Share

Chapter 2: Approach and Response

"When one is young, he is often exposed to diverse dreams."

---

Minsan ko nang nabanggit kay papa na naguguluhan ako sa kung ano nga ba ang gusto kong makamit sa buhay. Kaya noong tinanong kami ni Ma'am Sally kung ano nga ba ang pangarap namin ay isa lamang ang namamayani sa isipan ko. Ang maging isang war strategist. Isinulat ko kaagad ang pangarap kong propesyon sa index card na binigay ng class adviser sa amin. Nakaguhit ang ngiti sa mga labi ko habang lumalapit ako sa teacher upang ipasa ang card.

Maayos kaming lahat na nakaupo habang pinapanood ang adviser na binabasa ang mga card. Tiningnan niya ako nang matapos mabunot ang sa akin.

"Amber, sigurado ka ba rito?" tanong ni Ma'am Sally sa akin.

"Opo," tugon ko matapos tumayo. "Pangarap ko po ang maging isang war strategist upang masigurong mananalo po ang kampo na aking pinagsisilbihan."

"Ang weird ng gusto mo. Bakit pa giyera?" tanong naman ng kaklase ko na parang nadismaya sa sagot.

"Being a war strategist doesn't mean it's a job to provoke a war. It is actually utilizing strategies for the security of the people while not leaving the armed enemies tolerated," sabi ko habang nakangiti sa mga kaklase ko. Pinigilan ko ang sarili kong mapabuntong hininga. They still find my dream too strange to believe. "Pero baka magbago pa po ang desisyon ko. Kahit papano ay gusto ko rin pong maging sundalo. Naisip ko lang po yan dahil sa kakapanood ng historical dramas," sumuko na ako sa pagkumbinsi sa kanila. Umupo na lang ako at sumandal.

"Class, natural lamang na nalilito kayo sa kung ano nga ba ang pipiliin niyong propesyon. Kaya habang wala pa kayo sa senior years niyo, ay tutulungan kayo ng ating education framework upang matuklasan ang mga kakayahan ninyo at nang ma-improve pa ito," kalmadong pahayag ni Ma'am Sally. Akala ko ay ipapahiya niya ako dahil sa sinulat ko. "Class, magbibigay ulit ako sa inyo ng card pagkatapos ng education framework para sa unang semester upang ma-evaluate kayo," sabi ni Ma'am Sally sabay tingin sa relo niya. "Pero sa ngayon ay hanggang dito muna tayo dahil magkakaroon ng earthquake drill ang school natin."

Nagsimulang tumunog ang mga alarm. Matapos ang duck, hold at cover ay bumaba kami. Pumunta kami sa open court habang pinoprotektahan ang mga ulo namin. Nagsilinyahan kami ayon sa sections. Mainit ang paligid kaya karamihan sa mga schoolmates ko ay nagrereklamo sa init. Pansin ko ang isang estudyante mula sa Class A na para bang nanghihina dahil sa sobrang init. Pinipilit niya lang itong iinda. Lumapit ako sa kaniya at tinakpan siya ng jacket ko. Mas kaya kong tiisin ang init dahil sa training namin ni Papa.

Tumingin sa akin ang estudyante. His familiar thin features reminded me on how vulnerable he is. It is Yuhan Go. He smiled at me after speaking his gratitude.

"Walang problema," tugon ko at nagtago sa anino ng kaklase kong nakatayo na si Ian.

Pero nawala kaagad ang anino na inasahan kong magbibigay sa akin ng lilim. Lumingon kasi sa akin ang kaklase ko at tinanong kung nasaan ang jacket. Napansin niyang ginagamit ito ni Yuhan kaya ngumiti siya sa akin nang mapang-asar.

"Oi tingnan niyo si Amber, dalaga na. Pinahiram niya kay Yuhan ang jacket niya," panunukso ni Ian.

"Tumahimik ka nga!" singhal ko at siniko siya. "Anong pinagsasabi mong dalaga? Hindi ba ako babae sa paningin mo? Ha?" Inis kong sambit habang iniipit siya sa braso ko.

"Aray ko! Mas malakas pa nga braso mo kesa sa akin eh," nahihirapan niyang tugon. "Akala ko tuloy lalaki ka," ngisi niya at sinubukang umalis sa headlock

"Bumabanat ka pa ah," sabi ko at ginulo ang buhok niya. Tumigil lang kami ni Ian nang sinita kami ng class monitor.

Matapos ang drill ay bumalik kami sa classroom na pawisan. Naghahalo-halo ang amoy ng pawis, polbo at mga pabango. Hindi ko kaya ang lakas ng amoy kaya pumunta ako sa cr upang mag-ayos at magbihis. Hindi ako pumasok sa classroom. Sa halip ay umupo ako sa bench na nasa labas at nakaharap sa bintana ng Class A. Kitang kita ko ang pinagkakagawa ng Class A. Katulad ng Class B ay abala rin sila sa pag-aayos ng kanilang sarili. Pero hindi ko nasilayan si Yuhan sa loob ng classroom nila.

