LOGIN“What?” alam kong nagulat siya.
“Opo, Sir—”
“Ysabel.” tawag niya sakin.
Ano, naalala ba niya, nagpa-premarital check-up kami noon. Sinabi ng doktor na less than 1% lang ang chance kong mabuntis.
Kaya nga niya ako niloko.
Kaya nga niya pinili ang pekeng kasal.
Dahil alam niyang hindi ako magiging ina.
Pero hindi niya alam, posible pa rin akong mabuntis, sa kabila ng lahat, nagpunta ako sa ospital mag-isa.
“Ysabel, mag-usap tayo.” mahinahon ang boses niya, tila nakakaramdam yata siya ng konsensya o ng awa sakin?
Nakakatawa na kaya pa niyang maawa, habang siya mismo ang dahilan ng pagkawasak ko.
“Uuwi ako sa Sabado,” sabi niya bigla sa kasama niya doon, kay Trisha. “Sasamahan ko si Ysa.”
Kung makatawag siya ng Ysa akala mo hindi niya ako niloloko, parang hindi niya kami pinagsabay at itong babae naman parang walang pakielam!
“Kung hindi ka sanay mag-isa, pwede kang bumalik sa old house. Si Mama, si Wilma, matutuwang alagaan ka.”
Si Wilma Cruz, ang babaeng hindi ako kailanman tinanggap.
Na paulit-ulit akong pinaringgan, na wala akong silbi dahil hindi ako makapag-anak.
At ngayon?
May bagong babaeng dinadala pala doon si Luis, mga walanghiya talaga! Alam nila ang tungkol kay Trisha pero hindi manlang nila pinagbawalan! Hindi manlang nila pinagsabihan si Luis!
“Kung ano gusto mo,” malambing niyang sabi. “Pero ayoko pa sanang mahiwalay sa’yo, pwede bang sumama ako?”
Napapikit ako, bakit ko ba pinapakinggan ang kahayupan nilang dalawa?!
Gaano sika kakapal?
____
Dumating ang sabado ng hapon.
Kakagaling ko lang sa LBC para ipadala ang dalawang designer bags na naibenta ko online.
Pagpasok ko sa bahay, nakita ko sila! Sa loob ng bahay, sa loob ng bahay kung saan kami nagsimula ni Luis! Kung saan kami nangangarap, kung saan kami ng nagpa’plano.
May dalang mga maleta, parang sila ang tunay na may-ari ng bahay na ‘to.
At ako?
Bisita na lang.
“Ate Ysabel,” malambing na bati ni Trisha. “Nakakaistorbo na naman ako. Wala kasi sila Mama at Papa, nasa abroad. Ayoko mag-isa.”
Bagay talaga sila, no? Parehas silang sinungaling!
Ilang beses ko na itong pinaniwalaan noon, at ilang beses ko rin siyang tinanggap nang buong puso.
Akala ko normal lang na nasa ibang bansa ang magulang niya kaya siya sumasama samin, kaya siya nagpupunta dito, pero inaahas na pala niya ang asawa ko.
Noon, nakangiti ako kapag nandito siya, pero ngayon, tinitigan ko lang siya.
Hindi niya mabasa ang iniisip ko, kaya hinila niya ang manggas ni Luis.
Para siya ang magsalita.
Pero umiwas si Luis,na para bang natatakot.
Natatakot na mahuli.
Mayamaya lang ay lumapit siya sa akin.
“Baby, andito na ako. Ayos ka lang ba? Sabi ng assistant ko, hindi mo sinamahan si Jen sa check-up, ikaw lang pumunta sa ospital?”
Napasikip ang dibdib ko, kahit wala na si Ate Zari, ay may mata pa rin siya sa akin.
May bantay pa rin ako.
Parang kulungan, buti na lang, binura ko lahat ng records ko.
“Okay lang ako,” sabi ko, pinipisil ang palad ko para hindi ako manghina. “May konting sipon lang. Nagpa-check up ako. Ayokong mag-alala ka.”
Tinitigan niya ako.
Alam ko at pansin ko ang pagkunot ng noo nito, bakit nga ba ako pupunta ng OB-Gyne kung sipon ang problema ko? Hayaan ko siyang maging tanga rin kakaisip.
Pero bago pa siya magtanong, iniba ko na ang usapan.
“Tama na. Ibigay mo na coat mo. Isasabit ko.”
Kinuha ko ang coat niya.
Pagkalapit ko, naamoy ko agad, parehas sila ng pabango ni Trisha.
Para bang minarkahan na siya ni Trisha, parang sinasabing “sa kanya na siya.”
May kumirot sa dibdib ko.
“Nasaan si Ate Zari?” tanong ni Trisha. “Ano kakainin natin?”
“Hindi ka ba nakakain ng maayos nitong mga araw?” hindi niya sinagot si Trisha, tumingin si Luis sakin.
