Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-04-17 13:52:29

“Magwo-work na ulit ako,” sabi ko nang kalmado, kahit sa loob ko parang may bagyong hindi mapigilan. “Yung mga luma kong damit, na hindi na pang-opisina. Kaya tinanggal ko na. Bibili ako ng bago, hindi ka naman siguro masasaktan kung gagastos ako, ‘di ba?”

Tahimik siyang tumingin sa akin sandali.

Lumambot ang mukha niya.

“Of course,” sagot niya agad. “Bilhin mo lahat ng gusto mo. Kung ayaw mo, palitan mo lang.”

Wow, ang sweet, walang pakielam kung gaano kalaki ang gagastusin ko, kikiligin sana ako kung wala akong alam ngayon, pero dahil may alam ako, mag gamitan tayong dalawa.

Alam niya kung gaano ako katipid.

Kung paano ko iniipon kahit yung binibigay niyang allowance, kung paano ako natutong mamuhay nang simple, kahit nasa loob ako ng isang marangyang bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Makati.

Sinasabi ko lang lagi na ginagastos ko ang perang mga binibigay niya, pero ang totoo ay hindi. Ni singkong duling, hindi ko ginagastos, nakatabi lang, iniipon ko lang. 

Hindi na ako nakipag-usap pa, pumunta ako sa desk ko.

Binuksan ko yung laptop ko, yung luma ko pang ginagamit sa research noon, na kahit ilang taon nang nakatago, maayos ko pa ring naalagaan.

May email si Vice President Gale.

May formula ulit siyang sinend sakin, nagreply ako sakanya na magsend lang siya sakin ng mga dapat kong ayusin, ako na bahala. 

Dati, excited ako sa ganito.

Ngayon, ito na lang ang natitirang bahagi ng buhay ko na totoo.

Napansin kong hindi pa rin siya umaalis, nakatayo lang siya sa likod ko at tila pinapanuod ako, may hinihintay siya pero ayokong tanungin kung ano yun. 

Dati naalala ko, kapag umuuwi siya galing business trip, ako ang unang lalapit, yayakapin siya ng mahigpit, kukwentuhan siya ng mga ginawa ko habang wala siya, ganun ako katuwang umuuwi siya galing business trip. 

Parang bata na matagal na hindi nakita ang paboritong tao.

Pero ngayon?

Hindi ko man lang siya tiningnan.

Hindi ko siya kayang tingnan, parang naaawa na ako ngayon sa sarili ko. 

Bigla siyang lumapit.

Ramdam ko ang presensya niya, ang init ng katawan niya.

Ang pabango niyang dati kong gustong-gusto, ngayong ginagamit na rin ni Trisha, nakakasuka na. 

“Luis…” mabilis kong sabi, para maputol ang sandaling ‘yon, “gusto kong bumili ng kotse. Para mas madali akong pumasok sa trabaho.”

Hindi na siya nag-isip.

“Okay. Pili ka lang. Ako na bahala.” sabi niya, huminto siya sa paglapit sakin.

Bahagya siyang yumuko, para halikan ako pero doon, hindi ko kaya. 

Hindi ko na kinaya.

Tinakpan ko ang labi niya gamit ang kamay ko.

Nakita ko ang pagbabago sa mga mata niya, kunot-noo niya akong tinitingnan tila inaaral niya ang ekspresyon sa mukha ko. 

Pinilit kong ngumiti.

Pinilit kong magpanggap.

“Luis…” malambing kong sabi, kahit sukang-suka na ako sa sarili ko, “may sipon pa ako. Baka mahawa ka, kakagaling mo lang sa biyahe, maraming trabaho sa kumpanya, hindi ba?” sarcastic kong sabi. “Hindi maganda kung magkasakit ka.”

Huminga ako nang mabagal, at tumayo, papunta akong kama. 

“Uminom ako ng gamot… medyo inaantok ako. Gusto ko munang magpahinga.”

Tumango siya at bahagyang umatras para bigyan ako ng daan. 

Hinaplos niya ang buhok ko, parang wala lang.