Bago mag-ala una ng hapon ay pumunta kami sa AVR para sa weekly joint science class. Pareho ng science teacher ang Class A at B. Madalas kaming pinagsasama ng science teacher sa AVR upang mapaisa na lang ang paglelecture niya. Ito rin ay upang magkaroon ng mas malawak na class participation.

Nakita ko si Yuhan na tinutulungan ang teacher namin sa paghahanda ng presentation. Tatayo na sana ako para tumulong pero nagsalita si Ian.

"Aalis ka? Wala ka nang mauupuan," sabi ni Ian na may halong pagbibiro. "Diyan ko pauupuin ang muse natin kung aalis ka."

"Tutulong lang naman ako sa paghahanda," sabi ko habang nakatitig kay Ian na may halong pangungumbinsi -pagpapacute.

"Diyan ka na lang. Kaya na yan ni Yuhan," kalmado niyang tugon habang nilalagyan ng straw ang tetra pack ng juice. "O, inumin mo na lang 'yan."

Tinanggap ko ang juice at uminom habang pinapanood si Yuhan. Suot-suot niya pa rin ang jacket ko.

"Hindi niya pa pala nasauli ang jacket?" tanong ni Ian.

"Hindi. Kaya nga gusto kong lumapit para makuha na rin yun," walang kaemo-emosyon kong tugon.

"Don't make a show like that. May audience ka kung ngayon mo na kukunin ang jacket. I'm just protecting you from being misunderstood," seryosong tugon ni Ian habang nakatitig sa akin.

"Ikaw nga 'tong nang-asar sa akin kanina," paalala ko matapos siyang sikohin.

"Excemption na ako. Magaling akong umintindi."

I chuckled about what Ian replied. Ian has been a good friend of mine. May sarili naman siyang barkada na kalaro niya sa computer games. May teammates din siya sa basketball at malalapit sila sa kaniya. Seatmate ko si Ian sa classroom at kasama kong magreview ng lessons. Marami naman akong kaibigan sa classroom pero siya ang pinakamakulit.

Habang lumalapit si Yuhan sa pwesto namin ay nakaramdam ako ng kagustohang makausap siya. Hindi ko pa nakitang humalakhak at nakipagbiruan si Yuhan kasama ang kaibigan niya. Hindi ko pa siya nakitang masayang tumatakbo sa field habang hinahabol ang mapang-asar na kaibigan. I want to be that friend na kukulit sa kaniya. Kung pareho kami ni Ian na gusto siyang maging kaibigan, garantisadong maririnig namin ang tunay na halakhak ni Yuhan at makikita ang kaniyang tunay na ngiti habang kasama kami.

Tiningnan ako ni Yuhan kaya nagtagpo ang mga mata namin. May isang Monobloc chair sa gilid at hinila niya ito papunta sa tabi ko.

"Dito muna ako. Okay lang?" tanong niya kaya tumango ako.

"Anong ibig sabihin nito?" bulong ni Ian sa akin.

Umiling lang ako dahil kahit ako ay hindi rin mawari ang dahilan ng pagtabi sa akin ni Yuhan. Upang hindi lumala ang sitwasyon ay ngumiti ako kay Yuhan.

"Pwede ko na bang makuha ang jacket ko?" tanong ko sa kaniya.

Alanganin siyang lumingon sa akin. Pakiramdam ko ay hindi niya kayang isauli ito ngayon.

"Pwede bang bukas ko na lang isauli? I think it’s rude if I just return it in this manner.’

"Okay, ayos lang," ngumiti ako upang malaman niyang sincere ako sa sinabi ko.

Dahil sa pagtabi sa akin ni Yuhan ay hindi kami nag-usap ni Ian. Hindi nagtagal ay tinawag si Yuhan upang mag-lecture tungkol sa integumentary system. Lumingon ako kay Ian at napangiti ako.

"Kaya pala ang tahimik mo kasi nagsusulat ka pala ng notes," natutuwa kong komento habang tinitingnan ang sinusulat niya. "Pahiram ako mamaya, okay lang?" Tumango naman siya habang seryoso pa ring nagsusulat.

Natapos ang joint class ay hindi na kami nag-usap ni Yuhan. Sinundan ko siyang naglalakad malapit sa football field. May tatlong estudyante ang naglalaro.

"Pre, si Yuhan!" turo ng isang lalaki at tinatawag ang mga kasamahan niya. "Ang patpatin pre," natatawa nilang komento at pansin kong pinuwesto nila ang bola upang matamaan sa ulo si Yuhan.

Hinanda ng leader nila ang pagsipa kaya tumakbo kaagad ako papunta kay Yuhan. Mabilis kong nilibot ang braso ko sa leeg niya upang pareho kaming makayuko. Ang puno ang natamaan ng bola at tumalbog ito pabalik sa field. Nakita ko pang kinakalmot ng lalaking sumipa ang batok niya. Iniwasan naman ng ibang kasamahan niya ang mga titig ko. Hindi na ako nagsalita. Hinawakan ko ang pulsohan ni Yuhan at hinila siya habang tumatakbo palabas.

