I looked at the clock beside me, I’ts 7:00 in the morning. Wala na rin sa tabi ko ang aking asawa, marahil ay naghahanda na iyon ng aming almusal. Sabado ngayon kaya wala akong pasok, it’s my day off. Pumasok ako ng banyo para maligo na at makababa sa kusina.
Nang matapos ako ay nakita kong naghahain na ang aking asawa sa aming mesa. “Goodmorning, wife!” I said gently at nilapitan siya para mahalikan. Napangiti ako, kulang nalang talaga babies dito sa aming bahay. I can’t wait for that to happened.
“Maupo ka na,” sabi nito. Umupo ako sa puwesto ko at umupo na rin siya.
“Hmmm, ang sarap naman ng niluto ng aking asawa.” Inamoy-amoy ko pa ang niluto niya at hinainan siya bago sa akin. Nagpasalamat naman siya sa ginawa ko.
Habang kumakain kami ay panay tunog ng aking cellphone. Napakunot ako kung sino iyong isturbo kaya ay tiningnan ko ito. It was Emery, ano na naman ba ang problema niya? Pinatay ko ito at
Dahlia POV Pansin kong noong nagdaang araw ay sobrang busy na ng aking asawa sa opisina. Hindi naman siya ganito dati kabusy ngayon lang talaga. Minsan ay nasa opisina na niya ito natutulog. Hindi na rin niya nababanggit ang second wedding naming dalawa. Medyo nagtatampo ako pero hinahayaan ko nalang. Baka surpresahin ulit niya ako gaya noong nakaraan, nang umuwi siya ng Pilipinas. Sobrang saya ko noon dahil tumupad siya sa usapan namin na hindi siya magpapaabot ng isang buwan doon sa New York. That day was perfect dahil nag propose pa ulit ito sa akin. Doon ko narealize na nagbago na talaga ito at hindi na nito ako sasaktan kahit kailan. That day, binuo ko ang tiwala ko sa kaniya at pagmamahal. Narealize ko rin na kahit ano mang unos at problema basta’t magkasama kaming dalawa ay malalampasan namin ito dahil mahal na mahal naming ang isa’t-isa. Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili dahil may appointment ako ngayon kay Dra. Santos. Kahit
Sa araw-araw na lumipas nag-iiba at nagiging malamig na sa akin ang aking asawa. Kung busy siya noong nakaraan, mas malala na ngayon. Halos hindi na siya umuuwi tuwing gabi at ang rason niya ay talagang busy lang sa kompaniya. Oo, nagtatanga-tangahan lang ako gayong alam ko ang rason kung bakit siya hindi na umuuwi dito sa bahay. Sobrang natatakot ako na baka isang araw, hindi ko na kilala ang aking asawa. Kasalukuyan siyang naliligo ngayon, ako naman ay nasa kama nag-aayos ng mga nilabhan kong damit. Napukaw ang aking atensiyon nang tumunog bigla ang kaniyang telepono. Ayaw ko sanang tingnan iyon pero may nag-aagaw ng atensiyon ko para kunin iyon. Hindi ko gawaing mangialam ng hindi sa akin pero parang may humihigop sa katawan ko para pakialaman iyong cellphone ni Travis. Nanginginig kong kinuha iyon at binuksan. Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala itong password. Isang text ang aking nakita at nabasa. “Goodmorning Travis, magkita nama
Simula noong nangyarng pagsugod ko sa kanila ay mas lalong naging mailap na sa akin ang aking asawa. Hindi na niya ako pinapansin, parang hangin nalang ang turing niya sa akin. Hindi na rin siya umuuwi rito sa bahay, naaawa ako sa sarili ko sa tuwing gumigising ako na nasa sala pa rin at naandoon na pala si Travis sa kama namin mahimbing ang tulog. Wala na talaga siyang pakialam sa akin. Gusto kong kausapin siya pero panay iwas naman ito.Kagaya ngayon panay ang sunod ko sa kaniya at pilit na kinakausap siya.“T-Travis, bakit ka ba nagkakaganiyan? Sabihin mo sa akin, mahal mo pa ba ako?” tanong ko sa kaniya pero hindi pa rin niya ako pinapansin.“Please naman Travis, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Alam kong mahal mo pa ako, okay lang para sa akin na naanakan mo si Emery. Huwag ka lang ganito. Huwag mo lang akong iwasan dahil hindi ko na kaya. Sobrang sakit sa puso. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin kina Mommy dahil