“Magpahinga ka,” sabi niya. “Tatawag lang ako.”

Paglabas niya, sumunod ako sakanya, dahan-dahan, parang bata na gustong pumuslit saglit. 

Pumasok siya sa kwarto ni Trisha.

Hindi niya isinara nang maayos ang pinto.

Pagkakataon ko na para marinig ang mga dapat kong marinig. 

“Babe, binigyan mo ba si Ate Ysabel ng pampatulog?” tanong ni Trisha.

Parang tumigil ang mundo.

“Hindi na kailangan ngayon,” sagot niya. “Uminom siya ng gamot ng kusa kaya siguradong tulog na.”

Nanlamig ang buong katawan ko.

Parang may yelong ibinuhos sa kaluluwa ko.

May kaluskos ng damit.

Mahihinang halakhak, kasunod noon ang mga maiingay nilang halikan. 

Hindi ako umiyak.

Hindi rin ako sumigaw, inilabas ko lang ang phone ko, at ni-record ko.

Bawat galaw.

Bawat halik.

Bawat pagtataksil.

Nang makuntento na ako ay agad akong bumalik sa kwarto ng hindi manlang nakakalikha ng ingay. 

Para akong naging manhid, wala na akong maramdaman. 

Binuksan ko ang cabinet.

Kinuha ko yung bote ng vitamin C.

Yun ang iniinom ko gabi-gabi, akala ko para sa kalusugan ko.

Pero ngayon, hindi na ako sigurado.

Naglagay ako ng mainit na tubig sa baso.

Nagpatak ako ng iodine.

Kung vitamin C ‘to, mawawala ang kulay, naghintay ako ng ilang minuto pero hindi, nanatiling kulay kayumanggi.

Confirmed. Hindi ito vitamin C.

Unti-unting bumalik lahat, yung madalas kong pagkahilo, biglaang pagkapagod, at yung lungkot na hindi ko maipaliwanag.

Hindi iyon dahil sa stress.

Hindi iyon dahil sa kawalan ko ng anak.

Side effects iyon pala yun ng pampatulog.

Nanginginig akong napaupo, sa loob ng dalawang linggo, hindi ko iyon nainom, dahil wala siya, kung hindi ano na lang ang nangyari sa anak ko?!

Napahawak ako sa tiyan ko.

“Anak…” mahina kong bulong, “kung alam mo lang… kung gaano kasama ang ama mo, I’m really sorry kung gusto kong mawala ka noong una, hindi dahil ayaw ko sayo, pero dahil ayaw kong maranasan mo ang pangwawalanghiya ng ama mo.”

Bigla akong napahikbi.

Pero pinigilan ko rin agad dahil hindi ako pwedeng maging mahina.

Kinuha ko ang phone ko ng mag vibrate ito. 

Mapait akong napangiti ng makita ang pangalan ng Lola ko ang nakalagay sa screen. 

Siya na lang ang natitira sa akin.

“Ysay,” mahina ngunit masiglang boses niya sa kabilang linya, Ysay kung tawagin niya ako, “birthday ng Tita mo bukas. Kung pwede kayo ni Luis, punta kayo ha.”

Napatingin ako sa kisame.

Ayoko na.

Ayoko na siyang isama.

Ayoko na siyang makita kasama ang pamilya ko.

Pero paano ko sasabihin ang hindi niya pagpunta? Hindi ko kayang tanggihan si Lola.

“Sige po,” sagot ko.

___

Kinabukasan…

Paglabas ko ng kwarto saktong bungad nilang dalawa sakin, magkasama na naman. Magkatabi pa sila sa dining table, napakawalang kwenta talagang hindi manlang ako ginising para mag almusal!

Tila sila pa talaga ang mag-asawa ngayon. 

“Good morning!” masiglang bati ni Luis. “Kain na tayo.”

Umupo ako ng tahimik. 

“Si Kuya Luis ang nagluto,” sabi ni Trisha, nakangiti. “Ang swerte mo talaga, Ate Ysabel dahil ang sarap magluto ng asawa mo.”

