LOGINAt dahil sa malikot na naisip ay bigla na lang ako napahalakhak ng malakas. Tipong kahit si Riel ay biglang nabitawan ang hawak niyang chopstick dahil sa gulat. "Seriously, did the ramen just steal your humanity?"Imbes na tumigil ay mas lalo pa akong natawa nang makita ko ang halos magkasalubong na niyang kilay habang nakatingin sa akin. "Sorry, sorry..." hingi ko ng pasensya kahit ayaw pa rin humupa ng tawa ko. "Just continue eating."Inilingan niya ako at medyo natatawa na ring bumalik sa kinakain. Grabe, dahil lang sa isang ramen napunta na sa pagbibigay ng ilang dosenang anak ang utak ko. Nababaliw na nga yata ako!"Arigatou gozaimashita!" (Thank you for your visit!) magalang na yumuko ang waiter, na napag-alaman kong Kaizu ang pangalan, nang tapos na kami ni Riel at nasa pintuan na upang lumabas na.Tiningnan ko muna ang tahimik na namang katabi bago binalingan si Kaizu. Bilang respeto ay yumuko na rin ako sa kaniya. "Totemo oishikatta desu! Arigatou gozaimasu!" (It was very
"Kung hindi mo kasi naitatanong, madami akong alam na japanese term. Sige, turuan kita bukas," I genuinely offered him with all the smile I had. Kaso ang mokong, mas lalo pa sineryoso ang mukha na para bang sinasabi na hindi na siya natutuwa sa paligid. Naghintay pa ako ng ilang segundo, nagbakasakali na magsalita siya pero nang wala pa rin ay tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita. "You're showing off now, aren't you?"Napabaling ako sa kaniya nang bigla siya nagsalita makalipas ang ilang minutong pananahimik. Sasagot na sana ako kaso dumating ang waiter na kausap ko kanina, dala ang beer na inorder namin pati ang mga pagkain na sinali ko listahan. Nginitian niya ako pagkatapos niyang ilatag lahat sa mesa, na sinuklian ko rin ng magalang na ngiti bago niya kami tuluyang iwan at bumalik ulit sa may counter.Humalukipkip ako pagkatapos at nilingon ang halos hindi na maramdaman ang presensya na si Riel. "I'm just proving I can do more than speak English," pabiro kong sagot sa k
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Halo-halong klase ng mga tao ang nasa paligid. May turista na may iba't ibang lahi. Mga hapon na nakakalat lang dito sa airport kung saan pilit na nakikipag-usap sa hindi kalahi. Parang lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan habang patagal nang patagal. The Japanese signage above the shops, the sleek, modern architecture, and the polished floors all felt surreal. The anticipation and excitement bubbled inside me like a fizzy soda. I couldn't stop looking around and catching glimpses of everything.Nasa Japan ka na talaga, Alina. Parang noong nakaraan lang ay nasa mumunting apartment lang ako, tapos biglang nanirahan sa isang mansyon kung saan Señorita ang turing sa akin. Tapos ngayon, nandito na naman ako sa dream country ko. Lord, binabawi ko na po ang mga dasal ko noong nakaraan. Please, sana hindi na ako nananaginip. We made our way through the bustling airport, the mix of people, (from tourists to business travelers) creating a symphony
As we walked toward the aircraft, two suited men appeared at the entrance. Binuksan nila ang pintuan ng eroplano at binigyan kami ng pormal na tango bilang pagbati. According to him, they were part of the ever-present security detail that followed him wherever he went.Dapat ay hindi na ako nagugulat sa mga ganitong pangyayari kapag kasama ko siya, kaso hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha. Lalo na nang masilayan ko ang loob ng pagmamay-ari niyang eroplano. Rich leather seats, soft lighting, and a fully stocked bar greeted us as we entered. Para sa first timer na tulad ko, masyadong binonggahan ng bilyonaryong ito. Grabe, sarap magpaampon sa kaniya. Gusto ko sanang umupo sa tabi ng bintana pero dahil nauna na siya ay tahimik na lang akong naupo sa tabi niya. Ilang saglit pa ang nakakaraan nang marinig ko ang pag-ugong ng makina ng eroplano. No'ng una ay nagulat pa ako at nag-overthink na baka sumabog na ito, pero kalaunan ay naikalma ko rin ang sarili. Gusto ko sanang maidlip
"Are you ready?"Nawala ako sa iniisip nang dungawin niya ako para tanungin. Hindi ko man lang namalayan na nasa harap na pala kami ng immigration counter.Dumaan pa ang ilang segundo bago ko pa maintindihan ang tanong niya. Dahil do'n ay mabilis kong kinalkal ang bag kung saan nakalagay ang passport ko."Wait lang, nandito lang 'yon, e..." sabi ko na hindi siya tinitingnan. Tuloy lang ako sa pagkalkal sa bag ko. Halos ilabas ko na lahat ng laman no'n. Makeup, wallet, at pati ang pinakanakatago kong napkin ay nailabas ko na rin pero walang passport ang nasa loob. "Is there something wrong?" Riel almost crouched down to peek into my messy bag. Halos mapaupo na rin ako sa sahig sa kahahanap sa loob ng bag ko. Ramdam ko na rin ang pamamawis ng buong katawan ko kahit malamig naman dito. Sa kawalan ng pag-asa ay umalis na lang ako doon at napaupo sa nakitang upuan. Nilingon ko si Riel nang sumunod siya sa akin, naupo na rin siya sa katabing upuan. "Ikaw na lang kaya ang tumuloy? Naiwa
Umiling na lang ako at binalingan si Celine. Kanina pa kasi siya tahimik na nakikinig sa tabi ko. Kinibitan lang din niya ako ng balikat at sinalubong ang kagagaling lang sa kusina na sina Renzo at Scar. "Saan ka naman nagpunta?" salubong ko sa kapatid nang lapitan nila ako ni Celine."Umihi lang. Alis na ba kayo?" Imbes na sagutin siya ay kinunutan ko lang siya ng noo. Akala siguro nito ay hindi ko napapansin ang madalas nilang pagsasabay ng Renzo na 'yon. "Oo. Hinihintay lang 'yong susundo sa amin," sagot ko kahit napuno na ng pagdududa ang utak ko. Makauwi lang talaga ako galing Japan, patay 'to sa akin. She moved even closer to me and handed over a small box wrapped in red gift paper."Ano naman 'to?" kunot-noo kong tanong at niyugyog ang bigay niyang box."Gift ko sa'yo. Sa Japan mo na buksan," aniya at kumindat pa. "Pasalubong, ha?" sabat naman ni Celine. "And don't forget, Japan has amazing springs. Mag-send ka sa akin ng maraming picture."Tumango ako kahit naguguluhan p







