Share

How to Compensate The Loner's Years
How to Compensate The Loner's Years
Author: Ane Daniels

Chapter 1: Different Victories

Youth, itself, is wonderful. It is a candid grace generously given to children, filling them with hope, lessons, and experiences. It has its own beauty in an unknown time. It is when tears become meaningful. It is the threshold to quest for the meaning of life. The time rolling in this stage is once again meeting love in different faces and intentions. The comradeship keeps blooming and earnestly growing between circumstances and challenges.

Past the rays of the blazing sun, bathing in sweat and dust, while Amber's face and neck had some tips of grasses attached, she keeps dribbling the soccer ball. Her fierce eyes are blazing before her opponent as she runs for the ball. As she received it from an anxious opponent, she advanced with a turning kick. Her favorite word, goal, is shouted throughout the field and spectators. The general triumphant noise was roared. She threw a superman ceremony while shouting her word. Their team won.

Holding the medal and trophy, the media took a picture of Amber, her best friend Ian, and her father. They obtained the precious time printed in pleasant colors and glossy paper. The photo is displayed in their living room.

"Ang galing mo talaga anak," sabi ni Papa at tumabi sa akin habang tinititigan ang litrato. "Alam mo bang binigyan tayo nito ng kapitbahay natin bilang regalo nila sa pagkapanalo ng koponan niyo?" Ngumiti siya at binuksan ang malaking Tupperware na nasa coffee table. Buko Salad ang binigay nila.

"Wow, sino pong nagbigay nito?" tanong ko habang tinutulungan si Papa sa pagkuha ng salad.

"Galing sa mga Go. Binigyan din sila ng pagkain ng mama mo dahil nanalo sa regional quiz bee ang anak nila," tugon ni Papa habang inaabot ko sa kaniya ang bowl na may lamang buko salad.

"Magkasabay palang ginanap ang quiz bee at football Pa?" nalulungkot kong tugon. Gusto ko sanang manood ng quiz bee upang suportahan ang district namin. Hindi pa ako nakapag-enroll para sa high school kaya ang district na lang ang susuportahan ko. Tumango si papa bilang sagot.

"Ang galing naman ng anak ni Tita Helen," komento ko habang kumakain. "Ang talino niya," dagdag ko. Nanonood kami ng replay ng ginanap na quiz bee. Ang sporty na kagaya ko ay mahilig pa rin namang manood ng mga labanan ng utak.

"Yuhan ang pangalan niya," sabi ni Papa at pinakita ang larawan ni Yuhan mula sa phone. Nagpapicture si mama kay Yuhan sa araw ng quiz bee.

"Kaya pala hindi siya nanood sa laro ko?" dismayado kong tanong. Nakaramdam ako ng kaunting selos dahil mas inuna pang panoorin ni Mama ang matalino kong kapitbahay.

"Plinano kasi yun ni Helen at ng mama mo. Kasama ko naman papa ni Yuhan sa football championship. Mas gusto kasi nila ang quiz bee kumpara sa sports. Mas gusto naman ni Pareng Jiro na manood ng football. Kaya ganun ang nangyari."

Kumalma ako sa paliwanag ni Papa. Naalala ko na nagpapicture din si Tito Jiro sa akin. Patas lang pala kami ni Yuhan ngunit hindi ko pa rin pwedeng ikumpara ang utak ko sa kaniya. Mas matalino pa rin si Yuhan kesa sa akin. Ngumiti ako kay Papa at niyakap ang braso niya.

"Pa," pagsisimula ko. "Okay lang po ba sa inyo na hindi ako magfocus sa football? Mas gusto ko pa kasi sana na magfocus sa pag-aaral. Hayaan niyo po, kung may palaro po sa school ay sasali pa rin naman ako. Sisiguraduhin ko po na hindi ko malilimutan ang mga tinuro niyo sa akin."

Ngumiti siya at niyakap din ako.

"'Oo naman," tugon niya. "Kahit pa soccer player ako noong kabataan at coach pa talaga ngayon, hindi ko naman pwedeng pilitin ang anak ko na mag-focus sa larong yun. Amber, ang pangarap mo ay pangarap ko rin," sabi niya. 

Tumingin ako kay Papa at nakitang may kakaibang ngisi mula sa kaniya. Madalas siyang ngumisi nang ganito kung magsisimula siyang mag-prank sa akin. 

"I will never choose a career path for you. It's up to you where medical school you should study."

"Papa naman eh!" sabi ko at hinampas nang mahina ang braso niya. Humalakhak siya kaya tumawa ako. Nagsalita ako nang tumigil kami sa tawanan. "Sa totoo lang, hindi po ako sigurado sa gusto ko."

"Bakit naman?" Ito ang gusto ko kay Papa. Nakikinig siya sa akin lalo na sa mga bagay na inaalala ko.

"Minsan, gusto ko pong maging marine biologist. Minsan naman po, firefighter. Gusto ko rin pong maging sundalo. Naiisip ko rin pong maging entrepreneur. Pero litong lito po ako papa."

"Kahit anong gusto mo 'nak, susuportahan kita," seryosong tugon ni Papa.

