共有

Chapter 3

last update 公開日: 2026-05-25 14:38:12

Akala ni Honey ay puro masasamang pangyayari nalang ang mararanasan niya nang buwan na yun, pero paggising niya kinaumagan ay halos magtatalon siya katitili nang maka-receive siya ng email mula sa inapplyan niyang school. Napabalikwas naman ng bangon si Vera na natutulog pa at nagising lang dahil sa gulat.

“Anong nangyari? Akala ko kung napano kana.” Sita ni Vera kay Honey.

“Sorry. Natuwa lang ako ng sobra, naalala mo yung sinasabi kong school na pinasahan ko ng application last month?”

Saglit na nag-isip si Vera.

“Yung gusto mong lipatan kasi mas malapit dito sa place mo at mas malaki ang sahod?”

Honey’s face lit up. “Oo, iyon nga! Nag-email sila ngayon sa akin, akala ko hindi na ako matatanggap kasi noong nag-apply ako ay mayroon na silang napiling candidate for the role. Pero ito na nga ang good news, mayroong nag-resign na teacher at kailangan nila ng immediate replacement, since isa daw ako sa mga qualified noon ay ako na ang pinili nilang kunin.”

Nagtilian ang dalawa matapos marinig ang good news. Sinamahan pa ni Vera si Honey na magtatalon sa tuwa.

“Deserve ng moment na ‘to ang isang celebration!”

Nawala ang ngiti ni Honey nang marinig ang kantyaw ni Vera.

“Kaso kailangan kong mag-report ngayon sa University at ipasa ang mga requirements ko, immediate replacement daw kasi kaya madalian. Mabuti nalang nag-resign na ako sa former school na pinagtuturuan ko, tinatapos ko nalang ang handover sa papalit sa akin.”

“Matagal ba yun? Aabutin ng buong araw?” Tanong pa ni Vera.

“Hindi naman. Kakausapin lang ako, i-oorient sa magiging trabaho ko, ibibigay ko yung mga hinihinging requirements, then I’m free to the whole day.”

“So? Anong problema at bakit hindi tayo makakapag-celebrate?”

“Hindi ba hassle kasi? I mean, maghahanap pa tayo ng place to celebrate, alam kong ayaw mong dumito nalang sa lugar ko at mag-order ng pagkain.”

Huminga ng malalim si Vera.

“No problem. Pang-umaga ang schedule ng kapatid ko ngayon, paghahanapin ko siya ng restaurant na malapit sa place na pupuntahan natin.”

“Huwag na. Nakakahiya naman sa kapatid mo.”

“Ano ka ba? Hindi magrereklamo yun, saka para magkakilala na rin kayo. Just treat him as your little brother, busugin mo lang yun ng pagkain ay mananahimik na yun.”

Natawa si Honey sa paglalarawan ni Vera sa kapatid nito.

…

Pagkatapos ng appointment ni Honey sa Montessori University ay agad na silang nagtungo ni Vera sa restaurant kung saan sila magce-celebrate.

Pagpasok nila sa loob ng restaurant ay agad hinanap ni Vera ang kapatid. Excited na hinila ni Vera si Honey nang makita na ang hinahanap. Nagulat man ay nagpagiya nalang si Honey sa kaibigan, binitiwan lang siya nito nang malapit na sila sa mesa.

Nakatalikod ang lalaki kaya hindi makita ni Honey ang mukha ng kapatid ni Vera.

“Hi, little brother! Did you miss me?”

Naunang lumapit si Vera sa kapatid nito at ginulo pa ang buhok ng binata. Tila naaasar na sinusubukan namang lumayo ng lalaki.

“Ano ba, ate? Hanggang dito ba naman gagawin mo pa rin yang ginagawa mo noong bata ako.”

Natigilan si Honey nang marinig ang boses ng kapatid ni Vera, sobrang pamilyar at hinding hindi niya makakalimutan. Nagmamadaling naglakad siya palapit sa magkakapatid at iniharap ang lalaki sa kanya. Nagulat naman si Vera sa ginawa niya.

Nagkatitigan si Honey at Zion, parehong gulat at tila nalunong ang kani-kanilang dila.

“Magkakilala ba kayong dalawa?” Nagtataka nang tanong ni Vera.

