LOGINSakay sila ng itim na van.. Habang binabagtas nila ang makipot na kalsada na tila nilamon ng kagubatan, napapalibutan ito ng matataas at matatandang puno, ang mga sanga'y magkakaugnay na parang isang likas na arko sa ibabaw ng daan. Tahimik ang paligid maliban sa ugong ng makina at huni ng mga ibon sa malayo, na lalo lamang nagbigay ng misteryo at kaba sa biyahe.
Hanggang sa marating nila ang dulo ng daan. Doon, biglang bumungad sa paningin ni Aria ang isang malapalasyong mansion-napakalawak at napakabongga, tila isang lihim na kaharian na nakatago sa gitna ng gubat. Napapalibutan ito ng naglalakihang mga puno ng narra, ang mga ugat at katawan nito'y makisig at matatag, para bang mga bantay ng palasyong iyon... Habang papalapit sila, bumungad sa harapan ang isang dambuhalang gate na bakal, itim at matibay, na parang nagbabantay sa isang lihim na kaharian. Dahan-dahang bumukas ang gate kasabay ng mahinang kaluskos ng mga bakal na bisagra, at tumambad sa kanila ang isang malawak na bakuran. Sa gilid ng driveway, dumaan sila sa tabi ng isang mala-paraisong swimming pool na kumikislap sa ilalim ng araw, napapaligiran ng mga palm tree at modernong ilaw na tila handa para sa isang marangyang pagtitipon. Sa di-kalayuan, sa gitna ng lawak ng lupaing iyon, nakatayo ang isang malapalasyong mansion-ang bawat haligi at bintana nito ay tila sumisigaw ng kapangyarihan at kayamanan. Napapalibutan ito ng naglalakihang mga punong narra, na animo'y mga higanteng guwardiya ng lugar na iyon. Pagkaparada ng van, agad bumaba si Aria. Siya lamang ang pinayagang pumasok sa loob ng napakalawak na mansion; ang mga kasama niya ay naiwan sa sasakyan, pinagmamasdan siya habang sinasalubong ng malamig na hangin mula sa loob. Tahimik siyang sumunod sa babaeng sumundo sa kanya, ang takong nito'y mahinang kumakalabog sa marmol na sahig habang sila'y naglalakad. Namamangha si Aria habang naglalakad sa mahahabang pasilyo. Ang bawat pader ay binalutan ng mamahaling painting at gintong palamuti, habang ang malalaking chandelier ay nagliliwanag na parang mga bituin. Sa malaking sala na dinaanan nila, may ilang kalalakihang nakaupo at nag-iinuman; ang mga tingin nila'y malamig at mapanuri, wari'y sinusukat siya mula ulo hanggang paa. Pinili niyang huwag makipagtagpo ng tingin, pinanatili ang mahinahon niyang anyo kahit ramdam niya ang bigat ng mga mata nila. Hanggang sa makarating sila sa isang dambuhalang p***o. Maingat itong binuksan ng babaeng kasama niya, at sa loob ay tumambad ang isang elegante at marangyang opisina. Sa gitna nito'y isang napakagandang babae-maputi, maamo ang mukha ngunit may matalim na aura ng kapangyarihan. Nakaupo siya nang maayos sa isang mamahaling upuan, ang mga mata'y tila nagbabalat-kayong mabait ngunit may kasamang pwersang nakaka-intimidate. ARIA POV Napatingin ako sa magandang babaeng nakaupo sa couch. Mataman niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa, para bang binabasa ang lahat ng nasa isip ko. "Sit down," malamig niyang utos. Walang pag-aalinlangan akong sumunod at naupo sa harapan niya. Hawak niya ang isang folder na halatang puno ng impormasyon-marahil tungkol sa akin. Interview? Kumabog ang dibdib ko. Shocks... buti na lang kahit paano, magaling naman ako sa English. Baka more on 'tell me something about