แชร์

CHAPTER 6

ผู้เขียน: peneellaa
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-25 22:22:11

CRISTIANNA’S POV

Napatitig ako kay Attorney Bouchard na may para bang may placard sa noo niya na nagsasabing “Baliw ako. Huwag tularan.”

Ang dami niyang sinabi pero ang naintindihan ko lang ay ang pagpapakasal ko kanya sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng kontrata.

Gusto kong matawa. Hindi ko alam kung tinatarantado niya ba ako o seryoso siya. Parang napaka-out of touch naman ng contract marriage dahil batid kong sa libro lamang nangyayari iyon.

Tinitigan ko siya ngunit puno lamang ng determinasyon at kasiguraduhan ang mga mata niya.

“Attorney…” Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway. “T-teka lang… Hindi ka ba nagbibiro?”

“I don’t joke on serious matter, Ms. Rowanda. Hindi ko hilig ang mag-aksaya ng oras,” malamig niyang sagot na nagpatindig ng balahibo ko.

“Ah… hehe…” Hilaw akong ngumiti sa kanya at napakamot na lamang ng batok.

“I’m waiting for your answer, Ms. Rowanda,” he sneered. “Would you agree to being my contract wife? Dalawang taon lang naman. Pagkatapos noon ay mag-a-annull din tayo at magpapakalayo-layo.”

“Hindi ko kasi maintindihan, Attorney… Bakit kailangan mo pang maghanap ng asawa sa kontrata? Imposible namang wala kang mahanap na lovelife mo ‘yung for real talaga.”

Inirapan niya lamang ako. “I don’t want to be married, Ms. Rowanda, if that’s what you want to know. Wala iyan sa bokabularyo ko,” pasinghal niyang sagot. “Gusto ko lang tuparin ang wish ng mga magulang kong maikasal ako.”

“Pero contract marriage lang po ito—”

“Believe me, Ms. Rowanda. I know what I’m doing. I just need your answer. Oo at hindi lang,” mabilis niyang putol sa akin, nauubusan na ng pasensya.

Napabuntong-hininga ako. Malaking bagay ang pagpapakasal at hindi dapat minamadali lang. Sagrado ito. Iyan ang turo sa akin ng mama ko.

Pero kung ganitong ito ang nakikita kong paraan para maiahon sa laylayan ang pamilya ko, hindi naman siguro masamang huwag na maging sagrado, ‘no? After all, hindi naman ito totoong kasal. Sa papel lang.

Inisip ko ang mga benepisyong matatanggap ko sa oras na maging sekretarya niya ako at maging asawa at the same time. Instant yaman kami siguro. Mababayaran na rin ang mga utang namin at hindi na kailangang magkanda-kuba-kuba ang likod ni mama sa pagtatrabaho at pagtanggap ng labado tuwing weekends.

“You still have to think, Ms. Rowanda. Hindi naman agaran ito,” agap ni Attorney Bouchard kaya bahagya akong nakahinga nang maluwag.

“Pag-iisipan ko po muna, Attorney…” sagot ko.

Tumango siya at kinuha ang wallet niya. Binasa ko ang brand.

Gucci.

Iyong simpleng wallet na ‘yun ay sapat na para mabayaran ang utang namin. Baka nga may sobra pa.

“Here’s my calling card.” Inabot niya sa akin ang maliit na kapirasong papel at kinuha ko naman iyon. “Call me if you’ve already decided so I can work with the papers.”

Tumango na lamang ako habang nakatitig sa card, pinagmamasdan ang bawat stroke ng letrang nakaukit doon na bumubuo sa pangalan niya.

Atty. Rocky Bouchard.

Pucha, apelyido pa lang mamahalin na.

“Take a rest first. Aasikasuhin ko lang ang hospital bill mo,” aniya at umalis na nang hindi man lang ako nakasagot.

