Share

Kabanata 27

Author: HANIFAH
last update Last Updated: 2025-12-23 03:05:55

"You're really cute when you're blushing."

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig sa sinabi niya. Grabe! Bakit ba gumaganito na siya?

Imbes na sumagot, mabilis kong itinuon ang paningin ko sa engagement ring na hawak ko na. Kunwari ay sinusuri ko ang bawat detalye ng dyamante, pero ang totoo, gusto ko lang itago ang reaksyon ng mukha ko.

"Do you like it?" tanong niya.

Tumango lang ako nang hindi tumitingin. Ayaw kong magsalita na muna kasi pakiramdam ko'y mapipiyok lang ako.

Nasa ganoong posisyon ako nang bigla niyang kinuha ang singsing mula sa akin. Hindi pa ako nakakareact nang hawakan niya ang kamay ko, ang init ng palad niya ay sapat na para mag-panic ang buong sistema ko. Dire-diretso niyang isinuot ang singsing sa daliri ko.

"Perfect," maikli niyang sabi sabay bitaw sa kamay ko. Gano’n lang ‘yun? Parang nag-abot lang siya ng papel? "Let’s go. We’re late."

Ni hindi niya ako hinintay na makahinga at basta na lang siya naglakad palabas sa shop matapos niyang bayaran ang singsi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 33

    Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mansyon. Sa laki at garbo nito, hindi ko na magawang i-appreciate ang arkitektura nito dahil sa naglulundagang kaba sa dibdib ko. Pagbaba namin ng sasakyan, sinalubong kami ng isang magandang dalaga na tingin ko'y nasa highschool lamang.Mabilis siyang lumapit at humalik sa pisngi ni Raz. "Kuya! You’re finally here!" pagkatapos ay lumingon siya sa akin na may malapad at banayad na ngiti. "And you must be Ate Samantha! I’m Rachelle, the youngest. Oh my god, you’re so pretty!"Hindi lang ngiti ang ibinigay niya kundi isang mahigpit na yakap na tila ba matagal na kaming magkakilala. Siya rin ang gumiya sa amin papasok sa mansyon. Habang naglalakad kami ay panay ang lingon niya sa amin ng kuya niya habang nagkukwento ng kung anu-ano, nang bigla siyang muntikang matalisod sa gilid ng carpet."Baby, careful," malambing na saway sa kaniya ni Raz.Bahagyang tumalon ang puso ko. Akala ko kasi ay ako ang tinawag niyang 'baby'. Kung hindi ko pa nakita na ka

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 32

    Nagmadali akong maligo para hindi na mas humaba pa ang kahihiyan ko. Pagbaba ko sa dining area, sinalubong ako ng aroma ng bagong templang kape at maple syrup. Nakita ko si Raz na prenteng nakaupo, tapos na ring maligo at bihis na bihis na sa kaniyang kulay charcoal gray na polo.Napatitig ako sa mesa. Isang set ng pancakes na perfect ang pagkakabilog, saktong pagkakaprito ng scrambled eggs, at mga prutas na hiniwa sa pantay-pantay na sukat. Grabe! Pati ba naman ito, walang maipintas? Mula kasi sa plating hanggang sa alignment ng kubyertos, sumisigaw ng perfectionism."Grabe... ikaw talaga ang gumawa nito?" hindi ko mapigilang itanong nang matikman ko ang gawa niyang pancake. Maging ang lasa ay nakakalula sa sarap.Inangat niya ang kaniyang tingin mula sa binabasang tablet. "Do you see anyone else in this house aside from us, Sam?" sarkastiko niyang tugon sabay inom ng kape. "I don't settle for mediocre food. If I'm going to eat, it has to be done right.""Pati ba itong kape at itong

