LOGINBiglang dumilim ang mukha ni Luis.
“Yinyin— I mean, Ysabel, bakit ang sarcastic mo magsalita? Si Trisha, matagal na nating kilala. Para na rin siyang bata na nakita nating lumaki.”
Tumayo si Trisha, bahagyang nakaalalay sa sofa, namumula ang mga mata niya.
“Hayaan mo na, siguro dapat umalis na lang ako.”
Kunwari pa, kita ko naman kung paano siya nagdadrama. Agad lumapit si Luis at hinawakan siya.
“Gabi na, mag-isa ka lang, tapos injured ka pa. Saan ka pupunta?”
Yumuko lang si Trisha, at nanahimik. Then Luis turned to me, halatang may inis sa boses niya.
“Itong villa, pera ko ang pinambili. So I think may karapatan akong magdesisyon kung sino ang gagamit ng master bedroom. Wala kang right makialam.”
Napatawa ako, pero hindi sa tuwa kundi sa absurdity.
Noong kinasal kami, siya mismo nagsabi, lahat ng meron siya, meron din ako.
Ngayon? Wala akong karapatan sa kwarto?
Nakakapagod.
Sobrang nakakapagod.
Hindi ko na kinaya, tumalikod ako at dumiretso sa may pintuan para magpalit ng sapatos.
“Ano na naman ‘to?” iritadong tanong niya.
Tiningnan ko siya parang estranghero na lang.
“Since ikaw naman pala ang may-ari ng bahay, wala akong karapatan dito… so ako na ang aalis.”
Napatigil siya, matagal na since huli niya akong nakitang ganito.
Siguro nakalimutan na niya na bago ako naging “perfect wife,” matigas din ang ulo ko.
Lumapit siya, pilit nagpapakalma.
“Isang kwarto lang ‘yan, Ysabel. Bakit mo pinapalaki? Hindi mo ba kayang magparaya? Kilala na natin si Trisha for years.”
Hindi na ako sumagot.
Wala na akong energy makipag-argue.
Lumabas na lang ako.
“Maria Ysabel!”
Tatawagin pa sana niya ako pero biglang narinig namin ang iyak ni Trisha mula sa likod.
Napatingin siya.
Nakita niyang nakaupo na si Trisha sa sahig, umiiyak, parang kawawa at syempre siya ang pinili niyang puntahan.
Nag-drive ako papunta sa condo ko sa Alabang.
Pagpasok ko, saka lang ako nakahinga nang maayos.
Buti na lang talaga hindi ko pinakinggan si Luis noon na ibenta ‘tong unit.
Kung hindi wala akong uuwian ngayon. Oo, binilhan niya ako ng mga villa pero lahat ‘yon, under both our names.
Hindi ko pala talaga sila “pagmamay-ari.”
Ngayon ko lang na-realize sa limang taon naming mag-asawa wala ni isang mamahaling bagay na binigay niya ang tunay na para sa akin.
Simula pa lang niloloko na niya ako sa kasal na ‘to.
Biglang kumirot ang tiyan ko.
Saka ko lang naalala hindi pa ako kumakain.
Walang laman ang ref, matagal na ‘tong walang tao.
So nag-order na lang ako ng pagkain, GrabFood, mabilis lang.
Kailangan kong alagaan sarili ko, kailangan ko ng lakas. Kasi hindi ako papayag na wala akong makuha sa paghihiwalay namin.
Kung gusto ni Trisha ng basura sige, sa kanya na si Luis.
Pero yung nararapat sa akin?
Hindi ko ibibigay.
Pagkatapos kumain, tumunog ang phone ko.
Si Luis.
Hindi ko sinagot.
Binlock ko agad.
Then pati social media. Messenger, Viber, lahat.
Blocked.
After that, humiga ako.
At dahan-dahang nakatulog.
Samantala, nagulat siguro si Luis nang malaman niyang binlock ko siya.
Sa kabilang banda si Trisha, nakahiga na sa master bedroom.
Sa kwarto ko.
Suot pa ang pajamas ko at ang unan ko, basta na lang tinapon sa sahig.
Para bang siya ang tunay na may-ari ng bahay.
“Kuya Luis, okay ka lang?” malambing niyang tanong.
Napatingin si Luis sa paligid, at parang saka lang siya natauhan.
Alam niyang particular ako sa privacy, hindi ko pinapapasok ang housekeeper sa kwarto ko.
Ako mismo ang naglilinis at ngayon pinapasok niya si Trisha.
Hindi na siya nagtaka kung bakit ako nagalit.
“Trisha… bukas ipapahanda ko yung guest room. Doon ka na lang matulog.”
Gusto pa pala niya akong suyuin.
Hah! Kumagat si Trisha sa labi, halatang nagseselos pero tinatago.
“Sorry, kasalanan ko na naman kung bakit nagalit si Ate Ysabel. Magso-sorry ako pag bumalik siya.”
