nakakatakot talaga siya. Isipin ko pa lang siya ay nanginginig na ako sa takot sa kanya. Pero malaki rin ang pasasalamat ko dahil sa malaking perang ibinigay niya sa akin. Makakaipon ako ng mabilis kung ganitong pera ang palagi kong makukuha. “Si Mr. Costello,” sagot ko. Napasinghap siya sa gulat kaya napatango na lang ako. Alam kong kilala niya iyon, dahil mukhang lahat naman ng mga babaeng ka-trabaho ko ay kilala ang pangalang iyon. “OMG, I didn’t know na siya pa pala ang unang magiging master mo. Kamusta ka naman? Hindi ka ba niya sinaktan?” nag-aalala niyang sabi. Agad akong umiling. “Hindi naman niya ako sinaktan.” “That’s good naman pala. Hindi ko siya naging master kahit kailan, ’cause my client is always Mr. Cleo. I also don’t know his mukha, but I know him naman since siya ata ang pinaka-sikat and super rich na client sa bar na ’yon. Kaya nga lang… sadista.” Halata naman sa kanya. Isang tingin mo pa lang sa kanya, alam mo na agad na kaya niyang manakit. “He’s at Room 69, right? I think you should not pick him na sa mga susunod na araw. You’re just lucky na hindi ata siya bad mood at hindi ka niya sinaktan. But you never know. It’s better na umiwas ka na lang sa kanya. They say pa naman na may tililing daw ’yon sa utak.” Nag-withdraw muna ako ng kaunting pera na sapat na para mabili ko ang lahat ng kahit anong gusto ni Fritz ngayon. Nang makuha ko na ang pera, muli kong tinuon ang atensyon ko kay Ellie. Iniwan ko muna si Fritz sa playground na malapit lang sa ATM machine kung nasaan kami ni Ellie. Nakikita ko naman siya mula rito kaya kampante akong iwan muna siya sandali. “Ano’ng ibig mong sabihin na may tililing siya? Tililing ba na parang baliw?” curious kong tanong sa kanya. Tumango siya. “Do you know ba yung word na obsessed?” Agad akong tumango. Pamilyar naman ako sa salitang iyon. “So ayun nga. Mr. Costello is from a wealthy and powerful family. His father has Obsessive Love Disorder na sobrang obsessed sa asawa niya. And since siya ang panganay ng tatay niya, may mga sabi-sabi na nakuha raw niya yung sakit ng father niya.” Tila natakot naman ako sa mga narinig ko. Ang alam ko, napakadelikado raw kapag may ganoong sakit ang isang tao. “Kaya nga mas better if you don’t choose him na to be your master. Mahirap na, baka magkaroon pa siya ng interest sa’yo. You’re so pretty pa naman,” dagdag pa nito. Tinandaan ko ang sinabi niyang iyon at hindi na namin muling pinag-usapan pa si Mr. Costello. In-enjoy na lang namin ang araw na iyon, lalo na si Fritz. Binilhan ko siya ng mga bagong damit at mga laruan, tapos kumain na din kami sa Jollibee dahil isang beses pa lang talaga kaming nakakakain doon. Nilibre ko rin si Ellie na ayaw pa nga sana niyang magpalibre dahil mas matanda raw siya sa akin, pero mapilit ako kaya napapayag ko rin siya. Pumunta rin kami sandali sa ospital para mabisita si Mama. At habang pinagmamasdan ko si Mama na mahimbing na nakapikit, pero may maraming tubong nakakabit sa katawan niya ay hindi ko napigilang umiyak. Nakakadurog ng puso na makita siya sa ganoong kalagayan. Mama, kaunting hintay na lang at magkakaroon na rin ako ng perang pampapaopera sa’yo… Huwag ka munang susuko, Mama. Iniwan ko muna sandali si Fritz kay Ellie at nag-CR ako dahil balak na naming umuwi dahil maggagabi na din. Habang nasa loob ako ng isa sa cubicle, may narinig akong boses ng isang babae na kakapasok lang sa CR. Tila may kausap siya sa cellphone dahil siya lang ang naririnig kong nagsasalita. “Ella naman! Kailan ka ba talaga babalik? Hindi ko na kayang magpanggap pa na ikaw. Hirap na hirap na akong magpanggap, lalo na’t kada kilos ko ay pinaghihinalaan na agad ako ng asawa mo!” rinig kong sabi niya sa kausap niya. “Tapos kagabi, muntik na naman niya akong galawin! Please naman, umuwi ka na! Kung anu-ano na ang excuse ang sinasabi ko sa kanya para lang hindi kami magsiping!” Kumunot ang noo ko sa narinig at natigilan sa pagtatangkang mag-flush ng inidoro. Ano iyon? “Ano?! Magpagalaw na lang ako sa kanya para hindi siya magduda?! Nasisiraan ka na ba? Asawa mo ’yon, Ella!” Nanlaki din ang mata ko sa narinig. Grabe naman yung kausap niya. Mukhang nagpapanggap siya na siya ang taong kausap niya ngayon, tapos ang gusto ng kausap niya ay magpagalaw siya dun sa lalake kahit hindi naman niya asawa? Paano niya nasasabi iyon? “Pakiusap, umuwi ka na. Natatakot na ako kay Dallen dahil paano kung malaman niya? Alam mo kung anong klaseng