Napatulala na lang ako sa pintong nilabasan niya at napahiga pabalik, saklop ang calling card niya sa dibdib ko. Tumitig na lang ako sa kisame na para bang makukuha ko roon ang sagot na gusto ko.

Wala akong alam sa mga kasal-kasal na iyan. No boyfriend since birth nga ako tapos bigla akong lulusob sa kasalan sa abogado ko? Tapos sa kontrata pa? Aba, baka maging masokista pa ako nyan sa huli.

Sa puso ko, ayokong magpakasal kay Attorney Bouchard. Oo, mabuti siyang tao pero hindi ko maaatim na matali sa isang tao na hindi ko lubusang kilala at hindi ko mahal.

Ngunit sa ngayon ay matimbang ang isip ko. Sinasabi nito na sa oras na hindi ko tanggapin ang offer ni Attorney ay patuloy na magdidildil ng asin ang mga kapatid ko at hindi matatapos ang mga tindera sa pagsugod sa bahay para maningil ng utang.

Nang bumalik si Attorney, hinintay niya lang na i-discharge ako ng doctor bago kami umalis. Pero bago iyon ay dumaan muna kami sa supermarket para raw mag-grocery para sa bahay.

“Hindi naman kailangan, Attorney… masyado ka ng maraming nagawa sa akin, nakakahiya na…” nakangiwi kong tanggi, pilit siyang hinihila paalis sa supermarket.

He just looked at me blankly. “Papasok ka sa loob o bubuhatin kita papasok?”

Nanlaki ang mga mata ko at napabitaw sa braso niya saka dali-daling pumasok sa loob ng supermarket. Dinig ko ang malalim niyang paghalakhak na naghatid ng kiliti sa sikmura ko.

Agad niya akong dinala sa aisle ng mga gulay at prutas habang siya pa ang may dala ng shopping cart. Sinubukan kong kunin iyon sa kanya ngunit umiling lang siya at nginuso ang iba’t ibang prutas.

“Get those apples. Pati iyan kunin mo… tapos iyan din… no, huwag ‘yan… get two containers… ayan, okay na…”

Napanganga na lang ako sa shopping cart na halos kalahatiin na ng mga prutas na pinagbibili niya. Pagkatapos noon ay kumuha lang kami ng mga gulay pang-sahog sa kung ano mang gusto naming lutuin.

Nahihiya na lang akong sumunod sa kanya habang naglalakad kami papunta sa frozen food and meat aisle. May naghatid na ng panibagong shopping cart sa amin dahil ang isa ay naka-ready na sa counter.

“Ikaw naman ngayon ang kumuha ng mga pagkaing magugustuhan ng kapatid mo,” utos niya. “Come on, being shy is not an option, Ms. Rowanda.”

I sighed in defeat and got as little frozen foods as I could. Hiyang-hiya na ako!

Ngunit dahil iyon ay napasimangot siya.

“Hindi ka talaga matututo, ‘no?” iiling-iling niyang wika saka binuksan ang mga ref para kumuha ng tocino, hotdog, ham, nuggest, kikiam, fishball at kung ano-ano pang easy to cook foods! Kumuha na rin siya ng mga karne gaya ng baboy at baka.

Lumipas ang ilang minutong paglilibot-libot na puno lamang ng bangayan namin ni Attorney at tatlong shopping cart! Jusko po! Nakakalula!

Hiyang-hiya na ako habang nagbabayad sa counter habang pinagmamasdan ang machine na basahin ang price. Patuloy pa itong nadagdagan nang nadagdagan hanggang sa natapos na. At nang tingnan ko ang screen ay halos lumuwa ang mga mata ko.

P10,458.95!

Jusko, ginoo… Ito na ba ‘yun? Ito na ba ang magiging asawa ko sa oras na pumayag ako sa gusto niya? Ito ba ang sinasabi niyang magbabago ang buhay ko “for the better”?

Habang nasa kotse na kami pabalik sa bahay, panay ang tingin ko sa rearview mirror upang makita ang mga box ng pinamili namin na nasa compartment at backseat.