yourself' lang ito. Nagpakilala siya nang mariin ang tono: "I'm Miss Melody Johnson... your interviewer. Please answer me truthfully and correctly. This will determine which floor you'll be assigned to. Understood?" "Opo, Miss Melody," mahinahon kong tugon, kahit ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko. Nagbukas siya ng folder at tumingin muli sa akin, diretso, walang kurap. "Ok... are you a virgin or not?" Namilog ang mga mata ko. "Ho??" "Sagot." Malamig at matalim ang titig niya, para bang tinitimbang ang bawat segundo ng aking pag-aatubili. Nagulat ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang tanong-pero bigla kong naalala ang bilin ni Rosanna: Magpanggap kang Hindi na virgin. Huminga ako nang malalim, nagdesisyon... at ngumiti nang bahagya. "Hindi na po ako virgin. Marami na po akong naging boyfriend... mga anim po sila. At Lahat sila... ginalaw na ako." Kampante kong sagot, kahit ang loob ko'y halos mabasag sa kaba. "What's your name and age?" pangalawang tanong nito, malamig at diretso. Ayos ahhh, napakagat ako ng labi. Mas nauna pa yung 'are you a virgin'... ganoon ba talaga kaimportante ang tanong na 'yon? "I'm Sepharina Aria Montez... nineteen years old," mahinahon kong sagot. Napakunot ang noo ni Miss Melody, napatingin sa folder bago muling ibinalik ang matalim niyang mga mata sa akin. "Ang bata mo pa. Alam mo ba, mostly ng mga nag-a-apply dito ay mga kapit sa patalim-may nanay na may sakit, tatay na malubha, kapatid na nagda-dialysis... Ikaw? Siguro may karamdaman din sa pamilya mo?" Napakurap ako, halos hindi makasagot. "Ahm... w-wala po. Nakakulong ang tatay ko. Ako na lang po mag-isa... ang nanay ko... sumakabilang-bahay na." Natahimik siya ng ilang segundo bago muling nagsalita, seryoso at malamig ang tinig. "So why are you here?" Napakuyom ako ng kamay, ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko habang nakatitig siya nang diretso sa akin, parang binabalatan ang kaluluwa ko. "W-wala na po akong... m-makain." Napangiwi siya, bahagyang natawa na parang hindi kumbinsido. "Yan lang ang dahilan mo?" gulat na tanong nito. "O-opo..." mabilis kong sagot, ngunit agad akong kinabahan na baka hindi niya ako tanggapin. Kaya nagmadali akong magsalita, halos magmakaawa: "Tatlong buwan na po akong hindi nakabayad ng upa. Isang linggo na itlog lang ang ulam ko... at ang meron na lang po ako ay bente pesos. Against the world na po ako, Miss Melody... please... tanggapin niyo na po ako." Natawa si Miss Melody, bahagyang umiling. "Hmm, sige. Pero hindi lang janitres ang trabaho mo. Lahat ng kalat ng mga guest natin, isa ka sa maglilinis. Ok ba?" "Opo!" mabilis kong sagot, halos sabay sa pagtango ng ulo ko. "Stay-in ka dito. Bawal lumabas hangga't hindi natatapos ang limang buwan mong kontrata. Kung papayag ka... mag-uumpisa ka na ngayon." Masaya akong tumango, ramdam ang ginhawa sa dibdib ko. "T-teka lang po... wala pa po akong mga damit." "The company will provide everything. Bawal din ang cellphone." Malamig niyang tinig.. At bago siya magsara ng folder, dinagdagan pa niya: "And one more thing... maging honest ka lang. Kung kaya mong maging totoo, makakatagal ka rito." Napalunok ako nang mariin, parang nabara ang lalamunan ko. Paanong honest... eh unang tanong pa lang kanina, nagsinungaling na ako. "Dadaan