Tiningnan ko ang pagkain.

Hindi ito yung usual naming almusal.

Hindi tuyo, hindi itlog lang, walang ham or sausage na nakahain, kundi may miso soup, may isda, may lugar na may laman na nilagang itlog at isaw ng manok. Talagang pinaghandaan niya ang almusal na ito, bagay na ngayon niya lang ginawa dahil si Ate Zari ang naghahanda ng pagkain namin palagi. 

“Kelan ka pa natutong magluto ng ganito?” tanong ko kay Luis. “Akala ko noodles lang kaya mo.”

Napatawa siya nang pilit.

“Ready-made lang lahat ng yan.”

“Ready-made? Paanong ready made ang pag gawa ng lugar na halos lahat na yata ng sangkap eh nandito?” walang gana kong sagot. 

“Marami akong natutunan sa business—”

Fuck that reason!

“Ayokong kumain, ready-made pala lahat ng to eh.” sabi ko at tumayo ako. 

Hindi ako kumain.

Uminom lang ako ng sabaw ng miso soup. 

“Pupunta tayo kila Lola mamaya,” sabi ko.

Tumango siya, hindi ko na tinapunan ng tingin si Trisha, hindi ko napansin ang reaksyon niya sa sinabi ko. 

“Matagal na rin akong hindi nakabisita.”

Pagkatapos ay nag-ayos ako, naligo agad ako at ng makabihis na ako ay bumaba na akong muli. 

Nasa sala ako, habang nasa kusina pa rin sila. 

Narinig ko si Trisha.

“Hintayin ko nalang kayo dito, lilinisin ko bahay.”

“Wag,” agad sabi ni Luis. “Magpahinga ka lang.”

Syempre.

Prinsesa ang turing niya kasi nga buntis. 

Hindi ko na hinintay pa si Luis at lumabas na ako ng bahay. 

Sumakay ako sa kotse.

Umupo sa passenger seat.

Nagsasalamin ako ng maalala kong meron nga pala akong iniwan na shades dito. Hinahanap ko ito ng may makita akong isang notebook. 

Lumang diary, hindi ko alam kung dapat ko ba itong buksan…

O kung ito na ang susunod na sisira sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 5

    Kinuha ko ang notebook. Siguro, kaya ko ito nakita dahil para malaman ko kung anong mga nakasulat dito. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan iyon, parang may kutob na ako na may mababasa akong hindi ko na kayang burahin sa alaala ko kahit kailan.Pagbukas ko pa lang, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ko.Sulat kamay ni Trisha, sobrang ganda ng penmanship niya, halata mong pinagisipan muna ang mga isusulat dito. Ang daming nakasulat sa kapal ng diary na ito, halata mong puno ng pag-ibig.“100 Wish List with Kuya Luis.”Napahinto ako.Saglit akong natawa, isang maikling, mapait na tawa na ako lang ang nakarinig.Kuya Luis.Ganun pala siya sa kanya.Hindi “Mr. Cruz.”Hindi “Luis.”Hindi katulad ko na buong pangalan ang ginagamit kapag seryoso, kundi isang tawag na puno ng lambing.Isa-isa kong binasa.At sa bawat linya, parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko.March 2. Birthday ko. Gusto kong pumunta kami ni Kuy

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 4

    “Magwo-work na ulit ako,” sabi ko nang kalmado, kahit sa loob ko parang may bagyong hindi mapigilan. “Yung mga luma kong damit, na hindi na pang-opisina. Kaya tinanggal ko na. Bibili ako ng bago, hindi ka naman siguro masasaktan kung gagastos ako, ‘di ba?”Tahimik siyang tumingin sa akin sandali.Lumambot ang mukha niya.“Of course,” sagot niya agad. “Bilhin mo lahat ng gusto mo. Kung ayaw mo, palitan mo lang.”Wow, ang sweet, walang pakielam kung gaano kalaki ang gagastusin ko, kikiligin sana ako kung wala akong alam ngayon, pero dahil may alam ako, mag gamitan tayong dalawa.Alam niya kung gaano ako katipid.Kung paano ko iniipon kahit yung binibigay niyang allowance, kung paano ako natutong mamuhay nang simple, kahit nasa loob ako ng isang marangyang bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Makati.Sinasabi ko lang lagi na ginagastos ko ang perang mga binibigay niya, pero ang totoo ay hindi. Ni singkong duling, hindi ko ginagastos, nakatabi lang, iniipon ko lang. Hindi na ako