“Naawa lang din ako sa’yo, sobrang sipag mo magtrabaho para bigyan siya ng magandang buhay. Kung ako ‘yon, susundin ko lahat ng sasabihin mo. Pero siya, nagtatampo pa, umaalis pa, baka nasobrahan mo siya sa spoiled?”
Napaisip si Luis.
Yung mga barkada niya lahat ng asawa nila, sunod-sunuran.
Samantalang siya?
Pinapahalagahan niya ako.
Ayaw niya akong mapagod.
Laging iniintindi feelings ko.
Pero ako naglalayas? Siguro nga nasobrahan niya ako sa spoiled. Dapat siguro hayaan niya muna ako. Para marealize ko raw kung gaano kaganda ang buhay na binigay niya at kusa akong babalik at magso-sorry.
Kinabukasan.
Maaga akong gumising, kaya naman nag-ayos at nag-makeup ako ng saktuhan lang, yung taste ko lang at alam kong hindi masyadong masakit sa mata ng iba.
Nagsuot ng corporate outfit, blazer, slacks, heels.
Five years.
Limang taon akong nawala sa career ko, kaya naman ngayon na bumabalik ako, ito, first day ko ulit at hindi ko hahayaang sirain nina Luis at Trisha ang araw ko.
Akala ko nga wala na akong chance makabalik dahil nakaset na sa isip ko na gusto kong iiwan ko ang kumpanya pero dahil sa ginagawa nila sakin ngayon, nagkaroon ako lalo ng dahilan para bumalik at kunin ang sakin.
Traffic, as usual, EDSA vibes.
Kaya bago pa ako ma-late, bumaba na ako at naglakad.
Habang naglalakad may nakita akong matandang babae na biglang nahimatay sa daan.
Maraming nakapaligid, pero walang tumutulong.
“Miss, wag mo hawakan, baka ma-scam ka,” sabi ng isang ale.
Hindi ko pinansin, kasi paano nalang kung totoong nahimatay ang matandang babae na ito, maagapan ko pa. Lumapit ako at sinuri ko ang pulso niya.
Lumaki ako sa lolo kong herbalista, marunong ako ng traditional Filipino medicine.
Kumuha ako sa dala kong maliit na case, silver needles.
Tinusok ko ang mga acupuncture points, yung nasa ilalim ng ilong, sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo, at sa ibabaw ng paa
Ilang minuto lang unti-unti siyang nagising.
Nagulat ang mga tao.
Ako naman tinulungan ko siyang umupo sa isang upuan sa labas ng isang coffee shop.
Parang Starbucks lang yung vibe. Maya-maya, luminaw ang paningin niya. Pagtingin niya sa akin biglang nagliwanag ang mata niya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Salamat, hija… anong pangalan mo? Ilang taon ka na? Saan ka nakatira?”
Ngumiti ako ng bahagya.
Hindi ko pa alam na ang simpleng pagtulong na ‘to, magbabago pala ng buhay ko.
Biglang dumilim ang mukha ni Luis.“Yinyin— I mean, Ysabel, bakit ang sarcastic mo magsalita? Si Trisha, matagal na nating kilala. Para na rin siyang bata na nakita nating lumaki.”Tumayo si Trisha, bahagyang nakaalalay sa sofa, namumula ang mga mata niya.“Hayaan mo na, siguro dapat umalis na lang ako.”Kunwari pa, kita ko naman kung paano siya nagdadrama. Agad lumapit si Luis at hinawakan siya. “Gabi na, mag-isa ka lang, tapos injured ka pa. Saan ka pupunta?”Yumuko lang si Trisha, at nanahimik. Then Luis turned to me, halatang may inis sa boses niya.“Itong villa, pera ko ang pinambili. So I think may karapatan akong magdesisyon kung sino ang gagamit ng master bedroom. Wala kang right makialam.”Napatawa ako, pero hindi sa tuwa kundi sa absurdity.Noong kinasal kami, siya mismo nagsabi, lahat ng meron siya, meron din ako.Ngayon? Wala akong karapatan sa kwarto?Nakakapagod.Sobrang nakakapagod.Hindi ko na kinaya, tumalikod ako at dumiretso sa may pintuan para magpalit ng sapatos.