ka muna sa medical exam ngayon. Kailangan malinis ka... wala kang sakit," malamig na sabi ni Miss Melody habang isinara ang folder sa harap niya. Napakagat ako ng labi, biglang sumikdo ang kaba sa dibdib ko. "Takot ka ba sa dugo?" tanong niya, sabay pailing na parang alam na agad ang sagot ko. Umiling ako, pilit na ngumiti. "Sus, dugo lang po 'yon. Buwan-buwan po akong meron..." Bahagyang kumunot ang noo niya, tila hindi inaasahan ang sagot ko. Saglit niya akong tinitigan, bago marahang tumango na parang tinanggap na rin kahit may alinlangan. "Thirty thousand ang isang araw mo dito... depende pa kung matitipuhan ka at ikaw ang pipiliin para makipaglaro sa mga guest." "H-huh?" napalakas ang boses ko, halatang naguluhan. Napatitig ako kay Miss Melody, pero siya'y kalmado lamang, para bang normal lang ang mga salitang binitiwan niya. Ilang saglit pa, napaisip ako... thirty thousand? Napakalaking pera niyon. Mas malaki pa kaysa sa kikitain ko kahit magtrabaho ako ng isang taon sa labas. Sinara niya muli ang folder at malamig na ngumiti. "Sabi mo hindi ka na virgin, at marami nang nakagalaw sa'yo. Kaya sa second floor ka." Parang nanigas ako sa kinauupuan ko, hindi alam kung matatakot ba o matutuwa sa tinuran niya. Ngunit wala na akong ibang nagawa kundi ang magpanggap na kampante. "Ok po," sagot ko, pilit na nakangiti. Dumiretso muna ako sa medical room. Doon, masusing sinuri ang buong katawan ko-mula ulo hanggang paa. Napakagat ako sa labi, bahagyang nahihiya sa malamig na tingin ng doktor habang sinusuri ang balat ko. Buti na lang... makinis ako. Bawal pala ang may peklat.. bawal din ang may sira ang ngipin.. buti nalang maalaga ako sa katawan ko.. Sunod ay ilang test ang isinagawa: dugo, ihi, at iba pa. Lahat ng resulta'y lumabas na maayos-negative sa HIV, STD, at maging sa pregnancy test. Sa kabila ng kaba, nakahinga siya ng maluwag. Pagkatapos ng pagsusuri, hindi na siya muling dinala sa loob ng mansion. Sa halip, inilakad siya ng bantay palabas. Ilang hakbang lang mula roon, tumambad sa kanya ang isang malaking bahay-hindi kasing engrande ng mansion, ngunit malaki at maayos. "Ito ang magiging quarters niyo," malamig na sabi ng babaeng kasama niya. "Dito nakatira lahat ng mga nagtatrabaho sa loob." Napatingala si Aria sa gusali. Maluwang, parang dormitoryo, ngunit ramdam niya ang bigat ng hangin. Ang bawat pintuan at bintana ay tila nagbabantay, Pag-akyat niya sa second floor, bumungad sa kanya ang mahabang pasilyo na may magkakahanay na mga p***o sa magkabilang gilid. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng kanyang yabag at ang bahagyang kaluskos mula sa ibang silid ang maririnig. "Room 213," sabi ng kasama niyang babae, sabay turo sa isang pintong may maliit na brass plate. Dahan-dahan niya itong binuksan. Pagpasok niya, tumambad ang isang simpleng kwarto. May tatlong kama-dalawa ay may gamit na, at isa'y malinaw na nakalaan para sa kanya. Malinis ang paligid, may maliit na cabinet at tig-isang side table sa tabi ng bawat kama. Pagkapasok niya sa Room 213, agad siyang sinalubong ng dalawang babae. Magaan ang aura ng mga ito, halatang mababait at sanay na sa bagong dating na tulad niya. "Hi!" masiglang bati ng isa, mahaba ang buhok at may malalambing na mata. "I'm Kim." "Jasmin ako," pakilala naman ng isa, mas