FAZER LOGINIpinatong ko ang ulo ko sa bintana ng bus habang pinagmamasdan ang mga naglalakihang billboard sa kalsada. "North-east wind flow," bulong ko sa sarili ko. Tama siya. Kung hindi ko isasaalang-alang ang sirkulasyon ng hangin sa ganoong klaseng terrain, magiging mainit ang loob ng bahay at masasayang ang natural ventilation. Napapikit ako nang mariin. Nakakainis isipin na kahit wala siya sa harap ko, alam pa rin niya kung saan ako posibleng magkamali. Pagbaba ko sa kanto namin, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng inihaw sa tabi ng kalsada. Doon lang nag-react ang tiyan ko. Halos hindi ko na pala naramdaman ang gutom dahil sa dami ng impormasyong pumasok sa utak ko ngayong araw. "O, Chloe! Kumusta ang unang araw?" bungad ni Mama nang makita akong pumasok sa gate. Mukhang katatapos lang niyang magdilig ng mga halaman. "Pagod po, Ma, pero masaya," sagot ko at nagmano na sa kaniya. "Mabait naman po 'yung mga tao roon. At saka, binigyan na po agad ako ng actual design project.” "Aba,
Ang ganda mo… Natigilan ako sa huling sinabi niya. Medyo napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang ganoong klaseng banat sa unang araw ko pa lang. Sanay naman ako sa mga biro nina Mia, pati na ’yung mga banat sa akin ng mga kaklase naming lalaki at ng iba pang lalaki sa campus, pero iba kapag galing sa isang taong ngayon ko lang nakilala, at sa loob pa ng isang seryosong opisina. Seryoso ba talaga siya? “I mean… ang ganda ng sulat-kamay mo,” mabilis na bawi ni Joaquin sabay kamot agad sa batok niya. Ako nama'y kunwaring natawa na lang. Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay na rin ako sa kaniya bilang paggalang. "Chloe. At salamat... pasensya na kung ’di kita agad napansin. Kailangan ko lang kasing matapos itong zoning bago ako umuwi.” "San Jose Project?" silip niya sa drafting board ko habang dahan-dahang binibitawan ang kamay ko. "Whoa! First day mo pa lang pero 'yan na agad ang pinapagawa sa 'yo? Iba ka rin. Ako, tatlong araw muna akong nag-plot ng electrical p
Lunes. Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o sa sobrang excitement, pero kahit puyat ako kagabi ay maaga akong bumangon para maghanda. Pinili ko ang pinaka-presentableng outfit na mayroon ako, isang beige na slacks at itim na turtleneck. "O, uminom ka muna ng gatas bago umalis," abot ni Mama ng baso pagbaba ko sa kusina. "Huwag kang magpapagutom doon, ha? Unang araw mo pa naman." "Opo, Ma. Baon ko naman po 'yung ginawa niyong sandwich," sagot ko habang mabilis na nilalagok ang gatas. Si Papa naman ay nakaupo na sa paborito niyang pwesto sa sofa, pinapanood ang bawat kilos ko. "Mag-ingat ka sa pagbiyahe. Huwag kang magpapakapagod agad sa unang araw." Ngumiti ako at lumapit sa kaniya para humalik sa pisngi. "Opo, Pa. Alis na po ako.” Sa loob ng bus, hindi ko mapigilang hawakan ang strap ng bag ko nang mahigpit. Pakiramdam ko ay papasok ako sa isang giyera na matagal ko nang pinaghahandaan. Pagbaba ko sa tapat ng Vanguard building,
Inisip ko pa kung dapat ko bang bawiin ang email. Halos limang minuto akong nakatitig sa screen ng laptop ko, hinihintay kung matagumpay maise-send iyon o magkakaroon ng error. Pero nang lumitaw ang notification na pumasok na ito sa outbox ko, isinara ko na ang laptop. Bahala na. Kung hindi siya mag-reply, edé huwag. Wala na akong magagawa doon. Sinubukan kong itulog ang bigat ng nararamdaman ko, pero hindi ako dinalaw ng antok. Panay ang sulyap ko sa phone ko na nasa side table. Pakiramdam ko ay bawat vibration nito mula sa kung anong app ay notification galing sa kaniya. Pero hanggang sa mag-madaling araw, nanatiling tahimik ang inbox ko. Lumipas ang Martes, Miyerkules, at Huwebes na walang sagot mula sa kaniya. Naging routine ko na ang pagche-check ng email tuwing gigising ako at bago matulog. Minsan ay napapaisip ako, baka naman mali ang email address na nakuha ko kay Mia? O baka naman sobrang busy niya sa Singapore na wala na siyang oras para magbasa ng messages? "Chloe, kain
Nakasandal lang ako sa bintana ng bus habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan sa EDSA. Hawak ko ang cellphone ko, binubuksan ang contacts, tinititigan ang pangalan niya, tapos papatayin ko rin ang screen sa huli. Paulit-ulit. Para akong timang.Ano bang dapat kong i-text sa kaniya? 'Salamat sa internship'? O 'Bakit ka umalis nang hindi man lang nagsasabi?'Agad akong napailing sa sarili kong naisip. Bakit naman siya magpapaalam sa akin? Ano ba niya ako? Eh parang estudyante lang naman niya ako tapos ipinagtatabuyan ko pa siya. Napabuntong-hininga ako. Siguro, mas okay na rin ito. Okay nang umalis siya na walang pasabi. Nasabi ko naman na sa kaniya na hindi ako galit. At nakapagpasalamat naman ako sa kaniya kahit papaano n'ung iabot niya sa akin ’yung recommendation letter. Ano pa bang itetext ko?Pagbaba ko sa kanto namin, dumaan muna ako sa isang convenience store. Bumili ako ng ice cream kahit hindi naman mainit ang panahon. Pakiramdam ko kasi, kailangan ng utak ko