LOGINPrente siyang nakaupo sa tanaw kong VIP lounge. Hindi lang iyon dahil pinapalibutan siya ng mga babaeng nasisiguro kong mga high-paid escort. Alam ko iyon, dahil kapitbahay ko si Sahil at isa siya sa kanila.
Napangisi ako nang makita ko kung paano dumulas ang malikot niyang kamay sa balakang ng isa sa mga babae. "Ito na pala ang perfect guy sa iba, huh?" nakangisi ko pang bulong sa sarili. Sa hindi malamang dahilan ay biglang naglikot ang utak ko. Napaayos ako ng upo at basta na lang kinapa ang cellphone sa bulsa. "Bakit hindi ko naisip agad iyon?" usap ko ulit sa sarili, dahil sa naisip na plano. Alam kong mali ang gagawin kong ito, pero kung ito lang ang paraan para mabalik ako sa kumpanya niya... bakit hindi ko gagawin? Kinalikot ko ang screen ng cellphone ko at walang alinlangan kong itinapat sa gawi niya ang camera nito. "Lagot ka sa'kin ngayon," bulong ko habang sini-zoom ang kuha ko sa kaniya. Nang makontento ako sa anggulo ng camera, pinindot ko na ang button nito. Ang galing! Kuhang-kuha sa litrato kung paano simutin ng isa sa mga babae ang kaniyang leeg. I swiped to view the photo and then aimed the camera again for another shot. Kailangan kong damihan ang shots para wala na siyang kawala. Ang kaso, pagkatapat ko ng camera sa gawi niya ay bigla kong nabitawan ang cellphone nang makita ko sa screen na nakatingin na siya sa akin. Sh-t. Mabilis akong napatayo sa kinauupuang stool saka dinampot mula sa sahig ang cellphone. Sa takot ko na baka aksidente kong nabura ang nag-iisang kuha kong shot, agad akong nagpunta sa gallery at tiningnan iyon. Thank God, it's still there. Bumalik ako sa pagkakaupo at muling tinanaw ang gawi niya. Naabutan ko siyang nakatingin pa rin sa direksyon ko, matalim ang ipinupukol na tingin. Pero imbes na kabahan katulad kanina, tinaasan ko lang siya ng kilay at binigyan ng mapanlarong ngisi. "I got you..." I mouthed, which made him stand up abruptly. Kita ko ang marahas niyang pagsinghap, kasabay ng pagpatong niya ng parehong kamay sa magkabila niyang balakang. Tumayo na ako sa kinauupuan saka lumabas. Alam kong susunod siya agad kaya tumigil ako sa gilid ng entrance, sa madilim na parte kung saan malaya kong masabi sa kaniya ang gusto... kapalit ng kuha kong shot niya. Tamang-tama dahil walang katao-tao sa bandang ito. At tama nga ako sa hinala... Wala pang ilang segundo ay lumabas na siya. Kuyom-na-kuyom ang kaniyang panga habang lumilinga-linga sa paligid. Lihim akong napangiti at prenteng isinandal ang likod sa pader. Hindi pa rin niya ako nakikita kaya tinawag ko na siya. "Boss..." Natigilan siya. Pinigilan kong hindi matawa sa ekspresyon niya nang makita ko ang nag-aapoy na galit sa kaniyang mga mata nang madako na ang tingin niya sa akin. "It's you," he barked and pointed at me. Tumuwid ako ng tayo saka binigyan siya ng nangungutyang bow. "At your service, Mr. Perfectionist..." Mabuti na lang at medyo marami-rami na rin ang nainom kong alak kanina. Kasi kung hindi? Hindi ko magagawa ang bagay na ito. Now I feel like I have a strange kind of power in my hands. Malalaki ang hakbang niyang lumapit sa akin. Sasalubungin ko na sana siya, kaso nauna na siyang nakalapit sa akin, pagkatapos ay bigla akong padarag na isinandal sa pader. "Aray!" impit kong daing. Sandali pa akong napapikit dahil sa lakas ng pagkakasandal niya sa akin. Seryoso, ang sakit ha! "You f-cking worthless, what do you want from me, huh?!" he spat. Kakadilat ko pa lang nang muli akong napapikit dahil sa lutong ng kaniyang mura. "Grabe ka naman sa f-cking worthless mo. Hindi ba puwedeng hindi ka lang nakontento kahit sobrang galing ko naman talaga?" tuloy-tuloy kong sambit. Napapikit na naman ako nang idiin niya ako lalo sa pader. Kulang na lang ay sakalin na niya ako sa leeg dahil malapit doon ang pagkakatulak ng braso niya. "What do you want, huh?!" ulit niyang pagalit na tanong. Imbes na matakot na naman ako sa matalim niyang mga tingin sa akin ay pinaningkitan ko na lang siya. "I'm here to blackmail you. Hindi ba halata?" matapang kong sagot. "Blackmail me?" he repeated in disbelief. "Sino ka para i-blackmail ako?! Kilala mo ba ang kausap mo ngayon?" Muntik na akong matawa sa tanong niya. Hindi ko lang nagawa dahil sobrang diin na talaga ng pagkakatulak niya ng braso sa akin sa pader. "Of course I know you!" Napasigaw na ako dahil sa hirap ng posisyon ko. "Ikaw lang naman ang walang awang nagsisante sa'kin! Ikaw si Raz! Kilala ka sa pagiging