LOGINEmilyn's POVPumasok agad ako sa loob ng kwarto pagkaalis ni ate Tanya. Pinuntahan ko kaagad si sir Gabrielle na nasa loob pa ng banyo nagtatago. " Sir Gabrielle... umalis na po si ate Tanya." Malakas na wika ko sa labas ng pintuan ng banyo. Nilingon ko pa nga si baby Luca baka nagising ito sa lakas ng boses ko. " Sir Gabrielle!" gulat kong bulalas. Nanlaki pa ang dalawang mata ko sa nabungaran. Hindi ko alam kung anong maging reaksiyon ko kung maiilang ba ako o matutuwa. Paano ba naman kasi nakatopless siyang lumabas ng banyo. Ang ganda ng katawan niya, sarap yakapin. " Pwede na ba akong maging Modelo?" tanong niya sa akin, bigla siyang humarap kaya nahuli niya akong nakatitig sa likuran niya. Mabilis akong kumurap at napalunok ng laway. Gi atay man oy, nakakahiya Kay sir Gabrielle baka isipin talaga nito pinagnanasaan ko siya. " Bakit po kayo nakahubad,sir Gabrielle? Hindi mo ba naisip baka babalik si ate Tanya at maabutan ka niyang walang damit pang-itaas?" Nanunuksong ngit
Emilyn's POV Nandito na kami ngayon sa malaking sala sa bagong bahay na pinapagawa ni sir Luke . Dream house daw ito ni ate Tanya. Ang swerte talaga ni ate Tanya, bukod sa gwapo, mayaman ay mahal na mahal siya ng amo kong lalaki. Minsan din talaga hindi rin maganda kapag pride ang pinairal. Isipin mo iyon tatlong taon din ang nakalipas bago sila sir Luke at ate Tanya na nagkaayos. Nakakaiyak man ang story nila pero atleast sa wakas sila parin ang endgame. Ako kaya? May endgame din kaya akong katulad kay ate Tanya na kahit hindi na mayaman basta gwapo naman siyempre at responsable. Gusto ko din na hindi din masyadong mahilig sa kama baka kasi sunod-sunod ang magiging anak namin. " Emilyn...okay ka lang? Kanina ka pa diyan tahimik tapos kumikibot din iyang labi mo.May sinasabi ka ba?" Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sunod-sunod din ang tanong sa akin ni ate Michelle, Na kay sir Larry kasi si baby Luca kaya nandito lang ako sa medyo gilid na hindi masyadong pansinin. Kas
Emilyn's POV Tapik sa balikat ang nakapagpagising sa akin. Agad akong napadilat ng mata nabungaran ko agad ang gwapong mukha ni sir Larry. " Ang cute mo palang matulog, Emilyn. Kahit naglalaway ka." Humagalpak pa ito ng tawa. Mabilis ko naman pinunasan ang bibig ko sa pag-akalang baka nga may laway ako. Kaya mas lalong natawa si sir Larry. Kainis! Pinagtripan lang pala ako nito. Sarap piktusan kung hindi lang sana gwapo makatikim sana siya ng sapak galing sa akin. Pero siyempre joke lang 'yon baka makauwi ako sa probinsya namin ng wala sa oras. " Nandito na tayo sa Tagaytay." Aniya. Nilingon ko si Luca wala na siya sa baby car seat. Kinuha na pala si baby Luca sa mag-asawang Sebastian. Nakakahiya naman akala mo naman talaga pagod na pagod ako. Well, sabagay pagod talaga ako kagabi at medyo puyat may iniisip lang kasi ako kagabi. Lalo na kaninang madaling araw bago ako tuluyan nagising nandiri lang naman ako sa panaginip ko. Kaloka talaga! " Emilyn...kumusta?" masa