I heard him chuckle. “I hope you know what I’m talking about now,” he said coolly.

“Trust me, Attorney, I do know now.”

“Then I hope you consider my offer. It’s just a one-time thing. May mga kondisyon lang akong ilalatag para mag-work ang arrangement na ito pero hindi ibigsabihin noon ay mawawalan ka na ng kalayaan.”

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa huminto na kami sa pamilyar na kanto ng bahay namin.

“Just think, Ms. Rowanda. Think and consider. My phone will always wait for your yes.”

peneellaa

ang sarap maging si Ms. Rowanda HAHAHAHAHAHAHA

| 3
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Arlynne Celestial
Inggit nga ako,hahaha!Papayag yan para tumugma sa "title" ng story :) Thank's author!
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 10

    ROCKY’S POV I don’t know why I’m being soft and gentle with her. Hindi naman ako ganito noon. Propesyonal ang trato ko sa mga nakakasalamuha ko maliban lamang kung malapit sa akin. And this Cristianna girl is far from that. Ilang beses pa nga lang ulit kami nagkita pero kung i-comfort ko siya ay daig ko pa ang boyfriend niya. Tsk. Boyfriend. Saan ko nakuha ‘yan? Nakakabaliw na. Isa ring misteryo sa akin na ayaw kong madaliin ang transaksyon na ‘to. Normally, I would get the papers ready as soon as possible because I don’t want to waste my time. But now telling her that she should feel comfortable and secure first feels new to me. Yet those sympathetic words came naturally from my mouth like each word was meant for me to say. Pagkatapos naming kumain sa kotse ay bumalik na rin kami sa ospital para mailipat ang nanay niya sa private room. The relief was clearly evident on Cristianna’s face, making me smile a bit while watching her. Agad ding nawala ang ngiti ko sa napagtanto. Bali

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 9

    CRISTIANNA’S POV Muling natahimik ang kabilang linya kaya mariin akong napapikit. “A-attorney? Nandyan pa po ba kayo?” untag ko. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. “Saang ospital ka?” “N-nandito po sa San Roque General.” “Okay. Stay there and wait for me. Pupuntahan kita ngayon.” Hindi na ako agad nakasagot dahil mabilis niyang ibinaba ang tawag. Hindi pa nga nag-register sa isip ko na pupunta siya rito sa disoras ng madaling araw. At mas nakakagulat na gising pa siya nang ganitong oras. Kaya ayan, nanginginig ang mga hita ko habang nasa naghihintay kay Attorney Bouchard sa bench sa harap ng ER. Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi ko na pwedeng bawiin ang sagot ko dahil buhay din ng mama ko ang nakasalalay dito. Wala na akong mahanap na ibang paraan. Dalawang taon lang, Cristianna… Tiisin mo muna ang kasal nang dalawang taon. Nakarinig ako ng mabibigat na yabag kaya napaangat ang tingin ko. Doon ay nakita ko ang seryoso at gwapong mukha ni Attorney Bouchard na

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 8

    CRISTIANNA'S POVNapaplakda ako sa sahig, doon ay tuloy-tuloy bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling mawala si mama. Iyon lang ang pagkakataon kung saan nakaramdam ako ng abot-langit na takot. Naramdaman ko na lang ang mainit na bisig ni Ron sa katawan ko saka ako umiyak nang umiyak habang hinahagod niya ang likod ko.“Magiging okay lang si Tiya Arlynne… naniniwala ako sa kanya…” bulong niya sa akin.Masakit ang naging paghihintay namin na lumabas ang doctor sa emergency room para sabihin kung ano ang nangyari kay mama. Tiningnan ko ang oras. Alas-tres na ng madaling araw. Kung na-late siguro ako ng gising ay baka maaga kaming naulila ng mga kapatid ko. Habambuhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nagkataon.Pagkatapos ng napakahabang minuto ng buhay ko, lumabas na rin ang doctor na may malungkot na mukha. Kinabog ng kaba ang dibdib ko. Tumayo ako upang salubungin siya. “Kamusta po, doc? Maayos po ba ang lagay ng mama ko?” agad kong tanong. “Yes, b

