Share

Chapter 5

last update publish date: 2026-04-17 13:52:47

Kinuha ko ang notebook. Siguro, kaya ko ito nakita dahil para malaman ko kung anong mga nakasulat dito. 

Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan iyon, parang may kutob na ako na may mababasa akong hindi ko na kayang burahin sa alaala ko kahit kailan.

Pagbukas ko pa lang, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ko.

Sulat kamay ni Trisha, sobrang ganda ng penmanship niya, halata mong pinagisipan muna ang mga isusulat dito. Ang daming nakasulat sa kapal ng diary na ito, halata mong puno ng pag-ibig.

“100 Wish List with Kuya Luis.”

Napahinto ako.

Saglit akong natawa, isang maikling, mapait na tawa na ako lang ang nakarinig.

Kuya Luis.

Ganun pala siya sa kanya.

Hindi “Mr. Cruz.”

Hindi “Luis.”

Hindi katulad ko na buong pangalan ang ginagamit kapag seryoso, kundi isang tawag na puno ng lambing.

Isa-isa kong binasa.

At sa bawat linya, parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko.

March 2. Birthday ko. Gusto kong pumunta kami ni Kuya Luis sa Arctic, makita ang aurora… at maghalikan ng sampung minuto.

Napakurap ako.

Sampung minuto.

Hindi ko maalala kung kailan niya ako huling hinalikan nang ganoon katagal.

May 20. Gusto kong magpa-fireworks siya sa Enchanted Kingdom, at mag-propose sa akin.

Proposal.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Hindi ko manlang naranasan ang magproposed si Luis sakin, walang ganun. Walang kneeling, walang moment na pinili niya ako sa harap ng mundo.

Ang meron lang, isang papel, na ngayon alam kong peke.

July 14. Skydiving sa Dubai, naka-wedding dress ako, para hindi niya ako makalimutan…

Hindi makalimutan?

Hindi nga niya ako pinili.

Umabot ako sa dulo ng listahan.

Isang daang pangarap.

Isang daang alaala na gusto nilang buuin, at marahil isang daang bagay na ginawa na nila.

Habang ako, nasa bahay lang hinihintay lagi ang paguwi ni Luis galing sa business trip kuno. Kapag wala akong ginagawa, nag-aaral akong magluto, minsan naman pupunta ako ng OB-Gyne ko para magpacheckup kahit wala naman akong nararamdaman. At higit sa lahat, nagdarasal.

Unti-unting bumigat ang paningin ko.

Hindi ko namalayan, tumulo na pala ang luha ko.

Iningatan kong hindi magkaroon ng tunog ang pagluha ko, pero bawat patak parang may punit na bahagi ng puso ko ang sumasama.

Naalala ko, yung mga pagkakataong nakikita ko ang mga magkasintahan sa social media.

May mga bulaklak, surprises, bonggang mga proposal, lagi niyang sinasabi sakin nam hindi namin kailangan ng ganun kagarbong proposal, iba kami sa kanilang lahta, dahil mas okay daw ang simple, mas steady tingnan, at mas sincere.

Ako naman dahil mahal na mahal ko siya, naniwala ako.

Akala ko, ganun lang talaga siya.

Pero ngayon, alam ko na.

Hindi siya kulang sa pagmamahal.

Hindi siya kulang sa effort.

Hindi lang ako ang pinili niyang paglaanan.

Marahan kong isinara ang notebook.

Hindi ko kayang hawakan pa, parang bawat pahina nito sumisigaw ng katotohanan na matagal ko nang tinatanggihan.

Itinago ko ito sa compartment sa harapan ng sasakyan, tinago ko itong mabuti na parang kanina nung nakita ko ito. 

Pinunasan ko ang luha ko.

Huminga nang malalim.

Pinilit ayusin ang sarili ko.

Pag-upo niya sa driver’s seat, napansin niya agad ang mga mata ko. 

“Ysa? Anong nangyari? Umiyak ka ba?”

Ngumiti ako.

Sanay na akong ngumiti kahit hindi totoo dahil sa ginagawa niya sakin. 

“May pumasok lang na alikabok, kinamot ko napasobra yata ako.” pagsisinungaling ko kaya hindi na siya nagtanong at mas masakit dahil wala siyang pakielam. 

Malapit na kami sa bahay nina Tita Maricel.

Dalawang kanto na lang.

Pero bago pa kami makarating, tumunog ang phone niya.

“Sir, tumunog po yung smoke alarm sa bahay ninyo…”

Naramdaman ko agad ang pagbabago sa kanya, parang biglang naging alerto, parang may mas mahalagang bagay.

Nandun si Trisha, kaya ganyan siya sobrang nag-aalala. 

Bigla siyang huminto sa gilid ng kalsada.

Hindi man lang ako tiningnan nang maayos.

“Sorry, Ysabel, kailangan kong bumalik. Nandun si Trisha, baka kung mapaano siya, at kung okay na, susunod ako.”

Hindi ako sumagot.

Hindi ko na kaya.

