Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-03-03 17:31:54

Xander’s POV

Minsan, iniisip ko kung paano nga ba nagbago ang buhay ko sa loob lamang ng ilang taon. Kung paano ako mula sa pagiging isang hamak na Dela Fuente, isang binatang walang pangalan at kapangyarihan, ay biglang naging Xander Montevista—isang CEO na may hawak sa isang imperyo.

Naalala ko pa ang araw na iyon. Ang araw na natuklasan kong hindi lang pala ako basta isang ordinaryong lalaki na iniwan ng babaeng mahal ko.

——

Papalabas ako noon sa isang maliit na apartment, galit at wasak ang loob dahil kay Althea. Umalis siya. Iniwan niya ako nang walang pasabi. Wala akong ideya kung saan siya nagpunta, pero isang bagay lang ang sigurado—mas pinili niya ang lalaking iyon kaysa sa akin.

Doon ako natagpuan ni Uncle Ford, ang matagal nang kaibigan ng pamilya namin. Isang lalaki na hindi ko kailanman inakala na may kinalaman sa buhay ko.

"Xander, kailangan nating mag-usap," seryoso niyang sabi habang nakaupo kami sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit bigla niya akong kinausap, pero sa puntong iyon, wala na akong pakialam.

"Ano pa ba ang kailangang pag-usapan? Kung paano ako niloko ng babaeng mahal ko? Wala na akong interes sa kahit anong drama, Uncle," malamig kong sagot.

Ngunit hindi ako handa sa mga salitang binitiwan niya.

"Hindi si Luciana Dela Fuente ang dapat mong apelyido, Xander. Hindi mo alam dahil itinago sa’yo ng ina mo. Pero ikaw ay isang Montevista. Anak ka ng bilyonaryong si Eduardo Montevista, ang may-ari ng Montevista Group of Companies."

Akala ko, isa lang itong malupit na biro. Pero nang makita ko ang mga dokumentong dala niya—ang DNA test, ang mga lumang sulat ng ina ko kay Eduardo Montevista—napagtanto kong hindi ito isang palabas.

Isa akong Montevista.

At sa isang iglap, nagbago ang buhay ko.

Hindi ko kailanman inisip na magiging akin ang lahat ng ito—ang kayamanan, ang kapangyarihan, ang respeto. Sa loob ng mahabang panahon, nagdusa ako sa kahirapan, sa pagmamaliit ng ibang tao. Pero ngayong hawak ko na ang lahat ng ito, isang bagay lang ang nasa isip ko—gagawin ko ang lahat upang makuha ang dapat ay sa akin.

——

Habang minamaneho ko ang sasakyan pauwi sa condo ko, hindi ko maiwasang bumalik sa araw na nalaman kong isa akong Montevista. Hindi iyon simpleng balita. Isa iyong sandata.

At ngayon, muling bumalik sa buhay ko si Althea—ang babaeng minahal ko, ang babaeng iniwan ako, at ang babaeng may utang sa akin.

"Nagkamali kang bumalik, Althea," mahina kong bulong habang mahigpit na hinawakan ang manibela. "Dahil ngayong nandito ka na ulit, hindi na kita papayagang lumayo. At sisiguraduhin kong babayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin."

Xander’s POV

Mula sa loob ng sasakyan, kitang-kita ko kung paano kausap ni Althea ang isang babae sa labas ng apartment niya. May kasama silang isang maliit na bata—isang batang babae na sa tantya ko’y nasa lima o anim na taong gulang. Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan silang tatlo. May kung anong kumurot sa loob ko, isang pakiramdam na hindi ko gusto.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, pero bago ko pa mapigilan ang sarili ko, bumukas na ang pinto ng kotse at mabilis akong bumaba. Diretso akong naglakad papunta kay Althea, hindi alintana ang pagtatakang reaksyon niya nang makita ako.

"Ano ‘to?" malamig kong tanong habang nakatingin sa bata. "Anak niyo ba siya ng lalaki mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Althea, halatang nagulat sa tanong ko. Sandali siyang natigilan, pero agad din niyang ibinalik ang composure niya.

"Wala kang pakialam, Xander," matigas niyang sagot.