Kinuha ko ang notebook. Siguro, kaya ko ito nakita dahil para malaman ko kung anong mga nakasulat dito. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan iyon, parang may kutob na ako na may mababasa akong hindi ko na kayang burahin sa alaala ko kahit kailan.Pagbukas ko pa lang, parang may malamig na hangin na dumaan sa dibdib ko.Sulat kamay ni Trisha, sobrang ganda ng penmanship niya, halata mong pinagisipan muna ang mga isusulat dito. Ang daming nakasulat sa kapal ng diary na ito, halata mong puno ng pag-ibig.“100 Wish List with Kuya Luis.”Napahinto ako.Saglit akong natawa, isang maikling, mapait na tawa na ako lang ang nakarinig.Kuya Luis.Ganun pala siya sa kanya.Hindi “Mr. Cruz.”Hindi “Luis.”Hindi katulad ko na buong pangalan ang ginagamit kapag seryoso, kundi isang tawag na puno ng lambing.Isa-isa kong binasa.At sa bawat linya, parang may mabigat na bagay na unti-unting dumidiin sa dibdib ko.March 2. Birthday ko. Gusto kong pumunta kami ni Kuy
“Magwo-work na ulit ako,” sabi ko nang kalmado, kahit sa loob ko parang may bagyong hindi mapigilan. “Yung mga luma kong damit, na hindi na pang-opisina. Kaya tinanggal ko na. Bibili ako ng bago, hindi ka naman siguro masasaktan kung gagastos ako, ‘di ba?”Tahimik siyang tumingin sa akin sandali.Lumambot ang mukha niya.“Of course,” sagot niya agad. “Bilhin mo lahat ng gusto mo. Kung ayaw mo, palitan mo lang.”Wow, ang sweet, walang pakielam kung gaano kalaki ang gagastusin ko, kikiligin sana ako kung wala akong alam ngayon, pero dahil may alam ako, mag gamitan tayong dalawa.Alam niya kung gaano ako katipid.Kung paano ko iniipon kahit yung binibigay niyang allowance, kung paano ako natutong mamuhay nang simple, kahit nasa loob ako ng isang marangyang bahay sa isang exclusive subdivision dito sa Makati.Sinasabi ko lang lagi na ginagastos ko ang perang mga binibigay niya, pero ang totoo ay hindi. Ni singkong duling, hindi ko ginagastos, nakatabi lang, iniipon ko lang. Hindi na ako
“What?” alam kong nagulat siya. “Opo, Sir—”“Ysabel.” tawag niya sakin. Ano, naalala ba niya, nagpa-premarital check-up kami noon. Sinabi ng doktor na less than 1% lang ang chance kong mabuntis.Kaya nga niya ako niloko.Kaya nga niya pinili ang pekeng kasal.Dahil alam niyang hindi ako magiging ina.Pero hindi niya alam, posible pa rin akong mabuntis, sa kabila ng lahat, nagpunta ako sa ospital mag-isa.“Ysabel, mag-usap tayo.” mahinahon ang boses niya, tila nakakaramdam yata siya ng konsensya o ng awa sakin?Nakakatawa na kaya pa niyang maawa, habang siya mismo ang dahilan ng pagkawasak ko.“Uuwi ako sa Sabado,” sabi niya bigla sa kasama niya doon, kay Trisha. “Sasamahan ko si Ysa.”Kung makatawag siya ng Ysa akala mo hindi niya ako niloloko, parang hindi niya kami pinagsabay at itong babae naman parang walang pakielam!“Kung hindi ka sanay mag-isa, pwede kang bumalik sa old house. Si Mama, si Wilma, matutuwang alagaan ka.”Si Wilma Cruz, ang babaeng hindi ako kailanman tinanggap.
Ang tunog ng mga paparating na sasakyan ang nagbalik sa akin sa ulirat.Parang bigla akong nagising mula sa isang masamang panaginip.Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ng lalaki, halos matisod pa sa pagmamadali.“Salamat.” mahina kong sabi, halatang naguguluhan pa.Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung paano ako hihinga nang normal.Nilingon ko siyang muli. Nakasuot ng custom-made na suit na halatang hindi basta-basta, yung tipong makikita mo lang sa mga CEO sa Makati o BGC.May aura siya na hindi mo kailangang hulaan, isang lalaking sanay utusan ang mundo, at hindi siya ang inuutusan. Bigla akong na-conscious, para akong galing sa bagyo, samantalang siya, parang hindi man lang naaapektuhan ng kahit anong gulo.Nakakahiya.Nakakahiya na nakita niya ako sa ganitong estado.“Okay na ako,” halos pabulong kong sabi, kahit hindi naman niya tinanong.Tiningnan niya ako sandali, parang sinisigurong hindi ako babagsak ulit.“Sige,” kalmado niyang sagot. “Walang anuman
“Pasensya na po, ma’am, hindi po namin maipapasok sa system ang prenatal examination ninyo.”Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong katawan ko. Napahinto ako, hawak pa rin ang maliit na papel na ilang ulit ko nang tiningnan kanina, ang kumpirmasyon na sa wakas may nabubuo sa sinapupunan ko. Bagay na hindi ko kailanman inakalang mangyayari sakin. Pero, hindi maipapasok? Paano naging hindi?Ito na nga lang ang pinakahihintay kong mangyari, na akala ko imposible pa, ito na nga lang ang patunay na may bunga ang lahat ng sakit, pag-iyak, at mga gabing tahimik akong nagdarasal na bigyan ako ng sign para manatili pa rin. Bakit parang may mali?Unti-unting bumigat ang dibdib ko, tila may kung anong kaba na hindi ko maipaliwanag na sumisiksik sa bawat paghinga ko.“Bakit po?” mahina ngunit nanginginig kong tanong.Saglit na nagkatinginan ang mga staff sa harap ko, halatang nag-aalinlangan kung paano sasabihin ang susunod nilang sasabihin.“Ma’am,” dahan-dahang sabi ng receptionist,