perpekto kuno pero mahilig pala sa p*kpok—aray!" Napahiyaw na talaga ako nang bigla niya akong hinigit at pinatalikod upang ang harap ko naman ang padarag na napasandal sa pader. "Hoy, anong ginagawa mo?!" kinakabahan kong tanong. Pinilipit niya kasi ang dalawang braso ko sa likod ko, pagkatapos ay itinulak pa lalo ako sa pader. Mas lalo akong binalot ng pangamba nang nagsimula na rin niyang kapain ang bulsa ng pantalon ko. "Sabi ko, anong ginagawa mo?!" I demanded. Gumalaw-galaw pa ako upang matigil siya sa pagkapa sa pantalon ko, ngunit agad niyang pinirmi ang parehong balakang ko sa pamamagitan lang ng pagtulak ng braso niyang hawak at nakadagan na rin sa dalawa kong kamay. T-ngina, ang lakas niya! "Where's your f-cking phone?!" asik na niya nang wala siyang nakapa sa mga bulsa ko. Ang tanga niya sa part na iyon. Tingin ba niya ay basta ko na lang ibubulsa ang phone ko doon gayung alam kong maghaharap kami ngayon? "Hindi mo talaga mahahanap diyan dahil wala naman d'yan!" pasigaw kong sagot. "I said, where's your f-cking phone?!" sigaw din niya pabalik, saka ako muling pinaharap sa kaniya. Ang mabibigat niyang mga kamay ay madiin nang nakahawak sa magkabila kong balikat. Galit na galit na nga siya kasi halos mamula na ang gilid ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. I drew a breath and met his gaze with what little pride I could muster. "Wala nga kasi sa bulsa ko kasi nasa b*obs ko!" wala sa sarili kong bulalas. Lasing nga talaga ako kasi ang dapat na nasa utak ko lang ay bigla kong naisatinig. Ano ba 'yan! Mabilis na bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kaya agad kong pinantakip doon ang mga kamay ko. Tumagal ang titig niya doon kaya mas lalo kong tinakpan iyon, halos malukot na nga ang suot kong damit dahil sa pagkakatakip ko ng kamay. "K-Kung ano man 'yang iniisip mo, huwag mo nang ituloy!" nauutal kong banta. "May CCTV doon..." Tumigil ako saglit at tiningala ang bandang kisame ng bar. Sandali siyang lumingon sa bandang iyon ngunit agad din niyang ibinalik sa akin ang tingin. "You can't do that," I snapped. "Kita tayo sa CCTV. Puwede kitang kasuhan ng h-rassment kapag pinilit mo 'ko." Akala ko ay masisindak siya kahit papaano sa sinabi ko; ngunit ibinaba lang niya ulit ang tingin sa dibdib ko sabay kinunutan iyon ng noo. "I can easily delete the CCTV records," he said quietly, and a mischievous smile curved his lips. "Don't you know I own this bar?" What the- seryoso?!“Marry me, Samantha Ion De Miranta…”Napatitig ako sa kaniyang mga mata habang ang mga salitang ’marry me’ ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. I mean… kasal? Paanong napunta agad sa pagpapakasal ang pananatili namin dito?Lihim akong napasinghap nang synod na pumasok sa utak ko ay ang magaganda niyang nagawa sa akin. Tinitigan ko siya ng mariin habang magkadikit ang mga labi ko.Bagaman hindi naging mabuti ang paghihiwalay namin noon, bumawi naman siya sa akin magmula n’ung sinagip niya ako. Siya na ang lalaking hindi ako binitawan noong mga panahong pati ang sarili ko ay ayaw ko nang panghawakan. Siya ang naglinis ng mga sugat ko, hindi lang ang mga nasa balat, kundi pati ang mga sugat sa pagkatao ko. Sa loob ng halos dalawang taon, wala siyang ibang ginawa kundi masiguro na ligtas at masaya ako.‘Does he deserve a 'yes'?’ tanong ko sa sarili ko.Muli na naman akong napasinghap ng lihim nang maalala ko ang mukha ni Raz sa TV noong nakaraang taon.
Isang tao, tatlong daan at animnapu’t limang araw na ang lumipas mula nang huling maramdaman ko ang hapdi ng lubid sa mga pulso ko at ang malansang amoy ng dugo sa impyernong silid na ’yun.Sa halos dalawang taon, ang rest house na ito ni Ethan sa gitna ng malawak na farm ang naging kaisa-isa kong mundo. Hilom na ang mga natamo kong sugat sa balat, pero may bigat pa rin sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring ’yun. Ganunpaman, masasabi ko pa ring unt-unti na akong nagiging okay. Natutunan ko na ring yakapin ang katahimikan dito.Ngayong hapon, naglalakad ako sa malawak na lupain sa harap ng rest house. Ang amoy ng damo ay sumasana sa hangin, pati na ang sariwang bulaklak. Mula rito sa kinatatayuan ko, tanaw ko si Ethan na naglalakad din sa hindi kalayuan, tila may tinitignan sa mga pananim. Napangiti ako nang lumingon siya sa akin at kumaway."Sam! Halika rito, tignan mo 'tong mga bagong tanim na sunflowers!" sigaw niya.Natawa ako at nagsimulang tumakbo patungo sa kaniya.