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 31

    Nanatili akong nakatitig sa kawalan habang ang puso ko ay parang gusto nang kumawala sa dibdib ko. Tahimik na ang paligid, tanging ang mahinang ugong ng aircon at ang malalim at regular na paghinga niya ang naririnig ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagbigat ng braso niya sa aking bewang, tanda na tuluyan na siyang nilamon ng antok.Dahan-dahan, sinubukan kong kumawala sa yakap niya. Maingat kong hinawakan ang maskulado at mainit niyang braso para sana iusog ito palayo, sa takot na baka mahimatay na talaga ako sa sobrang pagkapos ng hininga. Hindi dahil sa sakal ako, kundi dahil sa sobrang lapit ng presensya niya. Pakiramdam ko ay maiihi ako na ewan sa tindi ng tensyong nananalaytay sa bawat himaymay ng laman ko. Isang maling galaw ko lang, baka magising siya at mahalata niyang halos mabaliw na ang utak ko sa sobrang kaba.Nang sa tingin ko ay makakawala na ako, bigla siyang gumalaw. Imbes na mapalayo ang katawan niya sa akin, mas lalo pa niyang inusog ang kaniyang katawan palapi

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 30

    Buntong-hininga akong napaupo sa kama ng kuwarto. Malambot nga ito katulad ng hinala ko kanina, masyadong malambot para sa taong tulad ko na balisa. Nalulutang man dahil sa kaalamang pareho kaming matutulog dito, ay nagawa ko pa rin ilabas ang mga gamit ko mula sa maleta, pero halos hindi ako makatutok dahil sa ingay ng shower mula sa banyo.Jusko! Bakit ba pati ang pagsha-shower niya ngayon doon sa banyo ay pinoproblema ko pa? Ano, nagsasabon na ba siya ngayon? Eh, kung silipin ko kaya? Umiling-iling ako at pilit winaksi ang kahibangang nabuo sa utak ko. Tuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit nang wala pang sampung minuto ay bumukas ang pinto ng banyo. Halos mabitawan ko ang hawak kong t-shirt nang lumabas mula doon si Raz. Mamasa-masa ang kaniyang buhok. Hindi siya naka-towel, pero mas hindi iyon nakatulong upang hindi ako mapatingin sa kaniyang katawan. Naka-pajama pants lang siya at hubad ang itaas na bahagi ng kaniyang katawan. Seryoso, bakit pati ang abs niya ay nagsusumigaw ng

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 29

    Mga paborito kong damit, charger, at skincare ang tanging dinala ko. Habang abala ako sa pag-iimpake, nararamdaman ko ang paninitig niya sa likuran ko, na para bang bawat galaw ko ay may timer."Done," hingal kong sabi matapos isara ang zipper ng maleta ko."Good. Let’s go." Kinuha niya sa akin ang maleta ko na parang wala lang itong bigat at nauna nang lumabas.Pagbalik namin sa loob ng kotse niya ay binalot kami ng katahimikan. Halos lumipad ang sasakyan sa bilis ng pagpapatakbo niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang dambuhalang modernong mansion. All glass, black steel, at napapaligiran ng matatayog na pader ang itsura ng mansion. Kung tutuusin ay para na itong museum sa sobrang linis at tahimik ng dating."Dito ka nakatira?" tanong ko habang nakatingala sa dambuhalang bahay."Obviously," maikli niyang sagot sabay baba ng sasakyan.Pagpasok namin sa loob, mas lalo akong namangha na may kasamang pagtataka. Napakalawak ng espasyo pero so

  • Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire    Kabanata 28

    Mabilis na pinasibat ni Raz ang sasakyan patungo sa apartment ko. Kinakabahan ako na ewan. Ito ang unang pagkakataon na papasok siya sa loob. Pero teka… papasok ba talaga siya sa loob? Sa apartment ko na sobrang liit? Agad nawala ang iniisip ko nang sa pagparada pa lang ng sasakyan niya sa harap ng gate ay kapansin-pansin na ang mga makahulugang tinginan sa amin ng mga kapitbahay ko. Jusko, nakakahiya!"Dito na ako. Huwag ka nang pumasok. Um… sa pagmamadali ko nitong umaga, hindi ako nakapaglinis. Baka magkasakit ka lang kung sisilipin mo pa ang loob," palusot ko habang pasimpleng sinusulyapan ang mga kapitbahay sa labas ng kotse. Hindi siya sumagot. Basta na lang siyang bumaba ng kotse at nauna pang pumwesto sa harap mismo ng gate. Naku naman!Mabilis akong sumunod sa kaniya at hinarang ko agad ang sarili ko sa entrance."Balik ka na do'n sa kotse mo! Huwag ka munang pumasok, magulo!" pigil ko sa kaniya.Pero parang walang siyang narinig. Humakbang siya papasok, dahilan para mapaat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status