Nararamdaman ko ang kamay niyang tinatanggal ang seatbelt ko.

Ang pintuan ko ang binuksan niya, ni hindi man lang ito bumaba para pagbuksan ako. 

Humampas sa mukha ko ang hangin sa labas.

At sa isang iglap, nasa kalsada na ako.

Umalis siya.

Hindi man lang lumingon.

Tahimik akong nakatayo sa gitna ng daan, parang si Jessie ng iwan siya ng amo niya sa Toy Story.

Parang hindi na mahalaga sa buhay niya, kaya basta na lang niya akong itinabi at iniwan. 

Mapait akong napangiti. 

Hindi pwedeng mag-smoke alarm basta-basta sa bahay namin.

Alam ko ‘yon, sinadya ni Trisha yun para bumalik si Luis sa bahay.

Doon ko tuluyang naintindihan, hindi pala kailangan ng malaking dahilan para iwan ka ng taong mahal mo. 

Kailangan lang may mas mahalaga na sayong iba. 

Huminga ako ng malalim at nilakasan ko ang loob kong tiningnan ang kalsadang nasa unahan ko. 

Pilit akong ngumiti, at marahang tinapik ang sariling balikat ko. Halos mapapikit pa ako ng maramdaman ko ang mainit na hangin.

Walang dumadaang taxi, wala ring tricycle.

Nagsimula na akong maglakad, napahawak ako sa tiyan ko at hinimas ito. 

“Dahan-dahan lang tayo, baby ko.” wala akong maramdaman, mas manhid ang puso ko kaysa paa ko.

Pagdating ko sa bahay nina Tita Maricel, narinig ko agad ang sigawan at iyakan.

“Ang sakit sakit—” sabi ni Tita Maricel habang umiiyak ito, ngunit ng makita niya ako ay awtomatikong tumigil ito, at inayos agad ang sarili. 

Narealize ko, hindi lang pala ako ang nasisira, almost perfect ang relasyon nilang mag-asawa, wala nga akong masabi dahil sobrang supportive nila sa isa’t-isa, at sobrang sweet nila parehas. Yun pala, tahimik sa labas.

Pero wasak sa loob.

At nang gabing iyon, ay umuwi agad ako. 

Mas malinaw na sa akin ang lahat, nadatnan ko silang kumakain sa sala, masaya at nagtatawanan pa, ang akala kong emergency kanina na dumating pa sa puntong iniwan niya ako sa gilid ng kalsada ay makikita ko ngayon na okay na okay at tila walang panganib na nangyari. 

Nang makita agad ako ni Luis ay lumapit siya sakin. 

“Ysa, sorry sa nangyari kanina kasi alam mo naman kung gaano kaimportante ang bahay na ito sakin, saatin. Kaya ganun na lang ako nagmadaling umuwi, kamusta nga pala ang birthday ni Tita Maricel?”

“Ayun, wasak siya sa mismong birthday niya kasi nagloko yata si Tito Brian.” hindi ako talaga sigurado kung anong dahilan ng pag-iyak niya kanina, gusto ko lang talaga siyang patamaan. 

Napansin ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya, mula sa masayag Luis kanina habang katawanan si Trisha ay namumutla ngayon. 

“Bakit? Relate kaba?” putol ko sa katahimikan. “Joke.” tumawa ako ng peke at nag peace sign. 

“Ysabel, pwede ba tayong mag-usap? Pwede bang ibigay na lang natin ang kwarto natin kay Trisha? Since bata pa siya, dalaga pa, marami siyang gamit at mas bagay sana siya sa kwarto natin.”

Hindi ba talaga siya nag-iisip? Ibibigay niya sa babae niya ang kwarto namin, kung saan kami noon nagtatabi? Naghahalikan? Nagyayakapan? Nagsasabihan ng pangarap namin sa isa’t-isa?!

Hindi na ako nasaktan.

Napagod na ako.

Kaya ngumiti lang ako at tumingin ng diretso sakanya. 

“Kung naibigay mo na sa kanya ang kwarto… bakit hindi mo na rin ibigay ang sarili mo?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 5

    Kinuha ko ang notebook. Siguro, kaya ko ito nakita dahil para malaman ko kung anong mga nakasulat dito. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan iyon, parang may kutob na ako na may mababasa akong hindi ko na kayang burahin sa alaala ko kahit kailan.Pagbukas ko pa lang, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ko.Sulat kamay ni Trisha, sobrang ganda ng penmanship niya, halata mong pinagisipan muna ang mga isusulat dito. Ang daming nakasulat sa kapal ng diary na ito, halata mong puno ng pag-ibig.“100 Wish List with Kuya Luis.”Napahinto ako.Saglit akong natawa, isang maikling, mapait na tawa na ako lang ang nakarinig.Kuya Luis.Ganun pala siya sa kanya.Hindi “Mr. Cruz.”Hindi “Luis.”Hindi katulad ko na buong pangalan ang ginagamit kapag seryoso, kundi isang tawag na puno ng lambing.Isa-isa kong binasa.At sa bawat linya, parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko.March 2. Birthday ko. Gusto kong pumunta kami ni Kuy