"Hindi mo ba kayang mapansin na may nagbabalak nang masama sa iyo?" tanong ko habang hawak-hawak pa rin siya. "I know you're smart and you think of lectures in advanced manner while walking, but you should remain alert."

"Sorry," kalmado niyang tugon at tiningnan ang kamay ko.

Nailang naman ako sa ginawa ko kaya binitawan ko siya kaagad.

"Salamat sa pagtulong mo at pagpahiram ng jacket. Isasauli ko kaagad ito sa iyo bukas pagkatapos malabhan," sabi niya at naunang naglakad.

Sumunod ako sa kaniya habang nakasilid ang mga kamay ko sa bulsa sa aking jogging pants. Tinititigan ko lang ang malapad niyang likuran at itim niyang buhok. Huminto siya at lumingon sa akin.

"Ba't mo ako sinusundan?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Pareho tayo ng dinaraanan pauwi," tugon ko at naunahan na siya sa paglalakad. Hindi man ako sigurado kung tinititigan niya ako ay hindi na ako lumingon kay Yuhan. Hindi nagtagal ay sinasabayan na niya akong maglakad. Akala ko ay mauuna na naman siya sa akin. Napansin kong sinasabayan niya pala ang mga hakbang ko. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.

"Baka aakalain mong nagsusungit ako," pagsisimula ni Yuhan at ngumiti rin pabalik.

"Hindi naman," tugon ko. Ayaw kong maging masyadong personal kaagad ang mga paksa na pag-uusapan namin. He might find me intimidating. Nang naalala ko ang tungkol kay Ian ay tinanong ko siya. "Yuhan, naglalaro ka ba ng computer games?" Masyado yata itong personal? "I mean, mahilig kasi sa computer games si Ian. Baka gusto mo siyang makasabay kalaro?"

"Hindi ako masyadong mahilig maglaro. Mas nasanay kasi akong magbasa ng libro at magstudy," sabi ni Yuhan. "Naglalaro ka rin ba?"

"Hindi rin," ngumiti ulit ako. "Mas gusto ko yung outdoor games. Mahilig ako sa soccer at softball. Bonding time lang kasama si Papa at mga kaibigan ko."

Tumango si Yuhan habang nakangiti. "It's amazing na magaling pa rin ang academic performance mo kahit mahilig ka rin sa non-academic activities." Hindi pa ako nakatugon ay nilinaw na niya kaagad ang sinabi niya. "I mean, the students from Class A and B are excellent in academics. The school is looking forward to our entrance in prestigious universities some day." Alam kong intensyon ni Yuhan na linawin ang sinabi niya pero mas lalo tuloy nakakalito yung dinagdag niyang salaysay. Ganito ba talaga mag-isip ang mga matatalino?

"Mas magaling ka pa rin naman in academics," tugon ko na lamang.

"Yeah, pero 'di rin maaasahan sa sports at PE activities," mahina niyang tugon. "Alam mo, I really wonder why in shows and novels, a school ace is also multitalented and good in sports. Pero ako? Hanggang utak lang. Hindi pa talaga sumasabay katawan ko. My mom said that I'm unbelievably skinny."

"Bata ka pa naman 'di ba? Baka late bloomer ka lang. Kaya hindi pa masyadong napapansin manly form mo," sabi ko at tinapik ang balikat niya. Sinubukan ko siyang i-comfort sa paraang kaya ko. Ayaw kong magbanggit ng scientific themes dahil baka i-challenge niya opinion ko. Hindi ko kaya ang katalinuhan niya kung ibabangga niya laban sa akin. "Anyway, girls still find you adorable. Pansin kong marami ang naka-crush sa'yo."

Nahihiya siyang tumugon kaya napakamot na lang siya sa batok. Lumipas pa ang ilang mga segundo bago siya nakaisip ng ibang paksa na pag-uusapan namin.

"Paano nga pala kayo naging close ni Ian?" tanong niya habang dumaraan sa gate ng village namin.

"Classmate na kami since kinder. Mas naging close pa kami simula noong naging seatmate ko siya in first year sa junior high. Masyado siyang maingay pero maaasahan naman. Nagtutulungan kami sa pagrereview at paggawa ng assignment," kaswal kong tugon at nakatingin sa kalye.

Akala ko ay may itatanong pa siya pero nakahinto na pala siya sa tapat ng gate nila. "Dito muna ako," sabi niya at kumaway.

Tumango na lang ako at umuwi na rin sa amin. Nakapagtataka man ay natutuwa ako. Sa maraming taon na magkapitbahay kami at nasa iisang school lang, ngayon lang kami magkasabay na umuwi at nagkaroon ng mahabang usapan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status