Share

His Purchased Mistress: A Contract for an Heir
His Purchased Mistress: A Contract for an Heir
Author: ExDealers

Chapter 001

Author: ExDealers
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-01 16:39:40

ZANIYAH

Hindi ako madaling matakot, pero may mali talaga sa lugar na ito.

Ilang beses ko nang sinabi iyon sa sarili ko mula nang sunduin ako ng dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit. Wala silang masyadong sinabi habang nasa biyahe kami. Ni hindi nga nila ipinaliwanag kung anong klaseng trabaho ang gagawin ko.

Basta ang sabi lang nila, may naghihintay sa akin.

At kapag natapos ko raw ang trabaho ngayong gabi, mababayaran na ang utang ng pamilya ko.

Pero kung trabaho talaga ang ipinunta ko rito, bakit ako nakatayo ngayon sa loob ng isang dressing room?

Napatingin ako sa paligid.

Napakalaki ng silid. Kulay ginto ang frame ng salamin, maliwanag ang mga bombilyang nakapalibot dito, at may mahabang mesa na puno ng mamahaling make-up, pabango, at kung ano-anong kagamitan sa pag-aayos ng buhok.

Parang nasa backstage ito ng isang fashion show.

“O, Zaniyah. Ito ang isuot mo.”

Napalingon ako sa babaeng sinundan ko kanina.

Naka-fit na itim na dress siya at mataas na takong. Maayos ang pagkakapusod ng buhok niya, at wala man lang mabasang emosyon sa mukha niya habang iniaabot sa akin ang isang hanger.

Dahan-dahan kong tinanggap iyon.

Pagkakita ko sa damit, kusa akong napamura sa isip.

Isang maikling itim na satin dress ang nakasabit sa hanger. Corset-style ang pang-itaas, may manipis na lace sa dibdib at mga strap na halos sinulid lang sa nipis. Napakaikli rin ng palda at may maliit na hiwa sa isang gilid. May kasama pa itong lace choker, itim na stockings na hanggang hita, at mataas na takong.

Para iyong costume na isinusuot ng babaeng gumaganap bilang seductress sa mga malalaswang pelikula.

Napatingin ako sa babae.

“P-Po?” Napakunot ang noo ko. “Hindi naman cosplay ang pinunta ko rito.”

Saglit niya akong tinitigan bago napabuntong-hininga.

“Basta isuot mo na lang iyan. At hindi mo na kailangang malaman muna ang lahat.”

Umigting ang panga ko. “Ako ang magsusuot, pero hindi ko kailangang malaman?”

Hindi siya natuwa sa sagot ko. Tumalim ang tingin niya.

“Kung gusto mong mabayaran ng pamilya mo ang pagkakautang ninyo kay Mr. Langford, sundin mo na lang ang sinasabi ko.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin nang banggitin niya ang pangalan ni Mr. Langford.

Napatingin ulit ako sa damit.

Sampung milyon.

Iyon ang utang ng mga magulang ko sa lalaking iyon.

“Babalikan kita after fifteen minutes,” sabi ng babae. “At sa oras na iyon, kailangan nakaayos ka na.”

“Sandali—”

Hindi na niya ako hinintay. Lumabas siya at isinara ang p***o.

Narinig ko ang mahinang pag-click ng lock mula sa labas.

“Hoy!”

Mabilis akong lumapit sa p***o at pinihit ang doorknob.

Hindi bumukas.

“Bakit ninyo ako ikinulong?!” sigaw ko habang kinakatok ang p***o. “Ano ba talagang trabaho ang gagawin ko rito?!”

Walang sumagot.

Napakuyom ang mga kamay ko.

Kung hindi lang nakasalalay rito ang bahay at kabuhayan namin, kanina pa ako nakipagsuntukan sa dalawang lalaking nagdala sa akin dito.

“Isang gabi lang, Zaniyah. Pagkatapos nito, matatapos na ang problema natin.”

Iyon ang paulit-ulit na sinabi ng mga magulang ko.

Huminga ako nang malalim at humarap sa salamin. Hindi ako nababagay rito. 

Kupas na dark gray na T-shirt ang suot ko. Maluwag iyon at halos abot sa gitna ng mga hita ko. Ipinares ko lang iyon sa lumang cargo pants at puting sneakers na ilang beses ko nang tinahi dahil ayaw kong bumili ng bago.

Nakapusod ang mahaba kong buhok at wala rin akong make-up.

Ganito lang naman talaga ako manamit.

Maluwag. Komportable. Walang arte.