Ngunit hindi ako papayag na hindi niya sagutin ang tanong ko. Sa loob ng ilang taon, pinaniwalaan kong iniwan niya ako para sa ibang lalaki, at ngayon, bigla na lang may batang lilitaw sa buhay niya?

"Sumagot ka, Althea," madiin kong sabi, hindi alintana ang presensya ng ibang tao. "Anak mo siya? Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan noon?"

Napahinga nang malalim si Althea bago lumingon sa batang babae. Agad niyang hinawakan ang kamay nito, para bang gusto niyang protektahan ito mula sa akin.

"Hindi mo kailangang malaman, Xander," mahinahon pero matigas niyang sagot.

Nagpanting ang tenga ko sa sagot niyang iyon. Bakit hindi niya kailangang sabihin? Dahil ba sa totoo ngang anak niya ang batang ito?

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang bata. Kahit papaano, may kung anong familiarity sa mukha niya—ang hugis ng mata, ang ekspresyon sa mukha.

Hindi ko alam kung paranoia lang ba ito o epekto ng galit ko kay Althea, pero sa loob-loob ko, may bumubulong na baka may hindi pa ako alam.

At hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo.

Sumikip ang dibdib ko sa inis habang nakikita ang matigas na ekspresyon ni Althea. Ilang taon na ang lumipas, pero hindi pa rin siya nagbabago. Lagi siyang may tinatago. Lagi niyang pinipiling ilihim ang katotohanan, lalo na sa akin.

"Anak mo siya, ‘di ba?" Matalim ang boses ko, puno ng panunumbat. "Tingnan mo nga ‘yang bata, Althea! Ni hindi mo ba nakikita ang pagkakahawig niya sa’yo?"

Napatingin ako sa batang babae na tahimik lang na nakahawak sa kamay ni Althea. Mas lalo akong napikon nang mapansin kong para bang mas naging protective pa si Althea sa bata.

"Wala kang karapatan na tanungin ako ng ganyan, Xander," matigas ang sagot niya, ang mga mata niya’y nagliliyab sa galit. "At kahit anong pilit mo, hindi kita kailangang sagutin!"

Napahagikhik ang babaeng kasama niya, tila natutuwa sa sagutan namin. Mas lalo akong nainis. "Ano ba ‘to, Althea? Isa na namang sikreto? Isa na namang kasinungalingan?"

Huminga siya nang malalim at inilapit ang mukha sa akin, hindi nagpatinag. "Kung ano man ang iniisip mo, Xander, wala akong pakialam. Hindi kita kailangang bigyan ng paliwanag."

"Talaga?" Inis kong sagot. "Bakit? Dahil ayaw mong aminin na may pamilya ka na habang ako, nagmumukhang gago rito?"

Kitang-kita ko kung paano nanikip ang panga niya, pero hindi pa rin siya nagsalita. Hindi niya ako nilinawagan. Hindi niya ako pinayapa. Ang ginawa niya lang ay ang palaging ginagawa niya—ang umiwas.

Mas lalong nagdilim ang paningin ko. "Althea, sabihin mo sa’kin ang totoo. Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi kung sino ang ama ng batang ‘yan!"

Lumingon siya sa batang babae na halatang naiilang na sa sitwasyon. Parang may kung anong nag-flash sa mga mata niya bago niya ako muling hinarap.

"Alam mo, Xander?" Mahina pero matalas ang boses niya. "Hindi lahat ng bagay kailangan mong malaman. At hindi lahat ng gusto mong mangyari ay masusunod mo."

Napakuyom ang kamao ko sa frustration. Alam kong may itinatago siya. Alam kong may dahilan kung bakit siya lumayo noon, at ngayon, heto na naman siya—ginagawa akong gago sa harap niya.

"Fine," malamig kong sagot. "Pero tandaan mo ‘to, Althea—hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman ang buong katotohanan."

Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa sasakyan ko. Pero kahit pa ako na ang umalis, isang bagay ang sigurado ako—hindi pa tapos ang laban na ‘to.

Napakuyom ako ng kamao habang nagmamaneho papunta sa opisina. Kanina pa ako naiinis—hindi lang sa sinabi ni Althea kundi sa kung paano niya ako pinagmumukhang tanga. Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko nang maayos. Hindi niya ipinaliwanag.