“No,” pumikit ng mariin si Honey. “Nagkamali lang ako. Akala ko may ka-boses siya, ibang tao pala.”

Sumilay ang pilyong ngiti sa mukha ni Zion.

“Bakit? Inakala mo bang ka-boses ko ang lalaking nakilala mo sa bar at nakatabi sa kama magdamag?”

Namutla si Honey sa tinuran ni Zion. Pakiramdam niya ay panandalian siyang tinakasan ng kaluluwa.

Binatukan ni Vera ang kapatid nito.

“Siraulo! Bestfriend ko ‘yan at mas matanda sa ‘yo, matuto kang gumalang.”

Napahawak naman si Zion sa ulo nitong hinampas ni Vera.

“Ate naman, nagbibiro lang ako.”

“Nakakatawa ba yung biro mo ha? Unang pagkikita niyo palang ng kaibigan ko, tapos magbibiro ka ng ganyan. Umayos ka, Zion.”

Hindi na sumagot si Zion pero muling bumalik ang tingin nito kay Honey. Makahulugan ang mga titig nila sa isa’t isa na para bang nagkakaintindihan sila gamit lamang ang kanilang mga mata.

“Umorder kana ba, Zion?”

Nag-iwasan lang ng tingin si Honey at Zion nang magtanong si Vera.

“Oo, lahat ng sinabi mo kanina sa chat na-order ko na.”

Tumango si Vera.

“Good. By the way, I know it’s late at medyo nasira na ang impression niyo sa isa’t isa, but well…Honey, this is Zion, my little brother. And Zion, this is Honey, my bestfriend, so better treat her right.”

“I will, ate.” Makahulugang sagot ni Zion habang hindi inaalis ang tingin kay Honey. “I’ll even take care of her when she’s drunk.”

Nasamid si Honey sa sariling laway nang marinig ang pahaging ni Zion.

Pilit niyang nginitian ito.

“Thank you, Zion. Please treat me like your BIG SISTER.” Pinagdiinan pa ni Honey ang huling salita para mas maintindihan ni Zion ang ibig niyang sabihin.

“Sure. Mahilig naman ako sa mga babaeng mas matatanda sa akin, malapit kasi kami ni Ate Vera kaya gusto ko ay hindi nalalayo sa kanya.”

Naguguluhang nagpalipat lipat ang tingin ni Vera sa dalawang kasama.

“Alam niyo, kung hindi ko lang kayo kilalang dalawa, iisipin kong may nakaraan kayo at nagpaparinigan.”

Umahon ang kaba sa dibdib ni Honey nang marinig ang kumento ni Vera.

“He’s still in college, right?” Baling ni Honey kay Vera.

“Yes, 2nd year college.” Sagot ni Vera. “Oh wait! Saan ka nga nag-aaral, Zion?”

Nag-uusap pa ang mag-kapatid pero wala na doon ang atensyon ni Honey. Pakiramdam niya ay tumigil ang ikot ng mundo niya at naging sound proof ang paligid dahil sa kanyang nalaman. He slept with a college student? And not just that, he is her bestfriend’s brother?

“No way.” Wala sa sariling bulalas ni Honey kaya natigil sa pag-uusap ang dalawa at natuon sa kanya ang atensyon ng mga ito.

“What’s wrong?” Untag ni Vea kay Honey kaya siya natauhan.

“Huh? Nothing. Huwag niyo akong pansinin, may naalala lang akong pangit na alaala.” Pasimpleng sinamaan ni Honey ng tingin si Zion na nahuli niyang nakatingin din pala sa kanya. “Nevermind. Punta lang ako sa CR, I need to pee.” Paalam ni Honey.

“I remembered, I need to go to the CR too. Sabay na tayo.”

Hindi na hinintay pa ni Honey si Zion at nauna nang naglakad. Naiwan namang naguguluhan si Vera kung ano ang nangyayari sa dalawang kasama niya? 