Madalas nga akong mapagkamalang tomboy ng mga kapitbahay dahil hindi ako nagsusuot ng dress o palda. Hindi rin ako marunong maglagay ng kolorete sa mukha gaya ng ibang babae.

Pero wala akong pakialam.

Mas gusto kong magbuhat ng mga kahon sa karinderya kaysa maglaan ng dalawang oras sa pagpili ng lipstick.

Sa katunayan, ni minsan ay hindi pa ako nagsuot ng damit na halos ilantad na pati ang mga bahaging pilit kong tinatakpan. 

At ngayon, gusto nilang isuot ko ito?

Napatingin ako sa hawak kong dress.

“Kailangan pa ba talaga ito sa trabaho?” bulong ko.

Pero wala akong ibang choice kaya dahan-dahan kong hinubad ang T-shirt ko.

Habang nagpapalit, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari dalawang araw ang nakalipas.

Dati, maayos ang buhay namin. Hindi kami mayaman, pero nakakaraos kami sa maliit na palaisdaan at karinderya nina Mama at Papa.

Hanggang sa nagka-red tide at nagkasakit ang mga isda kaya humina ang benta. Napilitan silang umutang kay Mr. Langford, pero dahil sa mataas na interes, umabot sa sampung milyong piso ang utang namin.

Dalawang gabi ang nakalipas, dumating ang mga tauhan ni Mr. Langford at nagbantang kukunin ang bahay at mga negosyo namin kapag hindi nakabayad sina Mama at Papa.

Pagkatapos nilang magmakaawa, sinabi ng mga lalaki na may isa pang paraan—kailangan kong sumama sa kanila ngayong gabi.

Sa una nagduda ako. Anong klaseng trabaho ang kayang magbayad ng sampung milyong piso sa loob lamang ng isang gabi?

Pero pinili kong maniwala dahil mga magulang ko sila. Alam kong hinding-hindi nila ako ilalagay sa kapahamakan.

Napakurap ako nang bumalik ang isip ko sa kasalukuyan.

Nakasuot na sa akin ang dress.

Nahihirapan akong huminga dahil mahigpit ang corset sa baywang ko. Ilang beses ko ring hinila pababa ang palda, pero kahit anong gawin ko, maikli pa rin nito.

Isinuot ko ang stockings at sapatos.

Muntik pa akong matumba nang tumayo ako.

“Bwisit,” bulong ko habang kumakapit sa mesa.

Paano nakakalakad ang ibang babae sa ganitong katangkad na sapatos?

Napatingin ako sa salamin at napalunok.

Halos hindi ko nakilala ang sarili ko.

Dahil sa hapit ng dress, litaw ang hubog ng katawan ko. Bumagsak ang mahabang buhok ko sa likod matapos kong alisin ang tali. Wala pa akong make-up, pero sapat na ang suot ko upang magmukha akong ibang tao.

Maya-maya, bumukas ang p***o.

Bumalik ang babae, kasama ang dalawa pang babaeng may dalang make-up kit.

Mabilis nila akong pinaupo sa harap ng salamin.

Hindi man lang nila ako tinanong kung gusto kong lagyan ng make-up. Basta na lamang nila inayos ang mukha ko, kinulayan ang mga labi ko ng pula, at nilagyan ng foundation ang mukha at kaunting eyeshadow.

“Mas maganda siya kaysa nasa litrato. Magugustuhan siya ng mga bisita,” sabi ng isang babae.

Napalingon ako sa kanila.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

Pareho silang nanahimik.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Nang matapos sila, umatras ang babaeng nagdala sa akin doon at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

“Ano ready ka na? Tumayo ka,” sabi niya.

Hindi ako agad gumalaw.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ninyo sinasabi kung anong trabaho ito.”

Malamig siyang ngumiti. “Malalaman mo rin ‘yan mamaya.”

Hinawakan niya ako sa braso. Agad ko iyong binawi.

“Huwag mo akong hawakan.”

Saglit na kumislap ang inis sa mga mata niya, ngunit hindi na siya nakipagtalo. Tinuro niya lamang ang p***o.

“Sumunod ka.”

Wala akong nagawa kundi lumakad sa likuran niya.

Tahimik ang pasilyo sa labas ng dressing room. Makapal ang pulang carpet sa sahig, at may mga guwardiyang nakatayo sa bawat sulok. Lahat sila ay armado.

Doon ako lalong kinabahan dahil mukhang hindi ito isang ordinaryong trabaho.

Huminto kami sa harap ng isang malaking p***o.

May dalawang lalaking nakabantay roon.

Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa bago binuksan ang p***o.

