LOGINAng tunog ng mga paparating na sasakyan ang nagbalik sa akin sa ulirat.
Parang bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip.
Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng lalaki, halos matisod pa sa pagmamadali.
“Salamat.” mahina kong sabi, halatang naguguluhan pa.
Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung paano ako hihinga nang normal.
Nilingon ko siyang muli.
Nakasuot ng custom-made na suit na halatang hindi basta-basta, yung tipong makikita mo lang sa mga CEO sa Makati o BGC.
May aura siya na hindi mo kailangang hulaan, isang lalaking sanay utusan ang mundo, at hindi siya ang inuutusan.
Bigla akong na-conscious, para akong galing sa bagyo, samantalang siya, parang hindi man lang naaapektuhan ng kahit anong gulo.
Nakakahiya.
Nakakahiya na nakita niya ako sa ganitong estado.
“Okay na ako,” halos pabulong kong sabi, kahit hindi naman niya tinanong.
Tiningnan niya ako sandali, parang sinisigurong hindi ako babagsak ulit.
“Sige,” kalmado niyang sagot. “Walang anuman.”
Mababa ang boses niya, may kakaibang tono na hindi ko maipaliwanag, parang may halong pagka-international ang accent, pero malinaw pa rin ang Tagalog. at aaminin ko, nakakakalmang pakinggan.
Sa gitna ng gulo sa loob ko, may parte sa akin na natahimik.
Biglang may boses mula sa likod niya.
“Sir Axel, nandyan na po ang sasakyan. Kailangan na po nating umalis para umabot sa flight sa NAIA.”
Aalis pala siya, tapos niligtas pa niya ako, inaksaya niya ang oras niya sakin na dapat natuluyan nalang ako.
Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.
Tumango siya sa assistant niya siguro, at tumingin ulit sa akin.
Isang maikling sulyap, pero parang may kung ano na kahulugan.
Pagkatapos, naglakad siya papunta sa isang mahabang itim na Rolls-Royce na naka-park sa gilid ng kalsada.
Pinagbuksan siya ng pinto ng assistant niya.
Sumakay siya nang walang lingon-lingon.
Habang unti-unting umaandar ang sasakyan nila, hindi ko maiwasang mapatingin.
___
AXEL’S POV
Sa loob ng kotse, hindi ko maiwasang mapatingin sa assistant ko habang nagsasalita siya—kitang-kita ko ang bawat galaw ng kanyang bibig, tila mabigat ang balitang dala niya.
“President Axel, hindi pa rin po natin nahahanap ang mga kamag-anak ng matandang si Dr. Sebastian Santos dito sa Makati? Gusto niyo pa po bang ipagpatuloy ang paghahanap?”
Parang may kumirot sa isip ko sa pangalang iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong pamilyar, o baka multo lang ng alaala na pilit kong inaabot pero laging dumudulas sa pagitan ng mga daliri ko. Kaya hindi ako titigil sa paghahanap sa kanya.
“Ipagpatuloy niyo. Yung acupuncture technique lang ng pamilyang iyon ang makakapagpagaling sa Lola ko.”
“Noted po, sir.”
___
YSABEL’S POV
Napakurap ako, halos dalawang minuto na yata akong nakasunod ng tingin sa likuran ng sasakyan niya habang papalayo lalo sila.
Sa mga mata niya kanina, bakit parang magkakilala kami? Bakit sa mga tingin at titig niya kanina parang matagal na kaming magkakilala?
Pilit kong iniisip kung saan ko siya nakita, nakasama ko ba siya noon, kaso kahit anong pag-alala ko, sumasakit lang ang ulo ko.
Pagdating ko sa bahay, sa malaking bahay na dati kong tinawag na “aming tahanan” sinalubong ako ni Ate Zari.
“Mam, saan po kayo galing? Kanina pa po tumatawag si Sir Luis, tinatanong kung nakauwi na po kayo.”
Napatingin ako sa paligid, nakakatuwa lang, umuwi ako dito sa bahay dahil alam ko ang address namin, alam kong nakatira ako dito limang taon na, alam ko at kabisado ko ang pasikot-sikot ng bahay na ito.
Pero nakakatawang isipin na bakit parang wala akong kilala? Bakit parang hindi ko kilala ang lugar na to ngayon?
“Ayos lang ako,” malamig kong sagot. “Lumabas lang ako kasama ang kaibigan ko.”