tao siya, diba? Paniguradong sobra siyang magagalit sa akin kapag nalaman niya ito. Ayoko na magsinungaling pa sa kanya,” nakikiusap niyang sabi. “And what is the thing you are hiding from me?” Isang manly na boses ang narinig ko na pumasok dito sa loob ng CR. Narinig ko namang napasinghap yung babae at may nahulog na bagay sa sahig. Bakit pumasok ang isang lalake dito sa loob ng CR ng mga babae? Pero base sa tinanong niya sa babae at sa singhap nito, siguro siya ang Dallen na sinasabi nung babae. Nanatili lang akong nakatayo dito sa loob ng cubicle, tahimik na nakikinig sa nangyayari. Nakakahiya naman kasing lumabas, at mukhang galit yung lalake dun sa babae base sa tono niya. “What do you mean that I will become angry once I find it? What is it, Ella? Are you fucking cheating again with some other guys?!” Halos mapatalon ako sa gulat nung sumigaw ito. Nakakatakot naman siya. “H-hindi. Mali ang inaakala mo—ahh!” Bigla na lang nawala ang boses nila sa loob ng CR at mukhang hinila na siya ng lalake paalis. Nakiramdam muna ako ng ilang segundo kung wala na ba talagang tao sa paligid bago i-flush ang inodoro at lumabas sa cubicle. Napakamot na lang ako sa ulo sa nangyari kanina at tuluyang lumabas na sa CR. Sana maging maayos ang lagay ng babae kanina kung sino man siya. Dahil mukhang galit na galit pa naman din yung lalake sa babae kahit kaunti lang ang narinig niya sa sinabi nung babae. Huminga ako ng malalim at hindi na pinansin pa ang nangyari sa loob ng CR. Marami na akong problema sa buhay at ayokong idagdag pa ang narinig ko sa iisipin ko. Mas magandang bumalik na ako kila Ellie. “Nasaan na kaya sila, Ellie?” Pagliko ko sa isang pasilyo para hanapin sila Fritz ng natigil ako sa paglalakad at nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang isang pamilyar na mukha ng isang lalake na makakasalubong ko ngayon. Mr. Costello… Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood ko lang siyang maglakad habang diretso lang ang tingin at walang ni isang ekspresyon sa mukha. Ang mga taong nakakasalubong niya ay napapahinto sa paglalakad at napapatitig sa kanya dahil sa angkin niyang kagwapuhan, pero wala siyang pinansin sa kanila, kahit isa. Agad akong tumalikod sa kanya nung gumawi ang tingin niya sa akin at mahigpit na ikinuyom ang kamao ko. Bakit naman makikita ko pa siya dito? Balak ko na sanang umiwas sa kanya dahil sa sinabi ni Ellie kanina. Hindi naman siguro niya nakita ang mukha ko kanina, hindi ba? Alam kong makikilala niya agad ako dahil nakita niya ang mukha ko kagabi. “Diego, nandito ka na pala!” Napatingin ako sa nagsalita at natigilan nang makita ang isang gwapong lalake na may kaunting hawig kay Mr. Costello. Magkamukha sila. Kapatid ba niya ito? Agad akong humarap sa pader nang makita kong tumigil si Mr. Costello sa mismong harap ng lalake, at nakatayo pa sila sa mismong tabi ko. “How’s Dimitri? And what happened to Dallen and his wife? Nakita ko sila palabas ng hospital, at hila-hila niya ang asawa niya.” Napapikit ako ng marinig ko ang malamig na boses niya. Kung ganun, Diego pala ang pangalan niya. “Ewan ko, siguro nag-away na naman sila dahil sa panglalalake ni Ella,” sagot naman ng kausap niya. Kumunot ang noo ko. Dallen? Ella? Posible kaya na yung dalawang taong narinig kong nag-uusap sa CR kanina ay sila din ang tinutukoy nila ngayon? “Tara na, kanina ka pa hinahanap nila Mom and Dad,” sabi pa ng lalakeng kausap ni Diego. Halos magtaasan ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman kong sumulyap muna sa akin si Diego bago tuluyang sumama dun sa lalake. Nang tuluyan na silang makalayo, doon ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko dahil sa takot ko kay Diego. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa presensya niya. Kailangan ko na hanapin sila Fritz. Kailangan na naming umalis dito.Bago ako tuluyang umalis sa bar ay dumiretso muna ako kay Madam Nicky para kunin ang ATM card na ibinibigay sa aming mga nagtatrabaho sa ganitong klaseng trabaho.ATM card iyon na ginawa talaga para sa amin. Doon inilalagay ang perang kinikita namin araw-araw, at kailangan na lang naming i-withdraw ang perang iyon para makuha namin.Mag-aalas dos na ng madaling araw nang makauwi ako sa bahay namin.Hindi ko na rin tuluyang nakita pa si Ellie, kaya mag-isa na lang akong umuwi. Halos hindi na nga ako makasakay kanina dahil madaling araw na at wala nang bumabyahe sa ganitong oras.Pero mabuti na lang at may isang itim na kotse ang huminto kanina sa harapan ko at sinabing ihahatid na niya daw ako pauwi.Hindi ko na nga sana siya papansinin dahil baka may masama siyang binabalak at baka mapahamak pa ako, pero sinabi niya na kasama raw sa special treatment para sa amin na may naghahatid daw pauwi sa amin upang masigurong ligtas kami.Mabuti na lang talaga at wala siyang ginawa sa akin at h