Napangiti ako nang bahagya.
Ako pa ang inaalala.
“Hindi ako kumakain masyado ng luto ni Ate Zari lately. Marunong naman akong magluto.”
Nagkunwaring nagulat si Trisha.
“Wow, Ate Ysabel, ang galing mo pala! Sana matikman ko luto mo habang nandito ako.”
Tumango si Luis.
“Oo nga, Ysa. Hindi pa marunong magluto si Trisha. Pwede mo siyang turuan.”
Anong turuan? Gusto kong sabihin sa mukha nilang hindi ko naman tinuruan mangbabae siya, pero natutunan niya.
Hindi ko naman tinuruan si Trisha mang-agaw ng may asawa, pero natutunan niya, at hindi ko tinuruan silang dalawa kung paano magsinungaling pero heto, harap-harapan nila akong tinatanga.
Pero ngumiti lang ako sa kanila ng malawak.
“Okay. Sandali lang.”
Habang nagluluto ako sa kusina, naririnig ko silang dalawa sa sala. Nanonood sila ng TV, ang lalakas pa ng mga tawa nila na halos napapahawak pa sa mga tiyan. Mayamaya lang ay nag-uusap sila ng random topics, hindi ko na nga masundan kasi baka mamaya maisingit ko pa kung gaano sila kasinungaling na dalawa!
Nakakatawa lang, dahil kahit nahihirapan na ako ay pinagluluto ko pa sila.
Paglabas ko, halos magsalubong ang mga kilay ko dahil sa gulo ng mesa.
May chichirya, cookies, mumo ng kung anu-ano, yung puting tablecloth na pinili ko pa sa SM Home pa, may mga mantsa na ng juice.
“Ate Ysa, tapos ka na? Ako na kukuha ng plato—”
Bigla siyang natigilan.
Halos matumba.
Agad siyang sinalo ni Luis.
“Anong ginagawa mo?” medyo galit niyang sabi. “Umupo ka lang! Hindi mo kailangang gumalaw.”
Hindi mo kailangang gumalaw, kasi buntis siya. Kasi mahalaga na siya ngayon, kasi siya ang may dala ng tagapagmana.
Para akong sirang plaka sa isip ko, lahat ng salitang sinasabi nila ay nagdodoble sa pandinig ko.
Napangiwi ako.
Biglang sumama ang pakiramdam ko.
Hindi dahil sa pagkain, kundi sa eksenang iyon.
Habang kumakain kami, ay nagsalita si Trisha.
“Ate Ysabel, bakit ang alat ng ulam?”
Ngumiti ako nang bahagya.
“Ganun ba? Baka napasobra lang ng asin.”
Kumain ako ng gulay, yun lang ang hindi maalat. Lahat ng hindi ko nilagyan ng asin ay nasakin. Ano sila sinuswerte?
“Okay na yan,” sabi ni Luis. “Mag-i-improve pa yan.”
Hindi ko na kinaya.
“Busog na ako,” sabi ko, at umalis ako.
Pagpasok ko sa kwarto, narinig ko pa siya.
“Hindi ko na kaya yung pagkain, hindi masarap, babe!”
“Orderan kita,” sabi ni Luis. “Wait ka lang. Kakausapin ko lang si Ysa.”
Pagpasok niya sa kwarto, pumunta siya agad sa CR, pinapanuod ko lang siya, nang malaman niyang sarado ito ay dumiretso siya sa walk-in closet namin.
Kumunot ang noo niya ng mapansin niyang kulang na at konti na lang ang gamit ko. Noon, hindi pa niya nalalapitan ang walk-in closet namin ay halata mo ng maraming laman.
Bumaling siya sakin at tiningnan niya ako, “Maria Ysabel,” tawag niya sa buong pangalan ko. “Nasaan yung mga damit at bag mo?”