Saglit akong tumigil.
“Ate Zari, aalis ako ng ilang araw. Magpahinga ka muna.”
Nagulat siya.
“Ha? Pero babalik na po si Sir this weekend. Hindi niyo po ba siya hihintayin?”
Bakit ko siya kailangan hintayin, ano, para magsinungaling ulit siya sa harap ko?
Para yakapin ako gamit ang parehong kamay na humahawak sa ibang babae?
Napangiti ako sakanya,
“Okay lang, eh, ‘di, umuwi siya dito. Siya lang ba ang may karapatang umuwi at umalis?”
Halata sa mukha niya ang pagkalito pero mas nangibabaw ang pagkagulat, “pero paano—”
Lalong dumilim ang mukha ko.
“I said I’m going on a trip,” mas matigas kong sabi. “Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Mag-empake ka na. Pwede ka nang umuwi ngayon. Hindi mo na kailangan magluto.”
Natigilan siya.
Hindi siya sanay na ganito ako magsalita, pero tumango pa rin siya.
“Opo, Ma’am.”
Pero kita ko sa mata niya, na parang jina’judge niya ako.
Walang trabaho. Hindi makabuo ng anak. Tapos ganyan umasta. Siguro itong mga salitang ito ang natakbo ngayon sa isip niya.
Sanay na ako.
Matagal na.
Pagpasok ko sa kwarto, napahinnto ako.
Limang taon.
Limang taon ng alaala.
Mga photo album namin sa Tagaytay, Baguio, at Boracay, mga souvenir na sabay naming pinili, mga ceramic na sabay naming ginawa sa pottery class sa Antipolo.
Isa-isa kong tinignan, at isa-isa ko ring tinapon sa trash bin.
Yung mga branded na bag, alahas, at damit na binigay niya, hindi ko dadalhin pero hindi ko rin iiwan para sa babaeng iyon.
Kinuhaan ko ng litrato isa-isa, ipo-post ko sa Carousell.
Ibebenta ko lahat.
Walang matitira.
Walang alaala na ipapamana.
Ang mga gamit ko bago ako ikasal, yun lang ang inilagay ko sa maleta at yung mga medical books ng lolo ko, yung mga librong minsan ay pinagbawalan kong hawakan para hindi masira, maingat ko silang binalot.
Sila na lang ang totoo.
Sila na lang ang hindi nagsinungaling sa akin.
Tumawag ako ng moving company.
Pinadala ko lahat sa maliit kong condo sa Maynila, yung binili ko gamit ang perang iniwan ng lolo ko.
Hindi niya alam.
Hindi niya kailanman nalaman ang tungkol doon, at ngayon, talagang hindi na niya kailangan pang malaman.
Napatingin ako sa cellphone kong kakavibrate lang ulit.
18 missed calls, 21 Messages.
Binuksan ko ang iba dito.
“Aalis ka? Anong nangyayari?”
“Hindi ka naman mahilig lumabas.”
“Hintayin mo ako. Sasamahan kita.”
Napangiti ako.
Ang galing mo talaga, Luis.
Kaya mong hatiin ang sarili mo, sa kanya at sa akin.
Nag-reply ako.
“Si Jen, niloko ng boyfriend. Naospital. Sasamahan ko siya.” ganyan lang kasimple at sinend ko na.
Mabilis siyang sumagot.
“Okay. Ang bait talaga ng asawa ko. Spend mo lang lahat ng padala ko, wag ka magtipid.”
Kasunod noon ay tumunog muli ang cellphone ko.
₱200,000 na transfer.
Napatingin ako sa screen, bigla kong naalala, tuwing wala siya ng matagal, palaging may pera.
Palaging malaki.
Hindi pala iyon pagmamahal.
Konsensya pala.
Hindi ko napigilang magtanong sakanya kaya nagtext akong muli sakanya.
“Luis, sa tingin mo ba lahat ng lalaki nagsasawa? Kung magsasawa ka sakin, lolokohin mo rin ba ako?”
Tatlong minuto.
Bago siya sumagot.
“Ysa, iba ako. Hindi kita lolokohin. Ikaw lang ang mahal ko.”
Napanginig ang kamay ko.
Kung hindi ko nalaman ang totoo, maniniwala pa rin ako.
Gaano ako katanga? Pero hindi ko siya palalampasin.
Kahit walang kasal, may kabayaran ang limang taon.