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 4

    “Magwo-work na ulit ako,” sabi ko nang kalmado, kahit sa loob ko parang may bagyong hindi mapigilan. “Yung mga luma kong damit, na hindi na pang-opisina. Kaya tinanggal ko na. Bibili ako ng bago, hindi ka naman siguro masasaktan kung gagastos ako, ‘di ba?”Tahimik siyang tumingin sa akin sandali.Lumambot ang mukha niya.“Of course,” sagot niya agad. “Bilhin mo lahat ng gusto mo. Kung ayaw mo, palitan mo lang.”Wow, ang sweet, walang pakielam kung gaano kalaki ang gagastusin ko, kikiligin sana ako kung wala akong alam ngayon, pero dahil may alam ako, mag gamitan tayong dalawa.Alam niya kung gaano ako katipid.Kung paano ko iniipon kahit yung binibigay niyang allowance, kung paano ako natutong mamuhay nang simple, kahit nasa loob ako ng isang marangyang bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Makati.Sinasabi ko lang lagi na ginagastos ko ang perang mga binibigay niya, pero ang totoo ay hindi. Ni singkong duling, hindi ko ginagastos, nakatabi lang, iniipon ko lang. Hindi na ako

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 3

    “What?” alam kong nagulat siya. “Opo, Sir—”“Ysabel.” tawag niya sakin. Ano, naalala ba niya, nagpa-premarital check-up kami noon. Sinabi ng doktor na less than 1% lang ang chance kong mabuntis.Kaya nga niya ako niloko.Kaya nga niya pinili ang pekeng kasal.Dahil alam niyang hindi ako magiging ina.Pero hindi niya alam, posible pa rin akong mabuntis, sa kabila ng lahat, nagpunta ako sa ospital mag-isa.“Ysabel, mag-usap tayo.” mahinahon ang boses niya, tila nakakaramdam yata siya ng konsensya o ng awa sakin?Nakakatawa na kaya pa niyang maawa, habang siya mismo ang dahilan ng pagkawasak ko.“Uuwi ako sa Sabado,” sabi niya bigla sa kasama niya doon, kay Trisha. “Sasamahan ko si Ysa.”Kung makatawag siya ng Ysa akala mo hindi niya ako niloloko, parang hindi niya kami pinagsabay at itong babae naman parang walang pakielam!“Kung hindi ka sanay mag-isa, pwede kang bumalik sa old house. Si Mama, si Wilma, matutuwang alagaan ka.”Si Wilma Cruz, ang babaeng hindi ako kailanman tinanggap.

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 2

    Ang tunog ng mga paparating na sasakyan ang nagbalik sa akin sa ulirat.Parang bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip.Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng lalaki, halos matisod pa sa pagmamadali.“Salamat.” mahina kong sabi, halatang naguguluhan pa.Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung paano ako hihinga nang normal.Nilingon ko siyang muli. Nakasuot ng custom-made na suit na halatang hindi basta-basta, yung tipong makikita mo lang sa mga CEO sa Makati o BGC.May aura siya na hindi mo kailangang hulaan, isang lalaking sanay utusan ang mundo, at hindi siya ang inuutusan. Bigla akong na-conscious, para akong galing sa bagyo, samantalang siya, parang hindi man lang naaapektuhan ng kahit anong gulo.Nakakahiya.Nakakahiya na nakita niya ako sa ganitong estado.“Okay na ako,” halos pabulong kong sabi, kahit hindi naman niya tinanong.Tiningnan niya ako sandali, parang sinisigurong hindi ako babagsak ulit.“Sige,” kalmado niyang sagot. “Walang anuman

  • I Carried His Child While He Loved Another   Chapter 1

    “Pasensya na po, ma’am, hindi po namin maipapasok sa system ang prenatal examination ninyo.”Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong katawan ko. Napahinto ako, hawak pa rin ang maliit na papel na ilang ulit ko nang tiningnan kanina, ang kumpirmasyon na sa wakas may nabubuo sa sinapupunan ko. Bagay na hindi ko kailanman inakalang mangyayari sakin. Pero, hindi maipapasok? Paano naging hindi?Ito na nga lang ang pinakahihintay kong mangyari, na akala ko imposible pa, ito na nga lang ang patunay na may bunga ang lahat ng sakit, pag-iyak, at mga gabing tahimik akong nagdarasal na bigyan ako ng sign para manatili pa rin. Bakit parang may mali?Unti-unting bumigat ang dibdib ko, tila may kung anong kaba na hindi ko maipaliwanag na sumisiksik sa bawat paghinga ko.“Bakit po?” mahina ngunit nanginginig kong tanong.Saglit na nagkatinginan ang mga staff sa harap ko, halatang nag-aalinlangan kung paano sasabihin ang susunod nilang sasabihin.“Ma’am,” dahan-dahang sabi ng receptionist,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status