Share

CHAPTER 4

Dala ang Mac computer niya ay pumasok ng Starbucks si Lia for her daily dose of hot Americano. May mga nirefer sa kanya ng mga client kahapon, so ginagawa niya ang mga sample computations.  Hindi niya matapos-tapos ang ginagawa sa dahilang madalas ang tinog ng cellphone niya.  At dahil sa sales siya, hindi niya maignore ang mga tumatawag at mga nagtitext.  Isa na nga sa tumatawag ay si Charlene.

“Hello!!!” masaya nitong bati.  Nafifeel niya an abot tenga ang ngiti nito sa tunog pa lang ng boses nito.

“Oh, hi!  Ano ka ba.  Kahapon lang nagkita tayo.  Don’t tell me na magkacancel ka ha?  Hindi na puwedeng irefund ang reservation fee,” paaalala niya.

“Hindi ‘no.  Tumatawag ako kasi may pinag-usapan tayo kahapon,” paaalala nito. “Ano ka ba naman Lia,pagbigyan mo na ako, please,” pagsusumamo nito.  “ I just want you to be happy.  I want lang na gantihan ang mga kabutihang ginawa mo sa akin” sabi nito.

‘Ano nga ba yon?  Haha!  Tumigil ka Charlene.  Wala akong panahon sa lovelife ngayon.  Kawawa lang ang ipapakilala mo sa akin. I bet magkocomplain at magkocomplain lang yan na wala akong time sa kanya.  Ayoko ng complications, please?” pagsusumamo niya.

“ O sige na nga kahit for business na lang, imeet mo.  Sayang din;” paalala nito.

 Napabuntunghininga muna siya bago sumagot ng malumanay. “  Pero sige, sige.  Ano ba ang balak mo?  Basta don’t expect too much ha.  Hanggang friendship lang ang kaya kong ioffer kasi talagang super busy ko ha? Tsaka tigilan mo na nga yang kasasabi mo na gusto mong gantihan ang kabutihang ginawa ko sayo ha.  There’s no such thing.” sabi niya.

“Actually, kagabi pag-uwi ko, naabutan ko si Niko dito sa bahay,” excited na sabi nito.  “Would you believe it?  Baka this is fate ha!  Isipin mo pinag-usapan lang natin tapos pag-uwi ko naroon na siya!” kilig na kilig nitong sabi.  “Pagdating na pagdating ko nga, nang tinanong sa akin ni John bakit sobrang late na ako dumating.  Nagreklamo na gutom na gutom  na sila.  Di ko kasi binanggit kay John na nag-coffee tayo at baka sabihin kay ex mo.  Kaya sabi ko lang may mga kailangan lang akong bilhin para sa anak namin. Naku, hindi ako makahanap ng tiyempo na makausap ng mag-isa si Niko.  At finally, nang pumasok ng kuwarto si John, nasabi ko rin at last!” kilig na kilig na sabi nito.  “Naku, may sasabihin ako sa’yo na sobrang magugulat ka!,” nakinikinita ni Lia na  namimilipit ito sa kilig.  Natatandaan niya na makailang ulit nilang pinanood ang Pretty Woman.  Nakasampung beses nila pinanood, namimilipit pa rin ito sa kilig. Tahimik lang siya at hinayaan na magpatuloy ang kaibigan.

“Ayun na nga. Nakita ka na raw niya dati sa isa sa mga parties ni John. Kas, hindi daw kayo napakilala sa isa’t isa kasi that time may family emergency siya. Nang dumating daw kayo ni Joey, paalis na siya. “At girl, mukhang interesado siya sa’yo ha!” ani nito. “Parang nagtwinkle ang mga eyes nang nabannggit kita sa kanya. At talagang all ears nang ikinukuwento kita sa kanya. At heto pa, gusto daw niyang puntahan ka para makita yung condo na tiningnan natin. Nagiinvest pala talaga siya sa condo. This will be his third, kung bibili siya sa’yo. Pinapa Airbnb niya at staycation. O ano? Ibibigay ko ba ang number mo? Kailangan pa pala kita iadd sa F******k at I*******m no? Sabihan ko na okay lang na tawagan ka niya ha?” kilig na kilig na tanong nito.

Napangiti si Lia sabay sabing imimeet niya ang binata. “Sige, sige,” pag give in niya.   Sana  nga bumili siya kasi malaki-laki na ang quota ko,” sabi niya.