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Wild nights with my Professor   Chapter 24

    Pagpasok palang ni Zion sa coffee shop kung nasaan ang mga kaibigan niya, agad siyang pinagkaguluhan ng mga ito. Bahagya pa siyang napaiwas kay Earl at nandidiring tiningnan ito nang sobrang lapit nitong animong plano pang halikan ang leeg niya.“Anong ginagawa niyo?” Inis na tanong niya at naupo nalang sa pang-isahang upuan para walang makalapit sa kanya.“Ang bango mo kasi, man. Nagbago ka ba ng pabago?Kumunot ang noo ni Zion, inamoy niya ang damit niya at natigilan. May kaunting amoy ni Honey ang damit niya, marahil dahil nagtagal siya sa office nito at naupo pa sa upuan nito. Totoong masarap sa ilong ang pabango ni Honey, tila gusto nakaaadik…at ayaw nalang niyang maligo mamaya.“Guys, tingnan niyo yung babaeng kapapasok lang. Iyong nasa counter.” Napako ang atensyon nilang apat sa counter area nang marinig ang sinabi ni Gabriel.Sa kalayuan ay isang matangkad, sexy, at magandang babae ang kasalukuyang umoorder ng kape. Agad niya ng naalala ang babae, ito yung senior na nagpa-add

  • Wild nights with my Professor   Chapter 23

    Napapalunok si Zion habang tahimik at seryosong binabasa ni Honey ang pinasa niyang tula dito. Ni wala siyang nakikitang reaksyon sa mukha nito, kaya naman mas lalo siyang hindi mapakali.“What is this?”Napaayos ng tayo si Zion nang marinig ang boses ni Honey ng unang beses simula nang ipasa niya ang pangalawang entry niya ng tula.“May mali pa rin? Sigurado akong hindi ko ‘yan kinopya at walang forbidden love sa mga sinulat ko ngayon.” Agad na depensa ni Zion sa sarili.Nag-angat ng mukha si Honey, kunot na kunot ang noo nito.“Is this for an ex-lover? Sobrang lalim, maganda siya at mukhang malalim ang pinaghugutan. Have you been broken before?”Napakurap si Zion nang walang masamang kumento na lumabas sa bibig ni Honey, sa halip ay pure curiosity lang.“Hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend simula noon.” Nahihiyang pag-amin ni Zion. “Ikaw palang ang una ko—”“Enough. Hindi ako naniniwalang never ka pang nagkaroon ng girlfriend, eh halos araw araw kang napapalibutan ng mga babae.”

  • Wild nights with my Professor   Chapter 22

    Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Honey nang pagpasok ni Zion sa klase niya kinabukasan ay may inilapag itong sampung bond paper sa harap niya. Nang tingnan niya naman ito ay may proud na ngisi ito sa mukha."Ayan na ang sampung poem na hinihingi mo, walang pandaraya...kahit ipa-billboard mo pa." Mayabang na wika ni Zion.Bumaba ang tingin ni Honey sa tulang tinukoy ng lalaki, binasa niya ng pahapyaw ang unang tula. Saka siya naguguluhang tiningnan si Zion."Saang website at sinong hindi kilalang writer ang ninakawan mo ng emosyonal na piece na 'to? O baka naman nagbayad ka pa ng gagawa para sa 'yo nito?"Ang mahangin at mayabang na aura ni Zion kanina ay biglang nawala, nalukot ang mukha nito at hindi makapaniwalang tumingin kay Honey."Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin? Kahit ipa-check mo pa 'yan kay Albert Einstein, original work ko 'yan. Palibhasa wala kang emosyon kaya siguradong hindi mo kayang sumulat ng emosyonal na tula." Pahaging pa ni Zion."Excuse me? I

  • Wild nights with my Professor   Chapter 21

    Katatapos lang ng klase ni Honey nang maalala niya ang lalaking iniwan sa kanyang opisina.“Kumusta na kaya ang loko na yun?” Mahinang bulong niya habang naglalakad pabalik ng opisina niya. “Masyado bang mahirap ang pagawin ko siya ng anim na tula?”Biglang nakaramdam ng kaunting guilt si Honey nang maisip na medyo napasobra siya sa pinagawang tula kay Zion, naisip niyang mag-order nalang ng pagkain para sa kanilang dalawa bilang pampalubag loob dito.“Huy, ano ‘yan? Mukhang hindi ka sasabay sa aking kumain, oorder ka nalang…at mukhang may iti-treat ka pa.” Usyoso ni Professor Gianna, nakisilip pa ito sa cellphone ni Honey.“Ikaw talaga, Professor Gianna. Hindi ba uso sa ‘yo ang privacy?” Mabilis na itinago ni Honey ang cellphone.“Ikaw naman, parang palaging bago. Saka hindi naman privae ‘yang ginagawa mo, umoorder ka lang naman ng pagkain para sa dalawa. Not unless…” Suminghap ito, napatakip pa ng bibig na animo gulat na gulat. “Yung ka-date mo ay estudyante, ano?”Nagsalubong ang k