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 3

    “What?” alam kong nagulat siya. “Opo, Sir—”“Ysabel.” tawag niya sakin. Ano, naalala ba niya, nagpa-premarital check-up kami noon. Sinabi ng doktor na less than 1% lang ang chance kong mabuntis.Kaya nga niya ako niloko.Kaya nga niya pinili ang pekeng kasal.Dahil alam niyang hindi ako magiging ina.Pero hindi niya alam, posible pa rin akong mabuntis, sa kabila ng lahat, nagpunta ako sa ospital mag-isa.“Ysabel, mag-usap tayo.” mahinahon ang boses niya, tila nakakaramdam yata siya ng konsensya o ng awa sakin?Nakakatawa na kaya pa niyang maawa, habang siya mismo ang dahilan ng pagkawasak ko.“Uuwi ako sa Sabado,” sabi niya bigla sa kasama niya doon, kay Trisha. “Sasamahan ko si Ysa.”Kung makatawag siya ng Ysa akala mo hindi niya ako niloloko, parang hindi niya kami pinagsabay at itong babae naman parang walang pakielam!“Kung hindi ka sanay mag-isa, pwede kang bumalik sa old house. Si Mama, si Wilma, matutuwang alagaan ka.”Si Wilma Cruz, ang babaeng hindi ako kailanman tinanggap.

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 2

    Ang tunog ng mga paparating na sasakyan ang nagbalik sa akin sa ulirat.Parang bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip.Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng lalaki, halos matisod pa sa pagmamadali.“Salamat.” mahina kong sabi, halatang naguguluhan pa.Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung paano ako hihinga nang normal.Nilingon ko siyang muli. Nakasuot ng custom-made na suit na halatang hindi basta-basta, yung tipong makikita mo lang sa mga CEO sa Makati o BGC.May aura siya na hindi mo kailangang hulaan, isang lalaking sanay utusan ang mundo, at hindi siya ang inuutusan. Bigla akong na-conscious, para akong galing sa bagyo, samantalang siya, parang hindi man lang naaapektuhan ng kahit anong gulo.Nakakahiya.Nakakahiya na nakita niya ako sa ganitong estado.“Okay na ako,” halos pabulong kong sabi, kahit hindi naman niya tinanong.Tiningnan niya ako sandali, parang sinisigurong hindi ako babagsak ulit.“Sige,” kalmado niyang sagot. “Walang anuman

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 1

    “Pasensya na po, ma’am, hindi po namin maipapasok sa system ang prenatal examination ninyo.”Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong katawan ko. Napahinto ako, hawak pa rin ang maliit na papel na ilang ulit ko nang tiningnan kanina, ang kumpirmasyon na sa wakas may nabubuo sa sinapupunan ko. Bagay na hindi ko kailanman inakalang mangyayari sakin. Pero, hindi maipapasok? Paano naging hindi?Ito na nga lang ang pinakahihintay kong mangyari, na akala ko imposible pa, ito na nga lang ang patunay na may bunga ang lahat ng sakit, pag-iyak, at mga gabing tahimik akong nagdarasal na bigyan ako ng sign para manatili pa rin. Bakit parang may mali?Unti-unting bumigat ang dibdib ko, tila may kung anong kaba na hindi ko maipaliwanag na sumisiksik sa bawat paghinga ko.“Bakit po?” mahina ngunit nanginginig kong tanong.Saglit na nagkatinginan ang mga staff sa harap ko, halatang nag-aalinlangan kung paano sasabihin ang susunod nilang sasabihin.“Ma’am,” dahan-dahang sabi ng receptionist,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status