maiksi ang buhok at parang mas makulit kaysa kay Kim. Ngumiti si Aria at marahang tumango. "I'm Aria... Sepharina Aria Montez." Napatingin ang dalawa sa kanya na parang may gusto pang itanong. "So, anong floor ka na-assign?" tanong ni Kim habang inaayos ang kumot niya. "Second floor," sagot ni Aria, medyo nahihiya pa. Sabay silang nagngitian, at halos magpigil ng tawa. "Naku, Aria..." biglang sigaw ni Jasmin na may halong kilig, "maraming pogi at hot na guest sa second floor!" Nagtitili pa ito habang tinutukso siya, sabay tawa ni Kim na parang sang-ayon.Nakaupo ako ngayon sa banyo, habang si Zephyr ay nasa labas ng pinto.“Ano ang result?” tanong niya.“T-two lines…” malungkot kong sagot.Nakita kong napangiti siya, kabaligtaran ng nararamdaman ko. Kasi naman, pitong buwan pa lang ang kambal namin!Nakalimutan ko na naman Kasi makainum ng mahiwagang pills..Napahawak ako sa tiyan ko habang ramdam ko ang bigat ng lahat—ang kambal na hindi pa man ganap na malaki, at ang panibagong buhay na paparating. Hindi ko alam kung kakayanin ko, isipin ko palang kung gaano ako nahirapan manganak noon.pero nang mahigpit akong niyakap ni Zephyr, doon ko lang naramdaman… hindi ako nag-iisa. At siguro, sapat na iyon para harapin ang bukas.Nanatili pa rin kami sa suite. Kahit ipinagawa na ni Zephyr ang isang malaking bahay malapit lang sa tinitirhan ng kakambal niya, mas pinili naming manatili rito. Dito kasi nagsimula ang lahat—ang kuwento naming magkaiba ng mundo. Dito rin unti-unting nahubog ang pagmamahalan na nagsimula lamang sa pagitan ng isang
Four Months later ...Kabado si Aria habang marahan siyang naglalakad, mahigpit ang hawak sa braso ng kanyang ama. Suot niya ang isang puting mermaid-style wedding gown na tila isinadya para sa kanya-elegante at kaakit-akit, bagay na bagay sa okasyong ito.Ramdam niya ang mga matang nakatuon sa kanya mula sa bawat panauhin. May halong kaba at saya ang pintig ng kanyang puso, lalo na't bawat hakbang ay palapit nang palapit sa lalaking makakasama niya habang buhay.Sa dulo ng aisle, naghihintay si Zephyr-ang kanyang napakagwapong mapapangasawa. Hindi nito maikubli ang ngiti at bakas sa mga mata ang labis na kasiyahan. Nasa tabi niya ang kanyang kakambal, kapwa nakangiti at puno ng pagmamalaki sa oras na iyon.Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Aria ang kanilang kambal na sina Zariel at Zamiel, na buhat-buhat ng kanilang mga ninang na sina Kim at Jasmin. Ang dalawang bata'y nakatitig sa kanya, wari'y nakikibahagi rin sa kasiyahan ng kanilang mga magulang.Paglapit niya sa altar, marahan
Pagmulat ng mga mata ko, ang una kong nakita ay si Zephyr na nakatingin lang sa akin, Nakangiti siya ng bahagya habang hinahaplos ang buhok ko. Para kaming tunay na mag-asawa na—ang lapit, ang lambing, at ang init ng umaga na puno ng kakaibang saya.“Good morning…” bulong niya sabay halik sa noo ko.Namula ako, lalo na’t sariwa pa sa isip ko ang gabing nag-proposed siya. Hindi ko maiwasang mapangiti at umirap sa kanya.Bumangon na kami..Paglabas namin ng kwarto ng kambal, magkahawak ang kamay namin, Pero sa kabila ng saya, ramdam ko rin ang lungkot sa darating na oras. Aalis si Zephyr ngayon para sa business meeting sa Italy kasama ang kakambal niyang si Azrael. "Hindi ba pwedeng ang kakambal mo nalang na si Azrael ang pumunta..?" Malungkot Kong tanong Dito..“I’ll come back soon. Don’t worry.” Sabi nito na nakahawak parin saking mga kamay..At sa simpleng gesture na iyon, ramdam ko na kahit saan siya magpunta, dala-dala niya ako sa puso niya.“Gusto mo, papuntahin mo na lang mga f