Pumikit ako nang mariin habang umaandar ang sasakyan ni Ethan. Nangingibaw man ang panghihina, sinubukan ko pa ring sulyapan ang labas ng bintana. Sa halos isang linggo kong nakakulong sa silid na ’yun, ang akala ko ay nasa liblib na kagubatan o abandonadong bundok ang kinaroroonan n’un. Ang gusaling pinanggalingan ko pala ay walking distance lang mula sa isang maluwag na highway kung saan tanaw ang mga dumadaang sasakyan at poste ng ilaw.Napayuko ako at hindi na napigilan ang paghikbi nang may mapagtanti ako. “How could Raz not find me there?” pabulong kong tanong sa sarili habang humahagulgol. “With all his power, with all his money... it’s just a few meters away from the main road. Was I really that invisible to him? Or maybe Gino was right... maybe Raz never really intended to find me at all.”Bahagya akong natigil sa paghikbi nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Ethan na humawak sa nanginginig kong kamay. "You're safe now, Sam. Please, stop crying. Hinding-hindi ka na nila
"Patay na ba 'yan?" Malabo man ang pandinig ko ngayon pero narinig kong tanong iyon ng isa sa mga lalaking bantay."Hindi pa ata. Humihinga pa, o," sagot ng isa pa, sabay sipa sa paa ko para tignan kung may reaksyon ako. Hindi ako nakagalaw habang walang lakas na nakahandusay ngayon sa sahig."Pero mamamatay na 'yan, naghihingalo oh. Masyadong napuruhan sa ulo," dugtong ng isa sa mga babaeng bantay. Narinig ko ang yabag ng mga paa nila na papalayo nang bumukas ang pinto.Pumasok si Gino. "Labas muna kayo," maikli niyang utos.Naramdaman ko ang paglapit niya. Pasquat siyang umupo sa harap ko at hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha kong puno ng dugo at pasa. "So, you made it, huh," bulong niya. Inalalayan niya akong maupo sa silya, bagaman parang lantang gulay na ang katawan ko.Bumalik siya sa pagkaka-squat sa harap ko, titig na titig sa akin. "I'm so disappointed in Raz. I gave him two days to find you, but he did not. With all his connections, he couldn't even track a single w
Ang sumunod na dalawang araw ay hindi ko na masyadong maramdaman ang katawan ko. Para akong nasa mahabang siklo ng dilim, na unt-unting nagpapaguho ng katinuan ko. Sa loob ng silid na ito, wala akong nakikitang bintana upang masulyapan ko man lang ang pagsikat o paglubog ng araw. Ang tanging basehan ko ng oras ay ang pagpasok ng mga tauhan ni Gino para maghatid ng panibagong round ng pasakit.“Gising, prinsesa!” Isang malakas na sipa sa sikmura ko ang nagpagising sa akin sa ikalawang umaga.Napaduwal ako sa sobrang sakit. Ang hita ko ay namamaga na dahil sa mga tusok ng gunting ni Marga noong nakaraang gabi. Ngayon ang dalawang babaeng tauhan naman nila ang mananakit sa akin. Kumuha ang isa sa kanila ng isang maliit na pliers, isang plais na karaniwang ginagamit sa construction."Sabi ni Boss Gino, kailangan daw naming i-record ang boses mo para may mapakinggan si Raz bago matulog," nakangising sabi ng babaeng may maikling buhok.Bago pa ako makapagsalita, hinawakan ng dalawang lalaki
Unti-unti akong napamulat. Nagtaka pa ako dahil sa bawat pagkurap ko ay sinasabayan ng matinding pintig sa sentido ko. Amoy kalawang, alikabok, at luma, iyan agad ang bumungad sa akin sa pagdilat ko. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko sa pag-aakalang baka malabo lang ang paningin ko…Pero nang luminaw na ang paningin ko, ang nakangising si Marga ang nakita ko. Nakaupo siya nang de-kwatro sa isang silya sa harap ko, prenteng humihigop ng wine. Agad akong nag-hysterical nang maalala ang nangyari sa party, pero natigilan ako nang maramdamang hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Pagtingin ko sa katawan ko ay nakagapos ako sa isang lumang kahoy na bangko."Gising na pala ang pakarat," nakangising bati ni Marga."Marga, pakawalan mo ako rito! Hayop ka, anong kailangan mo?!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga lubid na bumabaon na sa balat ko."Boring mo talaga," nanunuya niyang sabi. “Dapat, pagmamakaawa ang unang lalabas sa marumi mong bibig… hindi ganiyan,” dugtong niya bago lum