Agad kong kinuha ang maskara para sana isuot muli ito sa mukha ko, pero mabilis din niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako."Why are you still trying to cover it when I already saw your face?"Umiling ako."H-hindi puwede. Bawal naming ipakita ang mukha namin sa inyo."Natawa siya nang mahina. "You're so obedient. But I don't like it when you’re obedient to someone else and not me."Hinawi niya ang buhok ko nang marahan, tila sinusukat ang reaksyon ko habang nakatitig pa rin nang diretso sa akin."I'm your master for today, right? What I want, you should follow, not their fucking rules. So if I say I like seeing your face, you should let me see it," madiin niyang sabi, dahilan para mapakislot ako sa tono ng boses niya."P-pero… paano yung r-rules…"Kahit wala man sinabi sa akin kung ano ang mangyayari kapag hindi ko sinunod ang mga iyon, pero rules are rules at dapat ko itong sundin.Lalo na kung para sa kapakanan ko iyon.Ngumisi siya, pero halatang hindi siya natutuwa sa pil
Sinubukan kong hanapin muna si Ellie sa labas at baka makasalubong ko pa siya bago ko simulan ang trabaho ko, pero hindi ko na talaga siya makita. Kaya sumakay na lang ako sa elevator na nakita ko at agad na dumeretso sa pinakamataas na floor.Halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko habang tumataas ang elevator, dala ang kaba na nararamdaman ko.Ramdam ko rin ang pagnginig ng kamay ko sa takot at sa pag-iisip ng kung ano-ano.Halos mapigil ko na ang paghinga ko, lalo na nung huminto ang elevator at kusang bumukas ang pinto.Napatitig ako sa labas."Kaya ko ba talaga ’to?" mahina kong sabi.Halos hindi ko na magawang igalaw pa at mailabas ang mga paa ko sa elevator sa takot, pero kapag naiisip ko yung perang matatanggap ko, pinilit kong pikit-mata na lang sa maaaring sapitin ko at lumabas na.Napatingin ako sa paligid at napansin ang kakaiba sa floor na ito kumpara sa mga naunang floor. Paglabas mo sa elevator, hallway agad ang bubungad sa’yo, at sa magkabilang gilid ay magkakas
Pagpasok pa lang namin sa loob ay agad na akong nailang sa mga ginagawa ng mga tao roon.Ang iba ay grabe kung uminom sa gilid at yung iba ay panay sayaw lang sa dance floor, habang yung iba naman ay halos may ginagawa nang kababalaghan sa iba’t ibang parte ng lugar, kulang na lang ay maghubaran na sila.Hindi ko tuloy maiwasang matakot at kabahan sa maaaring mangyari sa akin dito.Madali lang kaming nakapasok ni Ellie dito. Sa una ay kabado pa nga ako dahil baka hindi ako papasukin dahil menor de edad pa naman ako. Pero nang ipaliwanag ni Ellie na kasama niya ako, hindi na ako tinanong pa ng nagbabantay sa entrance at pinapasok na kami sa loob.Ngayon tuloy, todo kapit ako sa braso ni Ellie dahil sa mga nakikita ko.First time ko lang pumasok sa ganitong lugar kaya bago pa ang lahat sa akin.At alam naman iyon ni Ellie, kaya mahigpit din ang hawak niya sa akin para hindi ako mahiwalay sa kanya dahil siksikan ang mga tao sa loob.Mukhang sikat talaga ang bar na ito dahil napakadaming
"Kailangan na kailangan nang maoperahan ang mama mo dahil lalo lang lumalala ang kalagayan niya. Kapag hindi pa siya naoperahan, ikinalulungkot ko mang sabihin, pero ihanda niyo na ang sarili niyo sa maaaring mangyari."Mas lalo akong napaiyak nang maalala ko ang sinabi ng doctor sa akin kanina.Ramdam kong kanina pa din ako pinagtitinginan dito sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako iyak nang iyak, pero hindi ko na lang sila pinapansin at patuloy pa rin akong nananalangin.Hindi ko alam kung pinakikinggan ba talaga ako ng Diyos, dahil kahit araw-araw akong manalangin sa kanya, palagi pa ring may problemang dumarating sa akin.Ni hindi ko nga alam kung kailan darating ang araw na wala akong kahit isang problema at magiging masaya lang ako sa buhay.Ganoon ka-miserable ang buhay na meron ako ngayon.Hindi ko alam kung kakayanin ko kung mawawala si Mama sa amin ng nakakabata kong kapatid.Ampon lang kaming dalawa ni Fritz kaya napakalaki ng utang na loob ko kay Mama. Siya na lang ang