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 7

    CRISTIANNA’S POVTatlong araw na rin ang lumipas simula noong in-offer sa akin ni Attorney Bouchard ang pagpapakasal sa kanya. Tatlong araw na rin akong tinatanong ni mama kung saan ko nakuha ang pambili ng sangkatutak na groceries na ito.Hindi ko naman siya masagot. Paano naman? Anong sasabihin ko? Na ‘yung abogadong nagpalaya sa akin sa kulungan ay inaalok akong magpakasal sa kontrata sa dalawang taon? Baka masapak lang ako ni mama.Ang sabi ko na lang ay may napalunan akong contest worth 10k of groceries kaya hindi na ulit siya nagtanong at paulit-ulit na nagpasalamat. Bibong-bibo naman ang mga kapatid ko sa mga nakalipas na raw dahil puno ang mga tiyan nila.Nanakit ang puso ko sa isipin. Noong halos wala kaming makain ay hindi ko makita ang ngiti ng mga kapatid ko, malalim ang mga mata, at flat na flat ang tiyan. Sa isang iglap lang ay naroon na sila sa labas, nakikipaglaro sa mga batang ka-edaran nila nang walang inaalala kung may makakakain ba sila.Sa kabilang banda, hindi ko

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 6

    CRISTIANNA’S POV Napatitig ako kay Attorney Bouchard na may para bang may placard sa noo niya na nagsasabing “Baliw ako. Huwag tularan.” Ang dami niyang sinabi pero ang naintindihan ko lang ay ang pagpapakasal ko kanya sa loob ng dalawang taon sa pamamagitan ng kontrata. Gusto kong matawa. Hindi ko alam kung tinatarantado niya ba ako o seryoso siya. Parang napaka-out of touch naman ng contract marriage dahil batid kong sa libro lamang nangyayari iyon. Tinitigan ko siya ngunit puno lamang ng determinasyon at kasiguraduhan ang mga mata niya. “Attorney…” Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway. “T-teka lang… Hindi ka ba nagbibiro?” “I don’t joke on serious matter, Ms. Rowanda. Hindi ko hilig ang mag-aksaya ng oras,” malamig niyang sagot na nagpatindig ng balahibo ko. “Ah… hehe…” Hilaw akong ngumiti sa kanya at napakamot na lamang ng batok. “I’m waiting for your answer, Ms. Rowanda,” he sneered. “Would you agree to being my contract wife? Dalawang taon lang naman. Pagkatapos

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 5

    CRISTIANNA’S POVNagising ako sa isang malamig na kwarto. Dinig ko pa ang ugong ng aircon pati na rin ang mahihinang bulungan sa paligid.Kumunot ang noo ko dahil sa pagsakit ng ulo ko noong tinangka kong dumilat. Puti agad ang sumalubong sa akin.Jusko, nasa langit na yata ako. Hindi pa pwede, huy. Sana makababa pa ako.Ngunit habang lumilinaw ang paningin ko, doon ko napagtanto na nasa loob lamang ako ng isang ospital. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang doctor na may kausap na lalake. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko alam kung sino man ito.Sinubukan kong pumikit ulit para masigurong hindi ako nananaginip. Ngunit nang maramdaman ko ang mainit na palad na nakahipo sa noo ko ay napamulat ako.At doon ay napatili ako nang makita ko ang lalakeng pinaka-hindi ko inaasahan. Mabilis akong bumangon, dahilan kung bakit nagkauntugan ang noo namin.“ARAY!”“FUCK!”We exclaimed in unison as we touched our foreheads. Nagkatitigan kami, parehong gulat.“A-ATTORNEY?!” sigaw ko.Hindi

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status