Anong akala niya? Na titigil na lang ako sa ganun?

Pagdating ko sa Montevista Group, bumaba ako ng sasakyan na parang isang nag-aapoy na bulkan. Dumiretso ako sa elevator, hindi pinapansin ang pagbati ng mga empleyado. My mind was clouded with thoughts—lahat tungkol kay Althea.

At doon, habang naglalakad ako papasok sa opisina, nakita ko siya. Kadarating lang niya, hawak ang bag, nakasuot ng simpleng corporate attire. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa ako nakatingin sa kanya.

Tahimik akong tumigil malapit sa pintuan ng opisina ko, palihim na pinagmamasdan siya. Ang babaeng matagal kong hindi nakita. Ang babaeng minsan kong minahal—o marahil, minamahal pa rin.

Pero bakit ganito? Bakit para bang may pader pa rin sa pagitan namin?

Umiling ako at pumasok sa opisina, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ideya na may tinatago siya. The more she avoids me, the more I get convinced—she’s hiding something big.

At tungkol sa amin?

Huminga ako nang malalim, pinatong ang kamay sa mesa, at pumikit saglit.

I should decide soon. Hindi pwedeng ganito lang.

Althea ran away from me before. This time, I won’t let her escape.

I will make her stay, no matter what.

******

Habang abala ako sa hinahawak kong mga paperwork's. Bumukas agad ang pinto ng aking opisina. Bumungad agad sa harapan ko ang aking secretarya.

"Sabihin mo kay Althea, gusto ko ng kape. Ngayon na."

Malamig kong utos sa sekretarya ko habang nakasandal ako sa swivel chair, pinaglalaruan ang ballpen sa kamay ko. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya, pero tumango rin ito at agad lumabas ng opisina.

Althea.

Ilang taon na ang lumipas, pero heto kami—magkaharap muli. Hindi ko inasahan na isang araw ay makikita ko ulit siya, mas lalo pang hindi ko inasahan na magiging empleyado ko siya. Fate must be playing tricks on me.

Bumukas ang pinto at nakita ko siyang pumasok, may dalang tray ng kape. Tahimik siyang lumapit sa mesa ko at marahan itong inilapag. Hindi siya tumingin sa akin, pero kita ko ang tensyon sa kilos niya.

"Anong lasa nito? Matamis?" malamig kong tanong, sinadya kong iparamdam sa kanya na hindi ako masaya.

Hindi siya sumagot agad, pero kita kong napakuyom siya ng kamao. "Sapat lang para hindi mapait," sagot niya sa tonong kalmado pero may diin.

Kinuha ko ang tasa at dahan-dahang lumagok. Tumingin ako sa kanya nang diretso, tinatantiya ang reaksyon niya.

"Sapat lang? Mukhang sanay ka na talaga sa sakto lang, Althea." Ngumisi ako nang bahagya. "Sakto lang din siguro ang pinili mong kapalit ko noon?"

Nanigas ang katawan niya. Kita kong mas lumalim ang paghinga niya, pero hindi siya sumagot. Tiningnan niya ako saglit, pero mabilis din niyang ibinaling ang tingin sa gilid.

Sa labas ng opisina, rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga empleyado. Mga tsismis na kesyo nilalandi niya ako. Na ginagamit niya ang pagiging malapit sa akin para mapansin.

"Ikaw na naman ang topic ng mga empleyado, Althea," bulong ko, bahagyang nakangisi. "Bakit nga ba laging may tsismis tungkol sa'yo?"

Sa wakas, lumingon siya sa akin, kita ko ang inis sa mga mata niya. "Siguro dahil may boss akong mahilig akong ipahiya," malamig niyang sagot bago tumalikod at lumabas ng opisina.

Napangisi ako habang nilalaro ang tasa ng kape sa kamay ko.

Ganoon? Hindi ka na affected, Althea?

Well, let’s see how long you can keep that act up.

Matapos umalis ni Althea sa opisina ko, agad kong kinuha ang bio-data niya mula sa drawer. Pinagmasdan ko ang bawat detalye—pangalan, edad, address, at background ng trabaho. Pero ang mas gusto kong makita ay kung may nabanggit ba siyang pamilya.