"Thanks paps," sabi ko at niyakap ulit siya. "Pa, paano kung may isa na naman akong pangarap tapos mukha itong imposible kasi baka hindi magustuhan ng iba?"

"Bakit naman kailangan na magustuhan ng iba?" tanong ni Papa.

"Kasi parang kahit ako ay hindi ko rin yun gusto, pero pakiramdam ko ay kaya ko."

"Hindi sapat na kaya mo lang ang isang bagay, Amber. Mas makabubuting gusto mo rin ito. Maaaring maganda ang resulta kung kaya mo ito ngunit hindi ito makukumpara sa saya na madarama mo kung naabot mo ang iyong pangarap dahil pinagsikapan mo ito," paliwanag niya. "Just look at your paps, I'm happy being a football coach."

"You, paps, are great," natutuwa kong pahayag at nagthumbs up para kay Papa.

"Tama nang lambing," pag-iiba niya matapos nagthumbs up din sa akin. "Kailangan mo nang ilipat itong buko salad sa iba pang lalagyan. Isauli mo ito kina Helen, okay?"

Tumalima ako sa inutos ni Papa at hinatid ang hinugasan nang Tupperware kina Tita Helen. Pinatuloy ako ni Tita at pinaupo sa sala. May ipabibigay pa raw siya kina mama. Habang naghihintay ako kay Tita ay sumilip ako sa labas ng bintana. Nakita ko si Yuhan na nagpa-practice sa paglalaro ng Table Tennis. Pagbabalanse at pagpapatalbog lamang ng pingpong ball sa mismong racket ang ginagawa niya.

Ngumiti ako habang iniisip na ang galing ni Yuhan hindi lamang sa academics. Kung ipagpapatuloy niya ang pagpractice, ay magiging magaling siyang table tennis player. Umayos ako sa pag-upo at napansing wala nang tunog ng pingpong ball mula sa labas. Tumigil na sa pag-practice si Yuhan. Ngumiti ako nang lumingon siya sa akin.

"Congratulations," sabi ko at tumayo.

Tumango siya at tumuloy na sa kwarto.

Hindi ko akalain na ganoon lang pala ang magiging interaksyon namin kahit na magkapitbahay pa kami at magkakakilala pa ang mga magulang namin.

Hindi ko na masyadong inisip ang naging tagpong iyon at nanatili sa kaswal na takbo ng buhay sa loob ng tatlong taon kasama ang best friend kong si Ian. 

Paglalaro at pag-aaral, training at review; sa mga bagay na ito ay naging simple lang ang buhay ko habang nasa junior high. Ang nagpapasaya ng mga araw ko ay ang parents ko at mga kaibigan. Ang makaisip na rin ng aabuting pangarap ay mas nagpapasigla sa akin.

"Pa, dahil sa training natin ay late akong na-enroll," naiiyak kong pahayag habang nagmamadaling magsuot ng sapatos. 

Sa araw na ito ay titingnan na namin ni Papa kung saang section ako malulugar. Inaasahan ko na sana ay sa first section, Class A, na ako mapupunta dahil sa grades ko. Sa mga nagdaang junior high years ay isa akong Class B student. Gusto kong maiba naman ito bago ako tumuloy sa senior high school.

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman problema kung hindi ka kasali sa Class A," sabi ni Papa habang sinusuot ang shades niya.

Dumating kami sa school at nakita kaagad ang pangalan ko sa listahan ng 4th Year Class B. Gusto ko sanang magtampo ngunit natigilan nang nakitang kaklase ko pa rin ang mga kaibigan ko.

"Tama ka Papa, walang problema kung nasa Class B lang ako," pahayag ko at ngumiti sa kaniya. Pakiramdam ko ay pagagalitan niya ako sa pag-aaksyong magtampo sa kaniya.

"Sabi ko naman kasi sa iyo eh," ngumiti rin siya. "Kahit saan ka pa ilulugar, kung magaling ka ay magaling ka talaga anak," dagdag niya kaya niyakap ko siya.

Ngumiti ako at inawit ang paborito kong kanta para sa kaniya.

"Cheer up dad, I am here for you. Appa, saranghaeyo," sabi ko at tumalon-talon habang sinasabayan siya sa paglalakad. Ito ang unang paborito kong kanta noong pumasok ako sa kindergarten. Nagpractice kami nito para sa Father's Day special kaya lagi ko siyang inaawitan nito kung nais ko siyang kulitin at lambingin. Hindi mapigilan ni Papa na ngumiti habang iniiwasan ang pagtitig sa akin. Tumawa rin siya nang hindi niya ako natiis. 

"Paps, you are the best. Saranghae!" sabi ko at naunang tumakbo nang tumango siya. Bumalik din naman ako upang makasabay siyang maglakad.

Pumayag si Papa sa request ko na kumain kami sa labas. Habang naglalakad kami ay nakita ko si Yuhan. Kumaway ako sa kaniya nang tumingin siya. Kahit na nakatitig lang siya sa akin ay ngumiti ako. 

Hindi ako papayag na kaswal lang na tatakbo ang buhay ko na hindi man lang makausap si Yuhan. Ngayong nasa year 4 na kami ay nararapat nang gumawa ako ng paraan.

Lalapitan ko siya. Kakaibiganin ko siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status