Emilyn's POV Ilang minuto lang ang nakalipas bumalik na si sir Luke sa sala para siya naman ang magbantay kay baby Luca. Pero hindi na niya kasama si sir Gabrielle. Bigla naman akong nalungkot sa isipin na baka umalis na ito na hindi ko namalayan. " Thank you, Amanda... kumain ka na." Amanda ang ang tawag ni sir Luke sa akin minsan naman Emilyn wala naman problema 'yon dahil kahit dalawa ang pangalan ko atleast wala naman akong kapareho na pangalan dito sa mansyon. " Sige po, sir Luke." Mabilis na akong umahon sa playpen. Agad na din akong pumunta sa kusina para sasabay nang kumain sa kanila ate Jolly. Pero nagulat nalang ako dahil nandito si sir Gabrielle nakaupo na sa mesa ng mga kasambahay. Anong ginagawa niya dito? " Ayan, nandito na si, Emilyn. Halika na kumain na tayo at sasabay daw si, sir Gab, sa atin." Wika ni ate Jolly na may nakaloko pang ngiti na binigay sa akin. Agad naman tumikhim si sir Gabrielle," Okay lang ba na sasabay ako sa inyo? Parang ayaw yata
Emilyn's POV Nakangiti sa akin si sir Larry pagpasok niya sa kwarto ." I'm sorry, I didn't knock the door.Kumusta?" tanong niya. Umupo siya sa kama na tumabi sa akin. " Okay naman po, sir Larry. Hindi lang ako makapaniwala na ang laki ng kwarto ko. Eh, mag-isa lang naman ako." Natawa naman si sir Larry. " Huwag mo ng isipin iyon, Emilyn. Maraming mga bakante pa dito. At isa pa kailangan magkatabi lang kayo ng kwarto at sa nursery room ni baby Luca." Aniya. " How's, Gabrielle?" pag-iba niyang tanong. Hindi ko naman makuha ang tanong niya. Bakit niya sa akin kinumusta si sir Gabrielle. " I mean hindi ka ba niya pinagloloko? Maloko kasi ang kaibitni kuya Luke na 'yon eh." Dagdag pa niya nang wala siyang makuha na sagot sa akin. Lihim naman akong nasaktan sa sinabi ni si Larry. Dahil pinalabas niya talaga na maloko si sir Gabrielle. Hindi ko lang masabi sa kanya na binilhan pa ako kanina ni sir Gab ng paborito kong pagkain sa fast food chain. Tinatanong niya pa ako kanin
Emilyn's POV Napaawang ang aking bibig nang pinapapasok na ang sasakyan ni sir Gabrielle sa guard ng mansyon. Akala ko sa mga palabas sa tv ko lang makikita ang totoong mansyon. Ngunit heto na ako masilayan ko na talaga ng personal ang totoong mansyon. Hindi ko akalain na may ganito pala talaga kalawak na bakuran at bahay. " Just wait here..." mabilis na sambit ni sir Gabrielle sa akin. Mabilis din siyang lumabas ng sasakyan at umikot sa harapan. Papunta sa pwesto ko ang direksyon niya. Nagulat nalang ako dahil kusa niya akong binibuksan ng pintuan. Hala siya...yaya po ako dito ni baby Luca hindi naman ako disney princess na kailangan pang pagbuksan. Aba masyado na akong paborito ni papa God dahil hindi lang malaki ang pasahod ang binigay sa akin ng mga amo ko. May nakilala pa ako ng ubod ng gwapo at gentleman pa. Noong una ko pa naman nakita si sir Gabrielle akala ko talaga mayabang siya at mahirap siyang pakisamahan. Pero heto ako sinunod niya talaga ang habilin ni sir L
Emilyn's POV Kahit nakatuon ang aking paningin sa labas ng bintana. Hindi ko pa rin mapigilan nag sarili ko na hindi siya sulyapan sa side mirror. Minsan pa nga makalimutan ko ang hiya ko sa sarili ay bigla nalang akong mapalingon sa kanya. Kaya agad din siyang mabigla o kaya mapakunot-noo. "
Emilyn's POVAlas syete palang ng umaga nakahanda na ako lahat-lahat. Dahil ngayon ako susunduin ng kapatid ni sir Luke daw na nangangalang Larry. Kahit hindi ko pa nakita alam ko na gwapo ito dahil kapatid ito ni sir Luke. Maya-maya pamay may sasakyan nang bumubusina sa labas ng apartment nila at
Emilyn's POV " Mag-amping ka didto sa Manila, Emilyn, anak!" huling habilin sa akin ni mama. Na ang ibig sabihin ng sinabi niya ay mag-ingat daw ako sa Maynila. Kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. Sa wakas pumayag din ang mga magulang ko na pupunta ako ng Maynila dahil ako ang magiging yay