Kukunin ko ang kalahati ng kaya kong kunin, at sisiguraduhin kong babayaran nila ang ginawa nila sakin. Siya at si Trisha.
Doble ang kukunin ko sakanila!
Pagkatapos kong i-post lahat online, nakaramdam ako ng matinding pagod.
Mas mabilis na akong mapagod ngayon, aware naman ako dahil buntis ako.
Kinabukasan…
Maraming messages, pero hindi ko pinansin.
Ibaba ko na nga sana yung phone ko pero nag vibrate ito at tumawag si VP Gale.
Sinagot ko.
“Ma’am, may problema po sa formula, kung hindi ka po busy, okay lang po ba patingin po ako?”
Napatingin ako sa laptop agad.
Kunot-noo kong tiningnan mabuti ang report.
Binuksan ko ang ibang files, at sa loob ng dalawang oras nahanap ko ang mali.
“Ma’am, salamat po, malaking tulong po kayo.”
Ngumiti ako nang bahagya.
Hindi dahil masaya ako.
Kundi dahil, naalala ko kung sino ako.
“VP Gale,” sabi ko, “babalik ako sa trabaho.”
Tahimik siya sandali.
“Sigurado po kayo?”
“Siguradong-sigurado” sabi ko.
Para sa anak ko, gusto kong magkaroon ng ipon sa sarili kong pera, ayoko ng umasa sa walanghiyang Luis na yun!
Hindi na ako yung babaeng naghihintay sa bahay.
Hindi na ako yung babaeng umiikot sa kanya.
___
Dumating ang gabi, habang naghahanda ako ay tumawag siya bigla.
Ang unusual niya talaga.
“Baby, kumain ka ba?”
“Hmm.”
“Balita ko babalik ka sa work?”
“Gusto ko lang magbago ng environment.”
Tumawa siya.
“Kahit wala tayong anak, mahal pa rin kita.”
Napapikit ako.
Ang kapal.
“Sige. Magtrabaho ka kung gusto mo. Para ka lang naglalaro doon.”
Naglalaro? Sa tingin ba niya, lahat ng ginagawa ko ay laro lang?
Hindi niya talaga ako kilala.
Biglang may boses.
“Babe, tulungan mo naman akong patuyuin buhok ko.”
Napatigil ako.
Nagmamadali siyang magpaliwanag.
“Anak lang ‘yan ng partner ko, a-ano,” nauutal pa niyang sambit, naghahanap ng salitang pwedeng ipangtapal. “Bata pa kasi, kaya makulit lang—”
“Hindi ako nagkakamali,” malamig kong sabi. “Hindi ka naman papatol sa bata, ‘di ba?”
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.
“Hindi ko gagawin ‘yan.”
Sinungaling.
Hindi na ako sumagot, hindi ko na hinayaan pang sumagot siya.
Ibababa ko na sana ang tawag ko ngunit may phone na nagring kaya agad niyang sinagot ito at naka loudspeaker pa.
“Sir, pumunta po si ma’am sa OB kahapon.”
Kinuha ko ang notebook. Siguro, kaya ko ito nakita dahil para malaman ko kung anong mga nakasulat dito. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan iyon, parang may kutob na ako na may mababasa akong hindi ko na kayang burahin sa alaala ko kahit kailan.Pagbukas ko pa lang, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ko.Sulat kamay ni Trisha, sobrang ganda ng penmanship niya, halata mong pinagisipan muna ang mga isusulat dito. Ang daming nakasulat sa kapal ng diary na ito, halata mong puno ng pag-ibig.“100 Wish List with Kuya Luis.”Napahinto ako.Saglit akong natawa, isang maikling, mapait na tawa na ako lang ang nakarinig.Kuya Luis.Ganun pala siya sa kanya.Hindi “Mr. Cruz.”Hindi “Luis.”Hindi katulad ko na buong pangalan ang ginagamit kapag seryoso, kundi isang tawag na puno ng lambing.Isa-isa kong binasa.At sa bawat linya, parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko.March 2. Birthday ko. Gusto kong pumunta kami ni Kuy
