Share

CHAPTER 23

CHAPTER 23

ZHEN GUI REN

"May napansin ka bang kakaiba?" Tanong ko kay Ping habang inaayusan ako ni Xue at Ying Nuzi para sa kasiyahan mamaya.

"Inobserbahan ko pong mabuti ang mga tagapaglingkod ng kusina. Wala po akong nakitang kakaiba sa paraan nila ng paghahanda ng pagkain." Nakayukong sagot niya sa'kin.

Kung walang kakaiba, ano 'yong kakaibang ngiti ni Ai Huang Gui Fei? Hindi kaya ay may iba pa siyang plano?

"Baka wala naman talagang siyang plano, Lady Zhen?" Tugon ni Xue.

"Pero maigi na rin 'yong nag-iingat si Lady Zhen. Hindi natin alam kung anong mangyayari." Sagot naman ni Ying Nuzi.

"Tama si Ying Gugu." Sabi naman ni Ping. "Hindi malabong may pinaplano siya kaya kailangan nating mag-ingat."

[Gugu = Aunt. It's the term used before to addressed a head maid in charged of taking care of a palace or a department.]

"Sa bagay..." Muling tugon ni Xue. "Kahit ako, nagtaka nang bigla niyang ibigay ang trabahong 'to kay Lady Zhen."

"Pero wala namang nakita si Ping na kahit ano. Maaaring
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status