At sa sandaling bumungad sa akin ang nasa loob, parang biglang nawalan ako ng hininga.

Napakalawak ng silid.

Parang teatro at mamahaling club sa loob. Medyo madilim ang paligid, maliban sa maliwanag na stage sa harapan.

Maraming lalaking nakasuot ng mamahaling suit ang nakaupo roon. May matatandang maraming alahas at may mga nasa late 20s na mga lalaki ang seryosong nakaupo. May hawak na alak ang ilan, habang may mga guwardiyang nakabantay sa likuran nila. 

Mukhang makapangyarihan at mapanganib silang lahat. Nakakatakot silang tingnan.

Dumako muli ang tingin ko sa stage. May isang lalaking nakatayo sa gitna. Nakasuot siya ng tuxedo at may hawak na maliit na kahoy na martilyo.

Sa tabi niya ay isang babae.

Halos kapareho ko ang suot nito. Nakayuko siya habang nanginginig ang mga kamay.

“Going once,” sigaw ng lalaking may hawak ng martilyo.

Isang matandang lalaki sa harap ang nagtaas ng maliit na paddle.

“Eighteen million!”

“Twenty million,” sigaw ng isa pang lalaki mula sa kanan.

Nag-ikot ang tingin ang lalaking nasa stage sa paligid.

“Twenty million. May tataas pa ba?” tanong niya.

Tahimik ang silid. Dahil doon, naramdaman kong nanigas ang buong katawan ko.

“Going once, going twice.” Itinaas ng lalaki ang martilyo at saka binagsak iyon. “Sold for twenty million pesos to Mr. Riven Hayes. Congratulations!”

Nagpalakpakan naman ang ilang lalaki. Samantalang ang babaeng nasa stage ay napapikit, at isang luha ang gumulong sa pisngi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Parang biglang nagdugtong-dugtong sa isip ko ang lahat.

Napaatras ako ng isang hakbang habang umiiling. Napalingon ako sa babaeng kasama ko, ngunit wala akong mabasang awa sa mukha niya. Nang hawakan niya ang braso ko, agad akong nagpumiglas.

“Anong lugar ito? Bakit nila ibinenta ang babaeng iyon?!” inis kong tanong sa kanya.

“Tumahimik ka, Zaniyah. Ito lang ang paraan para mabayaran niyo si Mr. Langford. Pumayag naman mga magulang mo rito.”

Nanlaki ang mga mata ko at halos manlumo sa narinig ko.

Doon ko tuluyang naunawaan na hindi ako dinala rito para magtrabaho, kundi para ibenta—at hinayaan lamang iyon ng sarili kong mga magulang.

Mabilis akong napatingin sa stage nang sabihin ng auctioneer ang susunod niyang mga salita.

“Ladies and gentlemen, prepare your paddles. Our next item tonight is a special young woman—healthy, pure, and untouched.”

Parang huminto ang puso ko nang lalong humigpit ang hawak ng babae sa braso ko.

“Oras mo na.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Anak ng—ako na pala ang susunod.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 005

    ZANIYAHParang hindi agad naintindihan ng utak ko ang sinabi niya. Mistress?Ibig sabihin, may asawa na siya at gusto niya akong maging kabit?Matagal na kaming wala. At wala akong karapatang magalit kung nagpakasal siya sa ibang babae.Pero paano naman ako?Habang hinihintay ko ang pagbabalik niya, may iba na pala siyang pinakasalan?Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. “Ano’ng sinabi mo? Gusto mo akong maging kabit?”“Oo,” agad niyang sagot.Napatawa ako at malamig ko siyang tiningnan.“Talagang nawala ka nang limang taon para bumalik at alukin ako ng ganito?” tanong ko. “Ano ako sa tingin mo, Aamon? Isang babaeng mabibili mo dahil lang marami kang pera?” Malamig na ngumisi si Aamon.“Galit ka dahil binili kita. Pero kung si Riven ang nanalo, baka ngayon ay nagmamakaawa kang sana ako na lang ang bumili sa iyo. Hindi ba?”Napakuyom ang mga kamay ko. “Putang ina mo,” mariin at seryoso kong sabi.Hindi man lang siya natinag sa mura ko. Kinuha lamang niya ang baso ng alak at tahimik