Kinuha ko ang notebook. Siguro, kaya ko ito nakita dahil para malaman ko kung anong mga nakasulat dito. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan iyon, parang may kutob na ako na may mababasa akong hindi ko na kayang burahin sa alaala ko kahit kailan.Pagbukas ko pa lang, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ko.Sulat kamay ni Trisha, sobrang ganda ng penmanship niya, halata mong pinagisipan muna ang mga isusulat dito. Ang daming nakasulat sa kapal ng diary na ito, halata mong puno ng pag-ibig.“100 Wish List with Kuya Luis.”Napahinto ako.Saglit akong natawa, isang maikling, mapait na tawa na ako lang ang nakarinig.Kuya Luis.Ganun pala siya sa kanya.Hindi “Mr. Cruz.”Hindi “Luis.”Hindi katulad ko na buong pangalan ang ginagamit kapag seryoso, kundi isang tawag na puno ng lambing.Isa-isa kong binasa.At sa bawat linya, parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko.March 2. Birthday ko. Gusto kong pumunta kami ni Kuy
“Magwo-work na ulit ako,” sabi ko nang kalmado, kahit sa loob ko parang may bagyong hindi mapigilan. “Yung mga luma kong damit, na hindi na pang-opisina. Kaya tinanggal ko na. Bibili ako ng bago, hindi ka naman siguro masasaktan kung gagastos ako, ‘di ba?”Tahimik siyang tumingin sa akin sandali.Lumambot ang mukha niya.“Of course,” sagot niya agad. “Bilhin mo lahat ng gusto mo. Kung ayaw mo, palitan mo lang.”Wow, ang sweet, walang pakielam kung gaano kalaki ang gagastusin ko, kikiligin sana ako kung wala akong alam ngayon, pero dahil may alam ako, mag gamitan tayong dalawa.Alam niya kung gaano ako katipid.Kung paano ko iniipon kahit yung binibigay niyang allowance, kung paano ako natutong mamuhay nang simple, kahit nasa loob ako ng isang marangyang bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Makati.Sinasabi ko lang lagi na ginagastos ko ang perang mga binibigay niya, pero ang totoo ay hindi. Ni singkong duling, hindi ko ginagastos, nakatabi lang, iniipon ko lang. Hindi na ako
“What?” alam kong nagulat siya. “Opo, Sir—”“Ysabel.” tawag niya sakin. Ano, naalala ba niya, nagpa-premarital check-up kami noon. Sinabi ng doktor na less than 1% lang ang chance kong mabuntis.Kaya nga niya ako niloko.Kaya nga niya pinili ang pekeng kasal.Dahil alam niyang hindi ako magiging ina.Pero hindi niya alam, posible pa rin akong mabuntis, sa kabila ng lahat, nagpunta ako sa ospital mag-isa.“Ysabel, mag-usap tayo.” mahinahon ang boses niya, tila nakakaramdam yata siya ng konsensya o ng awa sakin?Nakakatawa na kaya pa niyang maawa, habang siya mismo ang dahilan ng pagkawasak ko.“Uuwi ako sa Sabado,” sabi niya bigla sa kasama niya doon, kay Trisha. “Sasamahan ko si Ysa.”Kung makatawag siya ng Ysa akala mo hindi niya ako niloloko, parang hindi niya kami pinagsabay at itong babae naman parang walang pakielam!“Kung hindi ka sanay mag-isa, pwede kang bumalik sa old house. Si Mama, si Wilma, matutuwang alagaan ka.”Si Wilma Cruz, ang babaeng hindi ako kailanman tinanggap.
Ang tunog ng mga paparating na sasakyan ang nagbalik sa akin sa ulirat.Parang bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip.Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng lalaki, halos matisod pa sa pagmamadali.“Salamat.” mahina kong sabi, halatang naguguluhan pa.Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung paano ako hihinga nang normal.Nilingon ko siyang muli. Nakasuot ng custom-made na suit na halatang hindi basta-basta, yung tipong makikita mo lang sa mga CEO sa Makati o BGC.May aura siya na hindi mo kailangang hulaan, isang lalaking sanay utusan ang mundo, at hindi siya ang inuutusan. Bigla akong na-conscious, para akong galing sa bagyo, samantalang siya, parang hindi man lang naaapektuhan ng kahit anong gulo.Nakakahiya.Nakakahiya na nakita niya ako sa ganitong estado.“Okay na ako,” halos pabulong kong sabi, kahit hindi naman niya tinanong.Tiningnan niya ako sandali, parang sinisigurong hindi ako babagsak ulit.“Sige,” kalmado niyang sagot. “Walang anuman
“Pasensya na po, ma’am, hindi po namin maipapasok sa system ang prenatal examination ninyo.”Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong katawan ko. Napahinto ako, hawak pa rin ang maliit na papel na ilang ulit ko nang tiningnan kanina, ang kumpirmasyon na sa wakas may nabubuo sa sinapupunan ko. Bagay na hindi ko kailanman inakalang mangyayari sakin. Pero, hindi maipapasok? Paano naging hindi?Ito na nga lang ang pinakahihintay kong mangyari, na akala ko imposible pa, ito na nga lang ang patunay na may bunga ang lahat ng sakit, pag-iyak, at mga gabing tahimik akong nagdarasal na bigyan ako ng sign para manatili pa rin. Bakit parang may mali?Unti-unting bumigat ang dibdib ko, tila may kung anong kaba na hindi ko maipaliwanag na sumisiksik sa bawat paghinga ko.“Bakit po?” mahina ngunit nanginginig kong tanong.Saglit na nagkatinginan ang mga staff sa harap ko, halatang nag-aalinlangan kung paano sasabihin ang susunod nilang sasabihin.“Ma’am,” dahan-dahang sabi ng receptionist,



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