Third's POV Pagkapasok pa lang nila sa kwarto, agad na sinunggaban ni Zephyr si Aria ng isang maalab, gutom na halik. Para bang ilang taon siyang naghintay ng pagkakataong iyon—mariin, puno ng pananabik, at may halong desperasyon. Ang mga labi niya ay mainit, medyo agresibo mula sa paghalik..Napapikit si Aria, halos mawalan ng balanse sa biglang pag-atake. Ramdam niya ang init ng hininga ni Zephyr sa kanyang leeg ng lumipat ito doon, at ang kamay na agad na humawak sa kanyang dibdib—mahigpit, mapang-angkin, hinahaplos ang nipple niya sa ibabaw pa lang ng damit.“T-teka lang… Zephyr!” natatawa niyang protesta, pilit na itinutulak ng bahagya ang dibdib nito. Ngunit imbes na tumigil, mas lalong dumulas ang mga daliri ni Zephyr sa laylayan ng kanyang damit. Mabilis, sabik, parang hindi makapaghintay na tanggalin ang hadlang sa pagitan nila.“Hindi mo alam… kung gaano ko ito na-miss..” bulong ni Zephyr laban sa kanyang labi, mababa, paos, at puno ng pagnanasa. “Miss na miss kita, Aria. M
Third's POVSa sala, tahimik na nakaupo si Aria sa mahabang sofa habang isa-isang inaayos ang mga gamit ng kanilang kambal. Maingat niyang tinutupi ang maliliit na damit, pinaghihiwalay ang mga lampin at inilalagay sa kani-kanilang lalagyan ang mga gamit ng mga bata.Paminsan-minsan ay napapangiti siya kapag may nakikita siyang maliit na medyas o damit na hindi niya maiwasang isipin kung gaano kabilis lumalaki ang kanilang mga anak.Ngunit sa kabila ng abala niya, may isang bagay na paulit-ulit na bumabagabag sa kanyang isipan.Ang kanyang ama.Napahinto siya sa pagtitiklop ng isang maliit na damit.Bahagya siyang napayuko, at unti-unting napalitan ng lungkot ang ngiti sa kanyang labi.Matagal na rin mula nang huli niya itong nadalaw.Hindi dahil ayaw niya.Kundi dahil sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang buwan..Napabuntong-hininga siya"Kumusta na kaya si Papa?" tanong niya sa sarili.Saglit siyang natahimik bago muling napaisip."Tagal ko na rin siyang hindi nadadalaw..."May k
Aria's POVPangatlong araw ko na sa ospital. Bukas na kami lalabas kasama ang aking mga bagong silang na anak.Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan nina Jasmin at Kim nang biglang may pumasok sa p***o.Si Zephyr iyon — at sa likod niya, ang kakambal niyang si Master Azrael.Nanlaki ang mata nila Kim at Jasmin nang makita ang kapatid ni Zephyr. Tulala sila, tila hindi makapaniwala sa kanilang nakita.Tahimik na lumapit si Master Azrael sa rolling crib ng mga anak ko. Maingat niyang kinarga ang isa, halatang sabik at masaya sa kanyang unang pamangkin. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa amin.Lumapit naman si Zephyr sa tabi ko at marahang hinalikan ako sa noo."Nagugutom ka ba?" tanong niya, na sinabayan ng isang ngiti."B-busog pa ako… diba kakakain lang natin," sagot ko, sabay ngiti rin.Napalingon ako kina Kim at Jasmin Tulala pa rin sila habang nakatitig kay Azrael, na kasalukuyang karga ang isa sa kambal.Doon ko naalala...Oo nga pala hindi pa nila alam na may kakambal si Zephyr