Dahan-dahan kong binasa muli ang dokumento, pilit hinahanap kung may isinulat siya tungkol sa bata. May asawa? Wala. Anak? Wala ring nakalagay.

Napairap ako at ibinagsak ang papel sa lamesa.

"Bakit hindi mo isinulat ang tungkol sa batang iyon, Althea?" bulong ko sa sarili ko.

Alam kong may tinatago siya. Hindi ako tanga para hindi mapansin ang paraan ng pagprotekta niya sa batang iyon. At ang inis ko, hindi ko man lang alam kung ako nga ba ang ama. Sh!t! PAANO magiging akin ang bata kung wala pa naman nangyayari sa amin noon. Buong buhay ko, ni hindi ko nahawakan ang kan'yang katawan. I don't even touched her skin!

Napapailing akong sumandal sa upuan.

"Anak n'yo ba ng lalaki mo?"

Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang tanong na ibinato ko sa kanya kanina. Ang ekspresyon niya, ang takot sa mga mata niya—hindi ko iyon malilimutan.

May lihim siya. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung ano iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Runaway Wife   Chapter 109

    EPILOGUE – LIMANG TAON MAKALIPAS Third Person POV Maliwanag ang sikat ng araw. Sa isang hardin na pinalibutan ng puting bulaklak at hanging sariwa, isang masayang kasalan ang nagaganap. Simple lang—pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat ngiti, sa bawat sulyap, at sa bawat hakbang. Nakahawak si Althea sa braso ni Zsazsa, ngayon ay siyam na taong gulang, habang naglalakad sa aisle. Si Zsazsa ang nagsilbing flower girl at bridesmaid—proud na proud, may konting arte pa sa lakad, pero may kinikilig sa mata. Sa unahan, nakatayo si Xander. Hindi na siya ‘yung lalaking laging may bigat sa puso. Ngayon, isa na siyang ganap na asawa, ama, at lalaking natutong lumaban para sa pamilya niya. Habang naglalakad si Althea, dahan-dahan siyang tumingin kay Xander. Nandoon pa rin ang kilig, ang lungkot, ang kasaysayan ng nakaraan—pero sa lahat ng iyon, ang nangingibabaw ay pagmamahal. Sa tabi ni Xander, nakaupo si baby Liam—ngayon ay apat na taong gulang, nakasuot ng maliit na coat, at abala sa pag

  • His Runaway Wife   Chapter 108

    THIRD POV Lumipas ang mga araw sa pagitan ng lungkot at pag-asang bumabalot sa tahanan ni Althea. Unti-unti nang lumalaki ang kanyang tiyan, at bawat araw na dumadaan ay parang tinutulak siya ng panahon pabalik sa mga alaala nila ni Xander. Samantalang sa malayong lugar, isang lalaking punong-puno ng pag-aalala at pangungulila ang nakaupo sa labas ng isang lumang ospital. Si Xander. Namumugto ang kanyang mga mata, at tila ba nahulog ang buong mundo sa balikat niya. May tungkulin siyang kailangang tapusin—isang pangako sa nakaraan na matagal na niyang pinasan. At iyon ay si Lilia. Hindi niya kayang sabihin kay Althea ang katotohanan. Alam niyang masasaktan ito. Alam niyang mahirap itong ipaliwanag sa pamilya ni Althea, lalo na sa anak nitong si Zsazsa. Kaya pinili niyang manahimik, magsakripisyo, at muling itago ang sariling sakit. --- XANDER POV “Patawad, Althea…” bulong ko habang nakatanaw sa malamig na burol ng babaeng minsan kong inalagaan.* Lilia is gone. Tinup