  • Wild nights with my Professor   Chapter 20

    Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit ang tanging nagagawa palang ni Zion ay makipagtitigan sa papel na nasa harap niya, paminsan minsan ay napapatingin siya sa gawi ni Honey na tila walang pakialam sa kanya. Dalawa silang nasa loob ng opisina nito pero parang nasa magkaibang mundo sila.“Wala ka bang klase ngayon, Professor Honey?” Hindi na makatiss na tanong ni Zion, bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang tingnan ni Honey ang schedule board nito.“I still have five minutes, kumusta ang ginagawa mo?” Baling ni Honey sa ginagawa ni Zion, alam niyang wala pang nagagawa ang lalaki dahil pa-sikreto niyang pinapanood ito. Ngunit gusto niyang subukan kung magsasabi ito ng totoo.“Patapos na ako, baka nga hindi pa umabot ng alas dose.” Mayabang na saad nito, hindi tuloy maiwasan ni Honey na mapangisi.“Hindi ko alam na gano’n ka pala ka-dedicated sumulat ng tula. Pwede ko bang i-check na ang mga nagawa mo?”Natigilan si Zion. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig at kakaibang kaba sa mapan

  • Wild nights with my Professor   Chapter 19

    Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nina Zion at Honey, ngunit ramdam ni Zion ang tensyon sa matatalim na tingin ni Honey.“Ano bang ginagawa mo dito, a-ate?”Muling naningkit ang mga mata ni Honey.“Nasa school tayo, call me professor or else…”Napalunok si Zion. Pilit niyang pinapatapang ang sarili kahit kanina pang nanginginig ang tuhod niya sa takot.“Ano bang ginagawa mo dito sa dorm ko, Professor Honey? Huwag mong sabihing gusto mong maulit yung nangyari sa atin sa hotel? Hindi naman sa nagpapakipot ako, pero masyado pang maaga at hindi ka ba malalagay sa alanganin kapag nahuli kang pumapatol sa estudyante mo?”Namilog ang mata ni Honey, hindi makapaniwalang tumingin kay Zion.“A-Ano?! Gusto mo bang…” pumikit ng mariin si Honey at huminga ng malalim. “Nevermind. Follow me in my office now.”“P-Pero?” Nag-kunwaring umubo si Zion. “Totoong masama ang pakiramdam ko.”Matalim ang tinging ipinukol dito ni Honey, napaatras si Zion nang magtangka itong lapitan siya.“A-an

  • Wild nights with my Professor   Chapter 7

    Kasalukuyang naglalaban si Zion at ang mga kaibigan niya sa natitirang slice ng steak, nakahanda na ang lahat sa pakikipagdigma para sa isang piraso ng steak nang umugong ang bulungan. Pare-pareho silang napalingon sa paligid at natuon ang atensyon sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante.“Wow! Ang

  • Wild nights with my Professor   Chapter 6

    Pagdating ni Zion sa boy’s dormitory ay naroon na ang isa sa mga kaibigan niyang si Earl, maliit at payat ito kaya hindi masyadong pansinin ng babae.“Sino yung kausap mo kanina?” Tanong ni Earl kay Zion na kapapasok lang at kasalukuyang inilalapag ang mga dalang gamit.“Schoolmate lang na nanghihi

  • Wild nights with my Professor   Chapter 5

    Paalis nalang sila nang maka-receive ng tawag si Vera. Pagbalik nito ay hindi maganda ang timpla ng mood nito.“Nakakainis naman yung boss ko, on vacation pa rin ako pero gusto daw akong ma-meet today dahil may importante itong sasabihin.”“Baka urgent. Puntahan mo na muna, you can use my car.” Suh

  • Wild nights with my Professor   Chapter 4

    Nang makarating sa corner kung saan walang tao ay buong pwersang hinila ni Honey ang kamay ni Zion at marahas na isinandal nito ang lalaki sa pader. Dahil sa pagkabigla at hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na natangay si Zion.“What the heck did we just do? I slept with a student and…my sister

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status