“Magwo-work na ulit ako,” sabi ko nang kalmado, kahit sa loob ko parang may bagyong hindi mapigilan. “Yung mga luma kong damit, na hindi na pang-opisina. Kaya tinanggal ko na. Bibili ako ng bago, hindi ka naman siguro masasaktan kung gagastos ako, ‘di ba?”Tahimik siyang tumingin sa akin sandali.Lumambot ang mukha niya.“Of course,” sagot niya agad. “Bilhin mo lahat ng gusto mo. Kung ayaw mo, palitan mo lang.”Wow, ang sweet, walang pakielam kung gaano kalaki ang gagastusin ko, kikiligin sana ako kung wala akong alam ngayon, pero dahil may alam ako, mag gamitan tayong dalawa.Alam niya kung gaano ako katipid.Kung paano ko iniipon kahit yung binibigay niyang allowance, kung paano ako natutong mamuhay nang simple, kahit nasa loob ako ng isang marangyang bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Makati.Sinasabi ko lang lagi na ginagastos ko ang perang mga binibigay niya, pero ang totoo ay hindi. Ni singkong duling, hindi ko ginagastos, nakatabi lang, iniipon ko lang. Hindi na ako
“What?” alam kong nagulat siya. “Opo, Sir—”“Ysabel.” tawag niya sakin. Ano, naalala ba niya, nagpa-premarital check-up kami noon. Sinabi ng doktor na less than 1% lang ang chance kong mabuntis.Kaya nga niya ako niloko.Kaya nga niya pinili ang pekeng kasal.Dahil alam niyang hindi ako magiging ina.Pero hindi niya alam, posible pa rin akong mabuntis, sa kabila ng lahat, nagpunta ako sa ospital mag-isa.“Ysabel, mag-usap tayo.” mahinahon ang boses niya, tila nakakaramdam yata siya ng konsensya o ng awa sakin?Nakakatawa na kaya pa niyang maawa, habang siya mismo ang dahilan ng pagkawasak ko.“Uuwi ako sa Sabado,” sabi niya bigla sa kasama niya doon, kay Trisha. “Sasamahan ko si Ysa.”Kung makatawag siya ng Ysa akala mo hindi niya ako niloloko, parang hindi niya kami pinagsabay at itong babae naman parang walang pakielam!“Kung hindi ka sanay mag-isa, pwede kang bumalik sa old house. Si Mama, si Wilma, matutuwang alagaan ka.”Si Wilma Cruz, ang babaeng hindi ako kailanman tinanggap.
Ang tunog ng mga paparating na sasakyan ang nagbalik sa akin sa ulirat.Parang bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip.Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng lalaki, halos matisod pa sa pagmamadali.“Salamat.” mahina kong sabi, halatang naguguluhan pa.Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung paano ako hihinga nang normal.Nilingon ko siyang muli. Nakasuot ng custom-made na suit na halatang hindi basta-basta, yung tipong makikita mo lang sa mga CEO sa Makati o BGC.May aura siya na hindi mo kailangang hulaan, isang lalaking sanay utusan ang mundo, at hindi siya ang inuutusan. Bigla akong na-conscious, para akong galing sa bagyo, samantalang siya, parang hindi man lang naaapektuhan ng kahit anong gulo.Nakakahiya.Nakakahiya na nakita niya ako sa ganitong estado.“Okay na ako,” halos pabulong kong sabi, kahit hindi naman niya tinanong.Tiningnan niya ako sandali, parang sinisigurong hindi ako babagsak ulit.“Sige,” kalmado niyang sagot. “Walang anuman
“Pasensya na po, ma’am, hindi po namin maipapasok sa system ang prenatal examination ninyo.”Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong katawan ko. Napahinto ako, hawak pa rin ang maliit na papel na ilang ulit ko nang tiningnan kanina, ang kumpirmasyon na sa wakas may nabubuo sa sinapupunan ko. Bagay na hindi ko kailanman inakalang mangyayari sakin. Pero, hindi maipapasok? Paano naging hindi?Ito na nga lang ang pinakahihintay kong mangyari, na akala ko imposible pa, ito na nga lang ang patunay na may bunga ang lahat ng sakit, pag-iyak, at mga gabing tahimik akong nagdarasal na bigyan ako ng sign para manatili pa rin. Bakit parang may mali?Unti-unting bumigat ang dibdib ko, tila may kung anong kaba na hindi ko maipaliwanag na sumisiksik sa bawat paghinga ko.“Bakit po?” mahina ngunit nanginginig kong tanong.Saglit na nagkatinginan ang mga staff sa harap ko, halatang nag-aalinlangan kung paano sasabihin ang susunod nilang sasabihin.“Ma’am,” dahan-dahang sabi ng receptionist,