  • His Runaway Wife   Chapter 107

    Sa di kalayuan, sa likod ng matataas na punong kahoy at kakahuyan na bahagyang natatakpan ng anino, nakatayo si Xander. Tahimik, walang imik, ngunit tila may lindol sa loob ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong mahal niya. Hawak niya ang kanyang jacket sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay nakakuyom sa gilid ng kanyang katawan. Sa harap ng puntod, nakita niya si Althea na nakayakap kay Zsazsa. Kasama rin si Jace at si Inay Edna, tila isang kumpletong pamilyang nagluluksa ngunit sabay-sabay ding bumibitaw sa nakaraan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya. May kirot, may galit, may lungkot… pero higit sa lahat, may panibugho. Hindi sa pag-ibig ni Althea, kundi sa pagkukulang niyang maging sapat—kay Althea, at higit sa lahat, kay Zsazsa. Tila mabagal ang pag-inog ng mundo sa paningin niya habang pinagmamasdan kung paano niyakap ni Althea si Zsazsa nang mahigpit, kung paano ngumiti ang bata sa gitna ng lungkot, at kung paano n

  • His Runaway Wife   Chapter 106

    Third POV Lumipas ang ilang araw, ngunit walang balita kay Xander. Para siyang nawala na parang bula, iniwan si Althea sa gitna ng napakaraming tanong at sakit. Sa bawat paggising niya sa umaga, umaasa siyang makakatanggap ng tawag o kahit mensahe mula kay Xander, pero wala. Tila baga hindi lang siya basta iniwan—parang hindi na ito muling babalik. Ang kanilang bagong tahanan na dapat ay puno ng saya bilang bagong kasal ay naging malamig at tahimik. Sa tuwing bababa siya sa hapag-kainan, parang gusto niyang umiyak. Napansin niyang kakaiba ang kilos ng kanyang mga magulang. Si Julio at Cecilia ay laging nag-uusap nang pabulong. Sa tuwing papasok siya sa silid nila, bigla silang titigil at magpapanggap na wala lang. Si Jace naman, palaging naroon, nakabantay sa kanya. Minsan, parang may gusto itong sabihin, pero hindi nito magawa. Isang gabi, habang palabas siya ng bahay upang magpahangin sa garden, narinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang sa sala. "Hindi na dapat b

  • His Runaway Wife   Chapter 105

    Third POV Malapit na ang kanilang kasal, pero sa halip na excitement, kaba ang bumalot kay Althea. Ilang oras na siyang naghihintay, pero ni anino ni Xander ay hindi pa niya nakikita. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa paligid ng bahay, sinusubukang hanapin ito. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, pero hindi sumasagot. Sinubukan niya ring tanungin ang mga tauhan na abala sa paghahanda ng kasal, pero walang makapagsabi kung nasaan si Xander. Habang lumilipas ang mga oras, unti-unti na siyang kinabahan. “Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” bulong niya sa sarili, napapatingin sa orasan. Maya-maya, lumapit sa kanya si Zsazsa na may bitbit na stuffed toy. “Mama Althea, bakit po parang nag-aalala kayo?” inosenteng tanong ng bata. Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. “Hinahanap ko lang si Daddy Xander mo, baby.” Biglang kumunot ang noo ni Zsazsa. “Baka po hindi na siya bumalik,” sagot nito nang walang emosyon. “Okay lang naman po. Mas gusto ko naman si Daddy Jace.

  • His Runaway Wife   Chapter 104

    Third POV Abala ang buong pamilya sa paghahanda ng kasal nina Xander at Althea. Masaya ang lahat, maliban kay Althea na nakaupo sa gilid, nakasimangot habang hinahaplos ang kanyang umbok na tiyan. "Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang manganak?" reklamo niya kay Xander habang nakasandal ito sa balikat ng lalaki. Agad siyang hinila ni Xander palapit. "No way, love. Gusto kitang pakasalan ngayon na. Mas okay na may kasiguraduhan akong hindi mo na ako matatakasan!" malakas niyang sabi, sabay halik sa tuktok ng ulo ni Althea. Napairap si Althea at kinurot ang tagiliran ni Xander. "Ganyan ka na naman! Para bang takot na takot kang iwan kita." "Gano’n na nga," sagot ni Xander, hindi man lang tinatago ang katotohanan. "Baka kung kelan hindi kita binantayan, bigla kang tumakbo na parang si Cinderella!" Napahalakhak si Althea. "Eh paano naman ako tatakbo, ha? May bitbit akong baby sa tiyan! Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kabigat?" Tumango-tango si Xander na kunwaring na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status