Share

Chapter 20

Zedic's POV

"Paano nangyari at anong ibig sabihin nito ang sabi ninyo sa akin nabayaran ang mga pulis kaya ayaw magsalita paano n'yo nakuha ang report na 'to at bakit pareho ang araw at lugar ng pinangyarihan ng aksidente ni Emmaline Flor at ng kuya ko?" magkakasunod kong tanong at pinanatili kong kalmado ang boses ko kahit gusto ko nang sumabog sa galit.

Bago sumagot si Tiago ay sininyasan na muna ni Hector ang mga tauhan na malapit sa amin na umalis kaya kaming apat na lang ang naiwan sa isang silid na iyon.

"Pareho iyon dahil silang dalawa ang biktima sa nangyaring aksidente ng gabing iyon tatlong taon na ang nakararaan at ang sabi ng mga pulis ay mas pinili nila na manahimik kasama na rin ang pamilya ni Mrs. Flor kasi ayaw nila ng gulo boss," panimulang kwento ni Tiago. 

"Ayaw ng gulo o para takasan ang kasalan?" tanong ko kasabay noon ay ang pagkuyom ng kamao ko dahil sa galit

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status