“And guess what?  Nabanggit sa akin ni John na single na single pa rin si Niko.  At mukhang nagri-ready na talaga maging family man.  Hindi na nga raw nagtatagal sa mga company parties.  Ang aga daw umuwi.  Nagpapakita lang sa mga big bosses nila then umuuwi na.  Hindi na nga raw umiinom. Ang alam ko eh may kinahuhumalingan sa bahay- ang pamangking babae. Haha!  Hay naku!  Good catch na ito no,” kaya huwag mo nang palampasin.

“Let’s see,” tipid na sagot ng dalaga  Sabagay, hindi na lahat ng birds of the same feather ay sama-sama ngayon. Sadyang si Joey lang yata talaga ang asshole sa magbabarkada.  Kasi according to Charlene, matitino  naman ang ibang kaibigan ni John. Baka dahil sa background daw ni Joey kaya sobrang ambitious nito na walang pakialam kung may masaktan.  Kapag laki ka daw kasi sa mahirap at matalino ka, gagawin mo ang lahat para umangat.  Hindi niya alam kung pinagtatanggol ni Charlene si Joey, pero siguro kinukuwento lang nito ang ikinuwento sa kanya ng asawa. 

“ O sige, hindi na kita iistorbohin ha.  Wait mo na lang ang call ni Niko.  Sasabihan ko na lang na okay lang na tawagan ka.  Expect his call ha?  Sayang din ang benta,” sabi nito.

“Oo sige,” nakangiting sagot ni Lia.

Pagkababang-pagkababa ni Lia ng phone ay nagligpit na rin siya para bisitahin ang mga booths nila sa iba’t ibang malls.  Dati, mas tinututukan niya ang mga booths nila na mahina ang benta. Pero napag-usapan nila ng Assistant Sales Director na  para ma-reach ang quota, kailangan siya ang tutututok sa mga locations na malalaki ang projects. Madalas, siya ang nagbubukas ng malls.  Nahihiya minsan ang mga ahente na dumarating ng late at naaabutan siya. So ngayon, papunta siya sa South.  Dinadrive niya ang kanyang SUV nang nag-ring ang phone niya. Si Niko.

“Hi Lia,” bati nito.  Is it okay to talk?” tanong nito.  “I mean, I believe nabanggit na sa’yo ni Charlene na tatawag ako regarding doon sa property na pinuntahan niyo kahapon?” may halong kabang sabi nito.  “I mean if you are busy, okay lang na tawag na lang ako ulit,” dugtong nito.

“Actually I’m driving now.  Pero, we can talk later.  Siguro in an hour’s time, nasa South na ako.  I will call you later, if that is all right,” sagot ni Lia.

“Cool!” sagot nito.  “Talk to you then, “ pamamaalam nito.

“Great! Talk to you later., sagot niya. Pagkababa, napaisip si Lia kung ready na ba siyang magmingle.  Ang tagal na rin niyang hindi nagentertain ng suitors at hindi siya pumapayag sa blind date.  Well, there was once na ipinakilala sa kanya ni Tita Tes.  She thought na good candidate pero naging demanding ito sa time niya. Naging toxic and she wanted out instantly.  Also, pinagseselosan nito si Stella.  Ni minsan hindi niya hiniling na makita si Stella. Napakapossessive nito.  Gusto nito na kapag nagdidate sila ey sila lang. Kaya alam niyang walang patutunguhan ang relasyon.  Dapat mahal si Stella kung sino man ang lalaking gustong maging parte ng kanilang buhay. Naintindihan naman ni Tita Tes why it did not work out.  Pagdating naman dito kay Niko, apprehensive naman siya kasi kapag nagdecide siya na bigyan ito ng chance, para siyang pumasok na naman sa patibong at maeexpose na naman ang buhay niya sa mga taong gusto na sana niyang ibaon sa limot dahil sa mapait niyang karanasan. Magiging complicated na naman ang buhay niya- ang buhay nila ng anak niyang si Stella na pitong taon niyang pinagkaingat-ingatan upang hindi nito maranasan ang sakit  sa murang edad nito. Sa ngayon, hindi pa nito nararamdaman masyado ang kawalan nito ng ama.  Pero alam niya, darating ang oras na kailangan niyang ipagtapat kung sino ang ama nito at kung nasaan ito ngayon. Wala siyang choice at alam niyang hindi na niya maiiwasan ang nakaraan dahil kahit saan man siya pumunta, alam niyang sukol na siya!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status