Nang matapos silang kumain ay nakiramdam ako kung nasa kusina pa sila. Kanina pa ako gutom na gutom ngunit pinipigilan ko lang ito, dahil ayaw kong makita silang dalawa. Masasaktan lang ako. Nang narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Travis ay lumabas na ako. Dahan-dahan lang ang aking ginawang paglakad para hindi sila maisturbo.Nang makababa ako ng hagdan ay laking gulat ko na naandoon pa pala sa sala ang aking asawa, nanunuod. Siya lang mag-isa, nakapatong ang kaniyang paa sa mesa at nakasandal sa sofa. Hindi ko naman siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa kusina. Alam kong nakita niya ako dahil nakita ko ang paglingon niya sa peripheral vision ko.Naghalungkat ako ng makakain sa kusina pero napasimangot ako nang makitang walang laman ang kaserola. Grabe naman naubos nila lahat ng niluto ko? Gano’n katakaw si Emery? Napailing-iling naman ako at hinugusan nalang muna ang mga pinggan habang nagpapakulo ako ng tubig. Magluluto nalang sigu
Hanggang ngayon ay naririnig ko pa sa aking isipan ang sorry ng aking asawa. Hindi pa rin ako nakakamove on sa sinabi niya, isang sorry lang iyon pero tumatak iyon sa aking isipan.“Isang sorry lang ay bibigay ka na agad, Dahlia? Napakarupok mo naman!” sabi ng aking isipan.Bumaba ako para uminom ng tubig, nakaramdam kasi ako ng uhaw.Nakita kong nanunuod ng TV si Emery, alas nuebe na ng gabi at gising na gising pa siya. Masama ang magpuyat sa buntis. Lumapit naman ako rito at napalingon siya sa akin.“Hindi ka pa ba matutulog? Masama ang magpuyat lalo na at buntis ka,” sabi ko sa kaniya. “Pakialam mo ba? Hinihintay ko si Travis,” sabi nito at inirapan ako.“May pakialam ako dahil kung may mangyaring masama saiyo ay mas lalong magagalit sa akin ang aking asawa,” sabi ko sa kaniya at umalis na. Bahala siya riyan. Pinagsabihan ko naman na siya.Nang umakyat na ako sa h
Matapos kaming mag-usap ni Mommy ay umalis na rin agad siya. Buti nalang ay hindi bumaba si Emery dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin kay Mommy kung sakaling magtanong ito sa akin. Baka nga ay sabihin pa ni Emery ang totoo. Hindi pa ako handang sabihin iyon sa kanila, hanggang ngayon kasi ay umaasa pa rin akong maaayos pa namin ni Travis ito.Masakit man para sa akin ang sitwasyon namin pero tama si Mommy, na kahit anong mangyari ay huwag kong susukuan ang aking asawa. Kahit na maubos ako, hinding-hindi ako susuko. Pipiliin kong mahalin siya higit pa sa sarili ko dahil iyon ang aking nararamdaman.Pero ang tanong hanggang kailan ko titiisin ang sakit? Hanggang kailangan nga ba ito hahantong? Ang kahibangan ko? Hindi ko rin alam kung kailan basta ang alam ko lang ay hindi dapat ako susuko, kasi alam ko sa puso ko na magbabago siya at babalik kami sa dati na masaya at puno ng pagmamahal sa isa’t-isa.Kasalukuyan akong nagluluto ng dinner nam
Isang linggo na ang nakalipas nang mangyari iyong pananakit ni Travis sa akin. Ni hindi niya ako pinapansin, ang tanging pinapansin niya lang ay si Emery. Isang linggo na rin akong nammroblema dahil palaging tumatawag si Mommy sa akin upang tanungin kung kailan kami available ng aking asawa para pumunta sa wedding designer upang sukatan.Hinawakan ko ang aking singsing sa aking daliri at napangiti ng mapakla. Hindi ko maiwasang masaktan sa mga nangyayari ngayon. Sobrang sakit ang mga binitawan niyang salita, sagad na sagad ito sa aking buto. Bigla nalang tumulo ang aking luha habang tinitingnan at hinihimas ang aking singsing. Singsing na sumisimblo ng aming pagmamahalan. Pinahiran ko naman ang luhang tumutulo sa aking pisngi, hinayaan ko lang na umiyak ako ng umiyak dahil ito lang ang paraan upang maging okay ang aking pakiramdam.Hindi ko na makilala ngayon ang aking asawa, ito na siguro ang kinakatakutan ko. Nakalimutan na niyang mahal niya ako at kung sino ako. Ang
Sobrang sakit ng aking katawan. Marami rin akong mga pasa kung saan-saan. Hindi ko alam kung paano itatago ito pero nakikita ko sa TV na nilalagyan nila ito ng concealer para hindi mahalata kaya iyon ang aking ginawa. Umepekto rin naman ito.Hindi ko mapigilang mapahikbi habang nilalagyan ko ng concealer ang aking katawan, naalala ko kasi ang sinapit ko sa kamay ng aking asawa. Sobrang naaawa ako sa sarili ko. Gusto ko mang lumayo na pero hindi ko magawa, lintik kasing puso ko ayaw makisabay.Makasarili man kung iisipin pero anong magagawa ko? nagmahal lang naman ako. Hindi naman siguro masama na ipagsiksikan ang aking sarili sa taong mahal mo. Isa pa ako ang legal na asawa kaya ako ang may mas karapatan sa kaniya, hindi ang kabit niya.Binaling ko nalang ang aking atensiyon sa paglilinis ng aking kwarto. Medyo maalikabok na kasi ito at hindi ko na rin naasikaso simula nang lumipat ako rito. Nang matapos ako