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 004

    ZANIYAHMatagal kong hinintay na makita siyang muli. Ilang taon kong inisip kung ano ang sasabihin ko kapag nagkaharap kami. Akala ko, sisigawan ko siya. Sasampalin. Tatanungin kung bakit niya ako iniwan nang walang paliwanag.Pero ngayong narito na siya, ni hindi ako makagalaw.“Going once,” sabi ng auctioneer.Hindi inalis ni Aamon ang tingin sa akin.“Going twice.”Humigpit ang mga daliri ko sa gilid ng maikling dress na suot ko.Hindi ba niya ako nakilala?O nakilala niya ako, pero wala lang talagang halaga sa kanya ang nangyayari?Itinaas ng auctioneer ang martilyo at mariin iyong ipinukpok sa mesa.“Sold for one hundred million pesos to Mr. Aamon Carrington!”Umalingawngaw ang malakas na tunog ng martilyo sa buong silid.Nagsimulang magpalakpakan ang ilang lalaki. Narinig ko rin ang mga bulungan tungkol sa napakalaking halagang ibinayad ni Aamon para sa akin.Pero halos wala akong marinig.Iisang salita lang ang paulit-ulit sa isip ko.Sold. Nabenta ako sa lalaking ex-boyfriend

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 003

    ZANIYAHMaayos ang pagkakaayos ng buhok ni Riven Hayes at mukhang nasa late twenties. Guwapo ang mukha niya, pero walang kahit anong kabaitan sa mga mata niya. Nakasandal lang siya sa upuan habang umiikot ang baso ng alak sa isang kamay.Parang walang halaga sa kanya ang dalawampung milyong binanggit niya.Napakunot ang noo ng ilang lalaki.“Hoy, Riven!” sigaw ng isa. “Nakakuha ka na ng isa kanina!”Nagtawanan ang ilan.“Ibigay mo naman sa amin ang isang ito! Bakit kailangan mo pa ng dalawa?”Ngumisi si Riven habang nakatingin sa akin.“Magkaiba sila,” sagot niya. “At mas gusto ko ang isang ito.”“Dahil virgin pa?” natatawang tanong ng isang lalaki.Hindi na siya sinagot ni Riven. Muling nagtawanan ang mga lalaki.“Puwede mo namang ipahiram sa amin pagkatapos!” sigaw ng isa mula sa likuran.“Baka kailangan niya ng maraming kalaro para matutong sumunod!”Mas lalo silang nagtawanan.Nagsikip ang sikmura ko. Parang gusto kong masuka.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang mabili

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 002

    ZANIYAH“Bitawan ninyo ako!”Buong lakas akong nagpumiglas, pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ng dalawang guwardiya sa magkabilang braso ko. Sinubukan kong sipain ang isa, ngunit dahil sa taas ng suot kong takong, muntik pa akong matumba.“Hindi ako sasama sa inyo!” sigaw ko. “Hindi ninyo ako puwedeng ibenta!”Wala man lang silang pakialam sa sinasabi ko.Parang wala silang naririnig habang sapilitan nila akong inilalakad patungo sa stage.“Tumigil ka na,” malamig na sabi ng babaeng nagdala sa akin doon. “Wala ka nang magagawa.”“Hindi ako bagay na puwede ninyong ibenta!”“Bayad na ang utang ng pamilya mo kapag natapos ito, Zaniyah.”Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa corset na suot ko, pero mas nakakasakal ang mga matang nakasunod sa akin.Lahat ng lalaki sa loob ng silid ay nakatingin sa akin.Walanghiya.Parang hindi ako tao sa paningin nila. Parang isa lamang akong bagay na inilabas upang suriin bago bilh

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 001

    ZANIYAHHindi ako madaling matakot, pero may mali talaga sa lugar na ito.Ilang beses ko nang sinabi iyon sa sarili ko mula nang sunduin ako ng dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit. Wala silang masyadong sinabi habang nasa biyahe kami. Ni hindi nga nila ipinaliwanag kung anong klaseng trabaho ang gagawin ko.Basta ang sabi lang nila, may naghihintay sa akin.At kapag natapos ko raw ang trabaho ngayong gabi, mababayaran na ang utang ng pamilya ko.Pero kung trabaho talaga ang ipinunta ko rito, bakit ako nakatayo ngayon sa loob ng isang dressing room?Napatingin ako sa paligid.Napakalaki ng silid. Kulay ginto ang frame ng salamin, maliwanag ang mga bombilyang nakapalibot dito, at may mahabang mesa na puno ng mamahaling make-up, pabango, at kung ano-anong kagamitan sa pag-aayos ng buhok.Parang nasa backstage ito ng isang fashion show.“O, Zaniyah. Ito ang isuot mo.”Napalingon ako sa babaeng sinundan ko kanina.Naka-fit na itim na dress siya at mataas na takong. Maayos ang pagkak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status